"Ano maghihintay nalang tayo dito sa labas?" Nagpapanic na tanong ni Stephanie matapos ang ilang minuto nilang pag-aantay sa labas ng kweba dahil nakulong si Kyle sa loob nito.
"Ano pa ba ang pwede nating gawin bukod sa mag-antay?" Tanong naman ni Me Ann sa kanya.
"Hindi natin alam kung ok lang ba siya sa loob at ano na ang nangyayari sa kanya! At alam mong may paraan pa para makita natin kung nasaan siya!" Sagot niya sa kanya.
Maya maya ay lumutang sa ere ang bag ni Me Ann at nagsimulang maglabasan ang mga laman nito. Pinapagalaw ito ni Stephanie ngayun at kinakalkal ang laman habang nasa ere. Doon niya nakita ang kanyang pakay. Ang tatlong maliliit na bote na dala ni Me Ann sa kanilang paglalakbay. Ang mga gamot na nasa mga boteng ito ang ginawa ni Stephanie para tulungan si Me Ann na maging mapayapa at malayo sa kanyang kapangyarihan at panggugulo ng anino ng masamang pangitain sa kanya kahit sa pagtulog.
"The red labeled potion.. It compressed your power for so long and you have achieved your dream of having a normal life for a while...." Sabi ni Stephanie habang nakataas ang kamay at ngayon ay lumutang papunta sa isa niyang kamay ang boteng may pulang lebel. Hawak na niya ito ngayon habang dalawang bote ay nanatili sa ere.
"The blue one can put things back to normal." Patuloy na sabi niya habang kinukuha ang boteng may asul na label mula sa ere na ngayon ay hawak na niya.Base sa paliwanag niya noon ay ang boteng may asul na label ang magpapabalik sa lahat. Ibabalik nito ang kapangyarihan ni Me Ann na makitang muli ang itim na aninong nagpapakita sa kanya tuwing may panganib at makakaya na niyang muling makabalik sa nakaraan. Maririnig si Stephanie na nagsasabi ng this is exactly what we need habang hawak ang boteng ito.
"No ! I am not taking any of that! Ayoko nang muling matakot at alam ko na kapag nandito si Kyle ay hindi niya ito ipipilit sa akin!" Mariing sabi ni Me Ann at tinalikuran si Stephanie.
Pagtalikod niya ay laking gulat niya nang nasa harap na niya nakalutang ang boteng may itim na label. Dahan dahan niya itong kinuha.
"And the black labeled potion summons that shadow! Kung gusto mong malaman kung bakit ka ginugulo ng aninong matagal mo nang kinakatakutan ay bakit hindi mo siya tawagin at tanungin." Tanong ni Stephanie mula sa kanyang likuran.
"Let me have those!" Sagot naman ni Me Ann sa kanya habang binabawi ang dalawang boteng hawak ni Stephanie.
Muling ipinasok ni Me Ann sa kanyang bag ang mga bote. Malamang ay tama nga ang kanyang kaibigan ngunit higit ang takot na kanyang nararamdaman ngayon kung iisipin pa lang na ibabalik niya sa normal ang lahat. Naiiling siyang tumayo matapos ayusin ang kanyang bag.
Mamaya ay may narinig silang mga kaluskos sa paligid nila.
"Guys! Maghanda kayo!" Alerto ni Ejay sa kanila.
Agad kinuha ni Me Ann ang kanyang palaso at si Stephanie naman ay napapalibutan na ng mga baging na handang sumugod sa kalaban kung sakaling magdatingan ang mga ito.
(Author's note: Pictures nina Me Ann at Stephanie - for illustrations purposes only courtesy of google)
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...