Chapter 32

1.7K 99 335
                                    

"Nikita?" ang kunot noo na tanong ni Franco sa kanya habang nakaupo sila sa harapan ng kanyang working table at nakalatag ang mga pictures, which Franco just recently printed, pagkatapos ng pictorial kanina, ang now they were sorting through the shots, tulad nang ginagawa nila dati para sa catalogue.
Pero hindi siya makapag-focus sa kanyang ginagawa, lalo pa at nakaupo lang si Antonio sa may sofa at kanina pa siya pinagmamasdan. She could feel his heated gaze seeping through her burning skin. At nang maalala niya ang winasak ni Antonio na panty niya gamit ang ngipin at kamay nito, ay mas lalong nag-init ang mga pisngi niya.
"Namumula ka, are you okey?" ang tanong ni Franco sa kanya na may bahid ng pag-aalala, "nilalagnat ka ba, kaya wala ka sa mood ngayong araw?" Franco asked her again, showing so much concern for her. He even put his palm on her forehead to check her temp.
"You're okey naman" ang saad ni Franco pag-alis ng kamay nito sa kanyang noo.
Umiling siya at muli siyang napasulyap kay Antonio na magkasalubong na ang mga kilay habang nakatingin sa kanila. Mukhang di nito nagustuhan ang paglagay ni Franco ng palad nito sa kanyang noo.
"I'm okey Franco, just a bit" she sighed, "a little under the weather" she lied. Because, her insides were having a category three typhoon.
"Kasalanan yan ni Antonio" ang mariin na sabi ni Jessie, sabay pihit ng katawan nito mula sa pagkakaupo, para tingnan si Antonio, na nanlaki ang mga mata sa sinabi ni Jessie.
At kahit siya ay biglang kinabahan nang sabihin iyun ni Jessie, shit alam kaya ng mga ito? Ang kinakabahan na tanong ni Nikita sa kanyang isipan, alam kaya nila kung anong nangyari sa storage room, may nakarinig kaya? Ang mga tanong na pumasok sa isipan ni Nikita.

Pagkatapos kasi ng steamy first sex nila ni Antonio sa storage ay nagmamadaling pinalabas ni Nikita si Antonio ng kanyang opisina. At bago pa ito umalis ay pinagsabihan pa niya ito, lalo pa at abot sa magkabilang mga tenga nito ang ngiti ni Antonio.
"Antonio!" ang pagtawag niya rito at kinurot pa niya ito sa tagiliran.
"Aw, bakit?" ang natatawang tanong ni Antonio sa kanya at hinuli nito ang kanyang kamay na kumurot sa tagiliran nito sabay angat sa mga labi nito para iyun ay hagkan.
"Huwag kang ngumiti ng ganyan! Kunwari pinagalitan kita okey?" ang bilin pa niya rito.
"Pero bakit? Hindi ko maiwasan kasi, ang pakiramdam ko ngayon ay parang nanalo ako sa lotto! O higit pa! Dahil naabot ko ang langit sa loob ng storage room, sa pagitan ng mga hita"-
"Antonio!" ang mahinang saway niya rito, at mabilis na kinabig ni Antonio ang kanyang batok para muling siilin ng halik ang namimintog niyang mga labi.
"Antonio, seryoso ako, ayaw kong isipin nila kung anong ginawa natin sa loob ng opisina ko" ang giit niya nang pakawalan na ng mga labi nito ang kanyang mga labi.
"He, he, he, eh nag test-drive lang naman tayo" ang malokong sagot sa kanya ni Antonio, kaya muli niyang kinurot ang tagiliran nito.
"Bumalik ka na dun, sige na, madi- delay ang pictorial nang dahil sa iyo, at kailangan ko ng maibigay ang photos kay Teri para sa collab ng catalogue" ang giit niya kay Antonio, "Oh and please, cover yourself! Baka makita ka ni Alexis na nakabrief ka lang, I mean kay Alexis okey lang at magchi-cheer pa sa iyo yun panigurado, pero si Trace, malalagot ka run" ang bilin pa niya rito.
Mabilis siyang bumalik sa loob ng storage at kumuha siya ng isa sa mga stocks nilang ready to wear na boardshorts.
"Hindi ka ba sasama sa itaas?" ang tanong pa sa kanya ni Antonio habang itinutulak niya ito palapit ng pintuan.
"Hindi na dito na lang ako, may mga gagawin pa ako na mga orders sa akin, sige na, daanan mo na lang ako" ang sagot niya rito, "oh wait, kunyari pinapagalitan kita okay? Antonio! Sumimangot kaaa!" ang giit pa niya kay Antonio na nakangiti pa rin.
"Okay, okay" ang sagot nito. At pagbukas nga nila ng pinto ay pilit na itinago ni Antonio ang malapad na ngiti nito sa mga labi.
"Ayoko nang maulit iyun Antonio! You're causing unnecessary delays, naintindihan mo ba?" ang galit na sabi niya kay Antonio, habang nasa labas ng pinto si Antonio at siya naman ay nakatayo pa rin sa loob at Bahagyang nakasilip ang kanyang katawan sa maliit na siwang nang buksan niya ang pinto. At ipinarinig nila kay Ginger iyun na napasulyap sa kanila at, sa reaksyon ng mukha nito mukhang wala itong alam sa nangyari sa loob.
"Sorry po talaga ma'am, gusto ko lang talaga na mag-test drive" ang seryoso na sagot ni Antonio sa kanya, pero alam niyang kalokohan iyun, kaya pinaningkitan niya ng kanyang mata si Antonio, bago niya malakas na isinara ang pinto.

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon