Naging mahangin sa kagubatan kung saan naroroon si Me Ann. Ang pakiramdam na muling matakot at muling kilabutan ang nararamdaman niya nang mga panahon na iyon. Mukhang uulan pa ata at pati ang langit ay sumasabay at ngayon ay kaharap niya ang kaluluwa ni Mariang Evada matapos niya sabihing tinatanggap niya ang pagsubok na para sa anak ng araw upang tamuhin ang kapangyarihan ng bato na kung tawagin nito ay bato ng pag-ibig.
Ang kanyang katawan ay naiwan sa labas ng kweba kasama ng heneral ng kampon ni Azazel na si Rada. Sa pagnanais na matunton ang kinaroroonan ni Kyle, ang sinasabing huling anak ng araw ay tinungo nila ang spirit world sa pamamagitan ng paglalakbay sa nakaraan ngunit hindi nila ito inabutan. Sa kabutihang palad ay tinulungan naman siya ng kaluluwang isinumpa - si Maria.
Sa pagkakataong iyon ay makikita sa hindi kalayuan ang nilalang na kanyang kinakatakutan. Ang anino ng masamang pangitain na kung saan tuwing may mangyayaring masama sa paligid ay nagpapakita ito at tuwing gabi ay nagigising siya dahil sa pananakot nito.
Nawalan na ba ng talab ang potion ni Stephanie na ginawa para sa kanya? Ilang linggo na din siyang umiinom ng potion na mula sa maliit na boteng may pulang label na tumutulong kay Stephanie upang maging payapa ang kanyang pagtulog, mamuhay ng normal at hindi na makita ang iba't ibang elemento kasama na ang itim na aninong nagpapakita sa kanya ngunit kasama na din dito ang paglalakbay sa nakaraan. Simula noong uminom siya nito ay hindi na siya nakapaglakbay sa nakaraan hanggang ngayon dahil si Heneral Rada pala ay katulad niya ring may kapangyarihan na maglakbay sa nakaraan.
Naalala niyang ipinasok niya ang mga bote sa loob ng kanyang bag at hindi niya ito dala ngayon. Ngayon niya higit na kailangan ang potion para muli ay mawala sa kanyang paningin ang itim na anino. Laking gulat niya nang muli ay isang liwanag na naman na nagmumula sa tungkod ni Maria ang nagliwanag sa buong kagubatan. Ngayon ay lumulutang na sa kanyang harapan ang tatlong bote. Ang pulang bote, ang asul na bote at ang Itim na bote. Maya maya ay nagsalita si Maria.
"Narito ang mga boteng kailangan mo sa iyong buhay. Ang pula ay upang maitago ang iyong kapangyarihan at muli ay maka-iwas sa iyong mga masasamang pangitain kasama na ang anino na alam kong nakikita mo din. Ang asul na bote ay upang mawala ang epekto ng ininom mo mula sa pulang bote at ang itim naman ay upang maipatawag ang anino na iyong kinakatakutan. Ang iyong pagsubok ay isa sa mga boteng iyan ang iyong dapat piliin. Iyong tandaan na kapag napili mo na ang isang bote ay mawawalan ng bisa ang dalawa pa kahit likhain muli ito ng kahit na sino. Bagamat ito ang bato ng pag-ibig ay ang iyong puso ang kanyang susukatin at pagtapos ay makakabalik ka agad agad sa iyong katawan at malalaman mong nakapasa ka sa pagsubok kung hawak mo na ang batong ito." Paliwanag ni Maria.
"Narito ang iyong pagsubok. Ang pulang bote, ay nadagdagan ng karagdagang sangkap. Ang tubig mula sa batis na ito. Kapag ito ang iyong pinili ay matutupad ang iyong pangarap. Mamuhay ng normal. Hindi mo na kailangang magpagawa pa ng paulit ulit sa iyong doktor o sa mangkukulam para mapanatiling payapa ang iyong pagtulog at pamumuhay. Ito ang pangarap ng iyong puso. Ang matagal mo nang inaasam asam at pinapangarap. Kung ito ang pinili mo ay maliligtas ka sa lahat ng kapahamakan kasama na ang naka-ambang panganib sa iyo." Paliwanag ni Maria.
Maya maya ay nakita niyang lumiwanag ang batis at nakita niya ang kanyang katawan na naka upo sa gubat kaharap ang masamang heneral na nagsama sa kanya sa paglalakbay na ito. Ang panganib na tinutukoy nito ay ipinakita din ng batis. Naglalakad na pabalik ang heneral at mukhang babalik na ito sa kanyang katawan.
"Sa nakikita ko ay mukhang babalik na sa kanyang katawan ang iyong kalaban. Siguradong papaslangin ka niya kapag makabalik siya sa kanyang katawan lalo at galit na galit siya dahil sa ginawa mong pagtakas sa kanya. Iyan ang tulong sayo ng pulang bote. Kunin mo nang maligtas ka at matupad ang matagal mo nang inaasam asam na mamuhay ng payapa at normal." Paghihikayat ni Maria at ngayon ay biglang lumutang papunta sa kanyang harapan ang kulay pulang bote.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...