Chapter 13

1.3K 88 29
                                    

Naglakad na palabas ng Southern Italian Hotel si Nikita, may liksi ang bawat hakbang niya papalabas ng hotel ng kanyang kaibigan at loyal na kliyente. Pumirma na siya ng kontrata, para sa dalawang taon na pag-upa niya sa shop sa lobby ng hotel. Alam niyang medyo magiging mabigat ito para sa kanya, lalo pa at nagamit na niya ang kanyang funds. Pero, positibo pa rin siya na magiging maganda ang turn out ng sales niya kapag nailaunch na niya ang Red Collection niya para sa buwan na iyun, tapos sunod naman ang pang summer collection niya. At umaasa pa rin siya na mapapapayag o ang tamang termino ay mapapasagot na niya si Antonio. Umaasa siya na makukuha rin niya ang napakatamis nitong oo, at sa lalong madaling panahon.
Binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan at inilagay niya ang kanyang bag sa sahig ng passenger side saka siya sumakay at naupo sa likod ng manibela. Halos isang linggo siya na hindi nagpakita kay Antonio, at hindi dahil sa sumuko na siya sa panunuyo niya rito, kundi sa, naging abala siya sa mga burst ng mga orders na natanggap nila mula sa mga bagong walk in na customers at mga dati niyang kliyente na magpapagawa na muli ng new sets of undergarments.
Custom-tailored ang lahat ng mga gawa niya, walang pagkakapareho na size ang bawat pares, dahil isinukat ang mga ito sa likas at tunay na hubog ng katawan ng customer. Kapag may gusto silang ipadagdag sa design ay ginagawa niya, magdadagdag lang ng costs. Kaya naging abala siya dahil na rin sa kapag kaya niya ay siya na mismo ang nagtatahi ng mga orders, pero kapag marami ang orders at hindi niya kakayanin dahil sa oras, ay kinukuha niya na part time mananahi ang isang kakilala.
Bigla na namang pumasok sa isipan niya si Antonio, nakiusap na ito sa kanya na, tigilan na niya ito. Pero, hindi niya iyun magagawa, kay tagal na niyang hinintay si Antonio na magkrus ang kanilang landas ng kanyang modelo kaya hindi siya papayag na lumagpas lang ito sa kanyang mga kamay ng ganun na lamang. Katulad ng dati ay kailangan niya muling paghirapan ang lahat. At ngayon ay ganun pa rin ang kanyang gagawin, paghihirapan niyang makuha ang oo ni Antonio at sa tingin niya ay iyun ang pinakamatamis na tagumpay niya sa loob ng dalawang taon mula ng mapawalang bisa ang kasal niya kay Leo.
At muli na namang sumagi sa isipan niya ang kanyang dating asawa habang nagmamaneho siya at iniisip kung saan niya pupuntahan si Antonio kung ayaw nitong puntahan niya ito sa carwash.
Si Leo ang kanyang una sa lahat ng bagay. Nakilala niya si Leo noong nagsisimula pa lang siya bilang isang designer sa isang department store na pag-aari ng mga magulang ni Teri, pero dahil sa may sakit na ang daddy nito noon, tanging ang asawa na lamang nito, ang mommy ni Teri ang nagmanage ng department store. She was very young then, a fresh graduate and very eager designer with so much creations that she could offer in the fashion industry.
Pero nanatili na nasa likod lamang siya ng pangalan ng department store, ni hindi na acknowledge ang kanyang pangalan na nagpaangat ng clothing brand ng nasabing sikat na department store. Pero, dahil sa nagsisimula pa lang siya ay hinayaan niyang maging designer sa likod ng sikat na clothing brand.
At si Leo ay isang modelo, nakilala niya ito sa isang photo shoot ng nasabing brand ng mga damit. Isinuot nito ang kanyang mga designs and instantly, nahulog ang kanyang puso rito. Napaka gwapo at napaka matipuno kasi nito. Nagsimula ang lahat sa mga simpleng pagyaya nito sa kanya na mag kape hanggang sa nauwi sa pagkakamabutihan ang lahat at sa loob ng anim na buwan na relasyon nila bilang mag boyfriend at girlfriend ay inalok siya ng kasal ni Leo at hindi naman siya nag dalawang isip na maging misis nito.
Naging maganda at masaya ang mga unang mga taon ng kanilang pagsasama at dahil nga sa bagong kasal pa lamang sila at dahil na rin sa nagsisimula pa lang sila sa kanilang mga karera si Leo sa pagmomodelo pa rin at siya naman ay nagsimula na ng kanyang maliit na negosyo at nagsimula pa lamang siya sa mga online orders ng kanyang mga lingerie designs habang nagtatrabaho pa rin siya bilang isang designer sa department store. At dahil sa abala silang pareho ay nag desisyon sila na huwag na munang magkaanak. Kahit pa gustong-gusto na niya na magkaroon ng isang baby ay sinunod niya ang desisyon ni Leo para sa kanilang dalawa.
At isang araw ay kinausap siya ni Leo at nagsabi ito sa kanya na gusto nitong kumuha ng kurso sa pag acting. Marami raw kasi ang lumalapit sa kanya na mga agent at managers at gusto siyang gawin na artista, at dahil sa model lamang siya ay nagkainteres into na kumuha ng acting course. Pero, ibig sabihin ay titigil si Leo sa pagtatrabaho at siya ang bubuhay para sa kanilang dalawa. At dahil mahal na mahal niya si Leo ay pumayag siya, she even pushed him na sa isang magandang school mag-enroll para mas maganda ang magiging achievements niya kapag nakapagtapos ang kanyang asawa sa isang prestigious acting school. Leo was, a bit skeptic at first and he was having second thoughts, dahil nga sa hindi na siya nito matutulungan na kumita ng pera, pero, naintindihan niya ang pangarap ng asawa at isa siya sa tutulong para makamtan ni Leo ang pangarap nito. Nangako naman si Leo na magpartime na kukuha pa rin ng modelling projects kapag may free time ito.
Three year acting course ang kinuha ni Leo, sa simula ay nagpart time pa ito, nag-aaral habang kumukuha ng mga modelling jobs. Habang siya ay kumakayod para sa kanilang dalawa, sa department store at sa kanyang sinimulan na business na mga customised na mga undergarments. Dahil sa nagsisimula pa lamang siya ay siya ang gumagawa ng lahat ng orders sa kanya para makatipid siya sa labor. Ginagawa niyang araw ang gabi para sa kanila ni Leo, para matustusan niya ang pag-aaral nito at matupad ang mga pangarap nila. Hindi ba at ganun naman? Ang pangarap ng taong mahal mo ay pangarap mo na rin? Ang sabi niya sa sarili. Hanggang sa may nakuha siyang isang kliyente na nagpagawa sa kanya ng exclusive collection nito ng undergarments at lingerie at hanggang ngayon ay kliyente pa rin niya ang nasabing mayaman na babae. Doon siya kumita ng husto, at mas nakilala ang kanyang brand na pinangalanan niyang Bewitched.
Natustusan na niya ang pag-aaral ni Leo, at ang mga pangangailangan nila. At nakapagsimula siya na makakuha ng maliit na shop para may paglalagyan siya ng display ng kanyang mga designs at makatanggap na rin siya ng mga walk in customers. Sinimulan na rin niya gumawa ng mga ready made na undergarments at lingeries na para sa lahat ng sizes ng babae at lalaki, kaya nga naging patok at unti-unting nakilala ang brand niya dahil walang pinipili na size ng katawan ang makakasuot lamang ng kanyang mga designs.
After na grumaduate ni Leo ay kumuha pa ito ng mga acting workshops at sinuportahan pa rin niya ito. Hanggang sa dumating ang oras namatay ang lalaking may-ari ng department store na pinagtatrabahuan niya, kasunod ang asawa nitong babae, at ang babaeng anak na nito ang namahala. Si Teri Buenaventura.
Maganda naman ang pamamalakad nito sa store, hanggang sa unti-unti na lang nitong pinupuna ang mga disenyo niya na outdated at out of style kahit pa, malaki ang shares ng designs niya sa sales ng sariling clothing brand ng store.
Pero, balewala iyun sa kanya, Nikita thought, she could take those criticisms, ang hindi niya natanggap ay nang malaman niya na may relasyon sina Leo at Teri. They were caught kissing and embracing each other sa isang restaurant na may view ng Taal Volacano. Noong una ay itinanggi iyun ni Leo at naniwala siya rito. Naniwala siya sa sinabi nito na sinisiraan lang siya, dahil sa unti-unti na siyang nakikilala bilang isang commercial model at nagsisimula na artista. Manager lang daw nito si Teri. At dahil sa bulag na pag-ibig ay tinanggap niya ang paliwanag nito.
Pero naging paulit-ulit na lang mga tsismis, at nagbingibingihan siya sa mga iyun. Hanggang sa pinuntahan niya ang asawa sa isa sa mga shoot nito, at doon na niya nakita ang katotohanan. She confronted him at hindi na nito dineny pa ang lahat, she demanded Leo na sumama na sa kanya pabalik at iwan ang babaeng iyun, pero, sinabi lang nito na kukunin na lang nito ang mga gamit sa bahay at tuluyan ng aalis. Just like that, with a snapped of his fingers natapos ang ilang taon nilang pagsasama at ilang taon na sakripisyo niya para sa asawa para sa paniniwalang pagtupad ng mga pangarap nilang dalawa.
Agad siyang nag file ng annulment, at mabuti na lamang at nakahanap ng butas ang kanyang abugado para sa grounds ng annulment pero, nagtagal man ng halos isang taon ang annulment case niya at halos maubos ang kanyang natabing pera para sa kaso, ay nakuha naman niya ang kalayaan na hinahangad niya. At sa karamapot na capital ay muli niyang sinimulan ang kanyang brand na Bewitched, at nangako sa sarili na kailanman ay hindi na niya ilalagay ang sarili sa likuran lamang at uunahin ang iba, nangako siya na wala na siyang ibang iisipin at bibigyan ng priority kundi ang sarili lamang niya.
At iyun ang simula ng kanyang pagbabago, she manipulates everything, at ginawa ang lahat sa kanyang kagustuhan. She became the hot tempered bitch that caused a life of a good hearted soul. At iyun ay pilit na gustong kalimutan ni Nikita.
Oo kailangan na niyang kalimutan ang nakaraan, dahil nasa kanyang hinaharap ang magandang kinabukasan, ang giit niya sa kanyang sarili. Unti-unti ng makikilala ang kanyang pangalan ang nakangiting niyang sabi sa kanyang sarili.
Pinagpatuloy niya ang kanyang pagmamaneho, na wala pang katiyakan kung saan ba siya patungo ng mga sandali  na iyun, ng tumunog ang kanyang phone na nakapatong sa ibabaw ng dashboard. Agad niyang dinampot ang telepono at tiningnan ang pangalan ng caller at nakita niya ang pangalan ni Ginger na kanyang assistant. Sinagot niya ang tawag at inilagay sa speaker si Ginger para makapagmaneho pa rin siya ng dalawang kamay.
“Yes?” ang bungad na tanong niya kay Ginger habang nakatuon ang kanyang mga mata sa kalsada sa kanyang harapan.
“Ma’am may problema po” ang agad na sagot nito sa kanya at kumunot ang kanyang noo at kahit pa ang kausap nya ay nasa kabilang linya ay tiningnan niya ang kanyang phone habang nagsasalita na para bang kaharap lang niya kausap.
“Anong ibig mong sabihin?” ang kunot noong tanong niya habang nakatingin siya sa kanyang phone at muli niyang itinuon ang kanyang mga mata sa kalsada.
“Ma’am yung mga photos po na pinadala sa publishing, nawala raw po” ang sagot sa kanya ng kanyang assistant.
“What do you mean na nawala?” ang naguguluhan na tanong niya.
“Ma’am yung mga ifinorward ko po na photos sa kanila na nasa USB wala  raw po laman” ang nag-aalaga at nahihiya na sagot ni Ginger sa kanya.
Kumunot lalo ang kanyang noo, ngayon lang ito nangyari sa kanila, kahit kailan ay di nagkamali si Ginger sa pagpapadala ng mga pictures for printing and publishing ng catalog niya.
“What? How? How did this happened?” ang tanong niya kay Ginger, she was really surprised na nangyari ito, dahil napaka precise ni Ginger na assistant na niya ng ilang taon.
“Ma’am, hindi ko rin po alam, hindi po ba, noong meeting, ipinacheck ko pa po sa inyo?” ang nahihiyang sagot nito sa kanya, at bakas sa boses nito ang labis na pag-aalala. Alam kasi nito na kailangan na may hinahabol silang schedule at kailangan na magawa ang catalog na iyun.
“OK, I know, alam ko kung paano ka magtrabaho kaya hindi ka pa pumapalya kaya naman nagtataka talaga ako ngayon” ang takang sagot niya kay Ginger.
“Ma’am pasensiya na po kayo, hindi ko po talaga sinasadya” ang paghingi nito ng paumanhin sa kanya.
Umiling siya kahit pa hindi iyun nakikita ni Ginger, “mild setback lang ito, papunta na ako riyan, tatawagan ko si Franco kung mayron pa siya sa files niya ng mga shots, I ready mo yung box ng mga napili natin na pictures para alam natin kung ano yung mga kailangan natin na shots” ang bilin niya kay Ginger na mabilis na sumagot ng opo at saka nila pinutol ang kanilang pag-uusap. This happened again, ang bulong ng isipan niya, hindi siya makapaniwala na muli na naman na nangyari ang isang setback, at muli na naman nanumbalik ang kanyang isipan sa nangyari noon. Huminga siya ng malalim, sunod-sunod niya iyun na ginawa, she needed to calm her nerve and clear her mind, and she needed to check her temper, ayaw na niyang mangyari ang nangyari noon.
She expelled her breath at tiningnan niya ang oras, wala na siyang panahon pa ulit na puntahan si Antonio, mukhang mas pinahihirapan siya ng tadhana na makuha niya si  Antonio, pero, hindi  siya padadaig kay tadhana.
****
“Thank you talaga Franco, at napuntahan mo kami agad, kahit last minute ang pagtawag ko sa iyo” she said to her friend gratefully hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit to show her gratitude. At isang matamis na ngiti naman ang iginanti sa kanya nito. Nagtungo sila sa isang coffee shop na malapit sa kanyang shop. Pagkatapos na tulungan sila nito na bigyan silang muli ng kopya ng mga litrato para sa kanyang catalog.
“Ikaw pa malakas ka sa akin eh, ako lang naman ang di malakas sa iyo” ang biro sa kanya ni Franco. Matagal  na kasi nitong hinihiling sa kanya  na magpose sa  isang pictorial. Hindi nude or sexy, mga spontaneous shots ang gusto nito para idisplay sa exhibit, pero, tumatanggi siya. Hindi kasi siya mahilig humarap sa camera, naiilang siya kaya nga nang maglaunch siya ng brand ay medyo asiwa pa siya. Pero dahil sa si Franco ang kinuha niyang photographer ay mas naging at ease siya.
“Okey, I promise next time na magkaroon ka ng exhibit, I’ll pose for you” ang pangako niya sa kaibigan, she thought that it is time for her to return the favor.
Nakita niyang nagliwanag ang mukha ni Franco sa kanyang sinabi, “really?” ang di makapaniwala na tanong nito sa kanya.
“Uh-hmm” ang nakangiting sagot niya kasabay ng pagtango.
“Oh god! Nikita! Napasaya mo ako ng husto!” ang sabi nito sa kanya at pinisil nito ang kanyang kamay at hinawakan ng mahigpit, “ito na ang magiging ultimate exhibit ko” ang masayang sabi ni Franco sa kanya.
Natawa siya ng malakas, “grabe ka ha! Ako lang model mo, ultimate ka na agad!” ang natatawang sagot niya.
“Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko eh” ang mahina at pahaging na sabihan nito sa kanya at umiwas ito ng tingin.
Natigilan siya sa kanyang narinig mula sa bibig ni Franco, nagulat siya sa kanyang narinig. Hindi niya iyun, inaasahan. Hindi siya sumagot at umiwas siya ng tingin kay Franco.
“Kamusta na pala yung, summer collection mo? Meron na bang magsusuot ng deisgns mo?” ang tanong nito sa kanya at inalis na nito ang kamay sa pagkakahawak sa kanya.
Dinampot niya ang kanyang baso ng lemonade at tiningnan niya ang kulay pale yellow na likido sa loob ng kanyang baso. At naalala niya si Antonio.
Ngumiti siya ng malapad kay Franco at bago niya itinaas ang baso sa kanyang bibig at humigop ng malamig na katas ng lemonada.
“Actually, nakita ko na ang male model ko, kaso, nahihiya pa kaya, kailangan ng maramihan na push” ang nakangiting sagot niya.
Kumunot ang noo ni Franco sa kanya, “ang dami naman kasing model bakit, kailangan mo pang maghanap? Have you seen yung mga Brazilian models ngayon? Why don’t you check on them? Para mailaunch mo na ang collection mo” ang giit sa kanya ni Franco.
Kumunot ang kanyang noo, she wiped the condensation of water from her glass, nanatili ang kanyang mga mata sa baso, kahit ng magsalita siya.
“I don’t know, I was looking for something, for a connection, a deep connection, yung” she sighed, “someone will haunt my mind? Someone that will take my breath away?” ang saad niya and she looked at Franco’s eyes, gusto niyang iparating kay Franco ang kanyang niloloob.
“And this guy? Did he do that? Did he take your breath away?” ang interisado na tanong ni Franco sa kanya.
Tumingin siya sa labas at naalala niya ang kanyang mga naramdaman, oo he did take her breath away, pero hindi lang iyun. He also made her heart beat like hooves of galloping horses.
“Yes he did, he’s got those, sea green eyes, that looks haunting, kaya sa tingin ko, magiging malakas ang dating nito sa camera” ang paliwanag niya kay Franco.
Ngumiti ng malungkot si Franco sa kanya, “mukhang you’re smitten to him” ang sabi ni Franco sa kanya na idinaan sa biro.
She quickly turned her head towards Franco and she saw his questioning gaze and she scoffed and quickly shook her head.
“Of course not!” ang mabilis at mariin niyang sagot kasabay ng mga pag-iling niya. Bahagya pa siyang natawa sa sinabi ni Franco. Hindi, wala siyang gusto kay Antonio ang pagtanggi ng isipan niya.
“I like him as my model, pero hanggang doon lang iyun please I’m done with men” ang mariin na sabi niya.
“Ouch” ang tumatawang sagot ni Franco at inilapat pa nito ang mga palad sa kaliwang dibdib nito na tila ba nasaktan sa kanyang sinabi. At natawa rin siya sa itinuran ni Franco. At pasalamat siya na hindi na nagtanong pa si Franco pa tungkol kay Antonio.
Nababaliw na siya at nagpapakatanga kung muli siyang mahuhulog sa isang lalaki na may magandang katawan at mukha. Hinding – hindi na niya uulitin ang mga pagkakamali niya noon, ang giit niya sa kanyang sarili.
****
Nagpaalam na siya kay Ginger at nag-iwan na rin siya ng spare keys kay Ginger para hindi na ito kailangan pa na pumunta sa kanyang bahay sa tuwing kukunin nito ang susi sa kanya, kapag hindi siya makapunta sa shop. Hindi na rin niya hinahayaan na gabihin sila sa husto sa shop pagkatapos ng nangyari sa kanya, by seven o’ clock ng gabi ay nagsasara na sila.
“Ginger mauna na ako sa iyo, wag ka ng magpakalate ng uwi okey, sumunod ka na rin na umuwi” ang bilin niya may Ginger.
“Yes po ma’am, wala naman po silang makukuha sa akin, I’m willing to give my puri ma’am” ang biro ni Ginger sa kanya na ang tunay na pangalan ay Generoso, dahil isang transgender si Ginger, and she’s a very pretty one.
“Loka, baka di mo kayanin kapag dalawa” ang buried niya rito pero alam ni Ginger ang pag-aalala niya rito.
“Kakayanin ma’am, para sa ekonomiya” ang biro nito sa kanya at parehong silang natawa.
“Bye Ginger” ang pamamaalam niya rito at lumabas na siya ng shop, naglakad siya palapit sa kanyang sasakyan at binubuksan niya ang pinto ng driver’s side ng may tumawag sa kanyang pangalan. Bigla siyang lumingon at nakita niya ang pamilyar na mukha ng kapatid ni Antonio na si Arthur may dala itong cake, habang papalapit ito sa kanya.
“Nikita!” ang masayang bati nito sa kanya at isang malapad na ngiti naman ang isinagot niya rito.
“Arthur? Anong ginagawa mo rito?”ang gulat na tanong niya sa nakababatang kapatid ni Antonio.
“Napadaan lang, ah, ang totoo sinadya talaga kita rito, nalaman ko na dito pala ang shop mo” ang sagot nito sa kanya.
“Uh may kailangan ka ba? Kamusta ang nanay Lita at tatay Jose?” ang mga tanong niya kay Arthur.
“Uh mabuti naman sila, uhm may sadya sana ako sa iyo Nikita” ang nahihiyang sabi nito sa kanya.
“Uhm, ano iyun?” ang nakangiting tanong niya sa kapatid ni Antonio.
“Pwede.. Pwede na kitang imbitahan? Sa bahay? May cake kasi ako na binili, celebration lang kasi nag top ako sa section namin, saka pasok ako ulit sa deans list” ang pagmamalaki nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata, “really? Well congratulations!” ang masayang bati niya kay Arthur.
“Uh salamat, eh, may natira kasi akong pera sa mga baon na binibigay ni kuya kaya, bumili ako ng cake at gusto sana kita imbitahan ngayon sa bahay” ang umaasang tanong nito sa kanya.
How can she break his heart? Ang tanong niya sa sarili, kahit na marami pa siyang aasikasuhin, ay matatanggihan niya ba si Arthur na sinadya pa siyang puntahan nito sa shop niya para imbitahan siya sa kung anong meron na maisi share nito sa kanya? Napakabait ng pamilya ni Antonio ang sabi niya sa sarili.
“Sige ba, pero, you’ll let me buy you something, pizza siguro mahilig ka ba sa pizza?” ang tanong niya kay Arthur na nagliwanag ang mukha ng pumayag siyang sumama.
“Oo ba! Pero, ayaw mo ba ng cake?” ang nag-aalala na tanong nito sa kanya at tiningnan nito ang isang roll na cake na hawak nito sa kamay.
“Mahilig ako sa cake, kaso, baka maubos ko lahat kaya papalitan ko ng pizza” ang pagsisinungaling niya, dahil sa gusto lang talaga niya itreat si Arthur na hindi mamasamain nito at ng pamilya nito lalo na ni Antonio.
“Sige, gusto ko iyun” ang masayang sagot nito sa kanya.
“Tara, sakay ka na” ang pagyaya niya kay Arthur na excited na sumakay sa passenger side. Dumaan sila sa isang pizza restaurant at nag takeout ng dalawang box ng pizza at saka sila dumiretso sa bahay nina Arthur. At pagkarating nga nila ay masayang pumasok ng bahay si Arthur at nadinig niya ang boses ng nanay nito, at saka siya pumasok sa loob ng tawagin siya ni Arthur at nakita nga niya na naroon sina Claire at Antonio, na nagulat ng makita siya at nagtama ang kanilang mga mata.

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon