Halos inubos ni Nikita ang laman ng masarap na milk tea, bakit naman hindi, iyun ang unang celebratory drink nila ng kanyang kapatid, tatawagin ko ba siyang ate? Ang nag-aalangan niyang tanong sa kanyang sarili. Masarap siguro ang may tawagin na ate, pero, mukhang Teri lang ang itatawag niya kay Teri, at okey na siya roon, ang importante ay may natitira pa siyang pamilya niya, yung kadugo niya, ang masayang sabi niya sa sarili.
Pinagmasdan niya si Teri, na hanggang sa mga sandali na iyun ay di pa rin siya makapaniwala na kapatid niya. Ni wala kasing lukso ng dugo siyang naramdaman para rito, at ni wala silang pagkakahawig, sa pisikal man o sa mga pagkilos. Ang tanging pagkakapareho nila ay ang pulseras na suot nilang dalawa.
"Alam mo bang hindi ako mahilig sa milk tea? Ngayon lang ako uminom para lang may makasabay kang uminom ng milk tea mo at nang maubos mo ang laman" ang nakangiting sabi sa kanya ni Teri sabay lagay ng walang laman nitong bote sa loob ng paperbag.
"Salamat" ang nakangiting sagot niya pero, hindi na nakangiting Teri ang kaharap niya ng mga sandali na iyun. Nawala na ang ngiti sa mga labi nito.
"Don't be, alam mo, tama ka sa sinabi mo sa akin kanina, yung tungkol sa sakit na idinulot ninyo sa amin ng mommy ko" ang sagot sa kanya ni Teri, at naging matalim na ang mga matang nakatuon sa kanya ng mga sandali na iyun.
"Teri, I really am sorry"-
"Balewala na ang sorry mo Nikita, hindi maibabalik ng sorry mo ang buhay ng mommy ko" ang mariin na sagot sa kanya ni Teri.
Nagsimula na siyang kabahan at maguluhan, kanina lamang ay masaya ito nang ilahad nito ang katotohanan ng pagiging mag kapatid nila.
"The nerve of my father na kahit sa huling hininga nito ay kayong mga bastardo ang nasa isip pa rin nito, after a became the child he ever wanted!" ang galit na sabi ni Teri patungkol sa kanyang ama.
"Alam mo ba kung anong ginawa ninyo kay mommy? Huh? She was so devastated that she became a drunk and an addict! Para lang makalimot sa mga sakit na nadarama niya, pero hindi na niya kinaya" ang galit na sigaw sa kanya ni Teri at unti-unti na siyang kinakabahan. Prto pinilit niyang maging kalma do, hindi siya dapat gumawa ng kahit ano na magtitrigger sa isang na mukhang nawawala na sa huwisyo nito.
"Pinatay nyo siya, kayo ang naging dahilan kung bakit niya kinitil ang sarili niyang buhay, ginulo ninyo ang kanyang isipan, siya a lang ang tanging nagmamahal sa akin tapos kinuha niyo pa siya sa akin, ikaw at nang Owen na iyun!"
"Teri, wala kaming kasalanan"-
"Malaki! Napakalaki ng kasalanan ninyo sa amin! Ng mommy ko, kaya hindi ko nakalimutan ang kahilingan niya sa akin na itama ang lahat at iyun ang ginawa ko" ang nakangising sagot ni Teri sa kanya.
"Teri huminahon ka please" ang takot niyang pakiusap kay Teri.
"Isa-isa ko ng naitama ang lahat, sunod sa hiling ni mommy, itinama ko ang lahat ng pagkakamali" ang nakangising sagot ni Teri sa kanya.
"Oh my god, you killed Owen? Ikaw ang pumatay sa kanya?" ang gulat niyang tanong kay Teri na mas lumapad pa ang pagkakangiti.
"Kilala na niya ako bilang designer and nakipagkita ako sa kanya para kunwari ibook siya sa isang show, then I gave him a gift, a wine na nakalagay sa isang crystal decanter, with red ribbon, katulad ng mga paborito ni mommy" ang saad ni Teri sa kanya.
"Ikaw rin ba ang pumatay kay Lily?" she demanded Teri, na napailing bago ito ngumiti.
"Yeah, she started to freak out at nagpunta pa sa opisina ko ang walanghiya, kaya pinatahimik ko agad" ang mariin na sagot ni Teri, "I only promise her an international career at handa siyang traidurin ka, dahil sa mga masasakit mong salita sa kanya, she sabotaged your Bewitched, well some pero ako na ang gumawa ng iba, yung dalawang lalaki na nag-attempt ng rape sa iyo sa shop yung tawag na natanggap ni Jessie, ang buradong USB na isinalpak ko sa aking computer, ang video sa club, and ang mga si rang designs ko, ang pagkapilay mo,, at " ang paglalakad ni Teri," ang nangyari sa Yate, ako ang mastermind ng lahat" ang pagmamalakipa nito.
"And Leo?" ang mariin na tanong ni Nikita, unti-unti nang bumibilis ang pintig ng kanyang puso sa kaba.
"I really loved Leo, pero hindi ko matanggap na naging taga-salvo lang ako ng isang katulad mo na bastarda, kaya mas ginusto ko na magdusa ka na muna, yung makita kang unti-unting nahihirapan at nalulugmok, I even tried to connect the deaths of Owen and Lily to you" ang nakangising sagot ni Teri sa kanya.
"Why are you telling me this? Hindi mo ba alam na pwede kitang" - pero natigilan siya at hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin. Bumibilis na ang tibok ng kanyang puso, napalunok siya dahil sa nanunuyo na ang kanyang lalamunan.
"Tsk, Tsk, Nikita, Nikita" ang malumanay na sabi ni Teri sa kanya kasabay ng mga pag-iling nito at naghalukipkip pa ang mga braso nito sa kanya.
"I told you, itatama ko ang lahat ng pagkakamali" ang mariin na saad sa kanya ni Teri at nagtaas pa ang isang kilay nito sa kanya.
And with that realisation her eyes landed on the empty bottle of milk tea, naalala niya na si Teri ang nagbukas niyun para sa kanya dahil bukas na talaga ang takip nito, at nagsuot ito ng gloves para wala itong prints na maiiwan.
"The drug will take effect in about hmm, two minutes" ang nakangiting sambit pa ni Teri sa kanya.
"No!" ang hiyaw niya saka siya tumakbo papalapit sa lababo sa kusina at dinukot niya ang kanyang lalamunan para sumuka. Narinig niya ang pagtawa ni Teri mula sa kanyang likuran, habang nakatayo siya sa harapan ng lababo at pilit niyang dinudukot ang lalamunan niya para sumuka.
"That's useless Nikita, twenty minutes lang ang kailangan para humalo na sa dugo mo ang ecstasy" ang natatawang sabi sa kanya ni Teri,.
Nag-uumpisa nang manginig ang buo niyang katawan, naalala niya ang sinabi ni officer Melchor sa kanya, pwedeng mag-init ang kanyang katawan, mauuhaw, mamaya ay mahihilo na siya at magdedeliryo, she's going to have seizure, mag-..
Nagsisimula na siyang mahilo at ang nangilid na luha sa kanyang mga mata ay nagsimula ng paumtak sa kanyang mga mata, Sinapo niya ang kanyang tiyan, dinama ang kanyang mga anak, at bumuhos na ng tuluyan ang kanyang mga luha.
"T-Teri" ang nauutal na niyang sambit.
"Hindi ko makakayang makita ang mukha ng malanding nanay mo sa katauhan mo Nikita, at laging ipapaalala nito sa akin na ang mommy ko ay nawala dahil sa inyo, pero mas lalo kong hindi ko matatanggap na kahit anong gawin ko na pabagsakin ka, ay nakakabangon ka pa rin!" ang sigaw ni Teri sa kanya.
Pinagmasdan nang nanlalabo at umiikot niyang paningin ang papalayong si Teri, dinampot nito ang paperbag at designer bag na dala nito. Unti-unti na siyang nahihilo at umiikot na ang mga mata niya, she extended her arms trying to find something for support and something to hold on to. She felt her knees started to buckle and her breathing started to get laboured.
"And oh Nikita" ang narinig pa niyang boses, sino? Kanino ang boses na naririnig niya, nauuhaw na siya, kailangan niya ng tubig, ang sabi ng isipan niya at tila nanigas na ang kanyang panga at ang dila niya ay dumikit na sa kanyang ngalangala.
"I'll make Antonio pay for your death, hindi kasi nito natanggap na pinatay mo si Lily" ang mga huling salita na kanyang narinig.
She tried to shook of her head, she was gasping for air....
***
"Anak mo si Nikita?!" ang di makapaniwala na tanong ni Antonio kay atty Lipon na mabagal na tumangu-tango bilang kasagutan.
"Pero papaano?" ang takang tanong niya, "Bakit hindi mo sinabi sa kanya agad ang totoo?" ang giit pa niya.
"Natatakot ako at baka kamuhian niya ako!" ang pasigaw na sagot ni atty Lipon na nangilid na ang mga luha.
"Pero paano nyo naging anak si Nikita kung ang inaakala ng daddy ni Teri ay anak din niya ito?" ang takang tanong niyang muli kay atty Lipon pero umiling ito.
"Kay Nikita muna ako magpapaliwanag" ang mariin na pagtanggi ni atty Lipon sa kanya.
Napabuntong-hininga sa galit si Antonio, "sana may buhay pang Nikita tayong maabutan!" ang galit na sigaw ni Antonio sa matandang abugado.
"Alam ko, may kasalanan din ako, kung sinabi ko na sana agadmeh di sana, nalama ni Teri na hindi anak ng daddy nito si Nikita!" ang hiyaw din nito na may pagsisisi.
"Diyos ko, sana ay hindi pa huli ang lahat, at sana ay mali ang akala ko" ang sambit niya na may paghihinagpis.
At pinaspasan na ni Antonio ang pagpapatakbo ng sasakyan ni atty Lipon, at ilang minuto pa ang lumipas, at halos kumawala na ang kanyang puso sa kanyang dibdib nang matanaw na nila ang bahay.
"Atty ihanda ninyo ang telepono ninyo, para maka tawag tayo agad ng tulong" ang utos ni Antonio sa matandang abugado na ama raw ni Nikita.
Mabilis na itinabi ni Antonio ang sasakyan at hindi na niya pinatay ang makina nito at mabilis siyang bumaba at tumakbo papasok, at doon na siya kinabahan nang paghawak niya sa pinto ay kusa agad na bumukas iyun, hindi masyadong nakapinid ang pinto.
Malakas niyang itinulak ang pinto at nanlamig ang buo niyang katawan, pakiramdam niya ay binutasan ang kanyang tadyang at naubos ang lahat ng dugo niya sa kanyang katawan, dahil ang kinatatakutan niya ay tumambad na sa kanyang mga paningin.
"Nikita!" ang sagaw niya at pa takbo siyang lumapit kay Nikita na nakahandusay na sa sahig, nanginginig na ang buong katawan nito at tumitirik na ang mga mata.
Agad niyang binuhat ito sa kanyang mga bisig at si atty Lipon naman ay nakatayo sa may pintuan na nanlaki rin ang mga mata sa takot nang makita si Nikita na halos agaw buhay.
Patakbo siyang lumabas ng bahay habang nasa likuran niya si atty na nakuha pang hilahin ang pinto ng bahay ni Nikita para isara iyun. Tumakbo ito patungo sa sasakyan at binuksan nito ang backseat.
"Ako ang magdidrive diyan na kayo sa likod" ang sabi ni atty Lipon sa kanya, ay sumampa na siya sa likod ng sasakyan habang nakakalong ang halos wala ng malay na si Nikita.
Mabilis din na sumakay ng sasakyan si atty Lipon at pinaandar nito ang sasakyan, saak ito gumawa ng tawag sa telepono nito.
"hello officer Melchor, si atty Lipon ito, gusto mo ng lead sa imbestigasyon mo sa pagpatay kay Lily? At ganun na rin kay Owen?" ang narinig ni Antonio na tanong ni atty Lipon.
"Si Teri Buenaventura, may mga hawak kaming ebidensya, hulihin nyo na ang baliw na babaeng iyun, dahil nila son din niya si Nikita! Papunta na kami ng hospital ngayon doon na tayo magkita, tatawagan kita ulit!" ang dugtong pa nito bago pa pinutol ni atty ang linya.
"May pulso pa siya?" ang tanong ni atty Lipon sa kanya. Agad niyang hinawakan ang pulsuhan nito at laking pasalamat niya nang may madama pa siyang pintig.
"M-meron" ang nautal at naluluha niyang sagot saka niya paulit-ulit na hinalikan ang pisngi ni Nikita at bumulong siya sa tenga nito.
"Nikita lumaban ka, para sa atin, para sa mga anak natin" ang pagsumamo niya at hindi na niya napigilan na tumulo ang kanyang mga luha.
"Bantayan mo siya Antonio, magsiseizure siya, let's just hope na maiaalis pa ang drugs sa katawan niya, bago pa siya macoma" ang umaasang sabi ni atty Lipon sa kanya at ang biyahe nila patungo sa pinakamalapit na hospital ay tila ba pinakamatagal niyang paglalakbay.
****
Parang leon na nakakulong si Antonio na pabalik-balik na naglalakad sa harapan ng emergency room, ilang oras na ang nakaraan nang isugod nila si Nikita sa pinakamalapit na hospital. Laking pasalamat nila ni atty na halos sampung minuto lang ang inilakbay nila para sa isang kilalang hospital, at ngayon nga ay naghihintay sila kay Nikita na kanina pa nasa loob ng ER.
Napasulyap siya kay atty Lipon na kausap ang ang nagpakilala na si officer Melchor, ang may hawak ng kaso ni Lily. Ipinakita ni atty Lipon ang mga hawak nilang ebidensya laban kay Teri at laking pasalamat din nila na naging maagap ang pagresponde ng mga pulis sa kanilang tawag at sa tawag na rin ni officer Melchor.
Nahuli si Teri at nasa custody na ng kapulisan, kinakailangan lang na masampahan ito agad ng kaso. At gagamitin nila ang mga ebidensya na nakuha sa opisina ni Teri, at kapag nagising na si Nikita, at umaasa siyang magising na si Nikita para masampahan na rin nila ito ng kaso.
"Antonio" ang pagtawag ni atty Lipon sa kanyang pangalan at huminto siya sa kanyang paglalakad ng pabalikbalik, saka naman siya naglakad palapit kina atty Lipon at officer Melchor.
"Bakit po?" ang tanong niya pagkalapit niya sa dalawa.
"kailangan kong sumama sa presinto para makapagfile ng reklamo at maipaliwanag ko ang mga ebidensya na ito dahil ako ang nakakaalam ng tungkol sa mga papeles na narito" ang paliwanag ni atty Lipon sa kanya.
Mabilis siyang tumangu-tango at tinapik-tapik ni atty ang kanyang balikat.
"She's going to be okey Antonio, she's a fighter, talo niya nga tayong dalawa kung tutuusin, ang dami niyang pinagdaanan sa buhay, hindi siya susuko, dahil a alam niyang naghihintay ka sa kanya, hindi siya susuko dahil alam niyang dala niya ang mga anak ninyo" ang mariin na paalala sa kanya ni atty Lipon at pinigilan niyang pumatak ang mga nangilid na luha sa kanyang mga mata saka siya matipid na ngumiti kasabay ng pagtango.
Ilang oras pa ang binuno niya sa paghihintay, at parang si jesus na nagaparisyon sa kanyang harapan ng biglang lumabas ang doctor na nilapitan siya.
Agad siyang tumayo at umaasang tumingin sa doctor na para sa kanya ay isang tagapagligtas ng mga sandali na iyun.
"Mister Alimbuyugin?" ang kalamadong pagbanggit nito sa kanyang pangalan at mabilis siyang tumungo.
"She's okey now, we're still not sure kung kailan siya gigiisng but thank god that she's not in coma, mabuti at naagapan ninyo at naitakbo siya rito, we neutralized the drugs in her stomach, binigyan namin siya ng activated charcoal para ma absorb ang drugs, we also address her elivated blood pressure pati na rin ang heart rate niya ay nagnormalize na, her body temp was normalising, tomorrow mag conduct ulit kami ng test sa kanya, para makita kung nawala na ang lahat ng drugs sa katawan niya para malaman natin kung kailangan niyang mag-undergo ng drug detox" ang paliwanag ng doctor sa kanya.
"D-doc, ang mga anak ko?" ang kinakabahan na tanong niya, hindi ba ganun lagi sa mga palabas sa telebisyon? Sasabihin muna ang magandang balita bago ang masama? Ang natatakot na tanong niya sa sarili.
"The twins are fine, just like their mom, malakas" ang masayang sagot ng doctor sa kanya, "Hindi pa masyadong kumalat ang drugs sa buomh sistema niya, as I said, nasa oras talaga ang lahat, kung nahuli kayo, baka hindi na natin sila nasagip" ang saad pa nito.
"Inilipat na namin siya sa private room niya, puntahan mo na lang siya, may nurse na lalapit sa iyo mamaya" ang bilin pa nito bago ito umalis.
"Salamat doc, marami pong salamat" ang mariin at sinserong sabi niya sa doctor.
*****
Dahan-dahan na iminulat ni Nikita ang kanyang mga mata, dama niya ang bigat ng talukap ng kanyang mga mata. Para bang may nakadagan sa mga mata niya, pero gusto na niyang dumilat, dahil sa boses na kanyang naririnig . Hindi na iyun boses na hindi niya maulinigan kung kanino nanggaling. Alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyun. Ang lalaking bumulong sa kanya, na lumaban siya.
"Antonio" ang mahinang sambit niya, nanunuyo parang kanyang bibig, pero pinilit niyang tawagin ang pangalan nito.
"Nikita?" ang gulat na tanong ni Antonio sa kanya, nadama niya na hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang kamay at pinisil iyun saka niya naramdaman ang paulit-ulit na pagdampi ng mga labi nito sa kanyang kamay.
"Antonio?" ang muling sambit niya at tuluyan na niyang naibuka ang kanyang mga kumurap-kurap na mga mata.
"Nikita? Mahal nandito ako" ang bulong nito sa kanyang tenga at kasunod ng paghalik nito sa kanyang pisngi.
"Ang baby, ang mga baby ko Antonio?" ang agad niyang tanong kay Antonio na naging malinaw na ang imahe nito sa kanyang paningin. At muling tumibok ang kanyang puso na may labis na pagmamahal para rito.
"Ligtas ang baby natin Nikita, ligtas ang kambal" ang masaya at naluluhang sagot ni Antonio sa kanya.
"Salamat naman kung ganun" ang sambit niya at nangilid na ang luha sa kanyang mata dahil sa laking pasalamat niya sa Diyos at ligtas ang kanyang mga anak.
"Salamat Nikita, salamat at lumaban ka" ang masayang sabi ni Antonio sa kanya at hinalikan nito ang kanyang mga labi.
"Salamat din Antonio at dumating ka sa oras" ang sagot niya kay Antonio.
"Hindi lang ako Nikita, pati si atty Lipon" ang nakangiting sagot ni Antonio sa kanya at sumulyap ito ay atty na nakaupo sa may sofa.
Ibinaling niya ang kanyang mga mata sa matandang abugado at ngumiti siya rito, "salamat" ang mahinang sambit niya.
"Si Teri"-
"Nasampahan na siya ng kaso Nikita, at hinihintay na lang nila ang pasya mo kung magsasampa ka ng kaso at tetesttigo laban sa kanya" ang sagot ni Antonio.
Muling namuo ang mga luha sa kanyang mga mata, masakit sa kanya na nagkaroon nga siya ng kapatid, pero gusto naman siya nitong patayin, ang hinanakit ng kanyang dibdib.
"Kapatid ko siya" ang naluluha niyang sambit, ngunit natigilan siya nang makita niya si Antonio na ngumiti ng matipid sa kanya kasabay ng pag-idling nito.
"A-anong ibig mong sabihin?" ang tanong niya kay Antonio na may pagtataka at sinundan niya ng tingin ang mga mata ni Antonio at napadpad iyun kay atty Lipon.
"Siya ang magpapaliwanag Nikita, bibigyan ko kayo ng pagkakataon na makapag-usap" ang mahinang sabi ni Antonio sa kanya saka nito hinagkan na muli ang kanyang mga labi.
"Gutom ka na ba?" ang tanong sa kanya ni Antonio at tumango siya.
"Bibili lang ako ng makakain" ang mahinang sabi nito bago ito tumayo at tinanguan ni Antonio si atty Lipon bago ito naglakad palabas ng kwarto.
Napansin niya na nag-alangan pa si atty Lipon na tumayo at lumapit sa kanya, sinundan niya ng kanyang tingin ang matandang abugado habang papalapit sa kanya.
"Atty" ang mahinang sambit niya at iniabot niya ang kanyang kamay dito na mabilis naman nitong hinawakan at pinisil at nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata nito.
"May sasabihin kayo atty? Tungkol sa amin ni Teri?" ang tanong niya at pinagmasdan niya ito na tumango at pinunasan muna nito ang mag luha nito sa mata.
"Hindi mo kapatid si Teri Nikita" ang narinig niyang sabi ni atty Lipon na kanyang ikinabigla dahil tali was iyun sa sinabi ni Teri sa kanya.
"P-paano nyo po nasabi? Pero natutuwa akong malaman na hindi, pero gusto kong malaman kung bakit ninyo nasabi? Hindi ba sa daddy ni Teri nanggaling ang trust fund?" ang tanong niya.
"Akala ni Nikolei na anak ka niya" ang sagot ni atty Lipon sa kanya.
Kumurap-kurap ang kanyang mga mata at tumango siya, "ganun ba, sabagay wala naman talagang nakakaalam kung sino ang ama ko dahil iniwan niya kami ni mommy" ang malungkot na sagot niya pero nakita niya ang pag-iling ni atty Lipon.
"Hindi ko kayo iniwan Nikita" ang naluluhang sambit ni atty Lipon at biglang natuon ang kanyang mga gulat na mata kay atty nang marinig niya ang sinabi nito. 5
"Anong"-
"Ako ang ama mo" ang naluluhang sagot nito sa kanya.
"P-paano?" ang takang tanong niya kay atty Lipon na nagsasabing tunay niyang ama.
Sandaling tumahimik ito at tila tinitimbang kung saan o paano sisimulan nito ang paglalakad ng katotohanan sa kanya.
"Designer na ang mommy mo noon, si Jean sa department store ni Nikolei" ang pagsisimula nito.
"Batang-bata pa noon si Jean at talagang kakikitaan ng galing at ganda" ang malumanay na sabi nito at tila ba bumalik ang isipan nito, noong panahon na buhay at bata pa ang kanyang ina.
"Kaibigan ko si Nikolei, at may pagkababaero" ang sabi nito at Bahagyang natawa at umiling.
"Nagpakita na ito ng interest kay Jean, at pinakiusapan ako na maging daan para magkalapit silang dalawa at makuha niya si Jean. Ako ang nagsimulang magpakilala kay Jean, pinilit ko na maging malapit sa kanya para maging kaibigan ko siya at makapagset ako ng patagong pagkikita nina Nikolei at Jean" ang saad nito.
"Pero unti-unting nahulog ako sa mommy Nikita, hindi ko na ginagawa na maging malapit sa kanya dahil kay Nikolei, ginagawa ko na iyun, para sa aking sarili at sa tuwing tinatanong ako ni Nikolei, ang lagi kong sagot ay ayaw pa ni Jean na makipagkita sa kanya" ang dugtong pa nito.
"Hanggang sa umamin ako ng pagtingin kay Jean at si Jean ay umamin din ng pagmamahal niya sa akin, patago rin kaming nagkikita, at alam mo ang mga nangyayari" ang nahihiyang sabi nito.
"Hanggang sa nagkataon na nagkita sina Nikolei at Jean sa isang event at naglakas loob si Nikolei na yayain si Jean sa isang dinner, pero tinanggihan siya agad ni Jean at sinabi ng mommy mo na, may nagmamay-ari na ng puso nito, at harapan nitong sinabi na mahal niya ako" ang pagpapatuloy ni atty Lipon.
"At doon sinabi ni Nikolei ang sikreto ko, na....may asawa na ako" ang nahihiyang pag-amin nito sa kanya. Hindi siya sumagot, nanatili na tikom ang kanyang mga labi, hindi muna siya manghuhusga hanggat hindi niya naririnig ang buong istorya, ang pasya ni Nikita.
"At nagalit si Jean nang malaman iyun, alam kong nadurog ng husto ang puso nito sa ginawa kong panlilinlang, nilinlang ko siya sa tunay na estado ng buhay ko Nikita, pero hindi ko siya nilinlang nang sabihin kong mahal ko siya" ang pagtatapat ni atty Lipon sa kanya.
"Siguro para paghigantihan ako ay sumama siya kay Nikolei noong gabi na iyun at doon na nagsimula ang relasyon nila, para pasakitan ako, kahit pa alam din ni Jean na may asawa na si Nikolei at anak, ginawa ni Jean iyun para pasakitan ako, at nagtagumpay siya pero, hindi ko siya masisi... kung sinabi ko na lang sana ang totoo baka, naunawaan ako ni Jean, pero natakot ako na hindi niya ako tatanggapin dahil sa may asawa na ako" ang saad pa nito.
"Tuluyan na niya akong hiniwalayan, hanggang sa tumigil na ito sa pagtatrabaho, at nabalitaan ko na lang kay Nikolei na ibinahay na niya si Jean dahil sa buntis na ito, at doon ko rin nalaman na nabuntis din ni Nikolei ang secretary nito na nagresign na rin sa trabaho" ang saad ni atty Lipon.
"pinilit kong kalimutan si Jean, at umiwas na rito lalo pa at nalaman ko na buntis na ito sa anak ni Nikolei, halos tatlo o apat na taon na ang lumipas, pero hindi ko pa rin nakalimutan si Jean, dahil sa mahal na mahal ko talaga siya, hanggang sa kinailangan muli ni Nikolei ng serbisyo ko bilang abugado nga nito, at na itanong ko sa kanya si Jean, at doon ko nalaman na, nagtago na rin ito kay Nikolei, ni hindi na nga raw nito nakita ang iniluwal na anak ni Jean" ang saad muli ni atty Lipon.
"Napuno ako ng pag-aalala kay Jean, hanggang sa binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na muli siyang makita, dahil napadaan ako sa lugar na iyun at doon ko nakita si Jean na nakatira sa dating bahay ng mga magulang nito" ang saad ni atty Lipon.
"Nang makita kita nakaramdam ako ng lukso ng dugo, at kung bibilangin ang mga buwan na magkasama kami ng mommy mo, hindi maikakailan na pwede rin kitang maging anak" ang sabi ni atty Lipon sa kanya.
"Nagulat si Jean ng makita ko kayo at pilit niya akong pinapaalis, pero, kinausap ko siya Nikita, sinabi kong handa akong iwan ang pamilya ko para sa inyo, kahit pa noon ay inaakala ko na anak ka ni Nikolei, ay handa akong maging tatay mo" ang giit nito sa kanya.
"Pilit kong tinatanong ang pangalan mo noon pero pinagbawalan ka ng mommy mo na sumagot Nikita, kaya hindi ko alam ang pangalan mo at kaya nahirapan akong hanapin ka... sinabi ko kay Jean na babalikan ko kayo, masasabi lang ako sa asawa ko na hindi ko na siya mahal, kahit pa tumatanggi si Jean ay nagmatigas ako kahit pa sinabi ni Jean sa akin na hindi na niya ako mahal at tantanan ko na siya, nagsabi pa rin ako na babalikan ko kayo, hinagkan ko ang pisngi mo saka ako naglakad paalis"
"Kinabukasan pagbalik ko ay wala na kayo, tuluyan na kayong nawala sa akin" ang malungkot na saad ni atty Lipon sa kanya, "sinabi lang nang pinagtanungan ko na umalis na kayo at ibinibenta na ang buong bahay kasama ng mga gamit sa loob at hindi ko na nga kayo nakita pang muli" ang malungkot na kwento nito.
"Ilang beses akong nagpabalik - balik sa bahay ninyo Nikita, pero, ibang tao na ang nakatira roon paanong ikaw na muli ang nakatira sa bahay na iyun, nabili mo bang muli ang bahay?" ang usisa ni atty Lipon sa kanya.
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya, dahil mukhang naisahan ni mommy si atty.
"Pinaupahan lang po ni mommy ang bahay, at nagtaka rin ako noon kung bakit ibinilin niya na, kapag may nagtanong sabihin na nabili na ng mga ito ang bahay" ang nakangiting sagot niya at napailing si atty Lipon sa sinabi niya.
"Bumalik lang kami sa bahay na iyun nang magkasakit na si mommy pero halos hindi na rin namin iyun natirhan dahil sa halos naging bahay na ni mommy ang hospital, kaya hindi nyo rin kami makikita roon" ang sagot niya.
"Kung hindi pala ako sumuko sa pagpunta sa bahay ninyo ay natunton ko kayo agad, pero inakala ko talaga na nakaalis na kayo" ang nangingiti ngunit may panghihinayang na sabi ni atty Lipon, "pero iginalang ko na rin at tinggap ang sinabi sa akin ng mommy mo Nikita, na hindi na niya ako mahal at patahimikinko na siya"
"Pero ibinilin ni mommy sa akin ito atty, ang sabi niya alagaan ko raw ang bracelet na ito dahil ang nagbigay nito sa kanya ay ang lalaking pinakamamahal niya, si Nikolei po ba iyun? Kapareho kasi ito ng kay Teri" ang sagot niya.
Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni atty Lipon at hinawakan nito ang bracelet sa kanyang braso.
"Mahal pa rin niya ako" ang nakangiting sambit nito, "pareho kami ni Nikolei na nagmamay-ari ng ganitong bracelet Nikita, ipinagawa namin ito noong nasa kolehiyo pa lang kami at nangako na ibibigay iyun sa babaeng mamahalin namin, hindi ko ibinigay ito sa naging asawa ko dahil sa, ikinasal kami, dahil sa, kagustuhan lang ng mga magulang namin" ang malungkot na saad ni atty Lipon.
"At ibinigay ko nga ito kay Jean dahil, sa kanya ko nadama ang tunay na pagmamahal, ang umibig" ang nakangiting sabi nito sa kanya.
"Atty kung alam nyo po na kayo ang tatay ko, bakit hinayaan ninyo na tanggapin ko ang trust fund?" ang takang tanong niya.
"Nikita ang totoo niyan, inakala ko pa rin na anak ka ni Nikolei, kaya ipinursige ko na tanggapin mo ang pera na nararapat sa iyo at sa iyong ina" ang sagot ni atty Lipon sa kanya.
"Pero paano nyo nasigurado na anak nyo nga ako?" ang takang tanong niya.
"Uhm, naalala mo ba noong napilayan ka? Uh, may mga test na kinuha sa iyo pati blood samples, swabs?, uhm, humiling ako na magpa DNA test Nikita, pasensiya ka na kung ginawa ko ng palihim, ayoko kasi na umasa, kaya ginawa ko iyun, at nang makuha ko ang resulta na positibong anak kita, agad akong nagpunta sa mga anak ko at sa dati kong asawa na nakita na kita" ang nakangiting sagot nito sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo, "ibig nyo pong sabihin?" ang gulat na tanong niya, at tumangu-tango si atty Lipon o ang kanyang ama bilang sagot.
"Matagal na akong hiwalay sa asawa Nikita, noong araw na nakita ko kayo at nagsabing babalikan ko kayo, agad akong nagsabi ng totoo sa asawa ko, nagkahiwalay man kami ay naging maayos pa rin ang turingan namin sa isa't isa at tawag ko pa rin sa kanila ay pamilya ko" ang paliwanag ni atty Lipon sa kanya.
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata, labis ang tuwa na kanyang nararamdaman ng mga sandali na iyun, dahil muling nabuo ang nawawalang parte ng kanyang buhay.
"Ano pong itatawag ko sa inyo?" ang lumuluha ng tanong niya. At nakita niya ang mga luhang tumulo sa pisngi ni atty Lipon na kanyang ama.
"Daddy" ang umiiyak na sagot nito, at nanlabo na ang kanyang paningin dahil sa napuno na ng luha ang kanyang mga mata.
"Daddy" ang sambit niya at niyakap siya nito at napuno nang pagluha ng kaligayahan ang loob ng silid.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...