Chapter 20

70 5 0
                                    

"Uy, kamusta ka?" Wika ni Kyle kay Stephanie na noon ay nakahiga sa kama ng school clinic.

"I'm ok. Medyo nahilo lang." Nakangiting sabi nito.

Nahuling dumating sina Me Ann at Ejay sapagkat bumili sila ng prutas at tubig para sa kanya.

"Guys! I have to tell you something." Mahinang wika ni Stephanie.

Katahimikan.

"I think something is happening. I just don't know kung ano ang nangyayari pero I think it's bad. Really bad!" Sabi ni Stephanie sa mga kaibigan.

"Yah we know about the wild animals and the flying baby eater." Sagot ni Kyle.

"Naniniwala ako na hindi lang basta wild animals yun Kyle. There is only one creature who could do that. Mga aswang. Yung lumilipad, I am thinking na manananggal yun!" Sagot nito.

"Kung ganon, tama pala ang ginawa natin Kyle, mabuti at nakapag-practice tayu araw araw at magagamit pala natin ito sa pagkakataong ito! Patayin na natin ang kilala nating nabibilang sa masasama! Wag na nating antaying umatake pa sila!" Sagot ni Ejay.

"Sa tingin ko ay hindi ganoong kadali iyon." Sagot ni Stephanie.

"Dahil ba sa marami sila?" Tanong ni Kyle.

"Hindi. Have you ever heard about the sacred treaty?" Tanong ni Stephanie.

Umiling si Kyle at Ejay.

"Ang hirap i-kwento. If I can just go home, nakasulat iyon sa isang book ni lola." Nanghihinayang na sabi nito.

"I know the story Stephanie. Noong bata ako, kinukwento ng lola ko ang tungkol diyan. Ang Sagradong Kasunduan. Or in English, Sacred treaty!" Sagot ni Me Ann.

Napalingon si Kyle at Ejay kay Me Ann.

"Let me tell you the story." Dugtong ni Me Ann at nagsimula nang magsalaysay.

"Matagal na panahon na ang lumilipas isang malaking digmaan sa pagitan ng mga itim na elemento tulad ng mga engkanto, masamang espirito, dark creatures tulad ng manananggal, aswang, bampira, mangkukulam at iba pang elemento laban sa mga anak ng araw ang naganap."

"Pumasok kayo!" Sigaw ng Pari sa mga nagtatakbuhang mga tao. Nakabukas ang mga pinto ng simbahan at malalakas na kampana ng simbahan ang maririnig sa buong baryo ng San Carlos at maraming mga tao ang nagtatakbuhan papasok sa simbahan nang gabing iyon.

"Paparating na sila!" Sigaw ng isa na noon ay nasa bubong ng simbahan.

Lalong nag-panic ang mga tao nang marinig iyon. May mga umiiyak na mga tao, may nadadapa at nakakandarapa.

Itinaas ng lalaking nasa bubong ng simbahan ang kanyang kamay at mula sa langit ay isang napakalakas na liwanag ang tumama sa kanya. Mula sa wala ay nagkaroon siya ng sandata. Isang palaso na kulay ginto.

"Mula Sa Langit na iyong tahanan, dinggin ang aking kahilingan!" Maririnig na wika ng pari. Tulad ng lalaking nasa itaas ng bubong ay isang malakas na liwanag din ang tumama dito. Maya maya ay nagkaroon na ito ng hawak na sandata, isang malaking espada.

Bukod doon ay nagkaroon din ang dalawa ng ginintuang baluti. Ang kaninang damit nila ay wala na, nakasuot na sila ng isang uri ng baluti sa pakikipag digma at nagkaroon sila ng kulay puting pakpak.

Tatlo pa sa kanila ang noon ay naging katulad din nilang nagpalit ng anyo.

Sila ang mga sinaunang mga anak ng araw.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon