Matagal na pag-uusap ang naganap sa pagitan ng dwende sa panig nila Kyle at ng mga asul na dwende. Ngayon ay nasa tapat na ng maliit na gate ng palasyo sina Kyle at upang makadaan doon ay kailangan silang pahintulutan ng dalawang nagbabantay doon.
"Ayaw tayong papasukin sa loob." Sabi ni Stephanie habang nakatingin sa mga nag-uusap na mga dwende. Dahil may kalayuan ang kinaroroonan ng mga dwende sa kinatatayuan nina Kyle, hindi maririnig ng kanilang grupo ang anumang mga pinag-uusapan ng mga ito. Ngunit sa kakayahan ni Stephanie na makabasa ng isip ay siya ang nag-iinterpret ng pinag-uusapan ng mga ito.
"Tayo daw ang mga tao na hinahanap ng mga kawal at walang pahintulot na pumunta dito." Patuloy nito.
"Sana ay papasukin tayu. Ito na ang huli nating pag-asa para makuha ang punyal at makauwe na!" Sagot ni Me Ann dito.
Mga ilang minuto din ang nakalipas at makikitang umiiling ang isang bantay na akala mo ay napilitan at itsurang desmayado. Marahil ay sa wakas ay napilit din nila ito dahil papunta na sa kinatatayuan nila ang kanilang kasamahan.
"Maaari na tayong pumasok!" Masayang sabi ng matandang dwende.
"Yehey!!!" Halos magtatalon silang apat sa tuwa.
Tunay naman na pinapasok sila. Sa pag kakataong ito ay bukod sa mga sampung puting dwende na kasama nila ay ay may nakasunod ding anim na asul na dwende ang nagbabantay sa kanila. Siguro ay protocol ng palasyo dahil hindi naman sila mga dwende at walang pahintulot ang kanilang pagpasok. Hinayaan lang silang makapasok ng siguro ay kaibigan nilang dwende na noon ay nagbabantay doon.
Tunay nga na mahigpit ang seguridad sa palasyo. Makikita ang mga asul na dwende na nakabantay sa bawat sulok ng palasyo at sa mga taas na bahagi nito. Kahit nakasara ang lahat ng mga lagusan ng palasyo at madilim, hindi parin maikakaila na maganda ang kaharian ng mga dwende. Maraming samut saring mga bato ang nakadikit sa mala pilak na ding ding at haligi ng palasyo at ang araw na tumatama sa mga malalaking salamin nito ang nagpapaganda sa buong kaharian.
Hangang hanga ang apat sa nakikita. Mahihiya kang tumapak sa sahig sapagkat sobrang linis nito at ang mga babasaging salamin na nasa paligid ay makikita mong napaka linis din. Umaakyat sila ngayon sa pinaka-taas ng kaharian. Laking gulat nila nang mapansin na ang salamin na kaninang tinitingnan nila ay isang napakalaking estatwa ng kanilang hari. Isang babasaging salamin na nililok ng mga mahuhusay na dwende pagdating sa larangan ng paggawa ng rebulto. Ngayon ay makikitang nasa gitnang bahagi sila ng palasyo sapagkat kita pa nila ang kamay at katawan ng estatwa ng hari at kapag tumingala ka ay makikita mo ang ulo ng estatwa ng hari na malapit sa nakapinid na malaking pinto ng palasyo tungo sa trono ng hari.
Maya maya lang ay narating na rin nila sa wakas ang pinaka tuktok. Pinagbuksan sila ng apat na gwardiya ng palasyo. Kasama ng sampung mga puting dwende at ng matandang lilang dwende na kasama nila ay pumasok na sila sa trono ng haring dwende. Laking gulat nila nang ang buong paligid ay napapalibutan ng ginto. Ang upuan ay ginto at ang lahat ng kagamitan doon ay lahat mamahalin. Nakatayo ang mahigit kumulang dalawampung matatandang lilang dwende na nakahilera na nakapalibot sa kanila. Dumaan silang lahat sa gitna ng mga nakatayong dwarf wizzards at nakalapit din sila sa wakas sa trono ng hari.
Wala ang hari ng mga oras na iyon. May tatlong upuan doon na kung iisipin mong maigi ay upuan ng hari, reyna at ng kanilang anak na prinsipe. Dahil wala ang mga ito ay kinailangan nilang mag-antay sa hari ng mga dwende.
Maya maya may lalaking nagsalita.
"Magbigay pugay kay Haring Marwan!!" Sigaw ng isa na naka tayo sa gilid at baba ng trono. Ang upuan ng hari, reyna at prinsipe ay kailangang akyatin ng ilang hakbang katulad ng mga tipikal na trono ng mga maharlika.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...