"What are we doing on this abandoned house at this hour?" Bungad ni Stephanie kina Kyle at Me Ann na noon ay nasa loob ng bahay kung saan sila nag ensayo sa paghawak ng sandata kahapon.
"Hi Stephanie, thanks for coming. May clue na si Me Ann kung sino ang susunod na biktima." Si Kyle ang sumagot.
"Really? At this hour? You do realize na mag aalas dos palang ng madaling araw!" Sarkastikong sagot ni Stephanie.
"What would you expect? Magpakita ang kulto ng tanghaling tapat?" Sinagot din siya ni Me Ann na nang-aasar. Inirapan naman siya ni Stephanie.
Maya-maya ay pumasok na si Ejay sa loob. Ipinark kasi niya ang motor na ginamit niya na pansundo kay Stephanie. May dala itong mga gamit at mukhang mabigat ito. Sunday na ng madaling araw at eto sila, solving a case na walang ibang makakapagresolba kundi ang katulad nila na expose sa paranormal.
"How did you manage to get pass through the shield anyway?" Tanong ni Me Ann sapagakat alam niya na hindi pwede si Stephanie na pumasok sa lugar na nasasakop ng mga Madrigal - mga Anak ng araw.
"Simple lang Me Ann. Hindi kami dumaan sa harap ng mansyon. Dito kami dumaan sa bukid, sa kaliwa - lagpas sa mansyon. Kyle mentioned na hindi abot ng shield tong safe house na to." Si Ejay ang nag explain.
"Hence you still call it a safe house?" Naiiling na sagot ni Me Ann. Kung hindi pala ito protektado ng shield, bakit sila nandito.
"This is an abandoned house na pag-aari din namin. Walang mag-aakala na dito tayo pupunta dahil wala naman pumupunta dito at ito na ang end ng road. Ang plano nga ni Mayor Lopez e dugtungan ang kalsada para maabot yung mga naka tira doon sa liblib na lugar." Sabi ni Kyle habang nakaturo sa kaliwa.
"So you're saying na dinaan mo sa bukid yung motor?" Me Ann.
"Hindi. May makipot na daan doon papunta dito. Ang hirap i-explain pero hayaan mo at daanan natin don one time." Ejay.
"Blahh blahh blahh. Enough with the chit chat. Who are we saving then?" Tanong ni Stephanie.
"Sorry I don't have much details but it has something to do with a gray sock!" Sagot ni Me Ann.
"What??? I went all this way na ang clue lang ay medyas?" Reklamo ni Stephanie.
"Alam mo puro ka reklamo. Umuwe ka nalang kaya!" Me Ann.
"Wala kasing kwenta yang clue mo!" Stephanie.
"Would you guys please.... Calm down! Wag naman kayo mag away!" Mahinahong awat ni Kyle sa dalawa.
Kaunting katahimikan.
"Ejay mentioned na nagpakita muna ang anino sayo bago kumatok sa bahay niyo yung kulto." Basag ni Stephanie sa katahimikan.
"Yes.I noticed na tuwing may mangyayaring hindi maganda ay nagpapakita sakin ang anino. Then ayan na, may mangyayari na. I called Kyle immediately nang umalis na yung kulto sa bahay, hawak ang gray na medyas." Me Ann.
Nagkalkal sa kanyang bag si Stephanie at nilabas ang isang maliit na libro.
"Is this the one?" Ibinaba niya sa lamesang naroon at tiningnan nila pareparehas ang naka drawing sa aklat niya.
Laking gulat ni Me Ann nang makita na iyon nga! Ang matagal nang gumugulo sa kanya!
"Paano......" Speechless na sagot ni Me Ann.
"On the looks of you, ito nga!" Sagot ni Stephanie.
"Anong klaseng libro yan?" Tanong ni Kyle.
"This is a book that has been passed on to me by my grandmother. Libro to ng mga mangkukulam. Maraming mga bagay ang naka sulat dito like spells, potions, and even the steps on how to summon that shadow is written here." Pareparehas silang napanganga sa gulat.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...