Parang inapuyan ang buong katawan ni Nikita nang tumambad sa kanyang mga mata si Claire. At nang pagbukas nga niya ng pinto ay bahagyang nagulat si Antonio at umayos ito ng pagkakaupo. Pero si Claire ay nanatili na nakakapit sa braso ni Antonio.
“Bwisit kang babae ka! Bitiwan mo si Antonio!” ang malakas na sigaw ni Nikita kasabay ng malalaking hakbang niya. Nakita niya na nanlaki sa gulat ang mga mata ni Antonio, dahil na rin sa hindi nito inaasahan ang galit na pagbati niya sa nobya nito na kumunot ang noo sa kanya.
“Anong sabi mo?!” ang galit na sagot ni Claire pero hindi nito inaasahan ang kanyang gagawin. Pagkalapit niya sa harapan nito ay inihampas niya ang bag ni Antonio sa mukha nito, kasunod ang pagdukdok niya ng plastic bag na naglalaman ng grocery niya.
“Aw! Ouch! Walang hi- Aw!” ang mga lumabas sa bibig ni Claire habang nakaupo pa rin ito sa sofa at pilit na iniiwasan ang paulit-ulit na paghampas ng mga gamit at kamay niya sa mukha nito.
“Nikita! Tigilan mo yan!” ang malakas na saway ni Antonio sa kanya at pilit na nitong sinasalag ang mga patama niyang kamay at bag sa nobya nito.
“Baliw ka! Aray!” ang hiyaw ni Claire na namumula na ang mukha at gulo – gulo na ang buhok nito. Habang nakasandal sa sofa at nakatayo naman siya sa harapan nito.
Natigilan lang siya ng umangat ang mga paa niya sa sahig ng kwarto at naramdaman niya ang mga braso ni Antonio na nakapulupot sa kanyang bewang at tiyan, sa ilalim ng dibdib niya.
“Nikita! Ano bang nangyayari sa iyo?!” ang mariin at nalilito na tanong ni Antonio sa kanya. Mabuti na lamang at mahimbing pa rin ang tulog ni Arthur dahil sa anesthesia na itinurok dito kanina.
Akmang lalapit naman sa kanya si Claire para sugurin siya habang hawak siya ni Antonio, pero nagpupumiglas siya at iniaangat niya ang kanyang mga binti sa sahig para sipain ang papalapit na si Claire at dahil sa may katangkaran din siya ay mahaba ang kanyang naabot kaya hindi makalapit si Claire sa kanya, dahil sa nagwawasiwas niyang mga paa.
“Baliw ka na! Kakasuhan kita sa ginawa mo sa akin!” ang sigaw ni Claire sa kanya.
Nagpupumiglas naman siya mula sa pagkakayakap sa kanya ni Antonio na nasa kanyang likuran pero mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
“Sige kasuhan mo ako, ng ano? Slight physical injury? Baka isampal ko pa sa mukha mo ang fine na fifty pesos para sa kaso ko, pero tatasaan ko gagawin kong five hundred o isang lobo, para sa serious physical injury para babasagin ko rin ang mukha mo gaya ng ginawa ng kapatid mo kay Arthur!” ang galit na sagot niya. At mukhang natigilan si Antonio sa pagpigil sa kanya nang marinig nito ang mga salita na lumabas sa kanyang bibig.
“Anong sinabi mo?” ang mariin na tanong ni Antonio sa kanya at nanatili na silang nakatayo na yakap pa rin siya ni Antonio mula sa kanyang likuran.
“Ang kapatid ng babaeng iyan, ang bumugbog kay Arthur!” ang mariin na sagot niya.
“Sinungaling yang babae na iyan” ang sagot ni Claire sa kanyang sinabi “Huwag ka ngang gumawa ng kwento!” ang sagot pa nito.
Binitiwan siya ni Antonio at tumayo ito sa pagitan nila ni Claire, tila ba titimbangin nito ang kanilang mga sasabihin.
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” ang paninigurado na tanong ni Antonio sa kanya at nakakunot ang noo nito.
“Oo, napadaan ako kanina sa bahay slash car wash ng nobya mo at nakita ko na galing sa kanilang car wash yung lalaking bumugbog kay Arthur kagabi” ang paliwanag niya.
“Paano mo naman na nasabi na kapatid ko iyung lalaki? Saka kung galing sa car wash, pwedeng customer lang namin yung sinasabi mo” ang tanong ni Claire sa kanya. Hindi niya iyun sinagot, dahil ayaw naman niyang mapahamak si Lino.
“Basta nalaman ko na kapatid mo iyun” ang sagot pa ni Nikita.
“Paano mo naman nasabi na yung lalaking lumabas sa bahay namin ang bumugbog kay Arthur?” ang hamon na tanong ni Claire sa kanya habang inaayos nito ang mahabang buhok na nagulo na sa pagkakatali.
“Namukhaan ko siya, dahil ako ang tumulong kay Arthur kagabi” ang mariin niyang sagot sa tanong ni Claire.
“Oo may kapatid nga akong lalaki, yes, his character is out of control sometimes, pero hindi nito kayang manakit ng tao, lalo na kung kapatid ng boyfriend ko” ang mariin na sagot ni Claire at kahit pa namumula ang mukha nito, hindi nabura ang pagkaingrata sa mukha nito.
“Kaya niyang MANAKIT at halos PUMATAY ng tao Claire nakita mo naman na siguro ang kakayanan ng kapatid mo” ang hamon niya kay Claire sabay turo ng kamay niya sa direksyon ng kama, kung saan ay nakaratay si Arthur.
“Sana binabantayan mo ang kapatid mo, at hindi si Antonio” ang mariin pa na sagot niya.
“Huh, huwag ka ngang gumawa ng kwento, nasa bahay si Neil kagabi, kahit pa itanong mo kay Antonio, kasabay pa namin na maghapunan si Neil bago umuwi si Antonio sa kanila kagabi AT Antonio? saan pumunta ang kapatid ko kagabi pagkatapos nitong kumain?” ang tanong ni Claire kay Antonio na nalilito na ng mga sandali na iyun at halata sa pagkakagusot ng mukha nito.
She gave him a questioning look, while he scratched his forehead with his right hand fingers.
“Uhm, dumiretso siya sa kwarto niya dahil ayaw ito payagan ng daddy mo na magpunta sa bar” ang kunot noo na sagot ni Antonio sa tanong ni Claire, rito.
“And so? Hindi ba pwede pagkaalis mo ay saka naman umalis yung kapatid nitong si bilatra?” ang galit na tanong niya kay Antonio.
“Nikita, pwede ba, yung mga salita mo naman, nobya ko siya” ang giit ni Antonio sa kanya. At hindi niya alam kung bakit nasaktan siya sa sinabi nito. Parang piniga ang puso niya ng malalaking kamao ni Antonio.
Her lips formed a thin line and her freckled nose flared with so much anger, she felt betrayed, she thought that somehow, Antonio will be on her side, hindi dahil sa may utang na loob ito sa kanya sa pagbabayad niya ng bills ng kapatid, kundi dahil sa, all this time, hindi niya iniwan ang tabi nito. Again, the face of Leo registered on her mind. Hindi dahil sa nagtiyaga ka sa tabi ng isang tao ay assurance na iyun na ikaw ang pipiliin nito, ang masakit na sabi ng puso at isipan niya.
“I’m done!” ang mabilis niyang sagot, and she raised her hands in an act of surrender, her palms facing him.
“Nikita”-
“I just came here to check on Arthur, and pay his bills and also to give your provisions habang nagbabantay ka rito” ang putol niya sa sasabihin ni Antonio, ayaw na niyang marinig pa ang kung anuman na lalabas sa bibig ng mga ito. Hindi ba at ganun din ang ginawa ni Leo sa kanya?
Mabilis na pumihit ang kanyang katawan para talikuran sina Antonio at ang girlfriend nitong may car wash nga, hindi man lang malinisan ang sariling ugali at nang kapatid ang ngitngit ni Nikita sa kanyang sarili, habang humahakbang siya papalapit sa pintuan.
“Nikita” sambit ni Antonio at hinawakan nito ang kanyang braso at pinigilan siya nitong lumabas ng kwarto.
“Let go Antonio” ang mariin na sabi niya kay Antonio at tiningnan niya ito sa mga kulay asul-berde nitong mga mata na halatang naguguluhan na ng mga sandali na iyun.
“Huh hayaan mo siyang umalis Antonio”ang utos nito kay Antonio.
“Halata naman na si Antonio talaga ang sadya mo rito eh, kawawa ka naman, may gusto ka ba sa kanya?” ang pangbubuska nito sa kanya.
Mabilis niyang ipinihit ang kanyang katawan, para harapin si Claire na napaatras nang makita nito ang galit sa kanyang mukha.
“Oo may gusto ako kay Antonio” ang mabilis na sagot niya, at dahil sa nakatalikod siya kay Antonio ay hindi niya nakita ang pagkabigla sa mukha nito.
Claire snorted at her and wrapped her arms in front of her while she raised an eyebrow.
“Gusto ko si Antonio Claire, GUSTONG-GUSTO, gusto ko na makita siyang umangat sa buhay dahil nakikita ko ang potential niya, hindi katulad mo na gustong hawakan sa leeg si Antonio, at hahayaan mo na lang na manatili siya sa pagiging car wash boy” ang mariin na sagot ni Nikita kay Claire. Muli siyang tumalikod pero huminto siyang muli sa may pintuan at may kinuha siya sa kanyang bag.
“Oh may nakalimutan ka pa ba? Baka gusto mo pang lumuhod sa harapan ni Antonio?” ang pang-aasar ni Claire sa kanya.
Muli niyang hinarap si Claire at isang ngisi ang gumuhit sa kanyang labi, “Claire, I assure you na kapag niluhuran ko si Antonio, mabilis pa sa alas kwatro na iiwan ka niya” ang sagot na pang-aasar niya kay Claire na tumikom ang mga labi sa inis.
“Tama ka may nakalimutan ako”ang dugtong pa niya sabay bato sa mukha ni Claire ng kinuyos niyang five hundred peso bill.
“Ah” ang hiyaw ni Claire at sinapo nito ang pisngi kung saan tumama ang binato niyang pera.
“Pasalamat ka wala akong barya, baka naging dalmatian yang mukha mo sa marka ng piso, bayad ko yan para sa less physical injury, pang kape mo” ang pang-iinsulto pa niya saka siya mabilis na lumabas ng silid at nakasunod na lang ang mga mata sa kanya ni Antonio.
Nagulat si Antonio sa narinig sa mga labi ni Nikita at natigilan siya, hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Sinundan na lamang niya ito ng tingin, habang galit na lumabas ito ng silid at nang pagsara ng pinto ay saka lang bumalik ang isip niya sa mga nangyari.
“Huh buti naman umalis na yung bwisit na babae na yun!” ang galit na sabi ni Claire mula sa likuran niya habang nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa nakapinid na pinto kung sana lumabas si Nikita.
Parang sampal sa kanyang mukha ang nga huling sinabi nito sa kanya, at naging bulag-bulagan o sinadya niyang hindi tingnan ang katotohanan.
“Magbabayad yang babae na iyan, saka siya pala ang dahilan kung bakit namumula ang mga mata ni Neil, halos mabulag yung kapatid ko” ang hindi namalayan na sambit nito.
Ngunit nadinig iyun ni Antonio, napakalinaw ng pagkakarinig niya sa mga salitang lumabas sa mga bibig ng nobya.
At kung kanina ang mga sinabi ni Nikita ay parang sampal sa kanyang mukha? Ang mga sinabi naman ni Claire at parang pinompyang ang kanyang mga tenga na halos mabingi siya sa pag-alingawngaw ng mga sinabi nito.
Dahan-dahan siyang humarap kay Claire at mukhang napagtanto rin nito na nadulas ang dila nito at ikipinahamak ng kapatid nito.
“Anong sabi mo?” ang nanggigigil na tanong niya kay Claire na natameme at naging tuod sa kinatatayuan nito.
“A-anong? Anong sinasabi mo?” ang patay malisya na balik tanong ni Claire sa kanya, na mas lalo niyang ikinainis. Sa ilang malalaking hakbang ay tumayo siya sa harapan ni Claire at mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito, at bahagya itong ngumiwi.
“Walang nabanggit si Nikita kanina tungkol sa pamumula ng mga mata ng kapatid mo, at sabi mo rin, na hindi lumabas ng bahay si Neil, papaano na si Nikita ang dahilan ng pamumula ng mga mata ng kapatid mo?” ang gigil na tanong niya kay Claire.
“A-Anton” ang takot na sambit ni Claire sa kanya.
“Alam mo ba kung bakit namumula ang mga mata ng kapatid mo? Gawa ni Nikita, inispreyan niya ng pabango ang mga mata ng kapatid mo, dahil walang habas nitong pinagsususuntok ang kapatid ko na walang kalaban-laban!” ang sigaw ni Antonio habang niyuyugyog niya ang mga balikat ni Claire.
“Anton” ang tanging sambit nito.
“Tingnan mo ang kapatid ko Claire! Tingan mo kung paano binasag ng kapatid mo ang mukha ang kapatid ko! Kung paano halos patayin na niya si Arthur!” ang sumbat niya kay Claire.
“Anton” ang naiiyak na sambit ni Claire sa kanya.
“Umalis ka na!” ang galit na utos niya kay Claire.
“Anton” ang naluluha na sabi ni Claire sa kanya at umiling-iling ito. Hinawakan pa nito ang mga braso niyang nakahawak sa magkabila nitong mga balikat.
“Anton, hindi naman sinasadya ni Neil ang nangyari, kung hindi sana nagpunta ang kapatid mo sa Club, hindi mabubugbog si Arthur” ang sagot ni ni Claire sa kanya na mas lalo pang nagpaapoy sa galit sa kanyang dibdib.
Hinawakan niya si Claire sa braso, at hinila niya ito papalapit sa pintuan.
“Anton, wait!” ang pakiusap nito sa kanya. Pero hindi na niya ito pinakinggan, hinila niya ang pintuan para buksan ito at halos itulak niya si Claire palabas ng silid.
“Umuwi ka na sa kapatid mo, tapos na tao Claire” ang mariin na sabi niya kay Claire at mabilis niyang isinara ang pinto at ni lock iyun. Narinig pa niya ang mga pagkatok ni Claire sa laba ng pintuan at ang pagmamakaawa nito. Pero, bingi na siya sa mga salita nito, hinding-hindi na niya muli pang bubuksan ang kanyang tenga at puso, sa dating nobya.
Halos madurog ang puso ni Antonio habang pinagmamasdan niya ang kanyang nanay na lumuluha nang makita na ng mga ito si Arthur. Nakabalik na sila sa kanilang bahay, at tulad ng sinabi ni Nikita, ito nga ang nagbayad ng lahat ng hospital bills nila. Pati ang additional na tank ng oxygen, mga dextrose, pati ang isang hospital bed na binayaran ni Nikita sa hospital para may magamit si Arthur sa bahay. At pati na rin ang sa ambulansiya, ni isang kusing ay wala silang binayaran. Nalaman din niya na may nakadeposito na, na pera si Arthur sa hospital para sa mga pagpapacheck up nito.
Simula ng nangyari ang komprontasyon sa hospital ay di na bumalik si Nikita at wala rin siyang pagkakataon na puntahan ito sa boutique nito. Napakalaki ng utang na loob nila kay Nikita.
Pinagmasdan niya ang kanyang mga magulang na nakaupo sa tabi ng higaan ni Arthur na inilagay nila sa salas. Inalis na muna nila ang mahabang upuan at inilagay nila sa labas sa harapan ng bahay. Parang dinudurog ang push niya habang pinapanuod ang palitan ng matinding emosyon sa pagitan ng mga magulang niya at ni Arthur na may malay na ngunit di pa makapagsalita.
Hindi dapat nangyari ito kay Arthur, hindi niya sinisi ang kapatid sa pag-alis nito ng walang paalam. Batid niya na masama ang loob nito sa kanya. At alam niya na kahit pa nagpaalam si Arthur sa kanila kung talagang nandun ang kasamaan sa pagkatao ni Neil, mangyayari pa rin ito sa kapatid.
At nang maalala na naman niya ang mga patutsada sa kanya ni Arthur, ang mga pagpaparinig nito, ang pagmamaliit nito sa kanya. Balewala ito kay Antonio, kaya niyang tanggapin ang mga pang-iinsulto. Pero ang ginawa nito kay Arthur?
Tumayo siya at naglakad palapit sa may pintuan, ngunit bago pa siya tuluyan na lumabas ay lumingon muna siya sa kanyang pamilya.
“Nanay, tatay, aalis muna po ako, Arthur?” ang pagpapaalam niya bago niya hinila ang pinto at humakbang palabas ng kanilang bahay.
Mabilis ang kanyang bawat paghakbang, tila ba may misyon ang bawat galaw ng kanyang mga paa. Mabilis ang mga ito, habang binabagtas ang pamilyar na ruta, habang nakatuon ang kanyang mga mata sa kalsada na pamilyar na sa kanya, ang isipan naman nito ay nasa kanyang kapatid na tanging pagtungo lang ang isinagot sa kanya nang magpaalam siya kanina.
At nang makita na niya ang lugar na kanyang pakay, mas lalo pang bumilis ang bawat hakbang na lalo pa at nakita niya ang taong pakay niya. Nanlaki ang mga mata ni Neil nang makita siya, halata pa sa mga mata nito ang pamamaga, at nang makita nga siya nito ay mabilis itong tumakbo papasok ng carwash pero, dahil sa malalaki ang bawat hakbang niya at tumakbo na rin siya para habulin si Neil ay naabutan niya ito, bago pa ito makapasok sa loob ng bahay.
Nahawakan niya sa likod ng kwelyo ng suot nitong t-shirt si Neil at hinatak niya ito. Nagulat naman ang mga tauhan sa carwash pero natulala ang mga ito sa nangyari.
“Anton!” ang sigaw ni Claire ng makita siya nito na hikit-hikit niya sa kwelyo ang kapatid nito.
Inikot ni Antonio si Neil paharap sa kanya saka niya inundayan ng magkabilang suntok ang mukha ni Neil. Saka niya hinawakan sa batok ito at inihampas sa sasakyan na nililinis ng mga trabahador sa carwash.
“Kulang pa iyan sa ginawa mo sa kapatid ko Neil” ang humihingal na sabi niya rito, “pero, hindi ko babasagin ang mukha mo, katulad ng ginawa mo kay Arthur, dahil hahayaan ko na mga bilanggo ang babasag sa mukha mo” ang banta ni Antonio kay Neil na sapu-sapo ang mga kabilang pisngi.
Dumukot siya sa kanyang bulsa at ibinalik ang limang daan na piso sa dibdib ni Neil.
“O iyan, bayad sa less serious physical injury” ang sambit niya bago siya tumalikod at mabilis na naglakad papalayo.
Muli siyang naglakad, alam niya na kulang pa ang ganti niya kay Neil para sa ginawa nito kay Arthur, pero, kung bubugbugin niya si Neil at magsampa ng reklamo ang pamilya ni Claire, walang maiiwan para bumuhay sa kanyang pamilya.
Kung kanina ay mabilis at puno ng paghihiganti ang kanyang dibdib, ngayon naman ay may pananabik ang bawat hakbang niya. At nang mamataan na niya ang pangalan ng boutique ni Nikita ay muli na naman niyang nadama ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Umaasa siya na sana ay naroon si Nikita sa shop nito, gustong-gusto na niya itong makausap, ang sabi ng isipan niya. Mabilis niyang itinulak ang pinto ng shop at halos nagulat pa sa kanya si Ginger, nang bigla siyang pumasok sa loob.
At mula kay Ginger ay lumipat ang kanyang mga asul-berde na mga mata, sa babaeng nagbigay ng bagong pangarap niya. Nagtama ang kanilang mga mata at nakita niya ang gulat at ang agam-agam sa mukha nito.
“Antonio?” ang patanong na bati nito sa kanya. Nakaupo ito sa may isang silya sa tabi ng telepono at isang maliit na lamesa.
“Uh, Nikita pwede, pwede ba kitang makausap?” ang tanong niya rito.
Nakita niya na kumunot ang noo nito at napansin niya ang hawak nitong mga kumpol ng papel. Mukhang abala yata ito, ang sabi ni Antonio sa sarili.
“Uhm, Antonio”-
“Maghihintay ako” ang tanging sagot niya kasabay ng isang malapad na ngiti. Nakita niya ang pagbuntong – hininga ni Nikita bago ito tumangu-tango sa kanya.
“Maupo ka muna diyan” ang matipid na sabi ni Nikita sa kanya at mabilis naman siyang naglakad palapit sa may sofa kung saan sila noon, naupo na magkatabi.
Ilang minuto pa siyang naghintay, hindi naman siya naiinip, lalo pa at panay ang sulyap niya kay Nikita. Muli niyang pinagmasdan ang mukha nito. Maganda pala talaga si Nikita, ang sabi ng isipan niya, hindi ito, maarte sa pananamit at pag-aayos ng sarili. Kung ang ibang babae ay makapal na maglagay ng pulbo sa mukha para takpan ang mga pekas, si Nikita, ay hindi tinatakpan ang mga iyun, at yun ang pinakagusto niya sa mukha nito. At saka lang niya napansin na pati pala balikat nito ay may mga pekas din. Nakita niya iyun, dahil sa sleeveless na blouse na suot ni Nikita. Hanggang saan kaya ang mga pekas nito? Ang bulong ng kanyang isipan. At nag-init ang kanyang pakiramdam, at bigla siyang umayos ng upo, na tila ba nahuli siyang pinagpapantasyahan niya ito. Malakas pa niyang nilinaw ang kanyang lalamunan, at mukhang napansin na rin iyun ni Nikita kaya napabuntong-hininga ito at mabilis na tumayo.
“I needed a break, I’m going to have some coffee, Ginger? The usual?” ang tanong niya sa kanyang assistant.
“Yes po ma’am” ang mahina at nahihiyang sagot nito kay Nikita at napansin niya na mukhang may pinoproblema ang dalawa.
“Halika Antonio, doon na tayo mag-usap” ang sabi ni Nikita sa kanya at naglakad na ito papalapit sa pintuan ng shop at siya naman ay mabilis na tumayo at sumunod palabas, bago niyun, ay nagpaalam siya kay Ginger na ngumiti lang ng matipid sa kanya.
Magkasabay silang naglakad sa kahabaan ng sidewalk at nagtungo sila sa malapit na coffee shop. Naghanap sila ng mauupuan at nauna na siyang naupo habang umoorder ng kape si Nikita. Ilang sandali pa ay lumapit na ito sa kanilang mesa, dala ang tray ng kanilang kape at tinapay. Mukhang natandaan ni Nikita ang gusto niyang kape, ang masayang sabi ng isipan niya nang ilapag ni Nikita sa ibabaw ng lamesa sa kanyang harapan ang kape na nagustuhan niya.
“Salamat” ang mahinang sambit niya kay Nikita na naupo sa upuan sa kabilang side ng mesa sa kanyang harapan.
“How’s Arthur, nakabalik na ba siya sa bahay ninyo?” ang interisado na tanong nito sa kanya.
“Oo kanina lang, uh, maraming salamat sa iyo Nikita, napakalaki ng naitulong mo sa pamilya ko” ang pasasalamat na tugon niya kay Nikita.
Isang matipid lang na ngiti ang isinagot sa kanya ni Nikita bago nito hinigop ang kape at muling nagsalita.
“Ano nga pala ang pag-uusapan natin?” ang tanong ni Nikita sa kanya.
Diretso niyang tiningnan sa mga mata si Nikita sa likod ng mga salamin nito sa mata, bago siya nagsalita.
“Paano ba? Maging model?”
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...