Nakabalik na ng safe house sina Kyle, Me Ann, Ejay at Stephanie. Matapos nilang bisitahin ang dating tahanan ng dwendeng dilaw na pumanaw na ay nagsimula na naman silang mag-research research gamit ang mga sinaunang aklat ng mga anak ng araw.
"Wait. I remember one time na sinabi mong hindi sila nasasaktan ng kahit na sino. Paano napatay yung dwendeng yon?" Tanong ni Kyle habang ngumunguya ng chips na binubuklat ang aklat ng talaan .
"That I don't know. Hindi ko na siya tinanong kasi sugatan siya. Ang una kong tinanog siyempre ay kung sino ang may gawa sa kanya non at wala siyang ibang isinagot kundi wala nang panahon. Sa kamara ng kayamanan ng hari daw matatagpuan ang punyal at magmadali daw tayo. Then I came back here immediately." Sagot ni Me Ann.
"How did you end up on that place anyway?" Dugtong ni Stephanie habang may niluluto na namang kung ano sa lutuan.
"Stephanie ano ba yan ambaho!!" Reklamo ni Ejay nang maamoy ang niluluto nito.
"Relax, ngayon palang ay tiisin mo na! Iinumim mo din to pag natapos!" Sagot ni Stephanie.
"What? I don't care kung white o black o green magic yan whatever. Ambaho niyan! Ayaw ko uminom niyan!" Reklamo ni Ejay.
"As it turns out bro, you don't have a choice. Kung totoo ngang may way para makapasok tayo sa kaharian ng mga dwende e hindi mo gustong makita ka nila ng ganyan, papatayin ka ng mga asul na dwende na ang sabi nga ni Me Ann ay mga sundalo o alagad nila. You will be a trespasser on that place. Baka gawin kang asawa o sex slave ng mga dwende don!" Sagot ni Kyle. Ang ginagawa kasi ni Stephanie ay isang potion na iinumin nila para magbalatkayo bilang dwende kapag nakapasok sila sa kaharian nila. It's an advance spell na kapag tiningnan sila ng dwende ay makikita sila bilang mga dwende din at hindi bilang mga tao.
"Oh Come on Kyle! Be realistic! Anong asawa at sex slave, gawin kamong katulong, alila o tagasilbi don! Sinong magkakagusto kay Ejay? Kahit lamang lupa o kutong lupa hindi aasawahin yan, baka ibalik pa sayo yan!" Sagot na pang aasar ni Stephanie.
"What? Sinong pangit ang sinasabi mo? Kung di mo alam e madami nagkakagusto sakin! Baka kung pinanganak akong mayaman na tulad ni Kyle e maputi din ako! Besides, look at this muscles! And this abs!" Sagot nito na nag flex sa harap ni Stephanie at itinaas ang suot na tshirt para ipakita ang abs nito.
"Yuck! Lumayo ka nga sakin!" Sabi ni Stephanie dito sabay amba ng sandok sa kanya.
Nagtatawanan na sila sa loob.
"Tawa ka diyan Me Ann, ang no boyfriend since birth! Pag nanligaw ba ko sayo e wala akong chance?" Tanong nito kay Me Ann.
Napatingin dito si Me Ann. Si Kyle naman ay napatingin kay Me Ann na naghihintay ng sagot dito.
"Ahhhmmm.. You are a good man Ejay. Of all people, ikaw ang isa sa hindi nambully sakin. You are indeed cute and tall and you don't need na magpaputi na tulad ni Kyle. Mas ok ka na ganyan. Lalaking lalaki ang datingan and yet...." Hindi pa natatapos na sabi ni Me Ann nang sumabat si Stephanie.
"And yet Me Ann has a very high standards!" Sabad ni Stephanie.
"Grabe ka naman sa high standards!" Sagot ni Me Ann, this time namumula na pero para hindi mahalata ay muling itinuon ang mata sa Aklat na binabasa.
"Don't tell me na may someone na diyan sa puso mo!" Sagot ni Ejay.
"What!! No!!" Sagot naman ni Me Ann.
"Wait. Let me describe him. Matangkad, maputi, malinis, toned ang katawan, mayaman..." Explain ni Stephanie.
"Oh shut up Stephanie!" Sabi ni Me Ann dito sabay hagis sa notebook na nadampot niya.
Muling tawanan ang maririnig sa buong bahay.
"Guys wag naman yang notebook ko! Tingnan niyo at nalukot na!" Reklamo ni Ejay.
"Oh come on Ejay. We both know na tamad kang magsulat at walang naka sulat diyan! I don't even know kung bakit nasa section 1 ka!" Sagot ni Stephanie dito.
"I'm sorry if I need to ask. Does that mean may crush ka na? Kilala ba namin yan?" Tanong ni Kyle dito.
Parang lalamunin na sa upuan si Me Ann. Si Kyle? Tinatanong kung sino ang crush niya? Hindi ito sumagot at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng aklat. Nagbusy busyhan.
"You will not believe me if I told you!" Nakangiting sabi ni Stephanie sa boses na nang-aasar.
"Come on guys! Can we just change the topic!" Reklamo ni Me Ann.
"Alright let's change the topic then. Paano ka nga ulit naka punta don? Paano mo nalamang mamamatay na ang dwende na iyon?" Tanong ni Ejay.
"The shadow of Dark omen showed up and lead me there!" Malungkot na sagot ni Me Ann na tinutukoy ang anino na nagpapakita sa kanya kung may masamang mangyayari o may mamamatay.
"What? Until now e hindi mo parin iniinom yung potion na ginawa ko for you?" Tanong ni Stephanie.
"It's not gonna work." Sagot niya.
"Why?" Tanong ni Kyle.
"Look!" Sabay ibinuhos niya ang potion na nasa loob ng pulang bote na ginawa ni Stephanie. Kung noon ay kulay puti ito, ngayon ay kulay itim na ito na akala mo ay lason.
"Sorry Me Ann, baka may nagawa lang akong mali sa ingredients,.." Sagot ni Stephanie dito habang kinukuha ang bote mula sa kanya.
"No Stephanie. It's not the ingredients. It's part of the bargain kasi itong black na bote ang pinili ko remember? Kaya hawak ko na ang bato ng pag-ibig ngayon. I passed the test! Ang pag-ibig ay matatawag lamang na pag-ibig kung may kalakip na pagsasakripisyo. And I chose this curse to save you guys! And it's worth it! We succeeded and here we are, lahat tayo buhay! Not to count na nasa akin ang bato ng pag-ibig at nasa atin din ang bungo that can bring us anywhere!" Sagot ni Me Ann.
"I'm sorry if you have to go through this Me Ann. Gusto mo ba kausapin ko si Maria? Isosoli ko yang batong yan pati tong bungo!" Sagot ni Kyle habang hinahawakan ang kanyang kamay.
"No Kyle. I think I'm ok! Sabi nga e hindi ko matatakasan ang kapalaran ko. I think I just need to accept who I am! Look! Nagagamit na natin ulit ang kapangyarihan ko!" Pagmamalaking sabi nito.
"Besides, you will need the stone kapag nahanap mo na ang kasamahan mong anak ng araw! I'm just a stone keeper for now pero pag dumating na ang kasama mo, ibibigay ko to sa kanya. At least di na siya mahihirapan! Besides, we need that skull para makapunta tayo sa kaharian ng mga dwende." Patuloy na sagot ni Me Ann.
"Speaking of kaharian ng mga dwende, kulang tong ingredients ko! Can someone get this, tatlong kutsara ng tintang itim ng pugita at tatlong hibla ng bigote ng kambing." Sabi ni Stephanie habang hinahalo ang niluluto nito.
"Oh my goodness!" Me Ann.
"Ewww! Ano ba yan!" Kyle.
"I am not taking that!" Reklamo din ni Ejay.
"I'm not kidding! Kailangan ko nga!
Maririnig ang malalakas na tawanan sa loob ng bahay nang mangamoy muli ang mabahong niluluto ni Stephanie.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...