Chapter 25

56 7 1
                                    

Sabado ng umaga...

"Me Ann anak!! Gumising ka na, tanghali na!" Katok ng kanyang ina sa kanyang kwarto. Nagising naman si Me Ann.

Nang tingnan niya ang orasan ay alas diyes na ng umaga. Tanghali na nga. Marahil ay napagod siya sa trabaho niya kagabi sa Lopez manor.

Naka hawak siya sa kanyang noo. Paano ba naman ay hindi nga siya ginugulo ng anino at kung ano anong masamang pangitain niya ngunit ang mukha naman ni Devron ang naaalala niya kahit sa panaginip.

Napailing siya. Isinuot niya ang kanyang robe sapagkat naka-pajama lang siya at walang kahit anong panloob. Bumaba siya sa kusina at kumain na. Nauna na ang kanyang ama't inang kumain dahil tulad ng routine ng dalawa ay dadaan ito sa mga pwesto nila sa bayan.

"O anak, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha? May pwede kang lutuin na lunch diyan o kung gusto mo bumili ka nalang kina Aling Tessa ng lutong ulam." Bilin ng kanyang ina habang nagmamadaling umalis.

"Yes ma!" Sagot naman niya.

Binuksan na ng kanyang ina ang pintuan at palabas na nang may maalala at lumingon sa kanya.

"Ay oo nga pala, dumaan dito yung apo ni Doctor Tan. Kasama si Ejay at isang babae. Hinahanap ka."

"Ha? Galing po sila Kyle dito?" Gulat na tanong ni Me Ann.

"Oo. Sinabi kong tulog ka pa kaya ang sabi ay babalik nalang daw sila." Sagot ng kanyang ina.

Ano kaya ang dahilan ng mga kaibigan niya at sinadya pa siya sa bahay? Yan ang tanong ni Me Ann sa kanyang sarili.

Maya-maya ay umalis na ang kanyang mga magulang at naiwan siyang nag-aalmusal. Maya maya ay natapos na din siyang mag-almusal at naligo. Matapos ay nagbihis na siya ng simpleng pambahay at nang hanapin ang kanyang glasses ay bigla niyang naalala na kinuha pala ito ni Devron. Napapailing-iling siya nang maalala ang moment nilang dalawa. Kailangan tuloy niyang bumili ng bagong glasses or magsuot ng contact lense ngayun. Iyon nga ang kanyang ginawa. Dahil wala naman ang glasses niya ay wala siyang choice kundi suutin ang contact lense niya.

"Let me have it!" Naalala niyang sabi ni Devron nang mabunggo niya ito sa party matapos siyang uminom ng tubig.

"Excuse me?" Sagot naman niya dito.

Laking gulat niya nang lumapit si Devron sa kanya at tinanggal ang salamin nito.

"There! You look really beautiful!" Ito ang paulit ulit na naririnig ni Me Ann sa kanyang isip.

Doon niya na realize na maganda naman talaga siya. Tumaas ang confidence level niya at nagsimulang magkalkal ng gamit sa kwarto, doon ay nakita niya ang plantsa ng buhok. Sinimulan niyang unatin ang kanyang buhok upang tingnan kung bagay ba. Ayun nga. Bumagay ang straight na buhok sa kanya.

"I'm doing this for myself. Not for anyone else!" Sabi niya sa sarili.

Maya maya ay may nag-door bell.

Dahan dahan siyang bumaba at binuksan ang pinto. Bumulaga sa kanya si Stephanie.

"Oh my God!" Sigaw ni Stephanie.

"What?" Tanong niya.

"Anong ginawa mo kay Me Ann? Sino ka?" Biro ni Stephanie dahil hindi nga makapaniwala sa new look niya.

"Shut up and get inside!" Sagot niya dito. Kahit si Kyle ay napatitig sa kanya sa gulat.

Pumasok ang tatlo.

"What's with the new look?" Tanong ni Stephanie.

"Kumalma ka ngayon lang to at nawawala ang salamin ko." Sagot niya.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon