Isang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi.
"Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili.
Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon.
Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...
Madilim sa kweba ngunit dahil may dalang sulo si Heneral Rada ay naging gabay nila ito para makita ang kanilang dadaanan.
"Nasaan siya!!" Galit na tanong niya kay Me Ann.
"Marahil ay hanggang dito lang ang pwede nating lakbayin. Inaasahan ko din na makikita ko si Kyle sa paglalakbay na ito ngunit sa hinuha ko ay nauna na siya at di na natin naabutan." Sagot ni Me Ann.
"Wag mo akong lokohin! Dapat ay makikita natin siya dito dahil ito ang gusto kong makita! Ang nakaraan niya na naglakbay sa kwebang ito pero nasaan siya!!!" Galit na lumapit siya kay Me Ann.
"Ikaw ang maraming beses nang nakapaglakbay sa nakaraan dapat ay alam mo na hindi lahat ng nakaraan ay pwedeng balikan. Hindi ka pwedeng mamili kung anong nakaraan ang babalikan mo lalo kung hindi mo naman alam kung saan ka pupunta! Kung ako yan mag-isa ay marahil ay nakita ko siya! Wag mong isisi sa akin ang kapalpakan mo!" Matapang na sagot ni Me Ann at insulto nito dito. Halos sampalin na siya ng heneral sa sinagot nito ngunit hindi nito itinuloy. Marahil ay naisip din nitong tama siya.
Sa isip ni Me Ann ay salamat at hindi naman nila natunton kung saan naroon si Kyle. Alam niya na ang paglalakbay sa nakaraan ay hindi laging kung saan mo gusto kundi kung saan ka mas karapat dapat dalhin. Limitado ang pwedeng lakbayin lalo kung hindi mo alam kung saan ka pupunta. Ang sabi nga ay hindi mo pwedeng dayain ang kasalukuyan at hinaharap sa pamamagitan ng paglalakbay sa nakaraan at isa ito sa halimbawang iyon. Naalala niya ang paglalakbay na ginawa nila ni Kyle noon nang dalhin sila sa panahong hindi sila sigurado ngunit dinala sila sa nakaraan ng magulang nila, noong panahon na ang mga sinaunang anak ng araw ay nireresolba ang panggugulo ng mga kulto.
Maya maya ay isang liwanag ang nakita nila. Nanggagaling ito sa kalayuan at unti unting lumalapit sa kanila. Laking gulat nila nang makita ang isang magandang babae na may hawak na tungkod ang nakatingin sa kanila. Ang liwanag ay nagmumula sa bato na nagmumula sa kanyang tungkod. Lumiwanag ng sobra na halos ikasilaw ng kanilang mga mata. Kahit nakapikit ay maaaninag mo parin ang sobrang liwanag na nagmumula dito.
Habang nakapikit ay may narinig si Me Ann na boses.
"Idilat mo ang iyong mga mata at magmadali kang sundan ako!" Boses ito ng babae.
Unti unti niyang dinilat ang kanyang mga mata at sa pagkakataong iyon ay makikita ang sobrang liwanag mula sa kanyang tungkod ngunit hindi na siya nasisilaw. Nang tingnan niya ang heneral ay maririnig ang sigaw nito sa sobrang pagkasilaw.
Lumakad ang babae at sinundan naman niya ito. Mga ilang minuto ang nakalipas ay napansin ng heneral na wala na si Me Ann. Galit na galit siyang tumakbo para hanapin ito ngunit napansin niyang wala na ito at natigil siya dahil may dalawang daan ang humarang sa kanya at hindi niya alam kung alin ang pipiliin sa dalawa, kung kanang daan ba o kaliwa.
"Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"
Rinig ni Me Ann ang sigaw ng Heneral sa di kalayuan. Marahil ay galit na galit ito dahil natakasan siya nito.
Ngayon ay sinusundan niya ang babaeng ito na mukha namang hindi nananakit. Ang nakakapagtaka lang ay nasa paglalakbay siya sa nakaraan, paano sila natunton ng babaeng ito? Doon naging malinaw ang lahat. Ang babaeng ito ay ang babaeng kaluluwa na nakatira sa bundok na ito. Ang babaeng isinumpa!
Nang matigilan siya sa paglalakad ay nagsalita ang babae.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Huwag kang matakot. Ako si Maria, ang kaluluwa sa bundok na ito. Ako ang bantay sa batis na ito at isinumpang habang buhay magpagala gala ang kaluluwa." Paliwanag nito hanggang sa marating nila parehas ang batis na tinutukoy nito.
"Ito ang batis na nagpapagaling ng lahat ng karamdaman at pumupuksa ng kahit anong uri ng apoy! Obligasyon ko na pangalagaan ang lugar na ito mapa sa hinaharap man o sa nakaraan kaya alam ko kung may naglalakbay sa nakaraan! " Patuloy na paliwanag niya.
"Kung ganoon ay tama si Kyle. Makakatulong ang tubig na ito para mapuksa namin ang apoy na lumilikha ng usok sa taas ng bundok!" Sagot ni Me Ann sabay tinakbo ang batis.
Laking gulat ni Me Ann nang hawakan niya ang tubig ay hindi man lang nabasa ang kanyang kamay. Tiningnan niya ang babae.
"Nakakalimutan mo ata manlalakbay na kaluluwa mo ang nandito! Hindi mo mahahawakan yan!" Sagot niya.
Pumayapa si Me Ann at nanatiling nakatayo habang sinusundan ng tingin si Maria na naglalakad.
"Dinala kayo ng inyong kapangyarihan sa nakaraan ngunit ang nakaraan na ito ay pagkatapos nang manggaling ng anak ng araw sa lugar na ito. Sa katunayan ay nandoon na siya sa taas ng bundok kung nasaan ang iyong mga sugatang kaibigan." Patuloy na paliwanag nito.
"Kung ganon, maaari mo ba kong tulungan?" Tanong niya dito.
Tumigil ang babae at tumingin sa kanya.
"Maaari." Sagot nito habang lumalapit na sa kanya.
"Ang batong ito na nakikita mong nasa aking tungkod ay mapapasaiyo. Marami itong taglay na kapangyarihan na maaari niyong magamit ng anak ng araw para sa misyon na ito at sa mga susunod niyo pang mga misyon ngunit ito ay sumasagisag sa walang hanggang liwanag. Kailangan mong mapatunayan ang iyong sarili upang makuha mo ito at magamit ang kapangyarihan nito." Paliwanag ni Maria.
"Paano?" Tanong niya.
"Ito ang bato ng pag-ibig. Ang isa sa limang pangunahing bato na kailangang hanapin ng anak ng araw upang magkaroon ito ng kapangarihan at mabuo ang kanilang mahihiwagang sandata. Marahil ay alam mo na, na kung isang mataas na uri ng kampon ni Azazel o pinuno ang inyong nakaharap ay hindi tatalab sa kanila ang inyong mga sandata? Sapagkat ito ay kulang ng pangunahing sangkap at ito iyon!"
Naalala ni Me Ann ang sinabi ni Stephanie noon na ang gamit nga nilang sandata ay hindi ang mga sandata ng mga anak ng araw. Maaaring nakapatay na ito at ilang ulit nang nakatulong sa kanila ngunit kahit siya ay alam na may sandata na karapat dapat para sa mga nakatataas na pinuno ng kampon ng sinaunang demonyong si Azazel. Napatigin siya sa babaeng engkantada na ngayon ay naghihintay din ng isasagot niya.
"Una ay hindi ako anak ng araw. Pangalawa ay kung nanggaling na dito si Kyle ay bakit hindi siya ang binigyan mo ng ganitong pagsubok at nang sana ay hawak na niya ang batong iyan? Iyon ay kung tunay talaga na gusto mong tumulong sa amin!" Naninigurong tanong ni Me Ann, mahirap nga namang maniwala sa kung sino sino lalo at ngayong niya lamang nakilala ang babaeng ito. Sa pagkakataong iyon ay pinairal niya ang pagiging matalino. Hindi nga naman lahat ay dapat pagkatiwalaan. Isa sa tanong sa isip niya ay paano napunta sa kanya ang batong iyon kung mahalaga ito sa mga anak ng araw.
"Ang batong ito ay hindi para sa supremo bagkus ay para sa kanyang isa sa apat na pangunahing tagasunod. Ang bato na dapat niyang hanapin ay ang bato ng hustisya, na siyang kumakatawan sa pagiging patas at makatarungang alagad ng liwanag. Hindi para sa kanya ang batong ito!" Sagot ni Maria.
"Ngunit hindi ako anak ng araw para sa pagsubok na ito!" Sagot niya.
"Tama ka manlalakbay. Hindi ka anak ng araw ngunit hindi mo ba gustong subukan ang pagsubok upang maligtas mo ang iyong mga kaibigan? Malay natin kung makapasa ka sa pagsubok na ito at kahit hindi ka anak ng araw ay magamit mo ang kapangyarihan ng batong ito!" Sagot ni Maria.
Hindi siya makapagsalita.
"Kailangan ko na ang iyong pasya manlalakbay." Tawag atensyon sa kanya ni Maria.
Naisip ni Me Ann ang kanyang mga kaibigan na ngayon ay nasa panganib na. Dahil doon ay sumagot siya kay Maria.
"Tinatanggap ko ang iyong pagsubok!"
Umalingawngaw sa buong paligid ang tinig niya at muli ay nagliwanag ang bato na nasa tungkod ni Maria na naging dahilan ng pagpikit niya dahil sa liwanag nitong nakakasilaw.
Dumilat si Me Ann. Malayo na sa kanyang harapan si Maria at nasa kabilang dulo na ito ng batis.
Nagtaasan ang balahibo ni Me Ann. Kahit ang balahibo niya sa batok ay nagtataasan na din. Nanginginig ang kanyang buong katawan at hindi maipaliwanag na takot ang kanyang nararamdaman. Isa lang ang ibig sabihin nito. May mangyayaring hindi maganda at malamang ay magpapakita sa kanya ang aninong kanyang kinakatakutan. Ang anino ng masamang pangitain.
At tama nga! Nakatayo ito sa likod ng puno na hindi nalalayo sa kanya at ito ay nakaharap sa kanya.