Dahil sa sinabihan sila ng kanilang amo na abugado na wala na silang gagawin ay pinayagan sila nito na lumabas muna. At dahil nga sa kailangan ni Antonio na makakita agad ng trabaho ay nagpaalam na muna siya sa kanyang amo, kung pwede na magamit ang computer sa opisina, para makagawa siya ng mga resume.
Agad naman na pumayag ang matandang abugado at nangako pa ito na bibigyan siya ng recommendation letter, para magamit niya sa mga bago niyang aaplayan.
Agad siyang naupo sa harapan ng computer desktop at nagtayp, hindi na siya magsasayang pa ng oras. Alam niya na sa kanyang tinapusan, ay mahihirapan siya na makakuha ng magandang trabaho, yung may malaking sahod. Hindi katulad ng mga kasamahan niya na, lahat ay nakapagtapos ng pag-aaral.
Pero, hindi siya pinanghihinaan ng loob, lalo pa at napakahirap maghanap ng trabaho sa panahon na iyun.
Pero ang hindi niya pagiging college graduate ay hindi niya gagawin na kahinaan, bagkus gagawin niya itong kalakasan. Iyun ang magiging lamang niya sa mga kasamahan, dahil siya ay handa niyang pasukin ang kahit anong trabaho, mababa man ang sahod, maghakot man siya ng basura o magkargador sa palengke at tatanggapin niya. Dahil siya ay walang pili sa trabaho na papasukin basta ba marangal ito.
Mabagal na nagtipa ang kanyang mga daliri sa keyboard ng computer. Nakakunot ang kanyang noo, habang nakatingin sa computer screen, at seryoso na seryoso siya sa kanyang ginagawa. At dahil sa wala naman siyang napakaraming bagay na isusulat para sa kanyang sarili, ay mabilis siyang nakatapos na gumawa ng resume niya. Tumayo siya para buksan ang printer at sinimulan niya ang mag print ng ilang kopya. Magtatabi na lang siya ng isa para ipaphotocopy niya sakaling maubusan siya ng resume na ipapadala o ibibigay sa aaplayan niya.
Excited siyang kumuha ng manila envelope at maayos niyang inilagay ang mga printed resumes sa loob nito. Tutal, wala naman na daw silang gagawin at pinayagan sila na lumabas, ay maghahanap na lang muna siya ng aaplayan niya. Hindi niya sasayangin ang panahon na maupo lamang dito o bumalik ng bahay. At ayaw naman niyang, tumambay sa bahay nina Claire, ang sabi niya sa sarili.
Sandali siyang nagpaalam sa kanyang mga kasamahan at sa amo na abugado na abala sa paglalagay ng mga memorabilia into sa isang kahon na nakadisplay sa lamesa at sa dingding ng opisina nito. Bitbit ang ang brown envelope sa kanyang kamay,ay may kasiglahan pa rin ang bawat hakbang ng kanyang mga paa paglabas niya ng gusali na kanyang pinapasukan. At magiging dati niyang pinapasukan.
Tinapik niya ng kanyang kamay ang hawak niyang envelope, at saka siya tumingala sa langit upang pagmasdan ang kapirasong imahe ng asul na kalangitan na halos matakpan ng mga higanteng mga gusali. Napabuntong-hininga siya at pilit niyang ngumiti, bitbit niya sa kanyang mga kamay ang mga papel na nagbibigay sa kanya muli ng pag-asa, na muling maibabangon ang sarili sa alanganing kinalalagyan ng kanilang buhay.
Binaybay niya ang kahabaan ng kalsada, naging masigla ang bawat hakbang niya, at ganun na rin ang kanyang mga mata na panay ang lingon para makahanap ng establishment na pwede niyang pag-iwanan ng kanyang resume.
Nadaanan niya ang isang grocery, nilapitan niya ang gwardiya at nagtanong kung saan pwedeng mag-apply. Itinuro naman siya nito sa may second floor kung saan pwede raw na mag-iwan ng mga resume. Nagpasalamat siya at mabilis niyang inakyat ang hagdan. At doon nga ay may maliit na opisina ang grocery store, at doon nga ay sinabi sa kanya na kakatapos lang ng hiring ng mga empleyado at pagkatapos pa ng anim na buwan sila muling tatanggap ng mga bagong employees, pero, hinayaan si Antonio na mag-iwan ng resume at nagsabi na, sakaling mangailangan ng mga bagong employees ay tatawagan siyang agad. Hindi man natanggap agad ay maganda pa rin na balita kay Antonio ang narinig. Umaasa pa rin siya na magkarun ng bakante at matanggap siya.
Nagpasalamat siyang muli sa gwardiya na nasa labas na nagturo sa kanya ng opisina. Isang hardware store naman ang kanyang pinasok at nagtanong at sinabihan naman siya nito na sa agency mag-apply at ibinigay sa kanya ang numero at address ng agency na pwede niyang pag-aplayan.
Halos ilang oras na rin siyang naglalakad at napansin niya malayo na rin ang narating niya. At napansin niya na nasa lugar na siya kung saan naroon ang address ng agency na ibinigay sa kanya sa pinuntahan niyang hardware, masakit allows siyang ginanahan na maglakad, hindi siya nakaramdam ng pagod kahit pa napakahaba na at napakalayo na ng kanyang na rating. Nagpalinga-linga siya para tingnan ang mga pangalan ng mga nadaraanan niyang mga building at opisina, para makita ang hinahanap niyang opisina ng agency.
Nakita niya ang isang coffee shop at naisip niya kung magpasa kaya siya ng resume doon? Pero, wala siyang experience sa pagiging barista, ang sabi ni Antonio sa sarili. Napansin niya ang isang babae na lumabas mula sa coffee shop. Sandali lamang niya itong pinasadahan ng tingin. Nauuna na itong maglakad sa kanya, kaya ang likod lang nito ang kanyang pinagmasdan, at sa di pa niya malaman na dahilan. Bihira siyang tumingin sa ibang babae, lalo pa at may nobya na siya. Pero, hindi nga niya malaman kung bakit, sinusundan niya ng tingin ang babaeng naglalakad sa kanyang unahan.
Wala namang masyadong espesyal sa likod nito o kahit pa sa damit na suot nito. May kataasan ang babae, siguro mga 5'8 o 5'9 ang height nito. Mahaba ang suot nitong kulay itim na palda, lagpas sa tuhod nito, naka suot ito ng mahabang kulay puti na shirt na gawa sa malambot na tela, at ang paa nito ay nakapaloob sa converse na kulay itim.
Nakapusod sa ibabaw ang ulo nito ang kulay brown nitong buhok, at sa mga kamay nito ay ang isang baso at paperbag na marahil ay binili niya sa coffee shop na pinaggalingan nito.
Umiling-iling si Antonio, para bang inalog niya ang kanyang ulo para maalis ang babae sa kanyang isipan at paningin at para bumalik ang kanyang focus at buong atensyon sa kanyang pakay.
Muli siyang nagpalinga-linga at tiningnan ang mga pangalan at address ng mga nadaraanan. Kaya hindi rin niya napansin na huminto pala sa paglalakad ang babaeng nasa unahan at pumihit pala ito para humarap at maglakad pabalik at saktong, bumangga siya rito at natapunan ang suot niyang t-shirt ng malamig na kulay dilaw na likido na laman ng baso.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...