Dala ni Arthur ang isang long stemmed na red rose sa kanyang kaliwang kamay. Bumaba siya ng jeep na kanyang sinasakyan sa harapan ng isang flower shop malapit sa boutique ni Nikita. Galing siya ng school at yun na rin ang huling araw ng mga pasok nila. Nakuha na niya ang kanyang mga class cards at excited siyang umuwi para dalawin si Nikita sa shop nito. Hindi siya gumastos sa school kanina at ibinili na lamang niya ng bulaklak. Gustong niyang manghingi ng sorry kay Nikita sa mga nangyari kagabi. At gusto na rin niyang magtapat ng nararamdaman niya para kay Nikita. Pagkabili niya ng bulaklak ay masaya niyang binaybay ang kahabaan ng sidewalk. Hindi niya akalain na pwede niya lakarin mula sa kanilang bahay patungo sa shop ni Nikita. Medyo malayo pero, mas tipid kaysa sa sumakay siya.
May liksi ang kanyang mga paa na humahakbang patungo sa boutique ni Nikita at mula sa kanyang kinaroroonan ay tanaw na niya ang boutique nito. Ang kulay itim at pula na kulay ng labas ng boutique nito ay may kakaibang dating. Sexy, parang ganun? Ang sabi ni Arthur sa kanyang sarili. Parang ang may-ari nito na si Nikita. Hay, sana ay pumayag ito na ligawan niya ito at hintayin siyang makatapos ng kanyang pag-aaral, ang kahilingan ng damdamin niya.
Kanyang nilagyan pa ng liksi ang kanyang mga paghakbang, habang papalapit na siya sa kanyang pakay na lugar nang, mapahinto siya sa kanyang paglalakad. Hindi niya napigilan ang ngumiti ng malapad, nang tumambad na sa kanyang mga mata si Nikita. Pero, unti-unting nabura ang ngiti sa kanyang mga labi, nang may kasunod si Nikita na lumabas ng boutique nito. Isa itong lalaki, may katangkaran din at mula sa kinatatayuan niya ay gwapo ito. Sa ayos ng pananamit nito ay halata niyang isa na itong propesyunal. Para tuloy siyang napako sa kanyang kinatatayuan, at pinagmasdan na lang niya ang dalawa. Naglakad si Nikita patungo sa driver’s side at nakasunod sa likuran nito ang gwapong lalaki. Binuksan ni Nikita ang pinto at hinawakan iyun ng lalaki para sa kanya, may sinabi ang lalaki at sumagot si Nikita bago nito hinalikan sa pisngi ang lalaki.
At nakaramdam ng kirot ang puso niya, at hindi niya namalayan na kinuyos na pala niya ang hawak na bulaklak at nasira na niya ang mismong bulaklak. Tiningnan niya ang mga pulang talulot ng rosas na nalagas sa kanyang palad. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata nang masaksihan niya iyun. Parang katulad ng pagkuyos niya sa bulaklak ng rosas ay ganun din ang nangyari sa kanyang puso at parang mga talulot ay nalagas rin ito.
Mukhang tama ang kuya niya, na hindi siya dapat masyado na umasa kay Nikita. Pero, hindi naman niya kayang pigilan ang puso niya na ibigin si Nikita ang masakit na sabi ng kanyang isipan. Tumalikod siya at naglakad siya sa kabilang direksyon, at nang may nakita siyang basurahan ay mabilis niyang itinapon ang hawak na bulaklak at pinahid niya ang luha na nangilid sa kanyang mga mata.
*****“Atty. Lipon?” ang tanong niya sa lalaki na nakaupo sa pwesto na idiniskrayb nito sa kanya kanina. Pagpasok niya ng coffee shop, her eyes quickly scanned the area that fitted the lawyer’s description. At nang napadpad ang kanyang mga mata sa lalaking katatagpuin ay agad niya iyun na nilapitan.
“Uhm Yes, Miss Valderama?” ang magiliw na patanong na bati nito sa kanya at tumayo itong mula sa kinauupuan nito.
“Yes” ang matipid niyang sagot sa abugado at mukhang nagkamali siya sa kanyang inakala, bata pa kasi ang boses nito sa telepono ngunit may edad na rin pala ito, sa tantiya niya ay nasa late fifties na ito or mid sixties. Nakatupi ang sleeves ng shirt nito hanggang sa mga siko. He’s got that soft intelligent eyes na may mga lines sa gilid at mukhang madali na ngumiti ang mga labi nito. And he looks handsome for his age. Medyo may kalakihan na rin ang katawan nito at halata na rin ang tiyan nito na medyo nakausli na.
“Please have a seat, can I get you anything?” ang magiliw na tanong nito sa kanya na may ngiti rin sa mata nito.
She took the seat across him while she shook her head, “uh, no thank you, katatapos ko lang mag coffee” ang nakangiting sagot niya rito.
Isang malapad na ngiti naman ang isinagot nito sa kanya kasabay ng pagtango, “Oh let me introduce myself again, I’m atty. Vince Lipon” ang muling pagpapakilala nito sa kanya at inilahad nito ang kamay sa kanya para sa isang handshake.
She eagerly took his hand for a shake, medyo magaan kasi ang dating nito sa kanya, hindi kasi ito gaya ng mga nakaharap or ng kanyang abugado na masyadong seryoso. His eyes gleamed, while he introduced himself to her and while he directly speak to her, nakatingin ito ng diretso sa kanyang mga mata.
“Nice to meet you atty” ang nakangiting sagot niya at naramdaman niya ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. At napatingin siya sa kanilang magkahawak na mga kamay, at nakita niya na napangiwi ito.
“Sorry” ang nahihiyang sabi nito sa kanya at isang matipid na ngiti na lang ang isinagot niya rito.
“Uhm, ano po ang reason sa pagkikita po natin?” ang tanong niya sa abugado at nakita niya na nabura ang ngiti sa mga labi nito.
“Uhm, actually, I’ve been looking for you for a long time now, I mean not really you but your mom, Evita Valderama” ang paunang paliwanag nito sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo, nang di pa rin niya maintindihan ang sinasabi ng kanyang kaharap. At maya-maya ay iniangat nito ang isang mahabang brown manila envelope at may hinila itong papel sa loob.
“What’s that?” ang interisado na tanong niya kay atty. Lipon habang ang mga mata niya ay nasa piraso ng putting papel na may logo na parang pamilyar sa kanya.
“This is a trust fund na para sa mother mo na si” sandali itong huminto, “ah, Evita Jones Valderama” ang sabi nito sa kanya.
“Trust fund? Paano magkakaroon ng trust fund ang mama ko?” ang takang tanong niya kay atty. Lipon.
“Beneficiary kasi ang mother mo ng isang trust fund ng aking client, and he passed away a few years ago, hinanap niya, NAMIN ang mother mo, we even seek the help of a known intelligence agent, pero, namatay ito sa isang crash, kaya medyo natagalan ang paghahanap namin sa mama mo at inabot na nga ng pagkamatay ng aking kliyente” ang paliwanag ni atty. Lipon.
“I, I don’t understand, sino po ba ang kliyente ninyo para bigyan nito ng trust fund si mama?” ang muling takang tanong niya.
“Uhm, huling kahilingan kasi nito na huwag na siyang pangalanan, it’s a dead man’s wish” ang malumanay at nahihiyang sagot nito sa kanya.
“Pero, patay na si mama, hindi na niya matatanggap ang trust fund na iyan” ang mariin na sagot niya sa abugado.
Nakita niya na napayuko ito sandali at ilang beses na kumurap ang mga mata nito.
“Isa ka rin sa nakalagay na beneficiary, nakalagay sa trust fund na kapag wala na ang principal beneficiary na mother mo ay ikaw na anak ang mag inherit ng trust fund” ang sagot nito sa kanya. Kunot ang kanyang noo na tiningnan na may pagtataka ang mga mata ng abugado na kaharap. Inilapit nito ang isang papel at ipinakita nito ang nga excerpts kung saan nakasaad doon ang nabanggit nito.
“The trust fund was in a form of check deposit, kaya” ang sabi nito saka nito kinuha muli mula sa loob ng envelope ang isang black leather check holder.
“You have ten million pesos in your bank Nikita, I’m sorry Miss Valderama, naayos ko na ang lahat at na ilipat na sa iyong pangalan once na nalaman ko kung sino ka, then saka kita kinontak” ang pagtatama nito sa sarili, “I don’t know kung magkano na iyan dahil nag gain na ito ng interest”
“H-hindi ko matatanggap iyan” ang mariin na pagtanggi niya kasabay ng kanyang mga pag-iling.
“Pero bakit?”ang takang tanong nito sa kanya at ang mga palangiti na mga mata nito ay nakakunot na nagtatanong sa kanya.
She scoffed “because, I didn’t know where it came from!” ang giit niya, “the money could be from an illegal source lalo pa at hindi ko kilala kung kanino galing ang pera” ang mariin niyang sagot.
“I can assure you that the money is clean Miss Valderama, my client was a.. businessman” ang mariin na paliwanag nito sa kanya.
“I still can’t” ang mariin na pagtanggi niya kasabay ng pag-iling at ang mga mata niya ay nasa checkbook at papel na nasa ibabaw ng lamesa.
“Please, Miss Valderama, please, tanggapin mo, hindi ako matatahimik kapag hindi ko natupad ang kahilingan ng namayapa kong kliyente, please, nagmamakaawa ako sa iyo, ilang taon akong di pinatulog ng trust fund na ito” ang puno ng agam-agam na sabi nito sa kanya.
“P-paano nyo ako natunton?” ang takang tanong niya sa abugado.
“Nakita ko ang pangalan mo sa isang lifestyle section ng isang broadsheet” and tiningnan ko ang pangalan ulit ng nakasulat sa Trust fund, alam ko sintok sa buwan ang gagawin ko knowing that Valderama is a common surname in our country at pinagbasihan ko na lang ay ang kutob ko at ang litrato ng mommy mo na kamukhang- kamukha mo at may kakilala ako sa loob ng PSA, kaya nakakuha ako ng kopya ng bith certificate mo” ang sabi ni nito sa kanya at kinuha rin nito ang kopya ng birth certificate niya.
“I’m sorry if I’ve done this pero, I’m desperate to see you” ang giit nito sa kanya.
Ipinakita nito ang hawak nitong birth certificate, "sa iyo na ito?" ang umaasang tanong nito sa kanya at nang makita niya iyun, ay napabuntong - hininga na lamang siya at napatango.
“Atty”- ang sabi niya habang umiiling pero natigilan siya, when she saw him put his hands on his chest in an act of prayer.
“Please, I beg of you” ang pagmamakaawa nito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya at matagal niyang tiningnan ang checkbook at ang papeles na nasa ibabaw ng mesa.
“Miss Valderama, it won’t hurt if you accept the money, you can do anything you want with it kung gusto mong i donate sa charity o punit punitin ang mga pera, wala na akong pakialam doon, pero please, tanggapin mo ito, para accomplished na ako, kahit man lang dito ay natupad ko ang kahilingan niya” ang pakiusap nito sa kanya.
Yeah he’s right pwede naman niyang tanggapin ang ibinibigay nito, but it does not mean na gagamitin o gagalawin niya ang pera. Para na lang sa katahimikan ng abugado na kaharap niya na mukhang napaka dedicated nito sa trabaho.
Napabuntong-hininga siya kasunod ng pagtango, “okey” she took a deep breath again, “okey, but this doesn’t mean na gagamitin ko ang pera, I just wanted your misery to end” ang giit niya rito.
He looked straight into her eyes and smiled widely at her, muling nanumbalik ang ngiti sa mga mata nito.
“Salamat Miss Valderama, and.. I’m sorry about your mom, hindi ko man lang siya inabot para rito” ang malungkot na sabi nito sa kanya.
“My mom definitely will not accept that” ang mariin na sagot niya rito.
Tumangu-tango ito at matipid na ngumiti, at iyun lang ang isinagot nito sa kanya.
****
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...