Nanlamig ang buong katawan ni Nikita nang marinig ang mga sinabi ni imbestigador Melchor. Hindi lang isang suicide ang nangyari kay Owen, pero pinatay ito? Pero, paano? Sabi lason ang ininom nito? Pilit pinainom ng lason si Owen o nilason ito? Ang mga tanong ni Nikita sa kanyang isipan.
Iyun lamang ang mga nakarating na balita sa kanya noon, dahil sa hindi rin siya pinayagan ng pamilya nito na makadalaw siya sa burol ni Owen.
"P-paano naging murder ang kay Owen? Hindi ba at naglason daw ito?" ang takang tanong ni Nikita kay imbestigador Melchor.
"Nikita" ang mariin na pagbanggit ni atty Lipon sa kanyang pangalan.
Napabuntong-hininga si imbestigador Melchor sa kanya at tinitigan siyang mabuti bago siya nito tinanong.
"Wala ka ba talagang alam tungkol sa kaso ni Owen? I mean hindi ka ba nagsiyasat tungkol sa sanhi ng pagkamatay niya?" ang mapanuring tanong ni imbestigador Melchor sa kanya.
"She doesn't have to answer that!" ang mariin na sagot ni atty Lipon.
"Wala" ang mabilis niyang sagot and atty Lipon expelled an exhausted sigh.
"Sir, I will cooperate, kung may mga questions kayo sa akin, sasagutin ko, kahit hindi pa ako matatawag na suspect per se, makikipagtulungan po ako, pero, pwede ko po bang malaman, kung ano ang detalye sa kaso ni Owen? Pakiusap po, yun lang ang hinihingi kong kapalit" ang pakiusap ni Nikita sa imbestigador.
Napabuntong-hininga si imbestigador Melchor sa kanya at tiningnan siya nitong mabuti, saka ito tumangu-tango.
"I'm breaking protocols sa gagawin kong ito, but there something about you, I'm sorry kung kailangan kitang isama sa mga hmm, persons of interest ko, ayaw pa kitang tawagin na suspect, and honestly I am hoping na hindi, honestly, wala sa character mo, kanina grabe ang panlalaki ng mga mata mo kanina sa crime scene, tinanong ko ang vitals mo sa medics and, your pupils were dilated, your heartbeat and pulse rate was not normal for someone na alam na patay ang aabutan nito sa bahay na pupuntahan niya, it's either you're innocent o magaling kang umarte, pero dahil sa kusa ka namang pumunta rito at sabi mo nga ay makikipagtulungan ka sa akin sa imbestigasyon ay I'm going to break some protocols and that is sharing information with you" ang saad nito sa kanya.
"Salamat" ang mahinang sagot niya at napahawak siya sa kanyang puson.
"Okey ka lang ba miss Valderama?" ang alalang tanong ni imbestigador Melchor sa kanya. Mabilis naman siyang tumangu-tango bilang kasagutan, pero si atty Lipon ang nagalit sa pulis para sa kanya.
"Uhm, medyo ginugutom na po ako" ang nahihiyang sagot niya sa pulis at isang matipid na ngiti ang isinagot niya rito.
"Kape sa vending machine lang ang meron kami rito at saka crackers okey na ba sa iyo yun?" ang tanong nito sa kanya at tumango siya na may pagngiti sa kanyang mga labi.
"Iwan ko muna kayong dalawa sandali para makapag-usap kayo" ang sabi nito sa kanila bago ito lumabas ng maliit na kwarto.
Agad na iniurong ni atty Lipon ang upuan nito na nakaharap sa kanya papalapit, hanggang sa magkadikit na ang kanilang mga tuhod.
"Nikita, hindi mo kailangan na gawin ito, hindi mo kailangan na makipagtulungan sa kanila, hayaan mong kumuha sila ng mga ebidensya laban sa iyo, hindi yung ilalagay mo ang sarili mo sa alanganin" ang giit ni atty Lipon sa kanya.
"Atty, mahahanap at mahahanap nila ang koneksyon ko kay Lily, she sabotaged my brand, at kapag nalaman ng mga ito, kapag nag-imbestigada na sila ay mas lalo akong magiging suspect dahil sa hindi lang si Antonio ang motibo ko pati na ang Bewitched" ang bulong ni Nikita kay atty Lipon.
Napapikit si atty Lipon, "huwag mong babanggitin ang tungkol diyan" ang mahinang utos din sa kanya ni atty at tumangu-tango siya.
"Kaya makikipagtulungan ako ngayon at bukas sasabihan ko ang mga tauhan ko na walang magbabanggit ng tungkol sa pananabotahe ni Lily sa akin" ang sagot ni Nikita.
"Pero bakit nandito pa tayo? Hayaan mo na lang na magtanong at kumalap na muna sila ng ebidensya" ang giit ni atty Lipon sa kanya.
"Dahil gusto kong malaman ang tungkol kay Owen" ang mariin niyang sagot kay atty Lipon and she sighed out of exhaustion.
"Gusto kong mawala na ang dinadala kong konsiyensya sa aking dibdib sa matagal na panahon, na, ako ang nag-udyok kay Owen na kitilin ang buhay nito" ang giit niya kay atty Lipon.
"Kung tama ang hinala ni imbestigador Melchor na may pumatay kay Owen, ibig sabihin wala akong kinalaman sa pagkamatay niya" ang sagot pa ni Nikita.
"Pero ikaw pa rin ang suspect niya" ang giit ni atty Lipon sa kanya.
"At magiging suspect pa rin niya sa pagkamatay ni Lily, pero, malulusutan ko ang lahat dahil wala akong kinalaman dito, ang gusto kong malinis ay ang konsiyensya ko, mula sa pagkamatay ni Owen" ang giit niya sa matandang abugado.
Napabuntong-hininga si atty Lipon sa kanyang sinabi, hindi siya natatakot na harapin ang mga kaso, dahil sa alam niyang hindi niya pinatay si Owen o si Lily. Magiging pabigat man ito na suliranin para sa kanya pero, alam niyang malalagpasan niya ito, at nabuhayan siya ng loob nang mismong si imbestigador Melchor ay nagdududa na kaya niyang gumawa ng krimen.
Tumigil ang pag-uusap nila ng bumukas ang pinto at muling pumasok sa loob si imbestigador Melchor dala ang tatlong papercups ng kape na galing sa isang twenty-four hours na convenient store at isang paper bag ng mga sandwiches.
"Ito lang ang meron" ang saad ni imbestigador Melchor sa kanila at ipinatong nito ang dalang kape at tinapay sa ibabaw ng lamesa.
"Buntis ka nga pala, pasensiya na" ang paghingi pa ng paumanhin nito.
"Paano niyo po nalaman?"ang takang tanong niya bago niya kinuha ang inabot nitong kape kasabay ng isang thank you.
"Sa paramedic kanina" ang nakangiting sagot nito sa kanya, "si Antonio ba ang ama niyan?" ang tanong nito sa kanya, na nagpagulong ng mga itim ng mata ni atty Lipon.
"Dapat mo bang malaman yun? O tsismoso ka na lang talaga?" ang galit na tanong ni atty Lipon.
Bahagyang natawa si imbestigador Melchor habang humihigop ng kape nito saka ito umiling.
"Nakakapagtaka lang naman kasi ang ibang lalaki, may maganda nang nobya at magkakaanak na, yun ay kung kay Antonio nga iyan" ang mabilis na dugtong nito na nagpatalim ng mga mata ni atty Lipon.
"Pero nagagawa pa rin nitong mambabae" ang di makapaniwala na tanong ni imbestigador Melchor.
Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Nikita, "hindi ko rin po alam kung bakit" ang malungkot niyang tugon.
"Pwede ba sabihin mo na ang mga sasabihin mo?" ang inis nang sabi ni atty Lipon sa pulis na halos naghahabulan na lamang sila ng edad.
"Sige para makauwi ka na Nikita, pwede ba kitang tawagin na Nikita?" ang tanong ni imbestigador Melchor sa kanya.
Mabilis siyang tumango para sa kasagutan at hinintay niyang magsalita na muli ito.
"I can assure you na lahat ng usapan natin dito ay off the record dahil ako mismo ang malalagot pagnagkaton" ang paninigurado nito sa kanila habang nakatuon ang mga mata nito sa papel na nasa ibabaw ng lamesa, na ipinrint ni imbestigador Melchor kanina habang naghihintay sila kay atty Lipon.
"Ang case closed na si Owen Cuerdo, mali ang akala mo Nikita na uminom ng lason si Owen, hindi siya namatay dahil sa lason, kundi dahil sa overdose ng ecstasy. Marahil kaya hindi na rin ipinursige ng pamilya nito ang kaso dahil sa kakalat lang ang tungkol sa pagiging adik ni Owen sa ecstasy" ang saad ni imbestigador Melchor sa kanila, "iyun ay kung talagang adik nga si Owen sa ecstasy at hindi baguhan na nag-take nito" ang giit pa ni imbestigador Melchor.
Hindi makapaniwala si Nikita sa narinig, overdose ng ecstasy? Owen was into drugs? Ang hindi niya makapaniwala na tanong sa sarili.
"Hindi ko alam na user siya, malinis ang medical records nila na nirerequire ko sa mga models na kinukuha ko" ang sagot ni Nikita na may labis na pagtataka.
"Ano po bang pwedeng mangyari kapag naoverdose ng ecstasy?" ang usisa niya.
"Hmm, ang ecstasy ay isang form ng drugs parang sedative, ginagamit ang ghb clinically pero dahil sa epekto nito sa katawan, inabuso na rin ito at ginamit sa kasamaan" ang sagot nito sa kanya.
"within twenty minutes ay tatalab na agad ang drugs, mahihilo ka, parang hinahalukay ang sikmura mo na gusto mong masuka, tataas ang sex drive mo, kaya nga iyan ang iniinom ng mga gusto ng matagalan na sex, pero kalimitan ginagamit iyan para mambiktima ng babae for rape kaya isa rin iyan sa tinawag na date rape drug, dahil sa unti-unting mawawala ka sa huwisyo mo, iikot ang iyong paningin, uhaw na uhaw ka and you're going to have deliriums at magiging sunud-sunuran ka na lang sa taong may masamang balak sa iyo" ang paliwanag ni imbestigador Melchor.
"Worst case is, ang overdose at kapag nagtake ka ng ecstasy at sinabayan ng alcohol, from fast heart rate, bigla itong babagal at mahihirapan ka ng huminga, bumaba na ang body temperature, and in some cases nagkakaroon pa ng seizure or increased in blood pressure, heart attack, some results into a coma or sa mga minalas at di agad naitakbo sa hospital ay kamatayan" ang paliwanag ni imbestigador Melchor sa kanya.
"And even a small dose can cause an overdose para sa mga taong may strong reaction sa nasabing substance" ang pagpapatuloy pa nito.
"Sabi po ninyo na hindi suicide ang kay Owen at murder, pero dahil sa overdose, paano po iyun nangyari?" ang usisa ni Nikita.
"Dahil sa crystal bottle" ang sagot ni imbestigador Melchor sa kanya.
"Crystal bottle?" ang kunot noo na tanong ni atty Lipon.
"Sa dami ng nagkalat na bote ng beer ay namumukod tangi ang isang mamahaling lalagyan ng wine crystal decanter nakahalo sa mga bote ng beer, at nang itest ang mga bote ng beer ay negative ang mga ito sa ecstasy, we're talking about liquid ecstasy here" ang saad ni imbestigador Melchor habang binabasa ang investigation reports.
"Pero ang kristal na bote ay napakataas ng concentration ng ecstasy at sa lab test, ayon sa nakuhang amount ng substance ay halos kalahati ng laman ng bote ay liquid ecstasy, na inihalo sa wine, isipin nyo na lang ang dami ng ecstasy na iyun tapos uminom pa siya ng alak" ang paliwanag pa nito sa kanila at nagtaas pa ito ng mga kilay to emphasise his point.
"And the thing is, may nakuha na pinaglagyan ng crystal decanter, na tila ba regalo ang wine para kay Owen, it was, somewhat, personalised, at may kulay red pa na ribbon na nakita, at hindi lang iyun basta ribbon na nabibili na pambalot sa regalo na makikintab at mukhang synthetic" ang saad ni imbestigador Melchor na may pag-iling pa.
" Ito ay yung tipo ng ribbon na inilalagay na applique sa mga damit o lingeries?" ang sambit pa nito at alam ni Nikita na ang pinatutungkulan nito ay ang brand niya.
"Pero may sulat si Owen hindi ba?" ang tanong ni atty Lipon na natandaan ang sinabi ni Franco rito.
"Yung sulat na hindi natapos? Halatang hindi natapos ang sulat na iyun, dahil sa isang papel magsisimula ka bang magsulat sa pinakaunahan at itaas na bahagi ng papel kung ang isusulat mo lang ay apat o limang words? Dapat sa gitna ng papel iyun isusulat" ang lohikal na sagot ni imbestigador Melchor sa kanila.
"Maaaring wala naman talagang balak na magpakamatay si Owen, balak lang nito na gumawa ng sulat para kay Nikita, pero dahil sa naoverdose na ito ay hindi na nito natapos ang sulat" ang pagpapatuloy pa nito.
"So what you're trying to point out, is that someone sent a wine inside of an expensive crystal decanter to Owen as a gift"-
"O pwede ring nakipagkita siya sa isang kakilala, binigyan siya ng regalong alak na halos umapaw sa ecstasy at iniuwi nito sa kanyang unit" ang putol ni imbestigador Melchor sa sasabihin ni atty Lipon.
"There was no evidence found na may ibang kasama si Owen sa loob ng unit nito that night na inumin nito ang ecstasy" ang saad pa ng imbestigador sa kanila.
"But you still can't connect Owen's death to Nikita, walang motibo si Nikita para patayin si Owen" ang giit ni atty Lipon kay imbestigador Melchor at hindi ito sumagot ni umiling o tumango.
"So ano naman ang connection nito with Lily?" ang tanong ni atty Lipon kay imbestigador Melchor.
Napabuntong-hininga ang imbestigador at napailing, "I can't believe I'm doing this" ang sambit pa nito.
"Well you should! Dahil sa ikaw ang nag-imbita kay Nikita rito at pumayag ang kliyente ko sa bear with it, obvious naman na walang kinalaman si Nikita sa mga nangyari" ang giit ni atty Lipon sa imbestigador, na tumangu-tango.
"Again lahat ng pag-uusapan natin dito ay off the record" ang giit pa nitong muli bago ito napabuntong - hininga.
"It was the same thing, para bang ang crimescene ni Owen ay naulit nang muli kay Lily" ang di makapaniwala na sagot ni imbestigador Melchor sa tanong ni atty Lipon.
"Sa mga nakalap ko pa lang na impormasyon kanina at sa records ng kay Owen ay malaki na ang nakita kong pagkakahawig, habang binabasa ko ang reports, kanina habang hinihintay ka namin" ang sagot pa nito.
"I just got the results from SOCO para sa substance na nakuha sa" tumigil muna ito sandali na magsalita para ihanda ang sasabihin nito at nagpalipat-lipat pa ang mga tingin nito sa kanila ni atty Lipon.
"Isang expensive CRYSTAL WINE Decanter na nakuha sa crime scene" ang sagot nito at binigyan diin pa ang mga salitang crystal wine decanter, para bigyan ng emphasis ang pagkakatulad nito sa nakuhang kristal na lalagyan ng alak sa crime scene ni Owen.
"And voila! Same amount or mas marami pa ang nasa loob ng bote at hindi lang yun, may nakuha rin na lalagyan at pulang ribbon na nakapatong sa center table" ang dugtong pa ng imbestigador sa kanila ni atty Lipon.
"And it looks like, sa concentration ng ecstasy na nakuha sa body fluids ni Lily ay user na talaga ito ng ecstasy, maybe she's already high that night at uminom pa ito ng beer at wine mula sa kristal na bote na mukhang isang regalo rin" ang paliwanag pa nito.
"Just the coincidence, ang pagkakapareho ng mga nakalap sa crime scene nina Owen at Lily ay identical, ang mamahaling lalagyan na kristal na bote na parehong - pareho, ang red ribbon, at ang mismong laman ng bote na red wine na may ecstasy" ang giit ni imbestigador Melchor sa kanila.
"Coincidence? Hmmm, I think not" ang mariin na sagot nito sabay iling. "at sa oras ng pagkamatay nito ayon sa SOCO, mga bukang-liwayway nang bawian ito ng buhay, so she's under coma for a few hours, bago tuluyan bumigay ang puso nito, same as Owen" ang paliwanag ni imbestigador Melchor sa kanila.
"Kung kay Owen ay hindi kita maikonek dahil wala kang motibo, kay Lily ay pwede kitang maisabit Nikita, dahil sa galit mo sa panloloko nila sa iyo, nang nobyo mo at ni Lily" ang sabi ni imbestigador Melchor sa kanila.
"She did not!" ang giit at galit na pagtanggi ni atty Lipon sa kaharap na pulis na nagtaas ng kamay para, na nakaharap ang palad kay atty Lipon.
"Pero, sa ngayon alam kong mahina pa, para maikonekta kita sa krimen, mukhang matalino kang babae Nikita, at hindi ka pupunta sa isang crime scene para lang maging witness sa isang murder case na ikaw mismo ang gumawa at lahat ng ebidensya ay ituturo ka, I know you're not that stupid, naalala ko ang nabasa kong artikulo patungkol kay Princess Diana nang kumprontahin nito ang nababalitang kabit ni Prince Charles na si Camilla" ang saad nito.
"Bakit mo tinawagan si Lily?" ang tanong ni imbestigador Melchor sa kanya.
"Hindi mo kailangan na sagutin iyan" ang saway ni atty Lipon.
"Nangako ako na makikipagtulungan atty" ang sagot niya, "tinawagan ko si Lily dahil gusto ko siyang kausapin ,tungkol, tungkol kay Antonio" ang sagot niya, dahil sa iyun talaga ang totoo. Gusto niyang sugurin at komprontahin si Lily di lamang sa Bewitched kundi dahil sa panloloko nila ni Antonio.
"Tulad ng artikulo na nabasa ninyo patungkol kay Princess Diana, gusto kong malaman ang relasyon nina Lily at Antonio" ang dugtong pa niya. Napansin niya ang pagtango ni imbestigador Melchor.
"Sino ang nagbigay ng oras ng pagkikita ninyo?" ang muling tanong nito sa kanya.
"Si Lily, dahil may trabaho raw siya sa umaga at tanghali na raw siya makaauwi" ang sagot niya.
"Pwedeng ipinadala mo na ang wine gabi pa lang, dahil alam mo na aalis siya kinaumagahan" ang sabi ni imbestigador Melchor.
"But those were just speculations from you sir" ang sagot ni Nikita.
Tumangu-tango ang imbestigador sa kanyang sinabi, "sa ngayon iyan na lamang ang kailangan ko, pandagdag sa mga naitanong ko na kanina sa crime scene" ang sagot ni imbestigador Gaspar.
Tumayo na sila ni atty Lipon mula sa silyang kanilang kinaupuan. Inalalayan siya ni atty Lipon habang naglalakad sila palapit sa nakapinid na pinto nang pumihit ang kanyang katawan para humarap sa imbestigador na nanatiling nakaupo sa silya sa likod ng lamesa nito.
"Uhm Sir, baka po nakalimutan ninyo, na off the record po ang usapan natin kanina, kaya, hindi ninyo pwedeng gamitin ang mga nabanggit ko, pwede nyo po ako ulit na tanungin kung gugustuhin ninyo, pero, I will envoke my rights, those were, I have the right to remain silent and the right, to not be compelled to be a witness against oneself" ang nakangiting sagot niya kay imbestigador Melchor na napailing na lamang sa kanyang sagot dahil sa naisahan niya ang nasabing pulis dahil nakuhaan nila ito ng impormasyon.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...