Chapter 53

1.3K 90 90
                                    

Si atty Lipon ang nagmaneho ng kanyang sasakyan para ihatid siya sa kanyang bahay, iniwan muna nito ang sariling sasakyan sa police headquarters para ma ihatid siya nito, at ayaw ni atty na hayaan siyang magmaneho lalo pa at masyado na silang ginabi mula sa ginawang questioning sa kanya.
“Owen was murdered” ang mahinang sambit niya habang nakaupo at nakasandal a ang kanyang ulo sa passenger seat ng kanyang sasakyan.
“Those were just his speculations Nikita” ang sagot ni atty Lipon habang nagmamaneho.
“And Lily was murdered too, with the same killer of Owen” ang sambit muli ni Nikita at natuon ang kanyang mga mata sa labas ng bintana ng sasakyan.
“Again, pure speculations, masyadong pa sikat lang ang imbestigador na yun, yan ang tinatawag na intimidation” ang sabat ni atty Lipon.
“So hindi ako ang dahilan ng pagkamatay ni Owen” ang sagot niya, “but someone definitely wanted me to be connected with the crimes, isang tao na may malaking galit sa akin” ang mahinang sambit niya.
“Still, wala pang ebidensya na magdadawit sa iyo sa mga kaso ng ito Nikita, it could be a murder yes, probably, but it could only be a case of drug overdose” ang giit ni atty Lipon sa kanya.
“I told you, that investigator, that Melchor, was making a fishing expedition of info’s from you” ang mariin na sabi ni atty Lipon, “ang he is desperate na maikonekta ka sa kaso dahil ikaw ang available na suspect” ang giit pa nito sa kanya.
Napailing ito at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito, “but you got us there, you really played him well and me” ang nangingiting saad  nito sa kanya at napasulyap siya sa matandang abugado.
“Thanks, its, I guess it’s the trickster part of me” ang nakangiting sagot niya.
Umiling si atty Lipon, “don’t say that, well tome pwede, pero sa iba hindi, pwede ka ng maging abugado” ang biro nito sa kanya, at sa unang pagkakataon mula ng masaksihan niya ang insidente ay bahagya siyang natawa.
“Magpahinga ka Nikita, mag-off ka muna bukas para sa iyo at sa baby mo, tawagan mo na lang ang mga empleyado mo, then sabihan mo sila na may abugado na pupunta roon sa shop, ako na ang magbibriefing sa  kanila just give them a head start, na huwag makipag-usap sa iba, maliban sa akin” ang utos ni atty Lipon sa kanya at  tumangu-tango siya.
“Like I told you, hindi nila pupwedeng pilitin na magsalita ang mga empleyado mo” ang giit ni atty Lipon sa kanya.
Muli niyang ibinaling ang kanyang ulo sa kanan, nanatiling nakasandal ang kanyang ulo sa headrest ng upuan. At muling naglakbay ang kanyang diwa.
Iisa lang ang nasa isip niya na maghihiganti sa kanya at iyun ay si Franco, yes speculations din lang niya ang lahat pero katulad niya, si Franco lang ang may motibo para maghiganti sa kanya at iyun ay ang inakala nitong siya ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid nito na si Owen.
Pero si Lily? Bakit halos pareho ang pagkamatay nina Owen at Lily? O coincidence lang talaga ang lahat? Ang mga katanungan sa isipan niya.
At ngayon nga ay idinadawit pa siya ng imbestigador dahil sa mga hinala nito na siya ang may motibo, hindi niya alam kung ang mga sinabi nito kanina na hindi siya suspect nito, is for her to let her guard down and he could get informations from her. She may not be a suspect right now, pero inamin nito na person of interest siya. It’s just a one step away from being a suspect, ang sabi niya sa sarili.
She thought that officer Melchor played it well too, it’s just that, mukhang ang pagiging hindi niya agad pagtitiwala ang nagsalba sa kanya kanina, kaya nalaro din niya ang sitwasyon.
Muling lumipad ang kanyang isipan habang namayani na ang katahimikan sa kanilang dalawa ni atty Lipon, at napadpad iyun kay  Antonio.
Magagalit ba si Antonio sa kanya kapag nalaman nito na patay na si Lily? Ang babaeng nagmamay-ari ng puso nito? Ang malungkot na tanong ng kanyang isipan.
At muling nangilid ang luha sa kanyang mga mata hanggang sa tuluyan ng pumatak iyun mula sa kanyang mga mata patungo sa kanyang mga pisngi.
Ayaw man niyang aminin at pilit man niyang itanggi at labanan, ay hindi na niya ikakaila pa na hinahanap-hanap niya si Antonio. Labis siyang nangungulila para rito ng mga sandali na iyun. At kahit pa niloko siya nito, hindi katulad noon ng kay Leo na pagkamuhi at matinding galit ang nadama niya, kay Antonio? Ay nananatiling minamahal niya ito, at hanggang sa mga oras na iyun at mas lalo na sa mga sandaling iyun, ang tanging hinahanap niya ay ang mabalot sa mga bisig nito, where she always felt protected and loved.
At hinayaan na lamang niyang dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata, ni hindi niya iyun pinunasan, at hinayaan niyang maging malaya ang kanyang luha ng mga sandaling iyun.
Pagkarating nila ni atty Lipon sa kanyang bahay ay hindi niya inaasahan ang mukhang sasalubong sa kanya sa labas ng kanyang pintuan ng bahay, ang lalaking nananatiling nagmamay-ari ng kanyang puso at pagkatao. Si Antonio.

Pinagmasdan ni Antonio ang mga kulay pulang rosas na unti-unting nawawala ng buhay sa kanyang mga kamay. Tiningnan niya ang oras sa kanyang suot na relo sa kanyang kaliwang pulsuhan.
Mag-aalas onse na ng gabi pero wala pa si Nikita, wala ito sa boutique kanina sa hotel at nagpasya nga siyang puntahan ito, dito sa bahay, pero pagdating niya ay walang Nikita siyang inabutan at isang tahimik at nakasaradong bahay ang dinatnan niya.
Naghintay siya roon ng ilang oras, at nang walang bumalik na Nikita ay nagpasya siyang umalis samdali para puntahan ang isa nitong shop, pero, hindi rin daw nagawi roon si Nikita at muli nga siyang bumalik dito sa bahay, at nagtiyagang maghintay sa labas ng pintuan nito.
Nag-simula na siyang mag-alala, pero ayaw niya itong tawagan para sabihin na narito siya sa harapan ng bahay nito, at baka mas lalo itong umiwas sa kanya. Pero, bakit hanggang ngayon ay wala pa ito? May nangyari kaya rito? Ang natatakot na tanong na sumagi sa kanyang isipan.
Pilit niyang pinawi ang masamang isipin, hindi, baka naman may fashion show ito na pinuntahan kaya ginabi na ito, pero, nag tataka siya at walang sasakyan nn Nikitai siyang dinatnan na nakaparada sa harapan ng bahay nito. Sino kaya ang kasama nito? At nakaramdam ng kirot ang kanyang puso.
May kasama na kaya itong iba? May isang napakaswerteng lalaki kaya na pinagtuunan na nito ng pansin, may bagong pinaglaanan na ba ito ng puso niya? Ang mga tanong na sumagi sa kanyang isipan na labis na nagdulot ng kirot sa  kanyang dibdib.
Masisisi ba niya si Nikita? Kung may pumalit na sa kanya sa puso nito? Napakasakit na isipin na may iba ng mga bisig na bumabalot sa katawan nito, ang hinanakit ng kanyang puso at isipan.
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata at pilit niyang nilunok ang masidhing emosyon na namuo sa kanyang dibdib at lalamunan.
Hindi niya yata kakayanin, kapag tuluyan na nawala na si Nikita sa kanya, lalo pa at may mga anak sila, ang hinanakit ng kanyang kalooban. Gagawin niya ang lahat, gagawin niya ang lahat para muling mabawi ang puso ni Nikita, para muli niyang maangkin ang puso nito.
Nang biglang tumunog ang kanyang telepono, agad niyang dinukot iyun sa harapan na bulsa ng kanyang maong na pantalon at nakita niya ang pangalan ni Arthur, agad niya iyun sinagot.
“Arthur?” ang tanong na bati niya.
“Kuya si Lily, yung kasamahan mo na model?” ang agad na sagot sa kanya ni Arthur.
Kumunot ang kanyang noo, “ano, bakit? Anong mayron kay Lily? Bagong video na naman ba? Idinawit na naman ba ako?” ang galit at kinakabahan na tanong niya.
“Hindi kuya, hindi ka na niya madadawit, kasi patay na siya” ang walang patumpik-tumpik na sagot ni Arthur sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata at bumuka ang kanyang bibig, hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Si Lily? Patay na?
“Nasa balita ngayong gabi lang sila nag labas tungkol sa pagkamatay nito, ang sabi ay overdose sa ecstasy” ang mariin pang saad ni Arthur. Napalunok siya, ang ecstasy na ginamit  ni Lily sa kanya ay siya ring nagpahamak dito.
“Kuya nakita mo na si Nikita?”  ang excited na tanong nito sa  kanya.
Napabuntong-hininga siya, at pilit na muna niyang inalis sa kanyang isipan si Lily.
“Hindi pa, wala pa siya, wala pa si ATE Nikita mo” ang mariin na sagot niya kay Arthur at narinig niya na Bahagyang natawa si Arthur sa kabilang linya.
“Goodluck kuya” ang huling sabi nito sa kanya bago naputol ang kanilang usapan.
Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan, at tumingala siya sa kalangitan, saka niya ipinikit ang kanyang mga mata. At parang kasagutan sa kanyang panalangin, nang makita niya ang pamilyar na sasakyan ni Nikita.
Parang may spring ang kanyang puwitan na nagtulak sa kanya pa tayo mula sa kanyang pagkakaupo sa harapan ng pintuan ng bahay ni Nikita.
Hinintay niyang pumarada ang sasakyan nito sa bakanteng lote sa harapan ng bahay ni Nikita na nagsisilbing parking nito. Napalunok siya at napakapit nang mahigpit ang kanyang mga kamay sa bungkos nang nalalanta ng mga pulang rosas. Huminga siya malalim saka siya naglakad papalapit sa sasakyan ni Nikita pero bigla siyang napahinto nang mula sa side ng drayber ay bumaba si atty Lipon.
Tiningnan lamang siya nito na parang may panghihinayang at saka ito tumango sa kanya, ngunit walang salita o ngiti lamang na lumabas o nakita sa mga labi ng matandang abugado na matagal na rin niyang naging amo.
Nakaramdam ng lungkot si Antonio, halata sa mukha ni atty Lipon na bingo niya ito, at iyun naman ang totoo. Pinagmasdan niya si atty na naglakad patungo sa kabilang pintuan saka nito hinila ang pinto para buksan iyun, at saka nito inalalayan si Nikita palabas ng sarili nitong sasakyan. At nabakas niya sa mga namumugtong mata nito, na sariwa pa ang mga iyun mula sa pagluha at nabakas niya na may mabigat itong dinaramdam sa dibdib nito. Bigla siyang kinabahan wala kayang nangyari sa mga anak nila? Ang takot niyang tanong sa sarili.
“Nikita?” ang kinakabahan na sambit niya at mga malulungkot na mga mata ang natuon sa kanya.
Sinundan niya ng tingin sina atty Lipon at Nikita na naglalakad  papalapit sa may pintuan, sandali na tahimik na nag-usap ang dalawa at nakita niyang tumangu-tango si Nikita at pumaloob ito sa yakap ni atty Lipon.
“Nikita” –
“Antonio, sandali lang” ang pagtawag sa kanya ni atty Lipon at agad siyang lumapit sa matandang abugado. Napasulyap muna ito kay Nikita na kasalukuyan nagbubukas ng pintuan ng bahay nito.
“Bantayan mo siyang maigi” ang mariin na sabi nito sa kanya at mabilis na pagtango ang kanyang isinagot.
“Paano po kayo?” ang tanong naman niya sa matandang abugado.
“May paparating nang sasakyan na susunod sa akin dito, sige na sundan mo na si Nikita, nang makapag-usap kayo” ang pagtaboy sa kanya nito.
Tumangu-tango siya at halos takbuhin niya papalapit sa pintuan na kasalukuyan ng isinasara ni Nikita ang pinto.
“Nikita, parang-awa mo na, kausapin mo muna ako, pakiusap Nikita, pakinggan mo lang ang paliwanag ko” ang  pagsumamo niya rito mula sa labas ng pintuan, hawak niya ang pinto para pigilan na maipinid iyun ni Nikita nang tuluyan.
Halata na ang pagod sa mukha ni Nikita, at alam niyang hindi  lang katawan ang napapagod dito, kundi pati ang puso at isipan nito.
At mukhang nagbunga ang pakiusap niya dahil umalis si Nikita mula sa pagkakatago nito sa likod ng pinto at agad siyang humakbang papasok, saktong nakita niya si atty Lipon na pasakay na ng sasakyan na ni-book nito.
Ipininid niya ang pinto at ni lock iyun, at saka siya humarap kay Nikita, habang hawak pa rin ang mga lanta nang rosas sa kanyang mga kamay.
“Para sa iyo sana ito, pero kanina pa kasi itong tanghali sana kaso nalanta na”-
“I’m sorry Antonio” ang naluluhang sambit ni Nikita sa kanya na kanyang ikinagulat at mabilis siyang humakbang papalapit rito.
“Sorry? Sorry saan? Ako dapat ang mag-sorry Nikita sa sakit na naidulot ko  sa iyo, sa pag durog ko ng puso mo, sa pangakong di ko natupad, pero hayaan mo akong magpaliwanag, hindi  ko alam ang ginagawa ko noon Nikita, may pinainom sa akin si Lily, kaya di ko na alam ang ginagawa ko”-
“Pinainom?” ang gulat at kunot noo na tanong ni Nikita sa kanya.
Mabilis siyang tumango “oo, akala ko ikaw ang kasama ko noon, hilong-hilo ako noon at halos di an makahinga” –
“Ecstasy” ang narinig niyang sambit ni Nikita, at kumunot ang kanyang noo kasabay ng pagtango niya.
“Oo, nagpa drug test ako at nag positive ako sa  ecstasy, pinainom ako ni Lily “-
“Patay na siya” ang naluluhang sagot ni Nikita.
“Alam ko” ang sagot naman niya na nagpatuon ng mga mata ni Nikita sa kanya.
“Balita sa TV, sabi ni Arthur kanina lang” ang saad niya bilang tugon sa nagtatanong na mga mata ni Nikita.
“H-hindi ako ang pumatay sa kanya Antonio, hindi ako” ang naluluhang sambit ni Nikita sa kanya kasunod ng mga pag-iling at niyakap nito ang sarili.
Inihagis niya sa sofa ang lantang mga bulaklak at sa malalaking hakbang ay lumapit siya kay Nikita at kanyang ikinulong ito sa kanyang mga nananabik na mga bisig.
“Nikita, Nikita” ang sambit niya sa pangalan nito na tila ba isang panalangin, saka niya paulit-ulit na hinagkan ang ibabaw ng ulo nito. At kanyang naramdaman ang pagyugyog ng balikat nito  dahil sa muling pagluha nito.
“Shhh, Nikita, huwag mong sabihin yan, hindi mo magagawa yun, saka bakit mo nasabi iyan?” ang malumanay na tanong niya rito habang nagtataas-baba ang kanyang mga kamay sa likod nito.
“Nandun ako sa bahay niya, ka kausapin ko sana siya, naabutan ko na siyang patay sa bahay nito” ang lumuluha pa ring sagot nito sa kanya.
“Hindi ikaw ang pumatay sa kanya Nikita, hindi ba at sabi sa balita na overdose sa ecstasy ang kinamatay ni Lily?” ang pagpapaalala niya rito.
Naramdaman niyang tumingala ang ulo ni Nikita sa kanya at sinalubong ng kanyang mga kulay asul-berde na mga mata ang mga nag tataka na mata ni Nikita.
“W-walang nabanggit patungkol sa akin” ang takang tanong ni Nikita sa kanya sa pagitan ng pagluha nito.
Umiling siya at pinahid ng kanyang mga palad ang mga luha nito sa pisngi.
“Walang nabanggit na pangalan mo sa balita Nikita” ang mariin niyang sagot dito.
“P-pero nasa police headquarters kami kanina ni atty Lipon” tumigil sa pagsasalita si Nikita at kumunot ang noo nito na tila may iniisip.
“Siguro para tanungin ka lang?”  ang patanong na sagot niya kay Nikita peo umiling ito.
“Ang sabi nga pala ni officer Melchor na off the record pa ang usapan namin at wala pang ebidensya na magsasangkot sa akin sa krimen” ang malumanay na sagot ni Nikita sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo dahil sa pag tataka, “krimen? Overdose ang ikinamatay niya Nikita” ang giit niya rito.
“Antonio”-
“Nikita” ang mariin na pagbanggit niya sa pangalan nito, labis ang tuwa na nadarama niya dahil muling nasakop ng kanyang mga bisig ang katawan ng babaeng pinakamamahal niya.
“Nikita, patawarin mo ako, pakiusap bigyan mo pa ako ng isa pang tsansa, hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko” ang giit niya kay Nikita.
“Totoo ba ang sinabi mo Antonio? Ang tungkol sa nangyari noong gabing iyun sa yate?” ang umaasa ng tanong ni Nikita sa kanya habang ang mga mata nito ay malamlam na nakapako sa kanyang mga mata.
Mabilis siyang tumango, “heto” ang mabilis niyang sagot at kinuha niya ang papel sa kanyang likurang bulsa para ipakita iyun kay Nikita, pero umiling ito at bumagsak ang kanyang mga balikat, nanlulumo siya at hindi tinanggap ni Nikita ang pagpapatunay niya.
“Nikita pakiusap, wala kaming relasyon ni Lily maniwala ka”-
“Antonio, hindi ko na kailangan ang patunay mo, dahil” sandali itong tumigil at saka nito inilapat ang kanan nitong pisngi sa kanyang dibdib.
“Dahil naniniwala na ako sa iyo” ang mahinang sambit nito, ngunit para kay Antonio ay umaalingawngaw iyun sa kanyang tenga.
Inilagay niya ang kanyang hintuturo at hinlalaki na daliri ng kanyang kanan na kamay sa baba ni Nikita at marahan niyang kinabig pataas iyun para tumingala ang mukha nito at mag tama ang kanilang mga mata.
“Salamat Nikita, Diyos ko, salamat!” ang mga masayang pagsambit niya.
Kanyang Ibinaba ang kanyang mga labi sa naghihintay na mga labi ni Nikita saka siya bumulong.
“Mahal na mahal kita Nikita” ang bulong niya sa mga labi nito.
“Mahal na mahal kita Antonio” ang sagot nito sa kanyang mga labi bago naglapat ang mga iyun sa isang nanabik na halik.




Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon