Chapter 16

1.4K 88 220
                                    

Nikita removed the soft downy covers from her tired body. Dahan-dahan niyang itinulak ng kanyang kanan na braso ang kanyang sarili, para bumangon. She brushed off some strands of hair that was blocking her view, and she opened her lips for a sleepy yawn.
Tiningnan niya  ang oras mula sa wall clock na  nakasabit sa tabi ng pintuan. It was six in the morning, hindi man iyun ang nakasanayan niyang oras na kanyang paggising ay  napilitan  na niyang bumangon. Seven na kasi siya ng umaga  bumabangon dahil na rin sa late na siyang nakatutulog. But that time, mas minabuti na niya ang bumangon na lamang mula  sa kanyang pagkakahiga. Useless naman kung mananatili pa siyang nakahiga sa kanyang kama, at titigan ang kisame o ang kulay  dove gray na dingding ng  kanyang kwarto. Kaya bumangon na lamang  siya and might as well use her time and be productive.
Kaya bumangon na siya, inilapag ang mga paa sa sementadong sahig at bahagyang kinilig ang kanyang katawan nang lumapat na ang malamig na sahig sa kanyang mga paa.
Tumayo na siya inayos ang kanyang kama, saka siya nagtungo sa kanyang banyo para sa mabilisan na shower. Pagkatapos ay mabilis  na siyang nagbihis  ng kanyang susuotin para sa kanyang trabaho, at dahil sa shop lang naman  siya buong maghapon ay isang simpleng camel colored cigarette pants ang kanyang isinuot na tinernuhan niya ng  black turtle neck blouse at ang naging accessory niya ay isang white wide leather belt. Kinuha niya  ang blow dryer at tinuyo niya  ang kanyang buhok. Saka niya ipinulupot at ipinusod sa ibabaw ng kanyang ulo.
She didn’t cover her freckles but instead she only dabbed her lips with nude pink matte lipstick. Sprayed her favourite inexpensive body spray na nabili lang niya sa drugstore na malimit niyang puntahan. Saka niya isinuot ang kanyang salamin sa mata at naglakad nang palabas ng kwarto.
Nanatili na walang sapin o balot ang kanyang mga paa, paglabas niya ng kanyang kwarto at5 nagtungo siya sa kusina para mag kape. Hindi siya sanay na kumain ng almusal, at sa dami ng  kinain niya kagabi sa bahay nila  Arthur, mukhang di pa siya makakakain hanggang sa tanghali.
At napabuntong-hininga siya ng maalala na naman niya ang nga nangyari kagabi. The incident last night became a major setback para sa kanya. Huh, pagkaarte naman kasi ng girlfriend na yun ni Antonio, ang ngitngit ni Nikita sa kanyang sarili.
Padabog niyang kinuha ang coffee grounds sa cupboard at nagsalin sa filter basket, saka niya inilagay sa portafilter, at nagsalin siya ng tubig saka niya, pinindot ang on button and she silently watched the dark brew, drips into the carafe.
She crossed her arms in front of her, then she raised her right hand to her lips and lightly bit her right thumb while her gazed was fixed on the coffee maker.
Naalala na naman niya ang mga nangyari kagabi, napailing siya, wala na, wala na talagang pag-asa na makuha na niya si Antonio na mukhang may tapaoho sa mga mata at hindi makita ang kapintasan ng jowa nito at naging sunud-sunuran na lamang. Huh, she definitely relate much from him, and that was years ago, bago niya napagtanto ang lahat at namulat ang kanyang mata sa mga pagkukulang, pagkakamali at panggagamit sa kanya ng dating asawa.
“Matatauhan ka rin Antonio at sa masakit na paraan” ang malakas na sabi niya sa kanyang sarili. Muli siyang napabuntong-hininga, kailangan niyang magkaroon ng plan b para sa summer collection niya, natengga na ito ng matagal at masasayang ang income na lilipas na naman sa kanya. Malaki na ang nagagastos niya, kailangan naman niyang kumita ngayon, malaki ang gagamitin niyang pera para sa naisip niyang fashion show. For the first time, she’s going to held a fashion show for lingerie and undergarments. Alam niya na malaki ang magagastos niya, para sa venue, mga tatahiin na designs, bayad sa models, at invitations at ganun na rin ang cocktail party na ginaganap after ng show at mukhang hundred thousands ang magagastos niya or even a million.
Napabuntong-hininga siya at kumuha siya ng mug, saka siya nagsalin ng freshly brewed coffee sa kanyang mug mula sa carafe. Kaya naman, she desperately needs to launch her summer collection na alam niyang magiging patok this summer dahil sa mya mga nagtatanong na sa kanya online and from walk in customers.
She didn’t have a choice kailangan na lang niya kumuha ng ibang male model katulad ng sinabi ni Franco. Alam niyang hanggang sa nagmamatigas si Antonio at sumusunod sa napakabait na girlfriend nito ay hindi nito kailanman tatanggapin ang inaalok niyang trabaho. Mukhang himala na lang ang mangyayari para mapapayag niya si Antonio.
Pwede naman na kulitin niya ito hanggang sa maubos na muli ang pasensiya nito sa kanya, pero, kung walang kasiguraduhan, nag-aaksaya na lamang siya ng kanyang panahon at kailangan niyang maiangat ang kanyang bangka at hindi ilubog ito, kaya, hindi na siya naghihintay pa. Franco is right, kukuha na lang sila ng ibang models.
She lifted her mug with her right hand and walked her way towards the dining. Naupo siya at kinuha niya ang kanyang bag, she got her notepad para tingnan ang kanyang schedule sa araw na iyun.
She gently sipped her hot coffee while scanning the words written in her notepad nang tumunog ang kanyang phone. She reached for her phone and looked at the screen and she saw Jessie’s name, ang gumawaga ng kanyang catalogue. Tapos na kaya ang catalouge? Pero ang bilis naman at kahapon ay nagkaproblema lang sa printing ng pictures ang taka niyang sabi sa kanyang sarili.
Pinindot niya ang answer saka niya inilapit ang phone sa kanyang tenga at bibig.
“Jessie, good morning!” ang masayang bati niya sa kanyang creative director.
“What’s wrong with you?” ang bungad na tanong sa kanya ni Jessie at mababakas ang galit sa boses nito.
“What? Anong ibig mo sabihin?” ang taka niyang patanong na sagot kay Jessie.
“I’m in a middle of finishing the backdrop of your catalog na pinagpuyatan ko pa para matapos na natin at maihabol na ang summer collection mo then yesterday nakatanggap ng tawag ang assistant ko na you’re cancelling the project?” ang sagot ni Jessie sa kanya.
“What? I didn’t call you yesterday” ang gulat at puno ng pagtataka niyang sagot kay Jessie, nagpatayo siyang bigla at naglakad siya patungo sa malalaking bintana ng kanyang bahay.
“Well, someone called me under your name” ang giit nito sa kanya.
Galit na hinawi ng kanyang kaliwang kamay ang mahabang kulay puti na kurtina na tumatabing sa bintana ng salas. Tumanaw siya sa bintana at tanging sasakyan niya lang ang kanyang natanaw at ang kalsada sa labas ng kanyang bahay.
“Wala” she sighed, “hindi ako tumawag at wala akong pinatawag sa iyo kahapon Jessie, I swear! Bakit ko naman ipapatigil ang pagpapublish ng catalog ko, when I’m desperate na maihabol na iyan at mailabas na this month!” ang paliwanag niya kay Jessie.
“Kaya nga nagtaka ako, at I’m not sure, pero, ano naman ang magagawa ko kung, nagbago bigla ang isip mo para ipa cancel ang paggawa ng catalog?” ang giit ni Jessie sa kanya.
Napabuntong-hininga siya, “you know, naalala ko, yung binigay ni Ginger sa publisher na USB ay walang laman” ang saad niya kay Jessie.
“What do you mean?” ang takang tanong sa kanya ni Jessie sa kabilang linya. Pumihit ang kanyang katawan at naglakad siya pabalik sa dining at muli siyang naupo sa upuan.
“Yung USB na ibinigay ni Ginger ay walang laman na mga litrato” ang mariin niyang sabi kay Jessie.
“That’s impossible! Hindi ba at tatlo pa tayo na namili ng pictures?” ang patanong na sagot ni Jessie sa kanya.
“I know! Kaya nga ang laki ng pagtataka ko” ang sagot niya kay Jessie.
“That’s impossible, kung mabubura yan tatlo lang tayo na makapagbubura niyun”  ang sagot ni Jessie sa kanya.
“I know” ang sagot niya kay Jessie na may buntong hininga.
“I remember lumabas ka nun sa office mo at may kausap ka na babae” ang pagpapaalala sa kanya ni Jessie.
“Yeah, it was Teri” ang mariin na sagot niya kay Jessie.
“You mean Buenaventura?” ang gulat na tanong ni Jessie na hindi makapaniwala sa narinig nito.
“Yes BUENAVENTURA” ang mariin na sagot niya kay Jessie sabay inom niya ng kanyang kape.
“Why?” ang tanong nito sa kanya, at ikinuwento niya ang mga nangyari at ang mga sinabi ni Teri sa kanya.
“Well totoo ang sinabi niya na hiwalay na nga sila ni Leo, hindi ko na lang sinabi sa iyo dahil, hindi naman importante” ang sagot sa kanya ni Jessie.
“Yeah, wala na akong pakialam sa kanilang dalawa, I’m moving on with my life now, my new chapter in life began nang ma annul ang kasal namin” ang sagot niya kay Jessie.
“Tama yun, okey I better hang up now, mabuti at tinawagan kita agad, sinong kayang nang gu good time sa akin at ikaw pa ang ginamit” ang sabi ni Jessie sa kanya, “I’ll continue with the project and give me at least a few days at tapos na natin ito at pwede ka ng mag launch” ang sabi ni Jessie sa kanya.
“Thank you Jessie” ang masayang sabi niya rito bago natapos ang pag-uusap nila.
Ibinaba niya ang kanyang phone sa lamesa and she smoothed her right palm on her hair, saka siya napabuntong-hininga. Sino naman kaya ang gagawa nun? Una ang pictures, ngayon naman may nag cancel ng pinagagawa kay Jessie. Coincidence lang ba ang mga nangyayari? May nagpa prank ba at siya ang napagtripan ng mga ito? Ang mga tanong niya sa kanyang isipan.
Muling siyang nagbuntong hininga at saka niya tiningnan ang relo sa kanyang kaliwang pulsuhan. It was, eight in the morning, nine ng umaga ang pagbubukas ng shop. She has to make some decisions that day, at dahil nga sa tingin niya ay imposible na niyang mapapayag si Antonio at kahit pa wala sa bokabularyo niya ang sumuko, wala na muna siyang magagawa sa ngayon. May hinahabol siyang schedules na kailangan niyang masunod at ayaw na niyang mag-aksaya na naman ng oras at panahon. Kaya, she has to let go. Maaaring pinagtagpo lang sila ni Antonio at hindi ito itinadhana na maging modelo niya.
Muli niyang kinuha ang kanyang phone and she dialled Franco’s number, and in the second ring ay sinagot nito ang kanyang tawag.
“Franco busy ka ba today?” ang tanong niya rito.
“No why?” ang balik tanong nito sa kanya.
“Pwede mo ba akong samahan dun sa modelling agency na sinasabi mo? Mamimili nanalo ng model ko” ang sagot niya kay Franco.
****
“Hello ma’am Nikita!” ang masayang bati sa kanya ni Ginger pagpasok nila ng kanyang boutique, kasunod niya si Franco sa kanyang likuran. Kagagaling lang nila ng modelling agency naghanap sila ng mga models na magpopose para sa kanyang summer collection. At kung bakit ba ang tagal na ng inabot nila sa loob. Tiningnan nila ang nga portfolio ng mga models at mga video ng profiles ng mga ito at halos ilang ulit na niyang pinasadahan ng kanyang mga mata ang mga modelo ay wala pa rin siyang mapili. At kung bakit ang nakikita niya ay ang katawan ni Antonio nang makita niya na nakatapis lang ito ng towel at ang kulay turquoise na mga mata nito.
She reprimanded herself quietly over and over again, dahil sa hinahayaan na naman niyang guluhin ni Antonio ang isipan niya. Hindi na dapat pa siya umasa kay Antonio at mukhang di niya kayang basagin ang loob nito at sa pagmamatigas nito sa kanya.
At namili na lang sila sa mga modelo na may magandang rehistro sa camera. At nang makapili na sila ay nagpaschedule sila bukas para makita ang mga napili nilang models.
At dito nga sila dumiretso sa kanyang boutique ni Franco pagkatapos nilang sandali na magkape.
“Hi Ginger!” ang masayang bati niya sa kanyang assistant na busy sa pagsusulat.
“Hi sir Franco” ang bati rin nito kay Franco na naupo na sa maliit na sofa.
“Hi Ginger, musta?” ang balik na pagbati nito kay Ginger.
“Mabuti naman po sir, ay ma’am, may dumalaw po rito sa inyo kanina” ang masayang sabi ni Ginger sa kanya at itinabi na nito ang notebook na listahan nito ng mga orders.
“May mga bagong orders ba?” ang tanong muna niya sa assistant nang makita niyang may inilista si Ginger sa notebook.
“Opo ma’am may umorder ng isang dosena na puro size medium na lingerie yung teddy yung pink 3 collection, iba’t ibang kulay daw po, sinabi naman po niya yung mga kulay” ang sagot ni Ginger sa kanya.
“Ipinaliwanag mo ba ang modes of payment?” ang tanong niya kay Ginger habang tinintingnan niya ang listahan.
“Opo ma’am” ang sagot nito sa kanya at tumangu-tango naman siya while her eyes still remained on the lists.
“Ano yung sinasabi mo kanina?” she asked Ginger without looking at her assistant.
“Uhm! Oo nga po pala ma’am!” ang excited na sabon ni Ginger at nagdaop pa ang mga palad nito.
“May naghahanap po sa inyo dito ma’am, ang pogi! Grabe ang ganda ng mga mata parang dagat” ang sagot ni Ginger at natigilan siya sa kanyang ginagawa na pagbabasa. Bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso nang marinig niya ang mga salitang mata na kulay dagat.
“Antonio po, yung apelyido di ko na matandaan pero kakaiba” ang pagapapatuloy na saad ni Ginger. At saka dahan-dahan na umangat ang kanyang mukha mula sa pagkakatungo nito.
“Bakit daw?” ang malumanay na tanong niya, ngunit kabaligtaran ng puso niya sa loob ng kanyang dibdib, dahil parang may aso at pusa na nagrarambulan sa loob ng kanyang dibdib.
“Uh ma’am hindi po sinabi pero, balik na lang daw po siya” ang sagot ni Ginger sa kanya.
Kukunin na kaya nito ang trabaho? Ang tanong niya sa kanyang sarili. Nagbago kaya ang isipan ni Antonio at tatanggapin na nito ang kanyang offer o? Pagbabantaan siya nito na huwag ng magpapakita sa pamilya nito?
“Ganun ba?” ang matipid lang niya na sagot at pinakalma at pinagalitan niya ang kanyang sarili dahil sa nararamdaman niyang iyun. Ayaw niyang umasa agad, lalo pa at galit na galit sa kanya si Antonio. Pwede na hindi pa ito tapos sa pagpapaalala sa kanya na huwag ng tatapak sa sabay niyo.
Ilang sandali pa ay tumunog ang land-line phone ng kanilang shop, mabilis na lumapit doon si Ginger para sagutin ang tawag. Narinig niya ang magiliw na bati nito sa tumawag sa kabilang linya. At po at opo na ang mga sumunod na mga salita ang narinig niya na lumabas sa mga labi ng assistant.
“Sandali lang po” ang sagot ni Ginger tinakpan nito ang mouthpiece ng receiver bago siya nito tawagin.
“Ma’am, may gusto po na kumausap sa inyo, si Atty. Vince Lipon daw po” ang sabi ni Ginger sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo at napasulyap pa siya kay Franco na tinaasan siya ng dalawang kilay, tila ba nagtatanong at siya naman ay nagkibit-balikat. Gumawa siya ng ilang hakbang papalapit kay Ginger at kinuha niya ang receiver sa kamay nito.
“Hello?” ang matipid na bati niya sa abugado raw na nasa kabilang linya.
“Miss Nikita Valderama?” ang tanong ng lalaki sa kabilang linya, at sa boses nito, ay tantiya niyana nasa late forties na ang edad nito.
“Yes, this is Nikita and you’re Atty. Lipon?” ang paninigurado na tanong niya. She sounded calm but her nerves were getting into her, her palms got sweaty and her heart started to pound loudly inside her chest. Bakit siya tatawagan ng isang abugado? May iligal ba siyang pinasok ng di niya alam? May inistafa ba siya? Bouncing checks? Illegal parking? Illegal Staring on a beautiful man’s body? Ang mga sunud-sunod na tanong ng isipan niya.
“Yes Miss Valderama, I know this is so sudden pero pwede ba tayong magkita?” ang tanong nito sa kanya.
“Uhm, for what reason?”ang agad na tanong niya rito.
“It’s uhm, confidential, I’ll explain everything personally and I was hoping to speak to you, this noon? Nasa isang Bread and Brew ako na coffee shop, dito lang sa may Guererro Street” ang sabi nito sa kanya.
“Uhm” ang nag-aalangan niyang sagot, “do I need to bring my lawyer with me?” ang tanong niya sa kausap.
“No that won’t be necessary, we’re not talking about a case, please Miss Valderama this is urgent  and has been long overdue” ang pakiusap nito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya at tumango, “okey I’ll be there in thirty minutes” ang sagot niya rito.
“Thank you Miss Valderama, I’m on the farthest table at the right corner I’m wearing a blue long-sleeved shirt with black tie” ang sabi nito sa kanya at naputol na ang kanilang usapan.
“Who’s that?” ang tanong ni Franco sa kanya na tahimik lang na nakikinig habang nakaupo sa sofa.
“I’m not really sure pero urgent daw” ang sagot niya, “I better be going, I’m going to meet him” ang sabi niya kay Franco.
“Gusto mo bang samahan kita?” ang tanong ni Franco, pero naalala niya ang sinabi ng abugado na confidential ang usapan nila.
Umiling siya, “uhm hindi may sasabihin lang daw” ang sagot niya at kinuha niya ang kanyang bag at naglakad na siya palapit sa pinto, at tumayo naman na si Franco para sumabay na sa kanya palabas.
“Ginger babalik ako okey? Want me to get you something?” ang tanong niya sa assistant.
“Ma’am coffee po please yung macchiatto saka glazed donut” ang nakangiting sagot nito sa kanya.
“Okey! Bye!” ang pagpapaalam niya at saka sila lumabas ni Franco ng pinto ng kanyang boutique.
Inihatid pa siya ni Franco sa harapan ng kanyang sasakyan and she turn her body to face him while she stood just outside the driver’s door.
“I’ll see you tomorrow?” ang tanong ni Franco sa kanya patungkol sa pagtingin nila ng mga models bukas.
Tumangu-tango siya, “yeah, doon na lang tayo magkita” ang mabilis niyang sagot, “thank Franco” ang sabi niya rito at mabilis niyang hinagkan ang pisngi nito. Bago niya hinila ang pinto ng driver side para buksan iyun at sumakay na siya sa loob.
At mula sa kalayuan ay hindi niya nakita ang lalaking nakatayo at nakamasid sa kanila ni Franco, ang mga mata nito ay nakatuon sa kanila at nang halikan niya sa pisngi si Franco, ay nakaramdam ng kirot ang dibdib nito.


Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon