Chapter 35

53 5 0
                                    

(Credits for the original owners of the pictures - google

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Credits for the original owners of the pictures - google.com)

Isang malakas na kulog ang narinig sa buong baryo ng mga mangkukulam.

Naglabasan ang mga mangkukulam at tinungo ang pinanggalingan ng tunog na iyon at maya maya lang ay nakita na nila sina Kyle, Ejay, Me Ann at Stephanie na naglalakad palapit sa kanila.

Nagpatiuna si Stephanie sa paglalakad at sinalubong siya ng kanyang ina, kasunod ang anak ng kanilang nawawalang pinuno na si Norma.

"Nagtagumpay kayo?" Tanong ng kanyang ina sa kanya.

Tango lang ang sinagot ni Stephanie at matapos ay nilingon nito si Norma na maluha luha.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Norma sa kanya.

Maya maya ay may nilabas si Stephanie na isang garapon na may lamang abo at inaabot ito sa kanya.

"Anong ibig sabihin nito?" Nalilitong tanong parin ni Norma.

Maya maya ay inikot ni Stephanie ang kanyang kamay at lumikha ito ng mahinang hangin. Makikitang biglaang bumukas ang pintuan ng bahay nila Norma at ng kanilang pinuno na si Apong Corazon at laking gulat ng lahat nang lumilipad at tinatangay na ng hangin ang itim na scarf ni Apong Corazon at ito ay nahulog papunta sa kamay ni Norma kung saan hawak na nito ang maliit na garapong may abo.

"Hindiiiii!!!!!!" Sigaw ni Norma.

Naiiyak si Stephanie na niyakap siya. Ang ginawa ni Stephanie ay ang locator spell na kung saan hahanapin ng kanilang itim na mahika ang nais nila. Noon ay sinubukan nila nang ilang ulit ang paghahanap sa matanda nilang pinuno ngunit hindi ito gumana ng ilang ulit dahil patay na ito. Ngayon ay naging specific si Stephanie sa spell na kanyang ginamit at ito na nga. Naipakita niya sa buong angkan nila na patay na ang kanilang pinuno.

Malalakas na iyak ang maririnig sa buong paligid. Pati si Me Ann ay nadala din sa iyak ng lahat ng taong nandoon at ngayon ay nakayakap na kay Kyle.

Mga ilang sandali pa ay natapos din ang kanilang pagluluksa. Nagsimulang naging abala ang lahat para sa gagawing burol ng matandang pinuno nila na sinunog para maisagawa ang matandang ritwal. Naiwan sa loob ng bahay nila Stephanie sina Ejay, Me Ann at Kyle na nagkakape. Maya maya ay pumasok ang kaniyang ina. Tumayo silang tatlo.

"Maupo kayo." Sabi nito.

"Nagpapasalamat ang aming angkan sa ginawa niyong pag puksa sa usok na gumulo sa aming mga mangkukulam. Nagpapasalamat din kami sa inyo sa pagsauli sa natitirang itim na insenso na pinangangalagaan ng pinuno namin at higit sa lahat ay nagpapasalamat kami at kahit papaano ay naiuwi ninyo ang aming pinuno. Kahit abo na ay malaking bagay ito para sa amin sa gagawin naming ritwal, ang pagpapasa ng pamumuno." Tuloy tuloy na sabi nito sa tatlo. Sabay pumasok si Stephanie at tinawag ang kanyang ina.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon