Chapter 26

1.4K 96 66
                                    

Excited si Antonio na nag-ayos ng kanyang sarili. Hindi naman siya dating ganito, simula kasi ng maipalabas ang commercial ng summer campaign ni Nikita ay nakilala na siya. Patience mga kapitbahay nila ay, nagulat ng minsan siyang nakita ng mga ito sa commercial sa TV. At hindi rin niya inaasahan, ang magiging reaksyon ng mga tao, noong nag-opening ang boutique ni Nikita sa isang hotel. Ang daming excited na mga babae na nagpakuha sa kanya ng litrato at ang iba ay nagpa-autograph pa sa kanya, pakiramdam niya ay isa siyang artista.
At laking pasalamat talaga niya ngayon at tinanggap niya ang trabaho na inalok ni Nikita, dahil sa nagbago ang pamumuhay nila at lalo na ng buhay niya.
At nang ibigay na ni Nikita ang unang “paycheck” niya ika nga ni Nikita ay hindi niya akalain na ganun kalaki ang ibabayad nito sa kanya, hindi niya inakala na ganun pala ang bayad sa isang model, nang tanungin niya si Nikita kung bakit ganun kalaki, may kasama raw na bonus iyun.
At dahil nga sa bayad na iyun ay nakalipat na sila ng malaki na bahay. Yung may tatlo nang kwarto, para may sarili ng kwarto si Arthur na nagpapagaling pa rin, pero, awa ng Diyos ay mabilis ang recovery ni Arthur. Binilhan na rin niya ito ng sariling computer at printer para sa pasukan ay hindi na nito kailangan na lumabas ng bahay.
Pinatawad na rin siya ng kapatid sa kanyang nagawa noon, at sinabi nito sa kanya na tanggap na nito na hindi para sa kanya si Nikita, dahil sa nakita nito na may nobyo na ito. Naisip ni Antonio na baka si Franco ang nakita ng kapatid at inakala nito na nobyo iyun ni Nikita. Maigi na rin na hindi umasa ang kapatid, makakalimutan din ni Arthur ang batang pag-ibig kay Nikita.
Naituloy naman nila ang plano nila ng kanyang nanay na magtindahan sa labas ng bahay, at dahil sa maganda ang pwesto na kanilang nakuha na paupahan at malapit sa school ay malakas ang benta ng kanyang nanay sa maliit na negosyo nila. Pandagdag na rin para sa mga panggastos nila sa araw-araw.
At dahil sa kanyang trabaho ay natuto na rin si Antonio na alagaan niya ang kanyang sarili. Natural man na ang hubog ng kanyang katawan ay nag-enroll pa rin siya sa gym, at halos every other day ay nagtutungo siya roon. At dahil nga sa kilala na siya bilang mukha sa brand ni Nikita ay libre na siyang makakagamit sa gym, ang kapalit ay gagamitin ng mga ito ang picture niya habang nagwowork-out, bilang promotion na rin sa gym. At pumayag naman siya.
Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin, ngayon lang talaga siya nag-ayos ng kanyang sarili ng husto. Hindi lang dahil sa unti-unti na siyang nakikilala, kundi, dahil sa magkikita sila ni Nikita.
Iyun talaga ang dahilan, ang sabi niya sa kanyang sarili. Halos ilang araw din sila na hindi nagkita. Sabi rin naman kasi sa kanya nito na, hintayin na lang ang tawag nito. Kaya halos araw-araw ay tinitingnan niya ang kanyang cellphone. Naghihintay ng text o tawag man lang. Kaya kanina, halos tumalon siya sa upuan na ikinagulat ng kanyang nanay, nang makita niya ang pangalan ni Nikita sa kanyang screen ng telepono.
Agad siyang pumasok sa loob ng kanyang kwarto at halos maihi siya sa tuwa nang marinig niya ang medyo malat na boses ni Nikita. At halos pumalakpak ang kanyang mga tenga nang sabihin nito sa kanya na pumunta siya sa boutique nito.
At ng mga sandali na iyun ay halos liparin na siya ng kanyang mga paa habang siya ay palabas ng kanilang bahay. Ang kanyang mga magulang ay nasa labas at nagbabantay ng kanilang maliit na tindahan, si Arthur naman ay muling natutulog.
“Nay, tay, alis na po ako” ang pagpapaalam niya sa kanyang mga magulang.
“O saan ang lakad mo anak?” tanong ng tatay niya sa kanya.
“Uhm, kay Nikita po, pinapapunta po ako sa boutique nito” ang sagot niya at nakita niya ang malapad na ngiti sa mga labi ng kanyang tatay.
“Ikamusta mo kami sa kanya ha? Salamat kamo ng marami” ang bilin ng kanyang tatay sa kanya, habang ang kanyang nanay at abala sa paglalagay ng lutong ulam sa plastic.
“Opo tatay, makakarating” ang sagot niya, “nanay!” ang huling pagtawag niya sa kanyang ina.
“Oh! Sige anak, ingat ha?!” ang tanging naisagot ng kanyang nanay sa kanya.
“Opo!” ang sagot niya habang naglalakad siya papalayo patungo sa sakayan. Maghihintay siya ng taxi. Nakakahiya naman kay Nikita kung pagdating niya roon ay amoy tambutso na siya, ang sabi ng isipan niya.

Pagkarating niya sa may hotel ay inayos niya ang suot niyang polo shirt, nag-iisang bago niyang damit na nabili niya sa kanyang sarili. At isang maong na pantalon at sneakers.
Binati siya ng security ng hotel at magalang din siyang tumango bilang pagbati sa mga ito, saka siya naglakad papasok sa hotel. Kahit ilang beses an siyang nagpunta roon ay hindi pa rin naaalis sa kanya ang pagkamangha sa lugar na iyun. Napaka engrande kasi ng loob ng hotel, sabi nga ay Italian inspired ang loob nito, dahil na rin sa may-ari nito na may dugong Italyano.
“Ah, excuse me?” ang pagtawag ng isang boses sa kanya kaya siya lumingon at may dalawang babae na lumapit sa kanya, napansin niya ang kulay red and black na bag na may logo ng Bewitched, mukhang kagagaling lang ng dalawa sa may boutique.
“Ano yun?” ang magiliw niyang patanong na sagot sa mga ito, na halata na pinipigilan lang ang mga sarili na hindi tumili.
“Uhm, ikaw si Antonio diba? Yung model ng Bewitched for Him?” ang kinikilig na tanong ng isa sa mga babaeng lumapit.
“Uh, oo ako nga” ang sagot niya, at nakita niyang mas lumapad ang mga ngiti ng mga ito.
“Pwede bang makipag-selfie?” ang tanong nito sa kanya at mabilis siyang tumangu-tango at at dumikit sa kanya ang dalawang babae. Iniwasan niyang akbayan ang mga ito. Hindi niya kasi ugali ang mang-akbay ng babae. Pwera na lang kay Claire dahil sa nobya niya ito, pero? Paano ang ginawa niya kay Nikita noon sa hospital? Ang biglang tanong niya sa kanyang sarili.
“May Facebook account ka ba or Instagram?” ang tanong ng isa pang babe sa kanya.
Isang matipid na ngiti ang sinagot niya sa mga ito bago siya umiling “uh, pasensiya na kayo wala eh” at nakita niya ang biglang pagnguso ng mga ito na tila ba nalungkot sa kanyang sinabi.
Magiliw siyang nagpaalam sa mga ito saka siya gumawa ng ilang mga hakbang at naabot na niya ang salamin na entrance ng boutique. At nang itulak niya iyun ay agad na bumati sa kanya ang tugtog ng summer campaign, na siya ang nasa screen. Hindi niya akalain na magagawa niya ang magmodelo ng nakaunderwear lang, mas matapang pa pala siya sa inaakala niya.
“Hi Antonio! Ang star ng Bewitched, ang daming naghahanap sa iyo rito, naku, para ka ng artista” ang sabi ni Ginger sa kanya.
Bahagya siyang natawa at napakamot ng kanyang noo, “hindi naman, saka, kung hindi dahil kay Nikita, hindi ko mararating ito” ang sagot niya kay Ginger na ngumiti ng matamis sa kanya na tila ba kinikilig ito nang banggitin niya ang pangalan na Nikita.
“Nandun si ma’am sa loob, katok ka na lang” ang nakangiting sabi ni Ginger sa kanya, at hindi naman niya mapigilan ang hindi gumanti ng ngiti kay Ginger. Naglakad siya patungo sa bandang likuran at tumayo siya sa harapan ng nakapinid na pinto ng opisina nito. Marahan siyang kumatok, at ilang segundo pa ang lumipas bago niya narinig ang boses nito, para sabihin na tumuloy na siya. Marahan niyang itinulak ang pinto at nakita niya si Nikita na nakaupo sa malapad na lamesa nito. Pwede na nga yatang gawin na dining table ang lamesa nito sa laki.
“Nikita” ang masayang bati niya kay Nikita, saka niya marahan na isinara ang pinto sa kanyang likuran.
“Uhm, Antonio, uh, m-maupo ka” ang nautal na sagot nito sa kanya saka nito itinuro ang upuan sa tabi ng lamesa. Tumango siya at naupo at nang nakaupo na siya ay napansin niya na tila balisa si Nikita. Halata sa mga mata nito, na parang may tubig, na nag-aalala ito.
“Nikita? May, problema ba?” ang tanong nag-aalala niyang tanong rito. Bigla siyang tiningnan nito sa kanyang mga mata, at saka mabilis na umiling.
“Uh, wala, wala” ang sagot niya na may kasabay na pag-iling, “uhm, gusto mo ba ng kape? O ice-cream? Motchi ice-cream?” ang alok nito sa kanya.
“Uh hindi nakapag—motchi ice-cream?” ang biglang taka niyang tanong at pagkunot ng kanyang noo, ngayon lang kasi siya nakarinig ng ganun.
At mukhang napansin iyun ni Nikita, at nawala ang kunot sa noo nito at ang nakatikom na mga labi nito kanina lamang ay nakangiti na ng mga sandali na iyun at hindi niya mapigilan ang hindi gumanti ng ngiti kay Nikita, lalo pa at siya ang naging dahilan ng pagngiti nito.
“Sandali kukuha ako, favorite ko ito eh” ang sabi ni Nikita sa kanya at pinagmasdan niya ito ng kanyang mga asul-berde na mga mata. Itinulak ni Nikita ang upuan ni to para umatras at para makatayo ito, saka ito tumalikod sa kanya para magpunta sa isang maliit na refrigerator katabi ng isang maliit na cabinet kung saan nakapatong ang coffee maker.
Pinagmasdan niya ang nakatalikod na si Nikita at nakawide-leg pants ito na kulay camel at kulay itim naman ang sleeveless top nito, kaya kitang-kita niya ang mga pekas nito sa braso na nagpapangilo sa kanya, dahil sa gigil.
Bahagyang tumuwad ito para yumukod at kunin ang ice-cream na sinasabi nito, pero mula sa kanyang kinauupuan? Mas masarap pa sa ice-cream na sinasabi nito pagmasdan ang maumbok na pwet nito. At muling dinaluyan ng dugo ang kanyang Adan na hindi na yata nagawa pang manlambot simula nang mapanaginipan niya ito. Bakit kasi naipasok pa niya ang kanyang pagkalalaki sa kalooban nito sa kanyang panaginip? Ang ngitngit na tanong niya sa sarili, dahil ngayon lang niya naramdaman ang labis na pagkali-
“Antonio?” ang kunot noo na tanong ni Nikita sa kanya, at bahagya siyang nagitla at di niya namalayan na nakabalik na pala sa kinauupuan nito si Nikita.
Ilang beses siyang napakurap para maibalik ang kanyang atensyon sa kasalukuyan, nilinaw niya ang kanyang lalamunan at tiningnan niya si Nikita at ang parihaba na kulay green na plastic, na may nakasulat na motchi ice-cream.
“Uhm, salamat” ang kanyang matipid na sabi kay Nikita pagkakuha niya ng plastic na inabot nito sa kanya.
“Masarap iyan pistachio flavor, akin itong matcha” ang sabi pa ni Nikita at nakita niyang kinagat nito ang kulay green na bilog na pagkain.
Binuksan niya ang lalagyan at hinila niya ang transparent na plastic kung saan nakalatag ang dalawang kulay green din na ice-cream, saka niya iyun kinagat at halos mangilo ang ngipin niya sa masarap at malambot na lamig ng ice-cream na nakabalot sa tila luto na galapong. Kakaiba nga ang ice-cream na iyun pero, nagustuhan niya.
“Bakit mo nga pala ako pinapunta Nikita?” ang tanong niya bago niya tuluyan na isinubo ang natitirang motchi ice-cream.
“Uh, uhm, may, nagpadala kasi sa akin ng email, galing ito sa isang kilalang brand ng anti-dandruff shampoo, interisado sila na kunin para maging product endorser at si nabitin ko na okey, kukunin mo ang project” ang saad nito sa kanya.
Nagulat siya sa sinabi ni Nikita, commercial? Ang di-makapaniwalang tanong ng kanyang isipan at di niya napansin na matagal na palang nakabuka ang kanyang bibig.
Narinig niya na bahagyang natawa si Nikita sa kanya at napailing, saka nito inabot ang kanyang baba para itulak iyun pataas at maisara ang kanyang bibig.
“Kitang-kita ko yung motchi sa bibig mo” ang natatawang sabi ni Nikita sa kanya, pero ang nanatili siyang nakatitig sa mukha ni Nikita, lalo pa at nadama niya ang kamay nito na humaplos sa kanyang panga.
“Ahem” ang malakas na paglinaw ng lalamunan ni Nikita, “Antonio?” ang pagtawag nito ng kanyang atensyon.
“Uhm” ang sambit niya kasunod ng pagkurap-kurap ng kanyang mga mata.
“Anong masasabi mo?” ang tanong sa kanya ni Nikita na malapad na nakangiti sa  kanya.
“Commercial?” ang tanong niya, at nanlaki pa ang kanyang mga mata.
“Uh-hmm” ang sagot ni Nikita kasabay ng pagkagat nito ng motchi ice-cream.
“Pero akala ko model mo ako?” ang takang tanong  niya kay  Nikita, na mabilis na tumango.
“Model pa rin kita, pero ibang brand naman ito, shampoo, hindi natin competitor, saka malaking opportunity ito para sa iyo, at para sa akin na rin, dahil kukunin nila ang  ibang apparels sa summer collection para ipasuot sa mga models, sa inyo para sa commercial  na may summer theme, so win-win situation para sa ating dalawa” ang  sagot ni Nikita sa kanya.
“Ikaw ang magiging manager ko?” ang   umaasa ng tanong ni  Antonio kay Nikita.
“Uhm for now yes, kaya bukas makikipagkita tayo sa CEO ng nasabing brand ng shampoo para pumirma makipag-meeting then apparently, makapirma  tayo ng contract, kailangan  ko pala tawagan ang abugado ko, para makasama tayo, in case na kailangan na natin na mag pirmahan ng contract, so handa ka na bang maging  commercial model?”ang  nakangiting tanong ni  Nikita sa kanya.
Hindi siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, naalala  niya ang mga alok sa kanya  noon na kanyang tinanggihan at ngayon ay alam na niya kung bakit nangyari iyun, dahil sa makikilala niya, ang tunay na magmamanage sa  kanya, ang babaeng nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.
“Masaya at excited ako para sa  iyo Antonio, ito na ang simula  ng pag-ang at mo” ang  nakangiting  sabi ni Nikita sa kanya at damang-dama niya ang sinseridad sa boses ni Nikita, para bang isang karayom iyun na tumanim  sa kanyang puso at hindi na kayang alisin pa.
Oo hindi rin siya makapaniwala  sa laki ng pagbabago sa kanyang buhay, pero, mas hindi siya makapaniwala na sa  loob lamang ng ilang linggo, ay matututunan na niyang magmahal. Uh, hindi, marahil  ay noong una pa lang ay tinamaan na talaga siya kay Nikita, kaya niya idinadaan sa galit ang lahat ay para labanan ang  nararamdaman niya para rito, lalo pa at  may nobya pa  siya  noon.
Oo, aminado na siyang mahal niya si Nikita, pero, alam naman niya na walang pagtingin sa kanya ito. Isang  modelo  lang ang pakikitungo sa kanya ni Nikita. Mukhang pareho sila ni Arthur na bigo sa iisang babae, ang malungkot  na bulong ng kanyang  isipan habang nakatingin sa babaeng malapit man sa kanya ng mga sandali na iyun, ay malayo naman niyang maabot.
“At siyempre, salamat din at  pumayag ka na maging modelo ko, dahil din naman sa iyo ay mas nakilala pa nang husto ang brand ko, ang dami kayang gusto kang makita, nasa comments ng followers ng Bewitched sa Instagram” ang nakangiting sabi ni Nikita sa kanya. Halata sa kislap ng mga mata nito, na totoo ang kasiyahan nito para sa kanya.
“Hindi ko naman maaabot ito Nikita kung, di  dahil sa iyo” ang mahinang sagot niya rito. Sandali na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ayaw man pa man nilang aminin sa isa’t isa pero dama ang bigat ng mga  damdamin na nadarama sa  pagitan nila ng mga sandali na iyun.
“Uhm, Nikita?” ang mahinang usal niya, pero, hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi niya alam kung paanong sasabihin ang nadarama niya ng mga sandali na iyun.
“Antonio?” ang halos pabulong din na sagot ni Nikita. Pero kapwa sila halos napatalon sa kanilang kinauupuan nang may biglang kumatok sa labas ng pinto ng kanyang opisina.
Pareho silang napakurap ng mga mata, para bang nawala ang bumalot na mahika sa kanila, at pareho silang nanumbalik sa kasalukuyan.
At kita sa mga mata ni Nikita nang pagkakatok ng tatlong beses ay bumukas ang pinto at isang magandang babae ang sumilip sa siwang ng pintuan.
“Hi!” ang masayang bati nito, at kitang-kita ang biglang paliwanag ng mukha ni Nikita, bago ito tumayo para salubungin ang bisita nito.
“Alexis!” ang masayang sagot ni Nikita bago into niyakap ang babae.

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon