Nakarating si Kyle sa tahanan ng mga Ignacio. Malawak ang tahanan nila Me Ann. Meron itong bakuran na puno ng ibat ibang bulaklak at isang malaking puno ang nagsisilbing lilim ng kaliwang bahagi ng kanilang tahanan kung saan may nakalagay doong maliit na lamesa at mga upuan na pwedeng upuan ng mga bisita o tambayan nilang mag anak. Ang sabi ni Ejay ay tatlong tao ang nakatira dito. Si Me Ann, ang kanyang ama at ang kanyang ina. May kaya din ang pamilya nila sapagkat may mga tindahan o pwesto ito sa bayan na pinamamahalaan ng kanyang mga magulang. Bukod pa doon ay inhinyero din ang kanyang ama sa ibang bansa.
Narating ni Kyle ang pintuan nila at kumatok. Maya maya ay bumukas ang pinto at isang matabang lalaki ang nagbukas nito. Ito siguro ang ama ni Me Ann.
"Hi po, pwede po ba kay Me Ann?" Bungad niya.
"Sino sila?" Tanong naman ng ama.
"Kyle po. Classmate niya. Kyle Madrigal po."
"Ahh yung apo ni Doctor Tan?"
"Opo!" Sagot niya.
Lumingon sa loob ang lalaki at sumigaw ng "Mary Ann! Mary Ann!!" bilang pagtawag nito.
"Ako ang daddy ni Mary Ann."
"Nice meeting you Mr. Ignacio!" Sagot ni Kyle at nagkamayan ang dalawa.
Nakita niya si Me Ann na pababa ng hagdan.
"Pasok ka anak!" Sabi ng ama ni Me Ann. Pumasok naman si Kyle. Nanlaki ang mga mata ni Me Ann sa gulat nang makita siya.
"Anak hindi mo naman sinabi na may bisita ka pala. Hindi tuloy naka sabay si Kyle na mag almusal." Dugtong ng kanyang ama. Hindi naka sagot si Me Ann.
"O paano ba yan. Aalis na muna kami ng Daddy mo para bisitahin ang mga pwesto natin sa bayan. You two just do your business. Wag gagawa ng bad ha?" Panunukso ng mommy niya.
"Mom!!" Tanggi naman ni Me Ann. "Gagawa lang po kami ng assignment!"
"Alright alright! Timplahan mo ng juice ang kaibigan mo." Sagot ng kanyang ina at umalis na sila.
Nang maka alis na ang magulang ni Me Ann ay nilingon niya si Kyle na ngayon ay nakatayo sa sala, tinitingnan ang mga portrait na nakasabit sa dingding.
"Andaming medal a!" Banggit niya kay Me Ann.
"Anong kailangan mo?" Mataray na sagot nito.
"Relax. Gusto lang kita kausapin."
"About?" mataray paring sagot niya.
"Sa mga nangyayari sa paligid. Tungkol sa kulto." Sagot ni Kyle.
Mapapansin na gulat na gulat si Me Ann sa binanggit ni Kyle.
"May idea ka ba sa nangyayari?" Tanong ni Kyle sa kanya.
Nag aalinlangan ang tingin ni Me Ann kay Kyle. Ngayun ay maluha luha ito na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Parang may takot ba.
"Please Me Ann. If you know something, you need to let me know. Sabi mo diba obligasyon ko to? So I need to ask help from someone at wala akong ibang malapitan." Paliwanag ni Kyle.
Mga ilang segundong katahimikan.
"Kapag ba sinabi ko sayu ay maniniwala ka?" Tanong ni Me Ann na nag aalinlangan.
"Bakit naman hindi?" Sagot ni Kyle.
"Alam ko na madami na ang nagkwento sayu tungkol sa katauhan ko. Kahit ang mga schoolmates at classmates natin e ayaw makipagkaibigan sakin dahil alam mo un, may sira daw ang ulo ko." Paliwanag ni Me Ann.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
FantastiqueIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...