Chapter 6

109 8 2
                                    

Natapos din ang flag ceremony. Ang lahat ng estudyante ay nakapilang nagsilakad papunta sa kanilang classroom. As usual, habang umaakyat ay hindi maiiwasan ang mga kwentuhan ng mga kaklase ni Me Ann. Rinig niya ang mga usapang

"Peram naman ng notes mo."

"Napanood mo ba yung palabas na ..."

"San ka nagpagupit?"

"Ano sasama ka mamaya? Try out ng basketball team natin tol." Si Ejay, niyayaya si Kyle na sumali sa basketball team.

"Sige subukan ko kung madala ni Mang Cardo yung sapatos ko saka jersey ko saka pagbibihisan." Sagot naman ni Kyle na ngayun ay hawak na ang cellphone. Siguro ay tinext na niya si Mang Cardo, ang driver niya.

Mabuti pa to si Kyle na bagong transfer e may kaibigan na. Siya, wala. Nasabi niya sa sarili niya.

Narating na din nila ang classroom. Kanya kanya sila ng lapag ng bag at naupo na sa kanilang upuan.

Pagkaupo niya ng ilang minuto ay huling nakapasok ang mga matatangkad na boys dahil huli sila sa pila. At ayun, tinungo na ni Kyle ang kanyang desk chair - walang iba kundi sa tabi niya.

Nag busy busyhan si Me Ann ng mga time na yun wag lang mapalingon sa kaliwa niya kung saan nandon si Kyle. Tamang tama, kailangan pa niyang mag review ulit para masiguradong wala siyang ma miss sa mga napag-aralan ng mga nagdaang mga araw para sa long test nila sa algebra. Ewan ba niya, kahit ano ang review niya ay walang pumapasok sa isip niya. Mga kalahati ng klase ang nagbabasa ng notes habang nag hihintay kay Mr. Fe Carrona, ang kanilang Algebra teacher at ang iba ay nag dadaldalan. Naisip niya na lingunin ng sikreto si Kyle. Ano kaya ang ginagawa nito? Tanong nito sa sarili.

Sinubukan niyang tingnan ito gamit ang gilid ng kanyang mata, dahan dahan ang ginawa niyang paglingon para di halata. At ayun, nag ce cellphone ang mokong. Kunwari ay may kinuha siyang gamit o notebook sa kanyang bag na nasa kaliwa niya malapit sa desk ni Kyle at ayun, nakita niya - 12 Friend requests. Nag fe facebook siya.

Maririnig mo sa kabilang row ang isang babae nilang classmate na nagsabing "Kyle accept mo ko ha?!" - Pa sigaw yun.

"Ok, Ito na po!" Sagot naman niya na nakangiti.

Napa iling iling nalang si Me Ann na nagbubuklat ng notebook niya.

Maya maya lang,..

"Hi, Kyle pala." Nabitawan pa ni Me Ann ang ballpen niya nang makita niyang naka harap si Kyle sa kanya at nakalahad ang kamay upang makipag shake hands sa kanya.

Dahan dahan niya itong nilingon, hindi niya ito nginitian kahit na nakangiti ito sa kanya.

"Hindi ka ba mag rereview? May long test tayo kay Mr. Caronna, I don't think na exempted ka." Mababang tonong sagot niya sabay iwas ng tingin dito at binaling uli ang atensyon sa binabasa.

"Sungit mo naman." Sabi nito, naka ngiti parin, parang nang aasar.

Hindi na niya tinangka na lingunin ito. Hindi niya masisi ang mga girls na nagpapapansin dito kasi hindi mo naman maikakaila na gwapo ito. Ang amo ng mukha at cute ngumiti. Mukha pang malinis sa katawan dahil tuwing natatapat sa kanila ang electricfan na umiikot sa taas ay natatangay nito ang mabangong body spray na gamit nito.

"Sayang ang ganda mo pa naman!" Dugtong nito.

Para siyang malulusaw sa kinauupuan nito, hindi na niya alam kung ano ang itsura niya. My goodness nagba blush ba siya? Ang nakaka tawa pa, nalimutan niyang pulutin ang ballpen na nahulog kanina at si Kyle pa ang pumulot, ngayon ay inaabot ito sa kanya.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon