"Guys! Rise and shine!" Malakas na sigaw ni Stephanie na ngayon ay nagluluto na ng kanilang makakain. Umaga na noon at nauna si Stephanie na magising.
Nagising ang tatlo. Si Me Ann ay sinimulan nang mag ligpit ng kanilang higaan at ang dalawa ay tinakbo ang kinaroroonan ni Stephanie na noon ay nagluluto.
"Nakapagdala ka ng mga lulutuin? Pati ang sandok at kaldero kaserola?" Tanong ni Kyle.
"Yes! Kaya ako busy sa loob ng bahay nila Me Ann habang naghuhukay si Ejay. I used magic para kunin ang mahahalagang gamit! Even foods in case this problem happens! And besides, you don't want to end up eating dwarf foods! Itim na kanin remember?" Sagot ni Stephanie habang hinahalo ang niluluto. Kapag kasi kumain ka ng itim na kanin ay hindi ka na makaka alis sa lugar na ito.
"Kaserola ba namin yan?" Sabi ni Me Ann habang lumalapit sa kanila.
"Oo hehehe. Sorry, hindi ko na naipagpaalam!" Sagot nito.
At kumain na sila. Habang kumakain...
"Guys, one more thing. Kailangan niyo inumin ito after kumain!" Sabi ni Stephanie.
"Ha?? Pinakain mo kami ng masarap then after e ipapainom mo samin yan?" Reklamo ni Ejay.
"That potion taste like sh*t!" Tuloy ni Ejay.
"This potion will save your life! And headsup guys, ito na ang last! Wala nang natira. Hindi ko inexpect na matatagalan tayo dito, if I knew, dinamihan ko sana. So whatever your plan is, we need to do it now!" Sabi ni Stephanie.
Maya maya ay sabay sabay din silang uminom ng potion na iyon para maging itsurang dwende sa harap ng mga dwende. Sinimulan na nilang maglakad sa Dwarf City and this time, hindi na sila nagtago o dumaan sa mga gubat.
Mapapansin ang mga abalang mga dwende sa kanilang mga kanya kanyang gawain. Mayroong nagtatanim, mayroong naglalakad, nagtitinda ng mga prutas, nag-uusap usap, kumakain, nasa minahan at ang iba ay nag-aayos ng bahay. Napakapayapa ng lugar na ito.
"So, this potion works after all!" Sabi ni Me Ann sapagkat dinadaan daanan nalang sila ng mga dwende na di man lang naghihinala na mga tao sila.
Sa mundo ng mga tao, matitinis ang boses ng mga dwende dahil maliliit sila. Ngunit dito, dahil nandito sila sa mundo ng mga dwende ay nag adjust din ang kanilang height at naging kasing laki sila ng dwende. Parang mga tao din ang mga ito kung magsalita. Para kang nasa isang secret civilization at napaka-payapa.
Nag-aalala si Kyle na tiningnan ang cellphone na walang signal. Malamang ay nag-aalala na ang lolo nito dahil umaga na at wala ito sa kanyang higaan. Muli niyang ibinulsa ang kanyang cellphone.
Sinimulan na nila ang malayong paglalakad papunta sa kaharian na kanilang pakay. Mga ilang minuto pang paglalakad ay narating din nila ang labas ng kaharian na sobrang ganda. Kahit maliwanag na ay makikita mo ang kaharian na ito na nagniningning habang tinatamaan ng sikat ng araw. Mapapansin ang napakahabang pila sa naka-saradong gate ng kaharian. Tinanong ni Kyle ang isang berdeng dwende na nandoon din ay naghihintay.
"Simula kagabi ay isinara na nila ang kaharian. Ang balita ay may mga nakapasok daw dito nang walang pahintulot kaya ang hari ay nag-desisyon na isara ang lahat ng lagusan. Sayang at may mga gamit pa naman ako na ikakalakal sa loob!" Sabi ng berdeng dwende na ngayon ay makikitang may mga hawak na mga gintong kwintas. Ang mga ginto, pilak at mahahalagang kayamanan kasi ay maaaring ikalakal sa kaharian ng mga dwende kapalit ng dwarf money.
"Ganon ba?" Sagot ni Kyle.
"Ikaw ba, ano ang pakay mo sa loob?" Tanong nito.
"Ahhh,, Ehhh,, Kailangan kong makausap ang hari." Sabi ni Kyle. Wala na siyang ibang maidahilan kaya iyon nalang ang sinabi nito.
"Malabo iyang gusto mo. Hindi tumatanggap ng kahit sinong bisita ang kamahalan. Simula noong maghimagsik ang mga itim ay hindi na ito tumatanggap ng bisita. Bantay sarado ang kaharian, ang Hari ay binabantayan ng lahat ng malalakas na kawal at mga salamangkero, ganoon din ang Reyna at Prinsipe. Malabong makausap mo siya." Sagot nito.
"Ganoon ba?" Maikling sagot ni Kyle.
"Bakit, namatayan din ba kayo at nais magreklamo sa loob?" Tanong nito.
Hindi makasagot si Kyle. Hindi kasi niya alam ang kalakaran sa Dwarf City.
"Oo!" Yun nalang ang sinagot niya at nagpaalam na dito.
Maya-maya ay pinuntahan na niya ang tatlo na nakatayo sa gilid.
"Guys, the castle is on lock down. Bawal pumasok." Sabi ni Kyle.
"E paano yan? Ano na ang gagawin natin?" Tanong ni Stephanie.
"Guys? The lock down is the least that you need to worry. Nakatingin silang lahat sa atin!" Sagot ni Me Ann.
Lahat ng mga dwende ay naka-tingin nga sa kanila. Ang kaninang magulong labas ng kaharian ay naging tahimik lahat at ngayon ay ang mga dwendeng nandoon ay nakatingin na sa kanila.
"Oh my God! I didn't realize that the potions effect is this short!" Sagot naman ni Stephanie. Ang pagkakaalam kasi nito ay mga ilang oras ang itatagal ng potion ngunit sa pagkakataong ito ay wala pang oras ay nakikita na sila bilang mga tao.
Maya maya ay may mga tatlong asul na kawal ang tumatakbo na papunta sa kinaroroonan nila.
"Guys, Run!" Sigaw ni Kyle.
At iyon nga. Tumakbo sila palayo sa mga dwendeng iyon. Matagal na habulan ang naganap. Makikita na ang lahat ng madaanan nila na dwende ay gulat na gulat din nang makita sila na tumatakbo.
Kung saan man sila dalhin ng paa nila ay wala na silang pakiaalam, ang mahalaga ay makatakas sila sa kung ano mang mangyayari sa kanila. Wala na silang mapupuntahan. Hindi na nila magagamit ang kapangyarihan ng bungo dahil nakasara na ang mga portal. Hanggang sa marating nila ang pinaka dulo ng bangin. Dead end na sila.
Hinarap nila ang tatlong mga asul na dwende na humahabol sa kanila.
"Mga tao sa aming mundo! Wala kayong pahintulot na pumunta dito!" Sabi ng isang asul na dwende habang nakatutok ang kanyang mahabang sandata sa kanilang apat at dahan dahang lumalapit sa kanila dahil na corner na nga sila.
"Nandito kami upang kausapin ang inyong hari! Ako ay isang anak ng araw! Hayaan niyong makausap ko ang inyong pinuno!" Sagot ni Kyle.
"Isa ka palang anak ng araw!" Sigaw na galit ng isa.
"Kung ganon ay dapat kang mamatay!" Sigaw naman ng isa na nagbabadya nang tumakbo papunta sa kinaroroonan nila nang....
"Arghhhhhh!!!!!" Lumabas sa bibig ng isa sa tatlong asul na dwende.
May sumaksak dito at makikita ang isang matalim na bagay na tumagos sa kanyang tiyan. Nang lingunin din ito ng isa ay laking gulat niya nang magilitan siya ng isang espada sa leeg, naging sanhi din ng pagbagsak nito. Hinarap ng natitirang asul na sundalo ang isa ngunit huli na dahil nasaksak na din ito. Kung sino man ang gumawa noon ay tiyak na sanay na sanay sa pakikipaglaban.
Nang bumagsak ang tatlong asul na dwende ay doon na nila nakita ang tatlong nilalang na sumaksak sa mga ito.
Mga itim na dwende na ngayon ay sa kanila naman nakatingin.
BINABASA MO ANG
Mga Anak ng Araw
ParanormalIsang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na n...