Chapter 34

50 6 3
                                    

"Not a single move!" Nananakot na sabi ni Me Ann kay Devron na ngayon ay nakaharap na sa kanya, hawak parin ang kanyang espada.

Bagamat napana niya ang dalawang umaalalay dito para patayin ng tuluyan si Kyle at naging abo ang mga ito ay muling bumagsak sa lupa ang sugatang si Kyle.

"Woahh! It's nice to see you beautiful mediator!" Pagbating nakangiti nito sa kanya.

"I don't have time for greetings. Drop the sword!" Utos nito sa kanya.

Ngumiti ito sa kanya at akmang lalakad palapit sa kanya. Naging alerto naman si Me Ann at nagpakawala ng apat na palaso.

Maririnig ang mga tunog nito papunta kay Devron. Ni hindi nasindak si Devron, nanatiling nakatitig sa kanya ngunit sa pagkakataong ito ay tumigil siya sa kanyang paglakad.

Tiningnan ni Devron ang tinamaan ng kanyang palaso. Mukhang sinadya itong hindi ipatama sa kanya at sa lupa ito tumama, hiwahiwalay na direksyon.

Sa isip niya ay baka tinatakot lamang siya nito kaya muli siyang nagsalita.

"You used to be a better shot!" Pang-aasar nito kay Me Ann.

"Trust me, I still am!" Sagot nito.

"Then let's do this again. This time, you wont be shooting any other bad guys but me!" Nakangiting sabi nito kay Me Ann na para bang hinahamon siya na panain ito.

Kailan ba mawawala ang confidence level ng lalaking ito? Tanong ni Me Ann sa sarili.

"Come on! Shoot me!!!!" Sigaw nito kay Me Ann habang itinututok sa kanya ang espada nito.

Makakaya ba niyang saktan ang lalaking tumulong sa kanya na mailigtas ang buhay niya sa kulto at nagturo sa kanya sa paggamit ng sandatang hawak niya ngayon? Ang lalaking hindi man niya aminin ay pinangarap ng kanyang puso na ibigin na katulad nga ng sinasabi ng kaluluwang si Maria? Ang lalaking hinahangaan niya dahil sa taglay nitong kakisigan at katapangan at nagtiwala sa kanyang kakayahan?

Nanginginig ang mga kamay nito. Sa pagkakataong ito ay tiningnan niya ang kalagayan ng kanyang mga kaibigan at lubhang nanganganib ang mga ito. Doon siya nakapag desisyon. Kung saktan man niya ang lalaking ito ay hindi niya ito kasalanan sapagkat ito naman ang gumawa ng kaguluhan sa kanilang baryo at bukod doon ay pinagtangkaan niyang patayin ang kanyang mga kaibigan.

Pikit mata niyang pinawalan ang unang palaso. Parang slow motion ang lahat kahit na napakabilis ng lipad ng kanyang palaso papunta kay Devron.

Kitang kita niya kung paano ito halos marating ang katawan ni Devron ngunit nasalag niya ito gamit ang kanyang espada. Nabali ang pana.

Ngumisi ito sa kanya at kinindatan pa siya.

Muli ay kumuha siya ng bala sa kanyang likod at sa pagkakataong ito ay ubod ng bilis niyang pinawalan ang mga bala ng palaso kay Devron, tatlong magkakasunod.

Maririnig ang mga pagtama nito sa kanyang espada na senyales na muli niyang nasalag ang mga palaso.

"Hanggang ngayon ay hindi ka parin natututo!" Mahinahong sabi nito kay Me Ann sa intensyong insultuhin ito.

Sadya ngang magaling ang lalaking ito. Hindi nakakapagtaka kung nakahandusay man ngayon si Kyle sa lupa dahil no match siya kay Devron. Tama ang sinabi ni Stephanie at ng kanyang lola na ang mga kampon ni Azazel ay sadyang magagaling dahil bata pa lang ay tinuruan na sa pakikipaglaban o paggamit ng sandata.

Makikitang nagtatawanan ang mga alagad sa paligid dahil sa nakita. Sa inis ni Me Ann ay pinana niya ang tatlo at naging abo ang mga ito. Nanahimik ang mga alagad ni Devron.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon