Chapter 42

1.2K 83 115
                                    

Dumating ang ika-walo na linggo, na sinabi ng doctor at ang inaasam na pagbabalik ng pakiramdam ng braso ni Nikita, ngunit pagbalik nila sa hospital ay katulad pa rin sitwasyon nito sa bahay, katulad pa rin ng mga nakalipas na linggong  nagdaan, wala pa ring pakiramdam ang braso ni Nikita.
Ini-refer na siya sa isang PT para mag-undergo ito ng therapy. Halata sa mukha ni Nikita ang kawala ng pag-asa at sa paglipas ng mga araw ay nakikita ni Antonio, na unti-unting nauupos ang liwanag ni Nikita.
Ang pagiging aktibo nito noon sa tuwing may pictorial, sa mga pagkakataon na excited ito kapag may mga bago siyang project, kung paanong nagliliwanag ang mga mata nito sa likod ng salamin sa tuwing may bago itong mga ideya sa desenyo ng brand nito. Ang punong-puno ng buhay at liksi na si Nikita na minsan ay halos hindi niya kayang sabayan ang pagiging aktibo nito, ay unti-unting naglaho.
Parang isang kandila si Nikita na unti-unting naupos, isang gaserang aandap-andap na ang apoy, isang bituin, na tuluyan ng nawawala ang liwanag nito.
Mas naging mas tahimik ito, nakaupo sa isang tabi at hindi nagsasalita, kung minsan naman ay nakaharap ito sa makina nito na pangtahi at nakatitig lang. Maraming siyang tinaggihan na commitments at projects para dahil sa nag-aalala siya kay Nikita.
Napabayaan na rin nito ang Bewitched at tanging sila na lang ni Ginger at Claudine ang gumagawa ng paraan para maisalba pa ang Bewitched.
Laking pasalamat pa rin nila at may mga natitira pang clients ang Bewitched at tinulungan na rin sila ni Teri. Isinama pa rin ni Teri ang brand ni Nikita sa bago nitong psyche collection.
Isang araw ay nakatanggap si Antonio ng tawag mula kay Teri, gusto nitong makipagkita sa kanya para kausapin ito. Batid ni Antonio, na malaki ang naitulong sa kanila ni Teri, lalo na kay Nikita sa mga panahon na iyun.
“Teri paano si Nikita? Hindi ko siya pwedeng iwanan” ang sagot niya kay Teri na may labi na pag-aalala.
“I have to speak to you alone first Antonio, gusto ko muna malaman ang pasya mo, OK? Talk to Nikita na kailangan mo munang umalis, magkikita tayo at may pag-uusapan tayo na project mo, dahil iyun ang totoo, dalhin mo muna siya sa boutique o kaya sa bahay ng parents mo, just don’t let her be alone by herself” bilin pa ni Teri sa kanya,
Napabuntong-hininga si Antonio at napasulyap siya sa nakapinid na pinto ng kwarto. Napaka mot siya sa kanyang noo at kahit pa hindi siya nakikita ni Teri ay tumangu-tango siya.
“Okey, isasama ko nalang si Nikita” ang sagot niya, at sinabi ni Teri sa kanya kung saan sila  magkikita, bago pa tuluyan na natapos ang kanilang usapan.
Naglakad na siya patungo sa kwarto nila ni Nikita, matagal pa muna siyang tumayo sa harapan ng nakapinid na pinto, bago siya nagpakawala ng malalim na hininga. Inilagay niya ang kanyang kamay sa doorknob at saka niya pinihit iyun  para itulak at buksan ang pinto at tumambad sa kanya si Nikita na nananatili pa rin na nakahiga sa kama. Nakatagilid ito at nakatalikod sa pintuan kaya ang likod nito ang nakaharap sa kaniya.
Hindi niya alam kung anong magiging sagot o reaksyon ni Nikita sa kanya kapag inalok niya ito na sumama sa kanya sa bahay nila o kaya sa Bewitched.
Naupo siya sa gilid ng kama sa likuran nito, nakatagilid siyang nakahiga sa kanyang kanan at itinukod niya ang kanyang kaliwang siko sa unan sa itaas ng ulo ni Nikita . Inilapat naman niya ang kanyang kanan na kamay sa kanan na balikat ni Nikita at marahan niyang pinisil iyun.
“Nikita? Punta tayo kina nanay?” ang tanong niya kay Nikita, “Uhm mag-uusap lang kami ni Teri tungkol sa bago na project na ibibigay niya sa akin, maiinip ka lang kaya, kung gusto mo doon ka na muna kina nanay, namimiss ka na ni nanay lalo na ni tatay yung mga kwentuhan ninyo”  ang paglalambing niya kay Nikita, “habang nagkakape kayong dalawa” ang  dugtong pa niya.
Kinabahan si Antonio, dahil sa hindi pa rin kumibo si Nikita at nanatiling nakatalikod ito sa kanya. Napabuntong-hininga siya nang lumipas na ang ilang minuto ay nanatili pa rin na tahimik ito at nakatalikod sa kanya.
At parang isang himala ang nangyari, at parang may mahika yata ang salita ng tatay dahil sa unang pagkakataon, nang tawagin niya ito at alukin na lumabas ay hindi pag-idling ang isinagot nito sa kanya, gumalaw ang katawan nito at pumihit para sa humarap sa kanya. Lumapat ang likod nito sa kama at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. At sa unang pagkakataon ay napako ay napako na muli ang  kanilang mga mata.
“Gusto mo bang mag-stay na muna kina nanay at tatay? Habang nakikipag-usap ako kay Teri para sa isang project, o kung gusto mo, sa Bewitched”- hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil umiling na si Nikita.
“Ayaw mo bang sumama?” ang malungkot na tanong niya.
“Sasama ako, kina nanay” ang matipid nitong sagot sa kanya. At hindi niya napigilan ang kanyang malapad na ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi. At kahit pa sa munti o simpleng aksyon na iyun ni Nikita ay muling nabuhayan ng loob si Antonio, na ang dating Nikita ay hindi pa nawawala sa pagkatao nito.
Pilit niyang inintindi ang pinagdadaanan ni Nikita, alam niya na masakit para rito ang mawalan ng pandamdam ang  braso nito at naapektuhan ang kamay nito na naging buhay na ni Nikita.
“Maghahanda na ako ng almusal natin, maligo ka na” ang malambing na sabi niya kay Nikita na hindi na nagsalita pang muli at tumangu-tango na lamang sa kanya.
At para kay Antonio ay napaka-espesyal ng araw na iyun, agad siyang kumilos para gumawa ng kanilang almusal at sa unang pagkakataon ay muli silang kumain ng sabay ni Nikita, hindi na importante kung tahimik lang ito, ang importante ay kumain ito na kasabay niya, na halos ilang linggo na ang lumipas na hindi na nangyari.
At pagkatapos nilang kumain, gamit ang sasakyan ni Nikita ay nagtungo na sila sa kanilang bahay at labis ang tuwa sa kanyang mga magulang nang muli nilang nakita si Nikita at muling narinig ang  boses nito, kahit na matipid lang ito na nagsasalita.
Hanggang sa kinailangan na niyang iwan si Nikita at tahimik niyang kinausap ang kanyang nanay para ibilin si Nikita sa mga ito.
“Huwag kang mag-alala, hindi namin pababayaan si Nikita anak, alam mo naman na anak na mahal namin si Nikita, at ang mga apo namin, sige na, umalis ka na at nang makabalik ka na” ang sagot ng kanyang nanay sa kanya.
Napasulyap siya kay Nikita na nakaupo sa may silya sa harapan ng kanilang kainan, kasama nito ang kanyang tatay. Tahimik ang dalawa na humihigop ng kape, at mukhang nangangapa pa ang kanyang tatay kung papaano ka kausapin si Nikita, na alam nilang lahat na may pinagdaraanan ito.
Humakbang siya papalapit kay Nikita, iniakbay niya ang kanyang kanan na braso sa balikat nito at ymuko  siya para hagkan ito sa pisngi bago siya magpaalam na umalis.
“Sandali lang ako Nikita, may pag-uusapan lang kami ni Teri” ang pagpapaalam  pa niya rito.
Isang matipid na ngiti ang isinagot sa kanya ni Nikita bago niya muling hinagkan ang ibabaw ng ulo nito at naglakad na siya patungo sa pintuan, palabas ng bahay.
****

“How’s Nikita?” ang tanong sa kanya ni Teri nang magkita na sila nito sa isang coffee shop.
Tiningnan niya ang itim na likido na laman ng tasa na hawak ng kanyang mga kamay, muli siyang humigop ng mainit na kape bago siya nagsalita.
“Hindi pa tumatalab ang therapy sa kanya, may, ginagamit sa kanya para mabuhay ang mga  ugat niya sa braso at kamay, pero hanggang ngayon ay hindi  pa nakaka ramdam ang braso niya” ang malungkot na sagot niya kay Teri at sya man nang mga sandali na iyun ay nakadama ng frustration o pagkabigo.
“Oh god” ang sambit ni Teri at napapikit ito at napabuntong-hininga, tila ba ito man ay nakaramdam ng labis na  pag-aalala kay Nikita.
“Give it time, at huwag mo siyang sukuan, mas kailangan ka niya ngayon” ang dugtong pa nito sa kanya.
Mabilis na pagtango ang isinagot niya, “Hinding-hindi ko siya susukuan lalo pa at may mga anak kami” ang mariin na sagot ni Antonio.
Diretso siyang tiningnan ni Teri sa kanyang mga mata saka ito ngumiti at tumangu-tango sa kanya na tila ba nagustuhan nito ang kanyang mga sinabi.
“Ano bang pag-uusapan natin?” ang tanong niya kay Teri at ipinatong niya ang kanyang mga siko at magkakrus ang kanyang mga braso sa ibabaw ng lamesa.
“I’m offering you a chance to work abroad Antonio” ang sagot ni Teri sa kanya.
Nagitla siya sa sinabi ni Teri, abroad ibang bansa? Ang gulat na tanong kanyang isipan na hindi nagtagal ay lumabas din sa kanyang bibig.
“Sa ibang bansa?” ang di-makapaniwala niyang tanong kay Teri.
“Uh-huh, may isang modelling agency abroad ang nakakita ng portfolio mo, I mean nakita ka sa ads at fashion show ko, dahil na rin sa ang brand ko ay all over Asia na rin, kaya nakita ka ng isang agency” ang paliwanag ni Teri sa kanya.
“Pero model ako ni Nikita” ang giit niya.
“I know kaya, nga you’re going to be a non-exclusive model for them” ang sagot ni Teri sa kanya.
“They will have your portfolio at ha hanapan kanila ng designers na kukuha sa iyo, para sa print or ads, fashion shows para sa elite at high-end brands and couturiers” ang giit ni Teri sa kanya.
“Honestly, may naka-line – up ka na sana na dalawang project para sa isang Asian na designer magkakaroon siya ng campaign para sa winter collection niya at dalawang projects ito para sa ads in print and videos at pati na rin fashion show” ang paliwanag pa ni Teri.
Isang maganda at napakalaki ng oportunidad sa kanya ito, bilang isang baguhan na modelo ay isang malaking hakbang, hindi, talon ito para sa kanyang karera. Kakailanganin na sana nila ng malaking halaga para sa kasal nila ni Nikita at para na rin sa panganganak nito, kaunti na rin lang at maibibili  na niya ng bahay ang kanyang mga magulang at kailangan pa niyang tustusan ang huling taon ng pag-aaral ng kapatid niya, kaya ang alok ni Teri ay isang napakalaki ng tulong at pagkakataon para sa kanya.
“Hindi ko magagawa” ang sagot niya sabay ng kanyang pag-iling at nakita niya ang gulat sa mga mata ni Teri. Hindi ito makapaniwala sa naging sagot niya, at batid niya na malaking kalokohan nga naman ang tumanggi sa ganun na pagkakataon.
“What are you talking about?” ang di-makapaniwala na tanong ni Teri sa kanya.
“Hindi ko magagawa iyun Teri, hindi ko  pwedeng iwan si Nikita sa kalagayan nito ngayon, at kailangan nito ng katuwang sa pamamahala ng Bewitched habang nag papa galing pa ito” ang paliwanag niya.
“Let’s face the reality Antonio, Bewitched is a sinking ship” ang mariin na sagot ni Teri sa kanya, “walang bagong collection na inilalabas si Nikita, she’s going to be forgotten, tatalunin pa siya ng mga mumurahin na brand na may mga bagong designs quarterly” ang dugtong pa nito.
“Kaya nga tutulungan ko siya” ang mariin na sagot niya kay Teri.
“Yes, help her, help her by accepting this chance, this opportunity na maging kilala sa International modelling industry” ang giit ni Teri sa kanya.
“Mas mabibigyan ng exposure ang brand ni Nikita kapag naging curious na ang mga tao sa  iyo, then they will make a research at malalaman ng mga ito na model ka ng isang local brand ng mga custom – tailored na mga lingerie at undergarments , and with that matutulungan mo na makilala na muli si Nikita at ang brand nito” ang giit pa ni Teri sa kanya.
Napakaganda sana ng  inaalok ni Teri sa kanya, isa nga naman iyun malaking oportunidad, napakalaki ng tulong nga naman nito para sa kanilang dalawa ni Nikita.
Pero umiling siyang muli para tumanggi kay Teri at nakita na niya naoaoikit ang mga mata nito kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ni Teri.
“Is this about Leo kaya ayaw mong tanggapin ang alok ko? I’m not even going to handle you if that’s what you want?”ang mga tanong ni Teri sa kanya na wala siyang naintindihan, dahil sa isa lang ang nakakuha ng atensyon niya at iyun ay ang pangalan na Leo.
“Sino si Leo?” ang takang tanong niya kay Teri.
Halatang nagitla si Teri sa kanyang tanong at kumunot ang noo nito sa kanya, marahil na rin dahil sa nagulat ito na hindi niya alam kung sino ang Leo na tinutukoy nito na mukhang may kaugnayan sa kanila ni Nikita, and sabi ng isipan ni Antonio.
“Oh shit” ang bulong nito kasabay ng buntong hininga, pinagmasdan niya na pinisil ng mga daliri ni Teri na kulay pula ang mga kuko, ang buto ng ilong nito sa gitna ng mga mata.
“Wala kang alam?” ang di makapaniwala na tanong sa kanya ni Teri.
Umiling siya bagong siya sumagot, “wala, bakit ba? Sino ba si Leo?” ang giit niya.
“I don’t know, I’m not in the position to tell you, mukhang ayaw sabihin sa iyo ni Nikita” ang nag-aalangan na sagot ni Teri.
“Pakiusap sabihin mo sa akin para maintindihan ko” ang pamimilit niya rito.
Diretso siyang tiningnan ni Teri sa kanyang mga mata at napabuntong-hininga ito.
“Okey” ang sabi nito bago muling nagbuntong-hininga.
“Si Leo ay dating asawa ni Nikita, nagtatrabaho pa siya noon sa kumpanya ni daddy, si Leo ay kagaya mo Antonio na isang model” ang panimula ni Teri na nagpagulat na sa kanya ng lubos. May asawa na si Nikita? Ang gulat na tanong niya sa sarili, at nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib.
“I met Leo nang ako na ang mag take-over sa kumpanya ni daddy then, nakilala ko si Leo, nag-aaral na si Leo noon para sa pag-arte at gusto nitong maging artista, I saw his potential I was into managing aspiring actors and actresses then, at ako ang nag- manage sa kanya, but, I didn’t mean to fall in love with him” ang sabi ni Teri at may diin sa mga huling salita na binitiwan nito.
“Hindi ko sinasadya na mahalin si Leo, at sinabi rin nito sa akin na nagkakalabuan na sila ni Nikita at maghihiwalay na rin daw sila, at tanga akong naniwala roon” ang nahihiyang sabi pa nito.
“Until one day, nagpunta si Nikita sa location shoot at doon na niya kami nahuli” ang sabi ni pa nito sa mahina nitong boses.
“I was so inlove with him kaya ipinaglaban ko siya kay Nikita at pinaniwala ako ni Leo na mahal na mahal ako nito” ang giit pa ni Teri.
“Pero asawa na siya ni Nikita, hindi mo ba naisip na may babae kang masasaktan?” ang galit na tanong niya kay Teri. Labis ang galit at sakit na kanyang nadarama ng mga sandali na iyun. Galit para kay Leo at Teri at sakit para kay Nikita dahil sa naisip niya ang mga sakit na pinagdadaanan nito.
“I know! Pero bulag ako noon sa pagmamahal ko kay Leo” ang giit ni Teri sa kanya.
“Nasaan ang Leo na yan, asawa mo na ba siya?” ang galit na tanong niya at gusto niyang sapakin ang Leo na iyun para sa pananakit nitong kay Nikita.
Umiling si Teri, “mukhang kinarma ako sa ginawa ko at, iniwan din ako ni Leo sa ibang babae” ang natatawang sagot ni Teri sa kanya.
“Gagong yun” ang galit na sambit niya.
“Alam ko at aminado ako na nagkamali ako and I was sorry about that, and I apologise to Nikita, kaya nga ako bumabawi sa kanya, pero ngayon, tutulungan kita hindi dahil sa gusto kita Antonio, as I’ve said to Nikita I’m done running after dicks anymore, uunahin ko na ang sarili ko, uunahin ko muna ang goals ko in life” ang paliwanag ni Teri sa kanya.
“I know you’re not going to be a Leo, and tell Nikita that, sayang ang opportunity Antonio, para sa future ninyo ito ni Nikita, bumabawi lang ako sa mga nagawa ko at”-  hindi na nito itinuloy ang sasabihin at napansin niya na kinapa ni Teri ang pulseras nito na kapareho rin ng kay Nikita.
Umiling si Antonio at ng mga sandali na iyun ay mas determinado na siya na hindi tanggapin ang trabaho, ayaw niyang bigyan ng hinanakit si Nikita kahit pa wala siyang gagawin na masama, kahit pa trabaho ang pakay niya, ay hindi na niya iyun tatanggapin. Ayaw niyang bigyan ng hinanakit o agam-agam si Nikita, lalo pa at naintindihan na niya ang dahilan ng pagiging mahirap nito na magtiwala. At mas determinado pa siya ngayon na mas lalo niya itong aalagaan at mamahalin.
“Pasensiya ka na Teri pero, hindi ko tatanggapin ang alok mo” ang mariin na sagot niya, “salamat sa alok mo at sa kape” ang magalang na sabi niya rito bago pa siya tumayo at nagpaalam ng tuluyan kay Teri para puntahan ang kanyang mag-iina.








Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon