Hindi akalain ni Nikita na unti-unting babagsak ang talukap ng kanyang mga mata. Muli niyang Isinandal ang kanyang ulo sa may pader ng hospital at nang manatili na ang katahimikan sa pagitan nila ni Antonio, ay unti-unting pumikit ang kanyang mga mata.
Hindi niya rin namalayan kung gaano katagal na siyang nakatulog habang nakaupo, ang naramdaman na lang niya ay bahagyang umangat ang kanyang likod mula sa pagkakasandal niya sa backrest ng upuan ng hospital.
At naramdaman na lang niya ang braso na umakabay sa kanya at ang magaspang at malaking palad na lumapat sa kanyang malambot na pisngi at kianbig nito ang kanyang katawan at ulo pakanan para siya ay ihilig sa dibdib at balikat nito.
Her soft sigh escaped her pink lips when her head rested on his wide shoulders, his palm on her cheek, though a bit coarse was gentle in her smooth freckled cheek. Gustong niya sa pakiramdam ang palad nito sa kanyang balat, ganito rin kaya ang pakiramdam nito kung maglandas ang mga kamay nito sa kanyang katawan? Ang di inaasahan na tanong ng kanyang isipan.
At nabigla siya sa sumagi sa kanyang isipan, hindi siya dapat nag-iisip ng ganun na mga bagay, lalo pa at kagagaling lang niya sa isang mapait na relasyon? Ang giit niya sa sarili. Bigla niyang idinilat ang kanyang mga mata. Iniangat niya ang kanyang paningin at nagtama ang kanilang mga mata ni Antonio. Hindi niya alam kung kanina pa siya nito pinagmamasdan, ngunit hindi na siya interisado na malaman pa iyun, dahil ang buong atensyon niya ay nasa kanyang puso na mabilis na tumitibok ng mga sandali na iyun.
Sinundan niya ng tingin ang mga mata ni Antonio na mula sa kanyang mga mata ay bumaba sa kanyang bahagyang nakabuka na mga labi, dahil sa kanyang paghinga. Nagtagal ang mga kulay asul – berde nitong mga mata sa kanyang mga labi at ang kanyang mga mata ay naglakbay mula sa mga mata ni Antonio, sa matayog nitong ilong, at sa mga labi nito na parang nililok ng isang Griyego na sculpture.
At para siyang nahipnotismo ng mga labi nito, na unti-unting bumababa palapit sa kanyang mga labi.
“Ehem, Miss Valderama?” ang biglang sabi ng boses sa kanilang harapan na pumukaw sa kanyang pagkakasailalim sa mahika ni Antonio. She blinked back several times and she pulled her head away from his shoulders and she sat up straight.
She cleared her throat and smiled shyly at the nurse that was standing a few steps away from them.
“Ehem, yes?” she answered with a voice that was a bit husky.
“Tapos na po ang operation ni Arthur, sa inilipat na po namin siya sa private room niya” ang sabi nito sa kanya.
Mabilis at halos sabay sila na tumayo ni Antonio nang marinig ang sinabi ng nurse sa kanila.
“Pwede na ba namin siyang makita?” ang umaasang tanong niya sa nurse na mabilis na tumango.
“Opo, sa room op386 po ma’am, tulog pa po siya gawa ng anesthesia and his face is fully covered with bandage, it may look serious but he’s perfectly fine, kailangan na lang niya na makarecover, pupunta po si doctor Chua sa kwarto ni Arthur para kausapin kayo” ang saad pa nito sa kanya.
Tumangu-tango siya at ngumiti siya ng matipid, saka siya nagpahatid ng pasasalamat sa nurse na mabilis na rin na nagpaalam sa kanila.
“Halika na” ang sabi niya kay Antonio na sumagot ng pagtango sa kanya at halata sa mga malalaking hakbang ni Antonio ang kasabikan nito na makita ang kapatid. Hinanap nila ang nabanggit na kwarto. At nang matunton nila iyun ay dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at marahan niyang itinulak ang pinto para buksan iyun at saka siya sumilip sa loob mula sa maliit na siwang na kanyang ginawa at si Antonio naman ay nasa kanyang likuran.
Tumambad sa kanya ang nakahiga na si Arthur, though hindi mo makikilala kung sino talaga ang nakahiga, dahil sa tulad nga ng sinabi ng nurse kanina, balot ng benda ang mukha nito at ang pang itaas nitong katawan, na kanilang nahagip ng tingin dahil sa tinintingnan ng nurse na nasa loob ang bandages nito.
“Good morning” ang mahinang bati niya saka niya tuluyan na itinulak ang pinto para bumukas ang pinto ng husto at tulayan na silang makapasok ni Antonio sa loob.
Sandaling lumingon sa kanila ang nurse at tumango ito at sa pagsingkit ng mga mata nito ay nahulaan niya na ngumiti rin ito sa kanila. May mask kasi ang bibig nito kaya hindi nila makita ang ngiti sa labi ng nurse na nagpatuloy sa pag-check ng benda at ang braso ni Arthur na may nakaturok na hose para sa dextrose nito. Pati ang fit ng oxygen nito ay mabusisi nitong tiningnan at ganun na rin ang gauge sa oxygen tank.
Nanatili sila ni Antonio na nakatayo malapit sa pintuan para hindi nila maabala ang ginagawa ng nurse. Sinundan na lamang ng kanyang mga mata ang bawat galaw nito at kumirot ang puso niya nang muli niyang pagmasdan ang nakaratay na si Arthur na walang malay at balot ng benda. Pero, binura na niya ang agam-agam sa kanyang dibdib, batid niya na sa likod ng mga benda na iyun ay ang kasiguraduhan ng paghilom ni Arthur.
Muling ibinalik ng nurse ang manipis na kumot hanggang sa dibdib ni Arthur, na tulog na tulog. Naglakad palapit ang nurse sa kanila at nagsalita ito sa likod ng mask na nakatakip sa mga labi nito.
“Paki hintay na lang po si doc Chua, may mga ipapaliwanag po siya sa inyo” ang sabi nito sa kanila.
Tumangu-tango sila pareho ni Antonio at tahimik na nagpaalam ang nurse sa kanila bago nito tahimik na hinila ang pinto at humakbang palabas.
Nanatili si Nikita na nakatayo sa tabi ng pintuan. Tila ba napako ang swelas ng suot niyang slide on sa tiled floor ng kwarto ni Arthur. Hindi siya nakagalaw dahil ang mga mata niya napako kay Antonio. Dahan-dahan itong humakbang papalapit sa kama kung saan nakahiga at natutulog si Arthur. Pinagmasdan niya si Antonio na tulad niya ay napako rin ang mga mata nito, hindi man sa kanya kundi kay Arthur. Nababasa niya ang labis na sakit sa mga mata ni Antonio, at para bang ang nararamdaman nito ay may antenna na inililipat sa kanya. Dahil damang – dama niya ang matinding kirot sa kanyang dibdib.
She watched his six foot five well built frame, slowly moved beside Arthur’s bed. She saw the pain in his beautiful turquoise eyes, as he watched his sleeping younger brother. She saw his hands balled into tight fist. She felt him, she felt the hurt in his heart. Her heart swelled for him, because of the pain written all over over his face.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...