Chapter 16

67 8 1
                                    

Maririnig mo ang mga malalakas na hingal ni Kyle habang nagpu-pull ups sa bakal ng abandonadong bahay.

Maririnig mo rin ang mga tunog ng kahoy na sinisibak ni Ejay nang mga pagkakataong iyon.

Iyan ang mga exercises na ginagawa nila every after try out sa basketball. Apat na araw na din ang nakakalipas matapos ang pagkamatay ng isa sa schoolmate nila at kasalukuyan silang naghahanda para kung sakaling umatake silang muli ay handang handa sila.

Hapon noon ng biyernes at kakauwi lang nila ni Ejay galing sa school. Bagamat may pasok sa eskuwela at may try out sa basketball, hindi nila kinakaligtaan ang pag-eensayo tuwing hapon at pagpapalakas ng katawan araw araw.

"Ano paalam mo sa lolo mo tol?" Si Ejay habang nagsisibak ng kahoy.

"Eight ,.... Nine,.... ten,.... Try outs tol!! Eleven,..  Twelve!"  Sagot ni Kyle sa kanya habang nag pu push ups naman.

"How's Stephanie?" Tanong ulit niya.

"Yun, magkatext kami minsan at minsan nakaka sabay ko sa canteen kumain!" Sagot uli ni Kyle na noon ay umiinom na ng tubig.

"And Me Ann?" Dugtong niya.

"Ok naman siya. Sabi tatawagan daw ako pag may update na siya o magparamdam ulit yung anino o yung kulto.." Sagot ni Kyle kay Ejay na noon ay kinuha na ang kanyang espada.

Dumating na ang mga magtuturo sa kanila at sila ay nagsanay na.

Sa kabilang dako, nagrereview naman si Me Ann ng kanyang mga aralin. Nakakalat sa lamesa sa labas ng kanilang tahanan ang kanyang mga libro. Sa labas ng bahay niya naisipang mag review nang mga oras na iyon.

Napapa-iling iling nalang siya nang makita ang palaso ng anak ng araw sa kanyang lamesa, natatabunan ng mga papel niya. Dinala ito ni Kyle kanina sa kanya.

"Hey.."

Gulat na gulat si Me Ann nang marinig si Kyle, ni hindi niya namalayang dumating ito sa kanilang tahanan.

"Seryoso a!" Si Kyle.

"Oo hehe. Exam bukas." Nakangiting sagot niya.

"Oo nga no.. Pakopya nalang ha!" Sagot naman ni Kyle na naging dahilan naman ng tawanan nila.

"I brought you something." Sabi ni Kyle.

Inilabas nito mula sa kanyang likuran ang palaso na ginamit niya noong huling gabi na kinalaban nila ang kulto.

"That's for you!" Sabi ni Kyle.

Speechless si Me Ann.

"You know. Para pag pinuntahan ka ng kulto dito e di ka na matakot.. Use this!" Sabi ni Kyle.

"Hindi ako marunong gumamit nito." Sagot naman niya.

"Just take it. Mas mapapanatag ako kung nasa iyo yan, alam mo yun. That thing can still kill those thugs!" Sagot ni Kyle na nakangiti sa kanya.

Tinanggap niya ito at ipinatong sa lamesa kung saan nakapatong ang mga books niya.

"I got to go. Mag pa-practice pa kami ni Ejay sa safe house." Pamamaalam ni Kyle.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon