Nagulat si Nikita ng bumungad ang mukha ng kaibigan, loyal client, at ang may-ari ng hotel kung saan ay umuupa siya. Ang kilalang erotic writer na si Alexis deLuca Velasco.
Agad niyang niyakap ang kaibigan na puno ng pananabik at kasunod nitong pumasok ay ang asawa nito na dating nagtatrabaho sa PNP.
Biglang napasulyap si Alexis sa upuan sa harapan ng kanyang working table kung saan nakaupo si Antonio, at kitang-kita sa mga mata ni Alexis, na bahangyang nanlaki nang makita si Antonio sabay tingin sa kanya para naman paningkitan siya ng mga mata na tila sinasabi nito na “magpaliwanag ka” ang sabi ng isipan ni Nikita.
“Kamusta ang bakasyon ninyo?” ang masayang bati ni Nikita kay Alexis at sa asawa nito.
“Mabuti, we experienced a very laid back life sa isla, uhm, nakakaistorbo ba kami? We’re not interrupting something erotic happening here right?” ang diretsang tanong ni Alexis sa kanya na naupo sa may sofa katabi ng asawa nito.
Nag-init ang mukha ni Nikita at napasulyap siya kay Antonio na napakagat sa ibabang labi nito at nanlaki ang mga mata at narinig naman niya ang mahinang tawa ng asawa ni Alexis na si Trace.
“Uh-n-no! Uhm, model ko siya!” ang mabilis na pagtanggi ni Nikita.
Tinaasan siya ng kilay ni Alexis at ngumiti, “Oh, siya yung liligawan mo na model? So kayo na?” ang tanong pang muli ni Alexis at mas lalo lang namula ang mga pisngi niya.
“Uhm, oo, uh, tinanggap niya ang TRABAHO” ang mariin na sagot ni Nikita kay Alexis.
Nagtaas ng kilay si Alexis, “kaya naman pala hinabol-habol mo” ang makahulugan na sabi ni Alexis sa kanya, “hindi mo ba kami ipapakilala sa boy- oh, uh, model mo?” ang tanong ni Alexis sa kanya.
“Uh, of course” ang sagot niya sabay iling, “Antonio? Please meet my friend, Alexis Velasco and husband niya si Trace Velasco, uhm, Alexis? Trace? Si Antonio Alimbuyugin, male model ko” ang pagpapakilala niya.
Mabilis naman na tumayo si Antonio at lumapit sa dalawa para iabot nito ang kanan na kamay sa mag-asawa.
“Alimbuyugin, diba, kulay ng panabong yun?” ang tanong ni Trace Kay Antonio na tumango at ngumiti.
“Uh, sa pagkakaalam ko po” ang magalang na sagot ni Antonio.
“Huwag mo na kami i-po Antonio, kaibigan ka na rin namin” ang nakangiting sabi ni Alexis, “so Nikita? Natry mo na ba kung paano gumiri si Antonio?” ang pilyang tanong ni Alexis sa kanya at mas lalong nag-init ang mukha ni Nikita.
“Uh- h-hindi” ang nalilito na sagot niya. At nakita niyang natutuwa si Alexis sa discomfort niya ng mga sandali na iyun at mukhang alam nito na may illicit thoughts siya sa kanyang model.
“Oh, dinalaw ka lang namin para i -congratulate sa success ng brand mo Nikita, lalo na yung for him mo na summer collection, sayang at wala kami rito nang mag-opening ka” ang saad ni Alexis sa kanya.
“Thank you, at okey lang, alam ko naman na masyadong enjoy ka sa isla” ang nakangiting sagot niya.
“Very much” ang mariin na sagot ni Alexis sa kanya sabay ngiti at kindat.
“Uhm, gusto ko rin pala magpagawa ulit ng tatlong set ng custom made mo para sa akin” ang sabi ni Alexis.
“Uhm, of course, new designs ba? May bago akong designs para sa iyo or yung dati na?” ang tanong niya sa kaibigan.
“Yung dati, six, seven, and ten, wala naman kasing ginawa itong si Trace kundi ang wasakin ang underwear ko, pwede namang tanggalin” ang diretsang sabi ni Alexis na ikinapula ng pisngi ng asawa nito.
“Alexis?” ang mahinang saway ni Trace sa kaibigan.
“Oh nahiya ka ngayon, pero nung wasakin mo panty ko, beast mode ka, napagkamalan pa ngang wedding garter yung naiwan sa binti ko” ang kwento ni Alexis sa kanya.
Hindi na niya mapigilan ang tumawa nang marinig ang kwento ng kaibigan pero, nakalimutan niya yata ang ugali ng kaibigan niya.
“Eh ikaw Nikita kailan mo pawawasak ang panty mo kay Antonio?” ang nakangiting tanong ni Alexis sa kanya kaya bigla siyang natigilan sa pagtawa niya.
“Ha? Uh eh”-
“Pwede naman, sa susunod na araw” ang sagot ni Antonio na nakaupo na muli sa upuan na katabi ng mesa.
She was dumbfounded and she turned her head towards him, and she looked at him wide eyed and open mouthed.
“Abangan ko yan Antonio, kailangan na tuparin mo yang sinabi mo, hindi ba at kaibigan ka na namin at walang sikretuhan kapag ganun” ang sagot ni Alexis kay Antonio na ngumiti ng malapad at tumangu-tango.
“We better be going, Nikita, Antonio, dumaan lang kami then balik na ulit kami sa bahay” ang sabi ni Alexis kasabay ng pag-tayo nito.
Muli niyang hinagkan sa pisngi ang mga kaibigan bago pa lumabas ang mga ito, pero muling nagsalita si Alexis.
“Uhm, pwede rin na magpasadya ng brief hindi ba?” ang tanong ni Alexis sa kanya.
“Oo naman” ang mabilis niyang sagot habang tumatango.
“Uhm, gawan mo nga si Trace ng brief na may opening sa harapan, para hindi na niya ibaba brief niya, yung pagbukas ng zipper hahawiin na rin lang yung brief para mailabas si ten?” ang tanong ni Alexis sa kanya.
Napanganga na lang muna si Nikita at matagal siya bago nakapagsalita at nakita niya ang asawa nito na si Trace na namula ang mga pisngi.
“Uhm, yeah, sure” ang tanging naisagot niya at nakita niyang nilapitan pa muna nito si Antonio na tumayo para magpaalam sa dalawa. Lumapit ito kay Antonio at may mahina itong sinabi na hindi niya narinig kaya kumunot na lang ang noo niya.
“Antonio, i-test drive mo na yung kaibigan ko, baka kalawangin na siya” ang bulong ni Alexis kay Antonio na napangiti na lamang.
“Bye Nikita!” ang huling bati pa ni Alexis sa kanya bago tuluyan na lumabas ang mga ito ng kanyang opisina. At nang maipinid na ang pinto ay tinanong niya si Antonio.
“What did she tell you?” ang tanong niya kay Antonio na mabilis siyang tiningnan at napailing.
“Uhm, wala naman” ang matipid na sagot nito sa kanya, “uh galingan ko daw sa trabaho ko” ang sagot nito sa kanya.
She looked at him, with her brows closed together, as she looked at Antonio doubtfully. Muka kasing hindi iyun ang sinabi ng kanyang kaibigan kay Antonio.
She bit her lips, before she nodded at him, “uhm, sige Antonio, bukas puntahan mo ako ha, para sa meeting natin with the CEO’s of Bare shampoo, uh, daanan na lang kita sa inyo, sa bago ninyong inuupahan na bahay? “ ang tanong niya kay Antonio, na mabilis na tumangu-tango.
“Oo sige, pinaka kamusta ka nga pala nila nanay at tatay, at salamat daw sa mga naitulong mo sa amin” ang nakangiting sabi ni Antonio.
Umiling siya, “Antonio, itinulak lang kita, pero, ikaw talaga ang humila sa sarili mo, kung hindi ka kikilos at hinayaan mo na lamang ang sarili mo na nakalubog ang mga paa sa kung nasaan ka, kahit pa tulungan kita ay balewala iyun, saka, tinulungan mo rin naman ako, nagtulungan lang tayong dalawa Antonio” ang giit niya kay Antonio na sumagot ng ngiti sa kanya.
“Uhm, Nikita?” ang sambit ni Antonio sa kanya at nakita pa niyang nagkamot ito ng noo, na napansin niya na habit na ni Antonio.
“Yes?” ang tanong niya at tiningnan niya sa mga kulay dagat nitong mga mata.
“Gustomobangmagtestdrive?” ang mabilis na tanong nito sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo dahil di niya naintindihan ang sinabi nito.
“Ha?” ang muling tanong niya at mas lalong kumunot ang noo niya.
“Uh, ah, ang ah, ibig kong sabihin ay ah, kung hindi ka abala, yayain sana kita na magkape?” ang tanong ni Antonio sa kanya.
Hindi niya napigilan ang ngumiti, “oo gusto ko” ang nakangiti niyang sagot, at nakita niya na napangiti si Antonio sa kanyang sagot.
“Hindi ba may coffee shop dito?” ang tanong ni Antonio sa kanya, pero umiling siya.
“Coffee shop sa labas ba ang gusto mo?” ang tanong ni Antonio sa kanya.
Mabilis siyang tumangu-tango at ngumiti, “pwede mo ba akong alukin ng kape ninyo sa bahay?” ang umaasang tanong niya at mas nagliwanag pa ang mukha ni Antonio sa kanya.
“Oo naman, hindi lang kape, pati tanghalian” ang nakangiting sagot sa kanya ni Antonio.
****
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...