Chapter 33

54 7 12
                                    

"Kunin mo ang bungong ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kunin mo ang bungong ito. Alam ko na hindi mo pa nahahanap ang iba pang mga anak ng araw na dapat ay kasama mo sa mga ganitong misyon ngunit habang wala pa sila ay gamitin mo ang kapangyarihan nito." Sabi ni Maria.

Hindi makatanggi si Kyle sa alok ng babae. Tama nga naman na kailangan niya ng kapangyarihan sa ngayon upang maipagtagumpay ang kanyang misyon kaya kinuha niya ito mula sa bato kinalalagyan nito.

"Ipinapangako kong ibabalik ko din pag tapos!" Sabi ni Kyle.

Nakangiting naglaho si Maria.

Maya maya ay inutusan ni Kyle ang bungo upang masubukan ang kapangyarihan nito. Inutos niya dito na dalhin siya sa kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan at iyon nga. Bigla siyang naglaho at lumitaw sa isang pamilyar na lugar. Sa likod ng mayayabong na dahon at halaman malapit sa altar ng usok ng itim na insenso.

Tunay na makapangyarihan ang matandang bungo. Tama nga na kayang dalhin nito ang kahit na sinong may hawak nito sa lugar kung saan niya gustuhin. Hiniling ni Kyle na dalhin siya nito sa lugar kung nasaan ang kanyang mga kaibigan at eto siya ngayon, sa altar kung saan nagniningas ang apoy na kanilang nais patayin.

Ngayon ay alam na niya ang dahilan. Nakita niyang nakatali sa isang puno si Ejay at si Stephanie ay nakahiga sa lupa at walang malay. Ibig sabihin pala ay habang naglalakbay siya sa loob ng kweba ay malamang nahuli ng mga kampon ni Azazel ang mga ito.

Laking gulat niya ng makita ang mukha ni Stephanie na lapnos na ang balat. Sobrang pag-aalala ang naramdaman niya ng mga oras na iyon kaya naman ay inutusan niyang mawala muna ang bungo sa kanyang kamay at nangyari naman. Bahagi ito ng kapangyarihan ng bungo, ang magtago muna hanggat hindi pa ito kailangan ng kanyang panginoon.

Tiningnan ni Kyle ang buong paligid ngunit wala na doon ang mga alagad kaya naman ay dali dali niyang tinakbo ang kinaroroonan ni Stephanie at laking gulat niya nang biglaang magsilitaw ang mga alagad na nagtatago lang pala sa likod ng puno. Ginamit nilang pain si Stephanie para siya ay lumitaw at nagtagumpay naman sila.

Mahabang labanan ang naganap. Nakapatay si Kyle ng hindi lalampas sa limang kalaban ngunit nahuli siya ng isa sa mga ito. Nasikmuraan siya na siya naman ang naging dahilan ng pagkakaluhod nito sa lupa. Nang mabitawan nito ang espada nito ay sinipa ito palayo at hinila ang kanyang buhok patalikod upang palitawin ang kanyang leeg, handa na nila itong gilitan sa leeg at patayin.

"Mabuhay si Azazel!" Sigaw ng mga kawal.

Kasabay ng sigaw nilang ito ay lumakas ang apoy sa altar.

"Panginoong Azazel, handog namin sayo ang huling anak ng araw!" Sabi ng isa.

Tiningnan nito ng mata sa mata si Kyle at kinuha ang kanyang sandata mula sa kanyang likuran.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon