Malalim na ang gabi nang magising si Me Ann. Nang silipin niya ang kanyang relo ay kaka 1am palang. Nagpunta siya sa CR ng mga ilang minuto at bumaba upang uminom ng tubig. Madilim ang buong bahay at tanging ilaw lang sa labas ng kanilang pintuan ang nagsisilbing liwanag tuwing gabi. Sadyang nakasanayan na ng kanilang pamilya na patay ang lahat ng ilaw kapag sila ay matutulog na. Matapos siyang uminom ay tinungo na niya ang hagdan. Antok na antok siya sa mga pagkakataong iyon pero isang hindi maipaliwanag na dahilan ang nang gising sa kanyang ulirat.
Nagtaasan ang mga balahibo niya at may kung anong hangin ang parang nasa loob ng kanilang bahay. Nawala ang antok niya at natigilan sa pag akyat. Hindi niya gusto ang ganitong pakiramdam. Kapag nakaka ramdam siya ng ganitong pakiramdam ay may mangyayari na naman sa kanya na hindi maiintindihan ng normal na tao kahit pa ang kanyang mga magulang. Sadyang napaka damot na ba ng gabi sa kanya? Isa lang namang mapayapang pag tulog ang nais niya pero bakit habang tumatagal ay ipinagkakait ito sa kanya.
Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Dahil nga madilim ang bahay ay wala siyang makita kundi kaunting liwanag na nagmumula sa kanilang bahay. Muli niyang naalala ang pakiramdam noong mga panahong pinagkakamalan siyang may sira ang pag iisip. Ang pangyayari noong elementary siya na kung saan isang araw ay may mga bagay siyang nakikita na hindi nakikita ng isang normal na tao. Noong bata pa lamang siya ay madami na siyang nakaka larong mga batang hindi niya naman akalain na siya lamang ang nakaka kita. Ang akala ng mga magulang niya ay mga imaginary friends lamang niya ang mga ito hanggang sa mag elementary siya, hindi lamang mga bata ang nakikita niya. Lahat na ng uri ng mga elemento ay nakikita na niya, mga babaeng naka puti, naka itim, isang lalaki sa puno, mga engkanto at kung ano pa. Ang bagay na hindi niya malilimutan ay ang pag papakita ng isang demonyo sa kanya at akmang aagawin ang kanyang katawan. Malaking kaguluhan ang nangyari noon dahil sinundan siya ng masamang elementong ito kahit saan siya magpunta. Ipinatingin siya ng kanyang mga magulang sa mga espesyalista dahil ang kanyang mga magulang ay hindi naniniwala sa ganon ngunit isa lang ang lumalabas sa mga resulta ng kaniyang mga tests - walang problema at psychological disorder ang problema niya. Napagkamalan pa siyang baliw na kumalat naman sa buong baryo. Hanggang ngayon ay pinag durusahan niya ang pangyayaring iyon kahit napagaling na siya ni Doctor Tan Madrigal dahil walang gustong makipag kaibigan sa kanya. Miss Weirdo nga ang tawag sa kanya sa school.
Matagal na panahon din na nanatili siyang magaling hanggang noong isang linggo nagsimula na naman ang ganito niyang pakiramdam at araw araw lumalala. Noon, panaginip lang ang gumigising sa kanya sa gabi. Binigyan naman siya ni Doctor Tan ng mga ilang pampatulog at pampakalma na sa umpisa ay naging epektibo naman ngunit kalaunan ay wala na naman. Ang masama pa ay parang bumabalik na naman ang bagay na kanyang kinakatakutan - ang makakita ng mga ibat ibang uri ng elemento dulot ng malakas niyang third eye na noon ay naisara na ni Doctor Tan. Sa lahat ng mga doktor ay ito lamang ang naniniwala sa kanya. Sino nga ba ang mag aakala na isang doktor ang may paniniwalang ganon at nakakapagpagaling ng mga kakaibang karamdaman na ukol sa paranormal. Sabi niya ay isang lihim lamang ito. Nag prisinta siyang tulungan siya noon sapagkat ayon kay Doctor Tan ay nangako siya sa kanyang lolang namatay na dadating ang panahon na kakailanganin ng kanyang apo ng kanyang tulong at iyon na nga ang pagkakataong iyon. Doon niya nalaman na isang anak ng araw si Doctor Tan, ayon na din sa salaysay nito.
"Doc, bukas na ba ulit?" Tanong niya kay Doctor Tan noong nakaraang mga araw na dumaan siya sa clinic nito ngunit ang sabi niya ay kung nakaka kita ulit siya ay siguradong nabubuksan ulit ito.
"Anak, huwag mong katakutan ang espesyal na kakayahan mong ito. Kung wala na tayung magawa para mapanatiling naka sara ito, bakit hindi mo yakapin ang bagay na meron ka at harapin ang iyong kinakatakutan?" Hindi niya malilimutan ang mga katagang ito ni Doctor Tan. Siya lamang ang nakaka unawa sa kanya at malaki ang pasasalamat niya dito dahil ito ang mismong nag prisinta noon pagalingin siya noong mga panahong wala nang naniniwala sa kanya. Ang sabi, hindi tulad ng iba ang third eye niya. May mga bagay na meron siya na wala sa simpleng may third eye na nakaka kita lang. Katulad noong araw din na iyon na naka salamuha niya si Kyle Madrigal, ang apo ni Doctor Tan na noon ay bumibisita sa kanyang lolo. Aksidenteng nagdikit ang kanilang mga braso at sa di inaasahang pagkakataon, nakita niya ang masalimuot na nakaraan nito. Hindi lamang niya nakita iyon, nakapunta pa ang kanilang ulirat sa nakaraan at nakita nila ang ilang pangyayari sa pagkamatay ng ina nito. Nakakaawang binata, nabanggit nalang niya sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...