Chapter 36

1.3K 83 90
                                    

“Ginger! Okey na ba ang lahat?” ang abala na tanong ni Nikita kay Ginger. Iyun na kasi ang araw ng fashion show. After ng successful launch ng “Sweet n Sultry” catalogue nila ni Teri na talaga namang pinag-usapan ng fashion industry.
Nagkaroon pa siya ng full interview sa isang high-end magazine at naging cover pa siya ay naging abala  na siyang mga sumunod na linggo dahil sa orders na kanilang natanggap at mula sa mga kilalang artista at prominenteng tao sa fashion industry.
Hindi siya makapaniwala sa turnoff events dahil pagkalaunch palang ng catalogue ay agad silang pinag-usapan at ang exposure na kanyang hinahangad ay kanya ng naabot.
Kaya naman labis ang kaba niya ng mga sandali na iyun, nang dumating na ang araw ng mismong fashion show na dadaluhan ng mga kilalang tao na inimbitahan ni Teri.
“Yes ma’am na-double – check  ko na po ang lahat ma’am, pero kung gusto po ninyo ma’am check po ninyo ulit” ang sagot ni Ginger sa kanya.
Alam niya na maayos na ang lahat at kumpleto na rin ang mga isusuot ng models, siya mismo ang kumuha ng mga tinahi ni Bessie at bago niya inilagay sa mga clothbag ay sinuri niya ang mga iyun ng maigi. Ang isusuot ng mga models ay nakalagay sa isang malaking maleta at ang isusuot naman nina Antonio at Lily ay nakahiwalay sa ibang maleta. Sila kasi ang main models kaya iba ang isusuot nila.
May ibang models din na kinuha si Teri at tanging si Antonio lang ang magsusuot ng mga designs nito, na hindi talaga nito model signed model.
“No ako mismo ang nag-check ng laman ng mga iyan, sigurado ako na kumpleto at walang sira ang mga iyan, we have to be there na Ginger, nandun na ba sina Jessie at Franco?” ang anong niya sa assistant niya.
“Opo ma’am lahat po ng models nandun na” ang sagot ni Ginger sa kanya at sumagi ang isip niya kay Antonio. Pinauna na nga niya ito sa venue para  makapag-rehearsal ang mga ito at maayusan na rin.
“Ma’am  kalma lang” ang biglang sabi sa kanya ni Ginger na nag-aalala siyang tiningnan ng mga mata nito na nakasmokey eyes.
She wet her lips and expelled a deep breath, as she tried to calm her nerves.
“I know pero, hindi ko maiwasan, alam mo naman na unang beses natin na magkaroon ng fashion show” ang giit niya kay Ginger habang palabas sila ng kanilang boutique, at hila-hila nila ang mga naglalakihang luggage na naglalaman ng mga isusuot ng kanilang models sa rampa.
“Oo nga ma’am  hindi ba exciting? Ay ma’am, may dala po ba kayong pamalit na damit? Para sa party pagkatapos ng fashion show?” ang tanong ni Ginger sa kanya.
“Uh oo may dala akong dress nandun na sa sasakyan ko” ang sagot niya rito. Hindi naman talaga siya mahilig um- attend ng mga party, pero para sa araw na iyun o gabi na iyun ay gagawin niya, namili na sila ni Antonio ng mga isusuot nila sa party, kahit pa gusto ipilit ni Antonio na bumili sila ng damit na isusuot nila sa kasal, at mariin siyang tumanggi sa sinabi nito. Hindi pa napapanahon para pag-usapan ang kasal lalo pa at parehong ngayon pa lang sila nakikilala sa industriya.
“Ma’am mabuti at sinuot ninyo ullit yang bracelet ninyo, ang ganda talaga niyan, bakit di po ninyo lagi nang isuot?” ang sabi ni Ginger sa kanya at ang tinutukoy nito ay ang charm bracelet na kanyang suot sa kanan niyang kamay.
“Uh, alam mo naman lucky charm ko ito, at natatakot ako na masira o mawala ito at kay mommy ang bracelet na ito” ang sagot niya kay Ginger. Ibinigay iyun ng kanyang mommy noong mga panahon na lumalaban na ito sa sakit na cancer. At alam niya na bigay iyun ng kanyang daddy sa kanyang mommy. Kahit pa iniwan sila ng kanyang daddy, iningatan pa rin iyun ng kanyang mommy at inihabilin sa kanya na ingatan niya rin ito, katulad ng pag-iingat na ginawang mommy niya.
Agad na silang nagpunta sa venue at pagdating niya ay inilagay na nila ni Ginger ang mga dala nila na isusuot ng kanilang mga models sa dressing room, pero ang mga isusuot nina Lily at Antonio.
Nakita niya si Antonio na nakabihis na ng designs ni Teri dahil sa ito ang mauuna sa theme na Sweet at huli ang kanya.
Nagpalitan na lamang sila ng tingin ni Antonio at halata sa mga mata nito na gusto siya nitong lapitan. Kaya isang matamis  na ngiti na lamang ang iginawad niya kay Antonio.
Maya-maya pa ay pinapasok na ang lahat ng mga model sa mga dressing ooms ng mga ito para makapaghanda, tanging si Antonio na lang ang naiwan sa labas dahil sa ito ang unang inayusan at ito ang unang rarampa bilang opening ng show.
Ilang sandali pa ay nilapitan na siya nina Jessie at Franco, kasama nito ang crew niya para kumuha ng mga pictures para sa Bewitched portfolio. At ilang sandali pa ay nilapitan na rin siya ni Teri para sa matipid na pag-uusap.
Dahil sa alam naman ng mga modelo nila ang mga isusuot dahil sa may mga pangalan iyun, ay hindi na nila ito sinamahan sa dressing room para naman may privacy ang mga ito. Napagkasunduan na rin nila na huwag ng maglagay ng mga malalaki at mabibigat na accessories ang kanilang mga models. Tanging ang mga designs lang niya ang magsisilbing accessories ng mga ito o takip sa mga katawan ng mga modelo.
Ilang sandali ng briefing ay nag-umpisa na ang fashion show at una ngang rumampa ang mga modelo ni Teri. Gustuhin man na manuod ni Nikita ay nanatili siya sa likod ng stage. Pinagmasdan niya si Antonio na unang nagbukas ng pagrampa ng mga modelo at halata ang kapanabikan ng mga manunuod kay Antonio.
Humanga siya ng husto rito. He doesn’t looked awkward, in fact his moves were so natural, para bang matagal na itong rumarampa sa catwalk. At napapalakpak siya ng husto para sa nobyo.
Pero nawala ang atensyon niya ng lumapit sa kanya si Lily, ang by the expression on her face she looks upset at nagtaka siya kung bakit at naglalakad ito palapit sa kanya na tanging maikli na robe lang ang suot nito.
“Lily what’s wrong with you? Suot mo  na ba yung unang lingerie mo?” ang kunot noo na tanong nito sa kanya.
“Nikita, hindi mo ba tiningnan yung laman ng bag?” ang tanong sa kanya ni Lily na labis niyang ipinagtaka.
“Bakit? Ano bang sinasabi mo?” ang takang tanong  niya.
“Halika dun sa dressing room namin” ang pagyaya nito sa kanya, at maya-maya ay napansin din niya ang assistant ni Teri na nagmamadali itong lumapit kay Teri at may ibinulong. Napansin niya ang panlalaki ng mga mata ni Teri at mabilis din itong naglakad patungo sa dressing room at kaya kinabahan siya at ganun din ang kanyang ginawa. Halos takbuhin na niya patungo sa kwarto kung saan naroon ang mga isusuot nina Antonio at Lily.
“Anong nangyari” ang kinakabahan na tanong niya at biglang nanlamig ang buo niyang katawan ng makita niya ang nakakalat na mga lingerie ni Lily at ang isusuot ni Antonio sa sahig na punit-punit. Mabilis niyang dinampot ang isang manipis na lingerie at napansin niya ang isang malinis na linya ng punit, ibig sabihin ay ginupit muna iyun bago hinila ang tela para tuluyan na mapunit.
“Ikaw bang gumawa nito Lily?” ang nanggigigil na tanong niya sa babaeng kaharap.
Mabilis ito na umiling, “Hindi ako Nikita! Bakit ko naman ito gagawin? Bakit ko sisirain ang isusuot ko sa pag rampa eh, gustong-gusto ko na magmodel, ang maglakad sa catwalk ito ang unang beses ko na gagawin ito tapos sisirain ko ang dahilan para makarampa ako? Ito ang pangarap ko tapos sisirain ko?” ang giit ni Lily sa kanya.
“Pero  ikaw lang ang pumapasok rito” ang giit niya, nanginginig ang katawan niya.
“Pero, lumabas din po ako sandali” ang sagot ni Lily sa kanya, “nag-usap  po kami ng ibang models kahit yung mga models nina Miss Teri, saka si  Antonio magkasama kami kanina” ang giit pa nito.
Maya-maya ay lumapit sa kanila si Teri na may dala na damit sa kamay nito.
“May problema” ang sabi nito sa kanya, at saka nito ipinakita ang sira na damit na panlalaki at sa size niyun ay alam na niya kung kanino iyun. At tulad ng mga nagkalat na mga lingeries and undergarments ay halatang ginupit-gupit din ito.
“Isususot ni Antonio, ito pa naman ang pang-huling isusuot niya” ang nanlulumo na  sabi ni Teri sa kanya at nang napansin nito ang mga nagkalat na isusuot nina Antonio at Lily ay tiningnan siya ni Teri sa mga mata.
“Gumawa ka na ng paraan Nikita may oras ka pa” ang mariin na sabi sa kanya ni Teri, bago ito tumalikod at kinausap ang assistant nito at may iniabot ito na susi saka nagmamadali na umalis ito.
Nanginginig ang mga kamay niya na kinuha niya ang kanyang phone sa loob ng kanyang bag habang naglalakad siya palabas ng event. Maingay kasi sa loob dahil sa malakas na musika kaya nagtungo muna siya sa labas. Di lamang para makausap niya ng maayos ang tatawagan niya kundi para na rin makasagap siya ng hangin dahil sa naninikip na ang kanyang dibdib.
She dialled a number and placed the pone on her right cheeks while she briskly walked outside the building. And she made a sharp  intake of oxygen inside her lungs, once the cool night breeze welcomed her. It doesn’t matter if the air was polluted outside, but she made several deep  breaths while she waited for her call to be answered.
“Hello ma’am?” ang bati sa kanya ni Claudine sa kabilang linya.
“Claudine, nasa shop ka pa?” ang umaasa niyang tanong rito.
“Opo ma’am, magsasara na po ako” ang sagot nito sa kanya at parang sagot sa kanyang dasal ang sinabi ni Claudine.
“Claudine, I want you to do something” ang pakiusap niya rito, “Hindi ba may mga extra na lingeries diyan sa may stockroom natin yung para sa bagong collection na ready to wear?” ang sagot niya rito.
“Opo  ma’am” ang sagot nito sa kanya.
“Gusto ko na kumuha kang tig-iisa sa collection size medium para sa lingerie na pambabae at sa undergarments ay 36b ang bra at medium ang panties” ang instruction niya rito, at laking pasalamat niya at well proportioned ang katawan ni Lily at may mga size sila na ready to wear na para rito.
“Yung sa lalaki large yung mga boxers, briefs, lahat ng nasa collection natin then ipadala mo rito sa venue maghire ka ng G-ride para mas mabilis na madala rito sa akin, okey? Ang please hurry Claudine nasa sa iyo nakasalalay ang success ng Bewitched fashion show” ang sabi niya rito bago pa niya pinutol ang kanilang usapan para makapaghanda na si Claudine.
Hindi  na siya pumasok sa loob at naghintay na lamang siya sa labas, umaasa siya na aabot ang mga ipapadala ni Claudine na mga isusuot nina Antonio at Lily. Saka na niya iisip in kung sino ang gumawa nito sa kanila, kapag nairaos na niya ang gabi na ito. Napaisip siya, bakit damit lang nina Antonio at Lily ang sinira. No, obviously nadamay lang ang kay Lily dahil ang gusto nitong si Rain ay yung kay Antonio, and she was sure dahil pati ang isusuot ni Antonio na design ni Teri ay sinira nito.
Halos mag-iisang oras na siyang nakatayo sa labas ng dumating ang isang nakamotor na delivery service. Agad siyang tinanong nito at laking pasalamat niya na iyun ang mga ipinadalani Claudine. She’s definitely going to  give her a bonus ang sabi ni Nikita habang nagmamadali siyang maglakad pabalik sa loob at pagbalik niya ay nagsisimula ng rumampa ang mga models  niya at nakita niya ang pag-aalala sa mukha nina Jessie at Ginger  nang makita siya. Pero mas labis ang pag-aalala sa mukha ni Antonio ng  sandaling iyun at pa takbo siyang nilapitan nito na tanging robe lang ang suot.
“Anong nangyari Nikita?” ang nag-aalalang tanong nito sa kanya.
“Mamaya na tayo mag-usap magbihis na kayo” ang sagot niya rito sabay abot niya ng bag kay Antonio.
“Nikita”-
“Please Antonio” she answered, she felt exhausted at tumangu-tango na ito bago ito  nagtungo sa dressing room.
“Anong nangyari Nikita bakit sira ang mga isusuot nila?” ang tanong ni Jessie sa kanya. Umiling siya ng paulit-ulit at nangilid na ang luha sa mga mata niya.
“Hindi ko alam, hindi ko alam” ang paulit-ulit na sagot niya.
“Sana ma’am ako na lang po inutusan ninyo at naghintay sa  labas” ang nahihiyang sabi ni Ginger sa kanya.
Umiling siyang muli, “gusto ko rin na magpahangin” ang sagot niya rito.
At maya-maya pa ay lumabas na sina Antonio at Lily at ang bigat at pangamba sa kanyang dibdib ay unti-unti ng nawala lalo  pa at nang matapos ang show ay isang malakas na palakpakan ang narinig sa mga manunuod at mga bisita.
“Nikita!” ang malakas na pagtawag sa kanya ni Teri at sinenyasan siya nito na lumapit. At lam na niya kung bakit, kailangan nilang umakyat sa stage para magpakilala bilang mga designers ng  collection.
She ran her hands through her hair at alam niyang she looked a mess pero kailangan niyang samahan si Teri sa stage. Hinawakan nito ang kanyang kamay at umakyat sila sa hagdan mula sa likod ng entablado at doon ay lumabas sila sa harapan ng stage at nagsipag-tayuan ang mga manunuod para sila ay palakpakan, at iyun ay parang musika sa tenga ni Nikita. Sa tagal nang panahon, her struggles to be known in the industry has finally paid off.
******

Hinagkan siya ni Antonio sa kanyang pisngi, at isang matamis nangiti ang isinagot niya rito.
“Ang ganda mo sa suot mo” ang bulong ni Antonio sa kanya habang nakaakbay ang kanan na braso nito sa kanyang mga balikat.
“Thank you” ang nakangiting sagot niya. Nasa party na sila at sa isang club iyun ginanap. Lahat ng piling mga bisita ay naroon kasama nila para uminom at mag celebrate.
“Pero mas bagay sa iyo kapag wala kang suot” ang bulong nito sa kanyang tenga at marahan niya itong siniko.
“Antonio!” ang  mahina ngunit mariin na sa way niya rito. At isang mahinang tawa lamang ang isinagot nito sa kanya.
“Umiinom ka ba? Bawal sa iyo ang alak Nikita” ang giit ni Antonio sa kanya.
“Pineapple juice lang po ang iniinom ko, at saka sigurado ka bang buntis ako?” ang giit niya kay Antonio na mabilis na tumango.
“Sigurado ako” ang sagot ni Antonio sa  kanya sabay pisil nito sa kanyang balikat. Maya-maya ay lumapit na sina Jessie, Ginger, at Franco sa kanila. Halata ang lungkot sa mga mata ni Franco nang makita nito na nakaakbay si Antonio sa kanya.
Maya-maya pa ay si Teri naman ang lumapit sa kanila.
“Congratulations to us Nikita, successful ang collaboration natin sigurado na  pag-uusapan tayo bukas na bukas” ang nakangiting sabi ni Teri sa kanya.
“Thank you for offering me this collab Teri” ang matipid niyang sagot dito.
“Ay ma’am!” ang biglang sabat ni Ginger, “pareho kayo ng bracelet ni Miss Teri” ang sabi ni Ginger at biglang natuon ang mga mata niya sa braso ni Teri at nakita nga niya na parehong-pareho sila ng bracelet nito.
“Mukhang pareho kayo ng pinagbilhan” ang sabat naman ni Jessie.
“Oh that’s impossible, galing sa daddy ko ang bracelet, she gave this to my mom” ang sagot ni Teri, “baka, aksidente lang na nagkapareho kami ng bracelet ni Nikita” ang dugtong pa nito.
Oo nga naman, pwede naman aksidente lang na nagkapareho sila ng bracelet ni Teri at coincidence din lang na ang bracelet ay bigay din ng daddy ni Teri sa mommy nito.
“Oh there it is, yung campaign natin, yung pinalabas natin sa billboard ang sweet and sultry ad” ang biglang sabi ni Teri at natuon na ang kanilang mga mata sa malaking screen kung saan ipinapalabas ang kanilang campaign. Pero nagtaka sila ng sa part na ng  Sultry ay biglang dumilim ang screen at sa halip na nagseseksihan na mga babae at lalaki ang lumabas ay video iyun ng isang news clip na isang taon na halos ang nakalipas base sa nakalagay na date sa video na kuha mula sa isang balita at nanlambot ang katawan ni Nikita at mabuti na lamang ay nasalo siya ni Antonio. Nang lumabas sa screen ang imahe ng isang lalaki  na nakaupo at nakasandal sa pader. Tanging orange shorts lang ang suot nito, nakalupaypay ang ulo at labas ang dila nito at tumutulo ang maraming likido sa bibig nito. At lumabas ang pangalan nito sa screen habang nagsasalita ang isang newscaster. It was the suicide news of Owen Cuerdo.




Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon