Chapter 25

1.5K 99 57
                                    

Nikita walked briskly towards the big house, she was literally fuming with anger. Siguro nga kung nakikita lang ang galit sa form ng usok, na lumalabas sa ilong at baka hindi na nakahinga ang mga taong kasama niya sa shoot kanina. Ramdam niya ang mga mata ng mga kasamahan niya sa pictorial na nakasunod sa kanya habang matulin siyang naglalakad sa loob.
Matagal na niyang kinontrol ang temper niya, simula nang maghiwalay sila ni Leo ay naging short-tempered na siya. Naging defense mechanism niya ito para hindi na siya magamit pang muli ng sinuman. At nang dahil sa pagiging short tempered niya ay naging dahilan nga ito nang pagkawala ng isang buhay, at iyun ang naging dahilan kung bakit kumuha siya ng anger management courses. At sa loob ng ilang taon ay nakokontrol niya ang kanyang init ng ulo at galit. Pero, hindi ng mga sandali na iyun, hindi simula pa kagabi.
Nang makita kasi niya sina Antonio at Lily kagabi na magkayakap at magkalapat ang mga labi ay parang may sumaksak sa kanyang dibdib. Dama niya ang hapdi nito, tulad noon nang malaman niyang niloloko siya ni Leo.
At kanina, paggising niya ay nanumbalik na naman ang kanyang nadama kagabi. Magkasabay kasi ang dalawa na nagtungo sa location shoot at si Lily ay nakakapit pa sa braso ni Antonio. Mabuti na lang at nakasuot siya ng shades, dahil hindi nakita ng mga ito ang labis na galit sa kanyang mga mata.
Wala siyang pakialam sa personal na buhay ni Antonio hindi ba? Paulit-ulit na niyang sinabi iyan sa kanyang sarili, at nakatulog na siya na, thinking that she did convince herself, that there’s nothing personal between her and Antonio, at lahat ay trabaho lamang, and that she didn’t have any say especially when it comes to his love affairs.
So bakit pagkagising niya kanina ay parang balewala ang pangungumbinsi niya sa kanyang sarili? Ang tanong niya.
Wala naman na talagang mali sa mga ginawa ni Lily kanina, it’s just that, her face while she was looking at Antonio so passionately, na para bang totoo na mag-lovers ang dalawa, and it hurts. Bakit siya nasaktan?! Ang galit na tanong at sigaw ng kanyang isipan.
“Nikita!” ang narinig niyang pagtawag ng kanyang pangalan ni Franco, huminto siya sa may poolside kung saan tanaw niya ang mga abala na models na nasa dalampasigan.
“What’s wrong?” ang tanong ni Franco sa kanya, halata sa mga mata nito ang labis na pag-aalala, habang humahakbang papalapit sa kanya.
Napabuntong-hininga at napailing siya, “tsk, wala Franco” ang pagsisinungaling niya, dahil ang totoo ay maraming mali, at hindi iyun sa kanila kundi sa kanya. Huminga siya ng malalim saka niya ibinuga iyun.
At ilang sandali pa ay nakatayo na sa kanyang harapan si Franco habang nasa tabi sila ng pool at tanaw pa rin nila ang mga nangyayari sa dalampasigan.
“Bakit ba ang init ng ulo mo?” ang tanong ni Franco ngunit malumanay pa rin ang pananalita nito sa kanya.
“Wala, wala talaga” ang pagsisinungaling niya, kasabay ng mga pag-iling ng kanyang ulo.
“May dahilan Nikita, you know you can always tell me, ano bang nangyayari sa iyo? You’ve been able to control your temper this years, what happened now that made you broke the string?” ang usisa ni Franco.
She expelled a deep breath, before her eyes gazed pass Franco’s shoulders, where she could see Antonio and Lily talking while they stood on the beach.
“Uhm, masyado lang akong pressured, I’m sorry if I made the atmosphere heavy for us to work” ang paghingi niya ng paumanhin.
“Pressured ka saan? We’re right on time and schedule kung iyun ang pinoproblema mo, hanga nga ako sa baguhan na nakuha mo, he’s very natural, like he’s born to be a model, ang ganda ng rehistro nito sa lente at sa monitor, you’ve seen his shots right?” ang tanong ni Franco sa kanya.
Oo, kahit siya ay nagulat sa kakayanan ni Antonio, he exceeded her expectations, lalo na yung isang shot sa may buhanginan, nang diretso itong tumingin sa camera, his turquoise eyes were so hunting, that it has gotten under her skin. Tila ba nabasa nito ang kasalanan na nagawa niya.
“I’m sorry, I’m just going for a walk” she sighed, “to take a breather” ang dugtong pa niya.
“It’s okey, balik ka na lang kapag okey ka na” ang malumanay na sabi ni Franco sa kanya, at isang matipid na ngiti ang isinagot niya rito.
Inilapat ni Franco ang kanan na palad nito sa kanyang likod, at hinagkan siya nito sa kanyang pisngi. It was a friendly kiss, or a peck on her cheek bago ito tumalikod sa kanya para muling maglakad pabalik sa beach. At nang sinundan niya ng tingin ang papalayong likod ni Franco ay di maiwasan ng kanyang mga mata na, mapadpad kina Antonio at Lily na magkatabi na nakatayo sa tabing dagat, mukhang may sinasabi si Lily rito at taimtim naman na nakikinig si Antonio sa mga sinasabi ni Lily.
Umiwas na siya ng tingin at naglakad siya patungo sa kabilang direksyon ng villa, sa kabilang bahagi ng beachfront, papalayo sa mga ito.
She needed to clear her head, at kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili. Alam niyang mukhang nalilihis na naman siya ng direksyon. Her temper is getting out of control again. And definitely her heart is getting out of control again. She can’t feel this, hindi siya dapat makaramdam ng attraction, ni katiting na pagtibok ng puso niya para sa isang lalaki. Hindi na ba siya nadala sa kanyang nakaraan? Ang muling mabigo? Hinding-hindi na niya hahayaan na muling masaktan ang kanyang damdamin ng dahil lamang sa isang lalaki, ang giit niya sa kanyang sarili.
****
“Anong sabi mo?” ang gulat na tanong ni Antonio kay Lily, tumayo sila mula sa pagkakaupo nila sa buhanginan. Pinagpag pa niya ang mga buhanginan na kumapit sa kanyang dibdib at braso. Habang ang mga mata niya ay nagtatanong kay Lily.

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon