Kunot noo si Antonio habang abala sa glass repair ng isang mamahalin na sasakyan, na pag-aari ni Trace Velasco ang asawa at may-ari na rin ng Hotel na inuupahan ng boutique ni Nikita.
Dinala ni Trace ang sasakyan sa kanyang shop noong isang nang mabasag ang salamin ng driver’s side, sa di malaman o hindi masabi na kadahilanan ni Trace sa kanya, basta nahalata na lang niya ang pamumula ng pisngi nito.
Pagkatapos nang pag-aaral niya sa kursong automotive ay tumigil na siya sa pagmomodelo at sinimulan na niya ang kanyang shop. Maliit lang ang puhunan niya pero ayaw niyang humingi o manghiram ng pera sa kanyang asawa na si Nikita.
Kaya naman malaking tulong ang pera na ininvest ni atty sa inumpisahan nilang negosyo. Kahit pa daddy na ito ni Nikita ay atty pa rin ang tawag niya rito. At napakalaki ng tulong din nito sa sinimulan nilang negosyo dahil sa marami itong mga kakilala at inirekomenda ang bago nilang shop para sa mga repairs o customise ng mga sasakyan ng mga sasakyan nito.
Tiningnan niya ang oras alas kwatro na ng hapon at kailangan na niyang puntahan si Nikita sa boutique nito para sunduin, ayaw na nilang umuwi ng masyadong gabi na at naghihintay na sa kanila ang kanilang kambal na sina Antoine ang lalaki at Antoinette ang babae, na nag-isang taon na nitong nakaraan lamang na buwan.
Agad niyang inalis ang kanyang protective goggles at ibinalik iyun ng maayos sa kanyang lalagyan ng mga gamit. Agad niyang pinatay ang kuryente sa loob ng shop at kinuha niya ang kanyang bag at lumabas na siya ng kanyang shop pagkatapos niyang isara ang loob at labas nito. Hightech ang security na pinili ni atty para sa kanilang shop kaya panatag ang loob niya na di mapapasok ng masasamang loob ito pero, kumuha pa rin sila ng dalawang security na magbabantay sa gabi.
Gamit niya ang sasakyan ni Nikita at siya ang naghahatid at sundo sa asawa kapag pumapasok ito sa boutique. Agad siyang sumakay ng sasakyan at pinaandar niya iyun patungo sa hotel.
Pagdating niya sa hotel ay naabutan niya si Trace at ang asawa nito na si Alexis sa may lobby at kausap ang front desk receptionist. Agad siyang lumapit sa mga ito para kausapin si Trace, patungkol sa sasakyan nito.
“Trace! Uh, good afternoon Alexis” ang magaling na bati niya sa kaibigan ni Alexis na malaki na naman ang tiyan.
“Antonio! Kamusta kagagaling ko lang kay Nikita, nagpagawa ako ng mga lingerie na pang buntis” ang masayang bati ni Alexis sa kanya.
“Talaga, salamat” ang nakangiting sagot niya.
“May pag-uusapan kayo? Sige maiiwan ko na muna kayong dalawa” ang sabi nito sa kanya sabay lapit ng bibig nito sa tenga ni Trace, “dun ako sa office” ang sambit nito na mukha namang hindi binulong dahil narinig niya iyun at nakita niya pang napaiktad si Trace nang mabilis na pinisil ng kamay ni Alexis ang harapan nito.
“Alexis, respeto naman” ang sambit nito, at tanging pagtawa lang ang isinagot ni Alexis dito.
“Uh may sasabihin ka?” ang nahihiya ng tanong ni Trace sa kanya.
“Uhm uh, oo, sasabihin ko lang na, pwede mo nang makuha yung sasakyan mo bukas” ang sagot niya rito at tumangu-tango si Trace sa kanya.
“Salamat, kunin ko na lang bukas” ang magiliw na sagot nito sa kanya at saka siya nagpaalam at siya man ay nasasabik ng makita ang kanyang asawa.
Agad siyang pumasok sa loob ng opisina nito at naabutan niya na may kausap ito sa telepono. Tahimik siyang lumapit dito at mabilis niyang hinalikan ito sa mga labi, bago sya naupo sa sofa at hinintay niyang matapos ang pag-uusap ni Nikita at nang nasa kabilang linya.
“Okey, nandito na po siya daddy” ang narinig niyang sabi ni Nikita at nalaman niyang si atty an kausap nito.
“Sige daddy, bye” ang masayang pamamaalam ni Nikita, at saka nito ibinalik ang phone sa loob ng bag nito.“Anong sabi ni atty?” ang tanong ni Antonio kay Nikita pagkalagay niya ng phone sa loob ng kanyang bag.
“Uhm, wala nagsabi lang na nagpalit siya ng diaper ng mga bata, excited masyado pati pagpapalit ng diaper ikinukwento” ang natatawang sagot niya kay Antonio.
“Sina nanay pala dadalaw next week, gusto nga ni nanay na mag-alaga sa mga bata, ang layo naman ng bahay nila” ang sagot ni Antonio sa kanya.
“Gawin na lang natin na mag-spend tayo ng weekend sa bahay ninyo, para naman di magtampo sina nanay at minsan lang tayo nakaka dalaw, kasi din naman itong si daddy, ayaw iwan yung kambal, kulang na lang kapag dumating sa bahay palayasin tayong dalawa” ang natatawang sabi ni Nikita.
“Oo nga, yun na lang ang gawin natin, ready ka na ba?” ang tanong ni Antonio sa kanya.
“Uh hindi pa, may tumawag kasi na kliyente sandali na lang, last na ito” ang sagot niya. At maya-maya nga ay bumukas ang pinto at sumilip si Ginger.
“Ma’am yung nagpaschedule na client?” ang sabi ni Ginger sa kanila at sinenyasan niya na papasukin na ang mga ito. At pumasok nga sa loob ang isang magandang babae. She looked young, mga nasa early twenties lang ito, at pagpasok nito ay may kasunod din ito na lalaki na matikas din, parang, person with authority ang dating nito. Halos mababa lang ito ng kaunti kay Antonio pero hula niya na nasa six feet din ang height nito, at nasa edad nila halos ni Antonio o mas bata sa kanila ng kaunti.
“Hi! I’m Nikita” ang masayang bati niya sa babae na magiliw din na nakipagkamay sa kanya.
“I’m Blaze, Blaze Tarantino” ang pagpapakilala nito sa kanya.
“Please have a seat” ang magiliw niyang sabi rito at itinuro niya ang sofa at naglakad din siya papalapit doon.
“Oh my husband, Antonio Alimbuyugin” ang pagpapakilala niya kay Antonio at napasulyap siya sa lalaking nakatayo sa may tabi ng pintuan. At mukhang nabasa ni Blaze ang nasa isipan niya.
“Oh, he’s my bodyguard, Maximo Kanawayon” ang tila inis na sabi ni Blaze at ang inis nito ay di para sa kanya kundi sa lalaking nagngangalang Kanawayon.
“Nice to meet you” ang bati ni Antonio ay inilahad niya ang kamay nito kay Maximo para sa isang handshake, na inabot naman ni Maximo.
“Magkamag – anak ba tayo?” ang tanong ni Antonio rito na mariin ang pag- iling nito kay Antonio.
“Hindi, magkaribal tayo, Kanawayon ako, Alimbuyugin ka” ang sagot nito kay Antonio, na napatango na lang.
“Uhm please don’t mind him, mukhang ipinaglihi sa amapalaya yang bodyguard ko, at lagi na lang seryoso, hayaan nyo ng maging poste yan diyan sa tabi” ang iritadong sabi ni Blaze sa kanila at nagkapalitan sila ng tingin ni Antonio.
*****
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...