Pinakawalan ni Nikita ang laman ng kanyang sikmura sa lababo sa loob ng banyo. Tama lang ba na huli na ang paglilihi niya? Ang takang tanong niya sa sarili.
Kung kailan naman kasi fourteen weeks na ang pagbubuntis niya ay saka naman siya nagsimula na mahilo at maghanap ng mga pagkain. Naalala niya kagabi ng palabasin niya si Antonio nang dis oras ng gabi para lang maghanap ng sisig. At si Antonio naman ay parang hilo at nagmamadali na lumabas ng bahay para maghanap ng sisig na mabibilhan nang ganung oras. Sakay ng motor nito ay nakahiga lang siya sa kama ng ilang oras habang naghihintay si Antonio na hindi na niya alam kung saan na napadpad at baka umabot na iyun ng Pampanga makabili lang ng sisig.
At nakatulugan na nga niya ang paghihintay kay Antonio, at nang magising siya sa masarap na amoy ng sisig at nakita niya ang malapad na ngiti sa mukha ni Antonio ay mas lalo pa niya itong minahal.
Nagmumog na siya ng kanyang bibig at saka niya hinilamusan ang kanyang mukha kinuha niya ang towel na nakasabit at kanyang pinunasan ang kanyang mukha para matuyo ito. Lumabas siya ng banyo at saka siya naupo sa may gilid ng kama at napadpad ang kanyang mga mata sa ibabaw ng side table, kung saan nakapatong ang brown envelope na naglalaman ng mga sinulatan nilang forms para sa kanilang application sa kasal.
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya, at saka niya tiningnan ang singsing na nasa kanyang kaliwang ring finger. Ginulat siya ni Antonio kagabi, nang pagkatapos ng "test drive sa edsa" ang termino ni Antonio, ay kinuha nito ang kanyang kamay at isinuksok nito ang isang simpleng engagement ring sa kanyang palasingsingan.
Gusto man niyang pagalitan si Antonio sa pagbili pa nito ng engagement ring pero hindi niya napigilan ang mapaluha. Batid niya na talagang nag-iimpok ng pera si Antonio, mula sa mga kinikita nito, kaya, kahit gaano pa man kaliit o kalaki ang ibibigay nito sa kanya ay hindi niya iyun tatanggihan, dahil alam niyang pinagpaguran iyun ni Antonio.
Siguro nga ay dapat nilang pasalamatan si Teri at Leo, dahil kung hindi nagtagpo ang dalawa, ay hindi sila magkakalayo ni Leo at hindi sila magkakatagpo ni Antonio.
May meeting nga pala si Antonio with Teri ngayon, ang sabi nang isipan niya. Tinawagan ni Teri si Antonio, dalawang araw pagkatapos siyang dalawin nito sa shop. Napag-usapan man na nila ni Antonio ang tungkol sa pagtanggi nito sa mga trabaho abroad ay pinag-uusapan na rin nila ang mga magiging hakbang nito, lalo pa at gusto na nga ni Antonio na mag-aral na muli.
Iyun ang nagustuhan niyang ugali ni Antonio, talagang pursigido ito na matupadang ang mga bagay na nasa plano na nito. At napaka-responsible nito at talagang masasandalan mo sa buhay, ang sabi niya sa sarili.
Hihiga na sana siyang muli nang marinig niya ang tunog ng kanyang phone. Tumayo siya at humakbang papalapit sa kanyang vanity table kung saan naroon nakapatong sa ibabaw nito ang kanyang phone.
Nakita niya ang pangalan ni Teri sa may screen at nagtaka siya kung bakit siya tinatawagan nito, hindi pa ba dumarating si Antonio sa opisina nito? Ang takang tanong ni Nikita sa kanyang sarili.
Kunot noo niyang sinagot ang tawag ni Teri, "Teri?" ang takang tanong niya kay Teri nang sagutin niya ang tawag nito.
"Nikita? Where are yyou? Ang tanong nito sa kanya, na mas lalong nagpakunot ng kanyang noo.
"Uh nasa bahay" ang takang sagot niya, "Teri, wala ba diyan si Antonio?" ang takang tanong pa niya.
"Uhm, nasa opisina na siya, iniwan ko na muna siya roon Nikita, I asked him to wait for me, may pinuntahan kasi muna ako na emergency sa bagong factory ng store, eh nasa vicinity na ako kaya tinawagan na kita" ang sagot nito sa kanya.
"Uhm, okey, para saan?" ang patanong na sagot niya kay Nikita.
Sandaling tumahimik ang linya sa pagitan nila at inakala pa ni Nikita na naputol na ang linya, kung hindi pa niya naririnig ang maingay na background sa kabilang linya.
"Tungkol sa sinasabi ko na nakaraan" ang sagot nito sa kanya at muling kumunot ang kanyang noo.
"Tungkol kay Leo?" ang tanong niya at naglakad siya palapit sa kama.
"Hindi Nikita" ang mariin na tanggi nito.
"Then, tungkol saan?" ang muling tanong niya.
"Tungkol sa daddy natin" ang mariin na sagot nito sa kanya na nagpalambot ng kanyang mga tuhod, at bigla na lang siyang napaupo sa kanyang kama.
*****
Nanlaki ang mga mata ni Antonio nang makita niya ang pangalan na nakalagay sa papel. Bakit may papeles na nakalagay ang pangalan ni Owen. Binasa niya ang nasa heading ng papel at iyun ay nakapangalan sa isang clinic. At naalala niya na lahat ng modelo na kinukuha ni Teri at maging ni Nikita ay pinakukuha muna nila ng medical exams, at isa siya sa mga kumuha rin nito noon.
Pero bakit may record si Teri ni Owen at nakaipit sa folder ng opisina ni atty Lipon? Ang tanong niya sa sarili. Hindi na nakatiis pa si Antonio at kanyang hinila na muli ang nasabing folder, at saka niya iyun binuklat at ang tumambad sa kanya ay ang litrato ni Nikita. May birth certificates pang nakalagay sa folder, kung susumahin ang mga papel na nakaipit roon ay halos nasa twenty to thirty pages ang naroon at iba-iba ang mga papel na iyun. Pero kanyang nakita na muli ang pamilyar na mga papel ng law firm ni atty Lipon.
At ilang sandali pa ay kanyang nahanap ang isa pang litrato, litrato iyun ng lalaki at saka niya napagtanto kung bakit pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaking nasa malaking frame na nakasabit sa dingding ng opisina ni Teri.
Hawak ng kanyang kamay ang half body shot nang lalaki ay iniangat niya iyun at saka napadpad ang kanyang mga mata sa may edad na litrato ng lalaki na nasa malaking frame. At para bang pinabata ang matandang lalaki na nasa frame sa litrato na kanyang hawak.
Kamukha ng-kamukha ni Owen Cuerdo ang daddy ni Teri.
Muli niyang ibinalik ang litrato ni Owen sa loob ng folder, kung may mga papeles rito na galing sa opisina ni atty :ipon, ibig sabihin ay may alam ito sa mga detalyeng nakasulat sa mga papel.
Dinampot niya ang folder at ipinasok niya sa loob ng kanyang t-shirt sa kanyang likuran. Inipit niya iyun sa waistband ng kanyang maong na pantalon. Mabuti na lang at lagi siyang nakasuot ng jacket sa tuwing ginagamit niya ang kanyang motorsiklo, kaya hindi mahahalata ang folder na nakaipit sa loob ng tshirt niya.
Sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang dibdib, hindi niya alam kung bakit ang lakas ng tibok ng kanyang puso at matindi ang nararamdaman niyang kaba sa kanyang dibdib, lalo pa at nakita niya ang mukha ni Nikita sa folder.
Ito ba ang sinasabi ni Teri na kailangan nitong itama? Itama ang alin? Ang naguguluhan na tanong niya habang naglalakad siya palabas ng opisina ni Teri.
"Oh Antonioa? Saan ka pupunta? Nag bilin si ma'am Teri na hintayin mo siya" ang paalala ng secretary ni Teri sa kanya pero tuloy-tuloy lang siya na naglakad at umarteng natural.
"Kakain muna ako, maghahanap ako ng karinderya ayoko ng mga pagkain sa fast food hindi nakakabusog, babalik ako" ang sagot niya sa secretary ni Teri at kalamado siyang naglakad papalayo at palabas ng building kahit pa ng mga sandali na iyun, ay gusto na niyang tumakbo palabas ng building dahil sa kaba at excitement na kanyang nadarama.
Agad niyang nilapitan ang kanyang motorsiklo pero bago niyun ay pasimple niya munang dinukot ang folder sa kanyang likod at inilagay niya sa top box ng kanyang motorsiklo. Saka niya sunod na dinukot ang kanyang telepono na nasa loob na bulsa ng kanyang motorcycle jacket at saka siya gumawa ng tawag.
"atty? Pwede ba tayong magkita?" ang agad niyang bungad na tanong sa matandang abugado.
****
"Atty salamat po" ang magalang niyang bati sa matandang abugado na nakaupo sa isa sa mga lamesa sa loob ng isang coffee shop malapit sa tinitirhan nitong bahay.
"Ikaw naman,napakapormal mo pa rin, hindi ba at magiging ninong nyo na nga ako sa kasal at sa binyag ng mga apo ko sa inyo?" ang masayang sagot ni atty Lipon sa kanya.
Isang malapad naman na ngiti ang isinagot niya rito saka siya naupo sa silya sa harapan nito.
"Order kita ng kape?" ang alok nito sa kanya na mabilis niyang tinanggihan.
"Ay, huwag na po atty salamat na lang po" ang nakangiting pagtanggi niya at inilapag niya ang folder na kanyang hawak sa ibabaw ng lamesa at nang makita iyun ni atty Lipon ay kumunot ang noo nito sa kanya.
"O bakit may dala kang luma nating folder sa opisina?" ang takang tanong nito sa kanya. Umiling muna siya bago siya sumagot.
"Atty makuha ko po ito sa ibabaw ng lamesa ni Teri" ang sagot niya na mas nagpakunot ng noo ni atty Lipon.
"Teri?" ang tanong nito.
"Teri Buenaventura" ang mariin na sagot niya at nakita niya ang panlalaki ng mga matanda na nitong mga mata. At hindi na ito nagtanong pa, agad nitong kinuha ang folder at binuklat iyun at mukhang nakilala nito ang laman na mga papel.
"Kaya po nakiusap ako na makipagkita sa inyo ay para malaman kung ano po ang mga papel na iyan" ang saad niya kay atty Lipon, "bakit may litrato at birth certificates nina Nikita at Owen" ang dugtong pa niya at mga gulat na mata ang natuon sa kanya
"Owen?" ang seryoso na tanong nito sa kanya.
"Owen Cuerdo po, nandiyan nakasulat, hindi ba iyun yung nag suicide?" ang tanong niya sa matandang abugado, na namutla na ang kulay ng balat nito at nababasa niya na nakaramdam na rin ito ng kaba.
Tahimik at mabilis na pinasadahan ng mga mata nito ang mga papel, isa - isa iyun na tiningnan habang siya ay tahimik din na tinitingnan ang mga papel.
"Napansin ko na may dalawang pangalan ng clinic na ang client ay nakapangalan kay Owen pero kay Nikita wala, tanging litrato at birth certificate lang" ang malumanay na tanong niya kay atty Lipon habang pinagmamasdan ang mga papel.
Napabuntong-hininga ito nang huminto na ito sa pagbabasa at napailing.
"Kailangan ko na siguro ilahad ang nalalaman at tinatago kong sikreto" ang sagot ni atty Lipon.
Nabigla siya sa mga narinig niyang salita mula sa matandang abugado, at kumunot ang kanyang noo.
"Sikreto?"ang taka na tanong niya kay atty Lipon.
"Kaibigan ko at tumatayo na rin na abugado ang pamilya ni Teri, kaibigan ko ang kanyang ama na si Nikolei, mula pa noong high school" ang panimula nito.
"Nagkaroon ng mga, affairs si Nikolei sa mga naging empleyado nito, at nang magkasakit na nga ito ay nakiusap siya sa akin na hanapin ko ang mga anak niya. Ibinigay niya ang pangalan ng mga babae na naging karelasyon nito at nangako akong hahanapin ang mga anak nito" ang dugtong pa ni atty Lipon.
"May mga iniwan siyang trust fund para sa mga ina ng kanyang mga anak, uhm, ang usapan namin patungkol dito ay nanatiling lihim, ayaw kasi niyang malaman ng kanyang anak na si Teri at sa legal na asawa nito, ang tungkol sa dalawa pang kapatid nito" ang saad pa nito sa kanya.
"Ang una kong natagpuan ay ang puntod ng ina ng anak ni Nikolei na lalaki, at dahil sa dead end na ako kung saan ko makikita ang anak nito ay ipinagpaliban ko na muna ang paghahanap sa anak nitong lalaki, na kung ang pagbabasehan mula sa mga nabasa kong papel ay si Owen" ang saad ni atty Lipon.
"Ang sunod kong hinanap ay ang ina ng isa pa nitong anak na.. babae, tiningnan ko sa obituary kung may record ng namatay sa ilalim ng pangalan nito ngunit wala akong nakita. Kahit pa sa PSA ay wala akong nakuha na record" ang pagpapatuloy nito, "marahil ay dahilan sa lumalaban pa lang sa sakit na cancer ang mommy ni Nikita noong mga panahon na iyun" ang malungkot sa saad ni atty Lipon.
"May nakilala kami na taga PNP, may inirekomenda ito sa amin na isa raw magaling na intelligence agent. Agad naming kinontak ang mga ito at Sakto naman na may pupuntahan talaga ang mga ito sa Zambales, kaya nakiusap kami kung pwede ba nila kaming sadya in pagkatapos ng misyon nito at nakipagkita kami sa rest house ni Nikolei sa Zambales, nabuhayan si Nikolei ng makilala na namin ang agent, pero, mukhang, talagang hindi nakiayon ang tadhana dahil pagkatapos namin na makausap ang agent at kailangan na ng mga ito na bumalik pa Maynila ay nagkaroon naman ng aksidente ang sinasakyan nitong helicopter at sumabog iyun sa ere" napabuntong-hininga si atty Lipon, "tangan nito ang pag-asa namin na matutulungan kami nito sa paghahanap sa mga babaeng naging parte ng buhay ni Nikolei at ang matagpuan na rin anmin ang mga anak nito" ang malungkot na saad ni atty Lipon.
"Kaya balik na naman kami sa umpisa hanggang sa tuluyan ng binawian ng buhay si Nikolei at naiwan sa akin ang tungkulin at pangako sa kaibigan na hahanapin ang mga anak nito" ang paglalahad ni atty Lipon.
"Pero kung inilihim ninyo ang tungkol sa mga anak ni Nikolei kay Teri, bakit may mga kopya siya nito?" ang takang tanong niya.
Umiling si atty Lipon, "hindi ko rin alam, baka pagkamatay ni Nikolei ay may itinago ito na mga kopya at natagpuan ni Teri" ang sagot ni atty Lipon.
"Pero paano natagpuan ni Teri si Owen?" ang tanong naman ni atty Lipon.
"Atty model si Owen, maaring nag-apply ito na maging model sa brand ni Teri kaya may medical records ito, at kung ako na hindi kilala si Owen at si Mr Nikolei, ay nahalata ang pagkakahawig ng dalawa, mas lalo na si Teri" ang sagot niya kay atty Lipon.
"Marahil ginamit ni Teri ang samples ni Owen para sa DNA matching sa kanya at lumabas dito ay magkadugo sila" ang saad pa niya habang binabasa ang nakasulat sa isang pirasong papel.
Tumangu-tango si atty Lipon at napako ang mga mata nito sa litrato ni Nikita, habang siya ay inisa-isang muli ang mga papeles.
"Pero paano nito nalaman na kapatid ni Teri si Nikita?" ang takang tanong ni atty sa kanya.
"Maari dahil sa nagtrabho si Nikita sa department store na pag-aari ng daddy ni Teri" ang sagot ni Antonio.
"Nagtrabho si Nikita sa department store ni Nikolei?" ang gulat na tanong ni atty Lipon.
"Oo, iyun ang sabi ni Nikita sa akin" ang sagot ni Antonio.
"Naghahanap kami sa malayo yun pala nasa ibabaw na lamang ng ilong namin ang aming hinahanap, marahil nang magtrabaho si Nikita sa department store ay yung panahon na may sakit na si Nikolei at nanatili na sa rest house nito" ang saad ni atty Lipon.
"Kaya ba kayo nagkakilala ni Nikita ay dahil sa trust fund?" ang tanong niya kay atty Lipon na agad na tumango.
"Natagalan ang paghahanap ko sa kanya dahil ang pangalan ng kanyang ina ang hinahanap ko, yun pala ay namatay na rin ito sa sakit na cancer at saka hindi ko rin alam kung kanino inilagay ng mommy ni Nikita ang apelyido ng bata" ang sagot ni atty Lipon.
"Sinong makapagsasabi na magkapatid pala sina Teri at Nikita?" ang hindi makapaniwala niyang sambit.
"So ibig sabihin ito ang sinasabi ni Teri na ito ang goal niya na itatama nito ang lahat" ang saad niya at natigilan na muli si atty Lipon.
"Anong sabi mo?" ang tanong ni atty Lipon sa kanya.
"Iyun kasi ang sabi ni Teri sa akin at kay Nikita, na may goal pa raw ito na maitama ang lahat" ang sagot niya at kumunot ang kanyang noo nang mahawakan niya ang isang papel. Nakatupi iyun ng maliit at nakaipit sa likod ng litrato ni Nikita. Binasa niya iyun, ng paulit-ulit.
"Atty?" ang kinakabahan niyang pagtawag dito.
"Ano yun?" ang tanong nito sa kanya.
"Hindi po ba at sinabi ng imbestigador na maaaring murder ang nangyari kay Owen?" ang tanong niya rito.
"Oo, sa tingin niya ay pinatay si Owen, at ganun din si Lily at si Nikita ang gustong idiin nito, bakit mo naitanong?" ang balik tanong naman sa kanya ni atty Lipon.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Antonio at mabilis siyang tumayo at dinampot ang mga papel.
"Antonio?" ang takang tanong ni atty Lipon sa kanya na tumayo na rin.
"Nanganganib si Nikita!" ang kinakabahan niyang sagot at mabilis ang kanyang bawat hakbang papalabas ng coffee shop kasunod naman niya at pilit na humahabol si atty Lipon.
"Paano mo nasabi?!" ang tanong ni atty Lipon sa kanya.
"Papatayin siya ni Teri!" ang kinakabahan niyang sagot.
Nanlaki ang mga mata ni atty Lipon, "nasaan si Nikita?" ang malakas na tanong nito sa kanya.
"Nasa bahay" ang sagot niya kay atty Lipon habang dumadial siya sa kanyang telepono.
Isang buntong-hininga ng kaluwagaan ang pinakawalan ni atty Lipon nang marinig ang kanyang sinabi na nasa bahay lang si Nikita. Pero gusto niyang makasigurado kaya bago siya sumakay sa kanyang motorsiklo ay tinawagan niya muna ito.
"Nikita!"ang sambit niya sa pangalan nito at halos maluha siya nang marinig ang boses nito sa kabilang linya.
"Antonio, bakit maingay sa background mo hindi ba dapat nasa opisina ka ni Teri?" ang takang tanong nito sa kanya.
"Uuwi na ako, nasa bahay ka pa rin ba?" ang paninigurado niya.
"Oo" ang sagot nito sa kanya.
"May gusto ka bang ipabili pag-uwi ko?" ang tanong niya rito, sa mas malambing na niyang boses. Nawala na ang kaba niya ng malaman na nasa bahay lang ito.
"Hmm, ubos na yung motchi ice-cream ko rito, at saka, gusto ko ng suman, ibili mo ako, yung may latik na sauce ha, saka palitaw" ang bilin pa ni Nikita sa kanya na nagpangiti ng malapad sa kanyang mga labi.
"Sige, ibibili kit" ang nakangiting sagot niya at napasulyap siya kay atty Lipon na nanatili sa kanyang harapan na nakatayo.
"Oh, Antonio, I have to hang up now, may kausap ako rito sa bahay, dumating na, ba bye" ang mabilis na sabi nito.
Bigla siyang natigilan, "sinong bisita mo?" ang takang tanong niya dahil bihira silang magpapunta ng bisita sa bahay.
"Si Teri, babye, love you" ang mabilis na sabi nito bago nito pinutol ang linya, at nanlamig na ang buo niyang katawan.
"Nikita!" ang hiyaw niya sa putol ng linya.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...