Chapter 36

44 6 0
                                    

Malakas na hiyawan ng mga tao ang maririnig sa basketball gym nang hapon na iyon.

"Go Red Team!!" Sigaw ng mga estudyante para i-cheer ang team nila Kyle na ngayon ay kalaban ang blue team.

Ang yearly Fun League ay ginaganap taon taon. Para itong intrams sa ibang school ngunit sa pagkakataong ito, ang mga kupunan ay hindi 1st year, 2nd year, 3rd year o 4th year bagkos ay halo halo ang mga grupo upang bigyan ng pagkakataong maging patas ang gagawing labanan. Ito din ang pagkakataon ni Kyle na patunayan ang sarili dahil ito ang way ng basketball coach ng school para pumili ng bagong magiging myembro ng San Carlos High Basketball Team para lumaban sa ibang school.

"Go Kyle!" Sigaw ng ilang kababaihang tumitili para mai-shoot niya ang bola at hiyawan ang mga tao kapag nakaka-shoot naman siya.

Magka-grupo si Ejay at Kyle sa Red Team at mukhang sa pagkakataong ito ay mananalo sila sa unang game nila.

Makikitang kumakaway si Stephanie sa di kalayuan at pumapalakpak.

"Tol si Me Ann?" Tanong ni Kyle.

"Ewan tol." Sagot ni Ejay habang dinidribble ang bola sabay pasa sa kanya

"Madrigal for three!!!" Sigaw ng announcer.

Isang malakas na tilian at sigawan ang maririnig sa paligid nang mai-shoot niya ang bola.

Panalo ang team nila. Nang matapos ang team ay mismong ang coach ng basketball team ng school ang lumapit sa kanya.

"Madrigal, Congratulations, I'm impressed!" Sabi nito habang kinakamayan si Kyle.

"Thank you sir!" Sagot naman niya.

"I look forward on your next game!" Sabi naman nito sabay namaalam na kasama ang ilang mga guro.

Maya maya ay bumaba si Stephanie galing sa kanyang kinauupuan papunta sa kanila na nasa court pa ngayon.

"Wow! Lalong dumami ang fans club mo Kyle ah.. Look!" Sabi ni Stephanie habang tinuturo ang mga babae sa itaas na kumakaway sa kanya.

Nginitian naman niya ang mga babae na halos maihi na sa kilig. Tapos na ang game kaya naglalabasan na sa gym ang lahat.

"Nasan si Me Ann?" Tanong nito kay Stephanie habang medyo hinihingal na umiinom ng bottled water.

"I'm sorry, walang hilig si Me Ann sa sports. Sabi niya ay sa safe house nalang daw tayo magkita after ng game." Sagot nito.

Hindi sumagot si Kyle.

"Don't worry Kyle. Sinabi na niya yan nong una. Wala talaga siyang hilig sa basketball." Sagot ni Stephanie.

"Wait..Are you reading my thoughts?" Nakakunot na noong tanong niya kay Stephanie dahil baka binabasa nito ang nasa isip niya.

"Hey! I can't read you even if I want to! Remember? You're protected!" Sagot nito sabay turo sa medalyon nito na ang ibig sabihin ay hindi niya mababasa ang isip nito dahil sa suot nitong medalyon.

Hindi sumagot si Kyle at pinagpatuloy ang pag eempake ng gamit sa bag.

"I don't need to read you Kyle! Halata sa mukha mo ang pagkadismaya!" Sagot nito sabay tawa.

Mga Anak ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon