Chapter 9

1.4K 100 39
                                    

Nasaksihan ni Nikita kung paanong nasamid si Antonio ng iniinom nitong kape, ibinalik nito ang kape na nasa loob ng bibig nito at nakita niya na lumusot ang kape sa ilong nito na mabilis nitong pinunasan gamit ang napkin.
She heard him hissed and gasped for air, dahil panandalian na naputol ang paghinga nito  nang masamid ng mainit na kape. Good thing hindi nito ibinuga sa kanya ang mainit na likido, ang sabi niya sa sarili.
“Are you okey?” ang alalang tanong niya rito habang nakatuon ang kanyang nakakunot  na mga mata sa inuubong si Antonio. Mabuti na lang at hindi masyadong maraming tao nang mga sandali na iyun at hindi sila masyado nakakuha ng atensyon.
“Uhugh, ehem”ang paglilinaw ni Antonio ng lalamunan nito at pinahiran nito ng husto ang bibig at pagid ng mga labi nito tulad ng baba at pisngi.
“Niligtas ko buhay mo, ipinagamot mo pa ako tapos, papatayin mo rin lang pala  ako” ang galit sa sabi ni Antonio sa kanya.
“Ano bang pinagsasabi mo?” ang iritadong patanong na sagot niya kay Antonio na matalim ang mga tingin na ibinigay sa kanya.
“Ano rin bang pinagsasasabi mo?” ang galit na balik tanong nito sa kanya.
“I told you I want you” ang diretsahan niyang sagot.
Isang hininga ang pinakawalan ni Antonio at isang gulat at di makapaniwala na tingin ang ibinigay nito sa kanya.
“I want you and I desperately needed you” ang giit pa niya na mas lalong ikinagusot ng gwapong mukha ni Antonio at tiningnan siya na para bang nahihibang sa siya.
“May girlfriend na ako” ang mariin na sagot nito sa kanya.
“May girlfriend ka na?” ang gulat na balik tanong niya na ikinabigla rin ng kanyang sarili. Of course may girlfriend na ito, ang sabi niya sa sarili, sa hitsura nito, imposible ng mawala ito ng girlfriend, AT, wala na dapat pa siyang pakialam doon dahil wala  naman siyang balak na makipag relasyon dito kundi katawan lamang nito ang habol niya. LITERALLY.
Pero bakit? Nakaramdam ng kirot at panghihinayang  ang puso niya? Ang tanong ng kanyang isipan, at mabilis niyang sinaway ang kanyang sarili. Hindi niya kailangan na mainvolve sa isa na namang gwapong lalaki, dapat sa mga nangyari sa kanya ay natuto na siya, at talaga namang natuto na siya, ang giit at pangungumbinsi niya sa kanyang sarili.
“Oo may girlfriend na ako” ang pag-uulit nito sa kanya, “akala  ko  ba wala kang gusto sa akin?” ang giit nito sa kanya at naghalukipkip ang mga braso nito sabay sandal sa backrest ng silya. And he gave her an accusing look.
“Wha- no!” ang mabilis na sagot niya sabay ang mabilis na pag-iling, “ang ibig kong sabihin ay gusto kita para sa brand ko, bilang model” ang paglilinaw niya, at nawala ang kunot sa mukha nito.
“Model?” ang tanong nito sa kanya at nagliwanag ang mukha niya, nakakita siya ng pag-asa na makumbinsi niya ang lalaking ito.
“Uh-hmmm” ang sagot niya kasunod ng mga pagtango, “ikaw ang matagal ko ng hinahanap, hinihintay actually na magsusuot ng designs ko, ng aking collection para sa mens underwear at swimswear” ang paliwanag niya.
“Underwear? Ibig mong sabihin brief ganun?” ang di makapaniwala nitong tanong sa kanya na nanlaki pa ang mga mata sa gulat kaya kitang-kita niya ang asul-berde nitong mga irises.
“Uhm, oo, pero hindi lang briefs or boxers, swimwear din, like board shorts and trunks, even shirts.
Nakita niya ang mabilis na pag-iling nito sa kanya at ang pagtikom ng mga labi nito na pagpapakita nito ng pagmamatigas na di pagsan-ayon.
“Why?” ang  takang tanong niya, “hindi ba at kailangan mo ng trabaho?” ang tanong niya kay Antonio na tumangu-tango.
“Oo  kailangan ko ng trabaho”-
“So I’m offering you one, bakit tinatanggihan mo? Napakalaki ng opportunity nito Antonio, kapag na expose ka na sa modelling industry, magiging stepping stone mo na ito sa iba pang opportunity or career”
“Tulad ng  pag-aartista?” ang putol na tanong nito sa kanyang pagsasalita.
“Oo” ang mabilis na sagot  niya.
“Ayoko” ang  mariin na pagtanggi ni Antonio na ikinakunot ng noo  niya. Ano bang  meron sa lalaki na ito at ang hirap paamuin? Ang tanong ng isipan niya.
“Please, tulad ng sinabi ko sa iyo, kailangan kita” ang pakiusap niya rito, she may sound and looked so stupidly desperate, pero yun talaga ang kinatatayuan niya sa mga sandali na iyun, desperada na siya na mapapayag ang lalaking may kakaibang karisma  na si  Antonio. Sa kanya niya lang naramdaman ang kakaibang dating nito, na ito na ang matagal niyang hinahanap  sa kanyang panaginip. Siguradong ang magnetismo na dulot nito sa kanya ay madarama rin ng mga taong makakakita rito, lalo pa at suot na nito ang kanyang mga obra.
“Please Antonio, name your first paycheck, willing ako na magbayad kahit na magkano, basta makuha lang kita” ang desperadong sabi niya kay Antonio na mukhang mas hindi pa lalo nagustuhan ang kanyang sinabi. Mabilis ang mga pag-idling nito sa kanya.
“Ayoko at hindi ako masisilaw sa pera Nikita, ininsulto mo ako, aalis na ako”ang galit na sabi ni Antonio sabay tayo nito, pero mabilis din siyang tumayo at inabot niya ang braso nito  para hawakan at pigilan ang pag-alis nito, at pareho silang natigilan. Parehong bumaba ang kanilang mga mata sa kanyang kamay na hawak ang kaliwang pulsuhan nito. At saka niya dahan-dahan na inalis ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak sa braso ni Antonio at nilinaw niya ang kanyang lalamunan.
“I’m sorry, alam ko naman na hindi ka mukhang pera, pasensiya na kung, hindi maganda ang dating sa iyo ng pag-offer ko ng magiging paycheck mo” napabuntong-hininga siya “kailangan na kailangan lang talaga kita” ang mahina at malumanay na sabi niya kay Antonio.
“Ihahatid na kita sa inyo, gusto ko rin pala bigyan ng cake si nanay Lita at tatay Jose, kung pwede lang sa iyo?” ang paghingi niya ng paumanhin dahil ayaw niyang masamain ni Antonio ang  gestures niya.
Narinig niya ang pagpakawala  nito ng malalim na hininga kasunod ang pagtango nito at isang matipid na ngiti ang isinagot niya kay Antonio saka sila umalis sa lamesang kinapupwestuhan nila at naglakad sila palapit sa counter para bumili ng cake para sa mga magulang ni Antonio.
Tahimik ang kanilang biyahe pabalik sa bahay nina Antonio, alam niyang isang set back lang ang nangyari, hindi siya titigil sa pagkumbinsi rito, huh, ngayon pa ba? Ngayong ang kasagutan sa mga panaginip niya ay kasama at nahawakan na niya? No! Hindi siya susuko, ang giit niya sa kanyang sarili.
*****
“Naku salamat Nikita, hindi ka na sana pa nag-abala, mukha pating mamahalin ito” ang nahihiya ng sabi ng nanay ni Antonio.
“Wala pong anuman, hindi ko po kasi alam kung anong paborito ninyo na flavor, ang sabi lang nitong si Antonio ay chocolate, hindi po ako makapili sa dalawang chocolate kaya, dalawang chocolate flavored cake po ang binili ko, para po sa inyo ni tatay, sa bayan nyo po ng kape para mas lalong masarap” ang sagot ni Nikita sa nanay ni Antonio.
“Ganun ba? Salamat ha iha, Halika saluhan mo kami ng tatay, ipagtitimpla kita ng kape” ang masayang sabi ni nanay Lita kay Nikita.
Pinagmasdan ni Antonio si Nikita na napatingin sa kanya, mukhang nagpapasaklolo ito sa kanya, marahil ay gusto nitong tumanggi sa kape na inaalok ng kanyang nanay, hindi dahil sa ayaw nito ng kanilang kape, marahil ay dahil sa kaiinom lang nilang dalawa ng kape sa isang coffee shop. Pero, hindi siya kumibo at nagkibit-balikat lang siya, titingnan niya kung paano pakikisamahan o tatanggihan ni Nikita ang kanyang mga magulang. Pero, nagulat siya sa sinabi nito.
“Sige po, gusto ko pong mag kape kasabay ninyo” ang masayang sagot ni  Nikita sa kanyang nanay na halata ang labis na saya sa mukha nito. Bihira rin lang kasi ang bisita sa bahay nila, si Claire naman ay mas gustong siya ang pumupunta kaysa sa dumalaw dito sa bahay. Na, naintindihan naman niya, dahil sa abala ito sa pagbabantay ng car wash nito.
“Kamusta ang sugat mo anak?” ang tanong ng kanyang tatay sa kanya at naupo rin ito sa may lamesa kasama nila ni Nikita.
“Okey na po tatay, tinurukan na po ako ng anti-tatanus” ang sagot niya.
“Oo nga po tatay Jose, good boy po si Antonio kanina at hindi malikot at hindi natakot sa karayom, hindi ba Antonio? Parang kagat lang ng langgam?” ang pang-iinis na tanong sa kanya ni Nikita at pinaningkitan niya ito ng kanyang mga mata at isang malakas na tawa naman ang narinig mula sa mga labi ng  kanyang tatay.
“Hi hi hi, alam mo bang takot si Antonio sa karayom? Sa injection?” ang natatawang sabi ng kanyang nanay habang isa-isa nitong ipinatong ang mga mug sa ibabaw ng lamesa na may laman na bagong timplang kape.
“Oh, talaga po” ang exaggerated na sagot ni Nikita, na gustong palabasin na ngayon lang nito nalaman na takot siya sa  karayom ng heringgilya. Namilog pa ang mga mata nito sa likod salamin at tumaas ang mga kilay nito sa gulat, kuno.
“Oo” ang natatawang sagot ng kanyang nanay, habang abala ito sa paglalagay ng mga plato at  tinidor sa kanilang harapan para paglagyan ng cake na dala nila.
“Yung maliit pa kasi iyan ay nabali ang karayom sa braso nito noong injectionan sa center dahil sa kalikutan nito, itinakbo tuloy siya sa hospital para makuha ang kaputol at mula noon ay takot na ito na magpabakuna” ang kwento ng nanay niya at napasulyap siya kay Nikita na mabilis din siyang sinulyapan at isang mapang-asar na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.
Halos isang oras din ang inilagi ni Nikita sa kanilang bahay bago ito nagpaalam na aalis na, magiliw itong nagpaalam sa kanyang mga magulang na muling inimbitahan si Nikita na dumalaw sa kanilang bahay at ang sagot ni Nikita ay hindi niya nagustuhan.
“Gusto ko po iyun” ang mariin na sagot ni Nikita sa imbitasyon ng kanyang nanay sabay tingin nito sa kanya. Sana, pakita ng taon lang ang isinagot ni Nikita, sana, sana hindi nito totohanin na palagian itong dumalaw sa kanilang bahay dahil sa, dahil sa hindi niya nagugustuhan ang kanyang nadarama.
“Antonio, ihatid mo si Nikita sa sasakyan nito” ang utos sa kanya ng kanyang nanay at kumaway pa paalis si Nikita at muling nagpaalam bago naglakad papalabas ng kanilang pintuan. Pinauna niya itong lumabas ng pinto saka siya sumunod palabas. Pinagmasdan niya ang likod nito ang pang itaas na bahagi ng katawan nito na nakapaloob sa isang kulay gray na  t-shirt at ang  pang-ibaba naman nito ay isang itim na pantalon na malapad na tila ba isang palda. At naalala niya ang converse na suot nito, iyun din ang suot nito kahapon ng tapunan siya nito ng juice.
Huminto ito sa harapan ng pintuan ng driver bago pumihit ang katawan nito para harapin siya. At natigilan siya sa malapad na ngiti na binigay nito sa kanya, at mabilis na pumintig ang kanyang puso sa kanyang dibdib.
“Salamat Antonio, hindi ko akalain na mag-eenjoy ako ng husto sa araw na ito, salamat at hinayaan mo na makasama ko ang mga magulang mo, you’re so lucky, you still  have both of your parents, kaya alam ko na lahat ay gagawin mo para sa kanila” ang masayang sabi ni Nikita sa kanya.
Siya man ay hindi niya maitatanggi na nag-enjoy siya sa kwentuhan nila sa kanilang kusina habang umiinom ng kape. Tila ba mas matagal nang naging kakilala nila o ng kanyang mga magulang si Nikita kaysa kay Claire. Siguro, dapat ay yayain niya si Claire ng mas madalas sa bahay  para maging malapit ito sa mga magulang niya, ang sabi niya sa kanyang sarili.
Tumangu-tango siya at magsasalita sana siya nang may  tumawag sa kanya.
“Kuya!” ang pagtawag ng malakas sa kanya ni Arthur. Parehong natuon ang mga paningin nila ni Nikita sa mas nakababatang kapatid na halos patakbong lumapit sa kanila at may malapad na ngiti ito sa mga labi.
“Kuya” ang nakangiting bati nito sa kanya, pero ang mga mata nito ay nakatuon kay Nikita.
“Oh bakit ang aga mo?” ang takang tanong niya dahil alam niya ay hapon pa ang uwi nito.
“Kuya, exams  lang namin, finals kaya  shortened lang ang period” ang sagot nito sa kanya pero  panay ang sulyap ng mga mata nito kay Nikita na nanatili na nakatayo sa labas ng sasakyan nito.
“Uh Nikita, kapatid ko si Arthur” ang pagpapakilala niya.
“Nice to meet you  Arthur” ang  nakangiting bati ni Nikita kay Arthur na natulala at nakangiting nakatitig lang rito, hindi pa nito  napansin ang nakalahad na kamay ni Nikita, para kamay an ito.
“Ehem Arthur” malakas niyang nilinaw ang kanyang lalamunan para makuha ang atensyon ng kapatid na napako sa mukha ni Nikita.
“Nice to meet you Nikita” ang nahihiyang sabi ni Arthur at marahan nitong hinawakan ang kamay ni Nikita at kinamayan ito.
“Same” ang matipid na sagot ni Nikita na hindi maalis ang ngiti sa mga labi nito.
“Sige na Arthur pumasok ka na sa loob” ang utos niya sa kapatid.
“Uh hindi ba papasok si Nikita sa loob?” ang umaasang tanong ni Arthur at kumunot ang kanyang noo sa ikinikilos ng kapatid.
“Uh, pauwi na kasi ako Arthur, sa ibang araw na lang” ang nakangiting sagot ni Nikita sa kapatid na mukhang natulala sa babaeng kaharap. Sandaling bumagsak ang mga balikat nito at lumungkot ang mukha, pero agad naman na nagliwanag ang mukha nito nang sabihin ni Nikita na may tiyansang bumalik ito sa kanilang bahay.
“Sige Nikita aasahan ko iyan” ang masayang sagot ni Antonio kay Nikita bago ito dahan-dahan na naglakad patungo sa kanilang bahay at lumingon pa muna ito sa kanila bago ito pumasok sa loob ng kanilang bahay.
“Salamay ulit Antonio, uh, huwag mo sana agad na tanggihan ang alok ko, pakiusap lang, sana pag-isipan mo muna” ang pakiusap ni Nikita sa kanya bago ito sumakay sa sasakyan nito. At sinundan ng kanyang mga mata ang papalayong sasakyan ni Nikita.
***
Nakahiga na si Antonio sa kanyang kutson sa  loob ng kanilang kwarto. Alam niyang dis oras na ng gabi, pero hindi niya pa rin magawang matulog. May gumugulo sa kanyang isipan, at sa kanyang dibdib.
Naalala niya ang nangyari kanina sa may hospital, nung sandali na kinakabahan na siya dahil tuturukan na siya ng pambakuna. Nang sabihan ng doctor si Nikita na tabihan siya para pakalmahin ang kanyang loob ay hindi ito nagdalawang isip na tabihan siya nito at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay.
At ikinagulat niya ang kanyang naging reaksyon, gumanti ang kamay niya ng mahigpit na pagkakahawak sa kamay ni Nikita. At hindi lang iyun, nang iiwas niya ang kanyang mga mata sa heringgilya na nasa kanyang harapan ay ipinatong niya ang kanyang noo sa balikat nito, na para bang natural lamang sa kanila ang ganun na posisyon, ang ganun na gawain, ang magpakita ng suporta at  pag-aalala sa isa’t isa.
At hindi na niya makalilimutan ang kakaibang pakiramdam niya ng mga sandaling magkadaop ang kanilang mga palad. Napakalakas ng tibok ng kanyang puso, at alam niyang imposible na hindi iyun narinig ni Nikita, dahil parang hinahampas na drum ang tunog ng tibok ng puso niya. At hindi lang iyun ang nagparambol ng kanyang puso at isipan kundi na rin ng kanyang dugo sa katawan, dahil sa hindi na niya malimutan kung gaano  kabango ang balikat at leeg nito. Na hanggang ngayon ay nakadikit pa rin ang halimuyak nito sa kanyang ilong.
“Kuya? Gising ka pa?” ang biglang tanong ni Arthur sa kanya na nakahiga naman sa isang folding bed.
Madilim na sa loob ng kanilang kwarto, marahil ay nakiramdam lamang ang kanyang kapatid. Nilinaw niya ang kanyang lalamunan at pilit na binura sa isipan ang mukha ng babaeng may pekas sa ilalim ng mga mata nito.
“Bakit?” ang matipid na tanong niya.
“Uh, hindi mo ba gusto si Nikita?” ang interisado na tanong sa kanya ni Arthur, na ikinakunot  ng kanyang noo.
“Bakit mo naman naitanong iyan? Saka may nobya na ako Arthur” ang sagot niya sa kapatid.
“Mas gusto ko siya kaysa kay Claire, pero, mas okay sa akin na, may girlfriend ka na kuya” ang sagot nito sa kanya at mababakas sa boses nito ang tuwa.
“Bakit mo naman nasabi” ang interisado namang tanong niya sa kapatid. Gusto niyang malaman kung bakit masaya ito at girlfriend niya si Claire sa kabila  ng mas gusto nito  si  Nikita.
“Kasi. Kasi, gusto ko si Nikita kuya, ngayon ko lang naramdaman ito, ang magkagusto sa isang babae” ang pag-amin ni Arthur sa kanya.
“Tingin ko nahulog na ang puso ko sa kanya” ang dugtong pa nito. Na kanyang ikinagulat.





Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon