Chapter 39

1.2K 84 115
                                    

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita, dama niya ang lamig na gumalang sa buo niyang katawan and she also felt her blood drained from her head down to her feet.
Biglang pumasok sa isipan niya ang mga nangyari, ang mga burado na files, ang video, ang  delivery na naka-address sa bahay ni Owen, ang punit-punit na isusuot nila Antonio at Lily, at ang sulat na kanyang natanggap.
Napansin ni atty Lipon ang kanyang pagkabigla, ang pagkawala ng dugo sa kanyang mukha at panginginig ng kanyang mga labi.
“Iha, okey ka  lang ba? Jesus, mukhang na bigla ka sa mga sinabi ko?” ang nag-aalala na sabi sa kanya ni atty Lipon.
“I’ll get you some water” ang sabi nito sa kanya pero mabilis siyang umiling.
“P-pa paano nyo po nakilala si Franco? At paano ninyo nalaman na kapatid niya si Owen?”ang usisa niya.
“Uhm”, sandaling umiwas ng tingin si atty Lipon sa kanya, at parang nag-alangan pa ito na sabihin sa kanya.
“Lumapit siya sa akin noon, he was seeking advice regarding sa isang case, a suicidal case, tinanong niya kung maaari bang kasuhan ang taong naging dahilan or someone who provoked someone to commit suicide?” ang saad ni Franco sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo at nakaramdam ng kirot ang kanyang puso, dama niya ang paninikip ng kanyang dibdib at lalamunan dahil sa sakit na kanyang nadarama.
“I told him that it depends, kailangan na may mabigat  kaming ebidensya na binuyo o hinikayat ng taong iyun na kitilin nito ang sariling buhay, video, recorded conversation or audio, letter from someone who provoke the deeds” ang saad pa ni atty Lipon, “I told him that, if we have those hard evidence at hand then we can file a homicide case”
Hindi siya sumagot at nanatili lamang na tikom ang kanyang mga labi, she was digesting  everything that atty Lipon was divulging that moment.
Hindi rin niya napansin na inilusot pala niya ang kanyang kamay sa loob ng kanyang bag at hawak ng kanyang kamay ang t-shirt ni Antonio.
“He only said that it was a suicide note, not literally a letter but a note, I can’t remember exactly the words but, it was something like, mamahalin mo na ako Nikita” ang pagpapatuloy ni atty Lipon.
“I told  him the truth that the note was vague and indirect really, wala itong sinabi na ginawa ko na ang sinabi mo Nikita, or nagpakamatay na ako tulad ng uutos mo Nikita, so the burden of proof that the person on the note did provoke him  to commit suicide” ang saad pa ni atty Lipon.
“Tinanong ko siya kung, kaanu- ano niya ang biktima, and he answered that he was his brother, at sinabi nga nito ang  pangalan ng kapatid nito na si Owen Cuerdo” ang muling paglalahad ni atty Lipon.
“Pero bakit, bakit magkaiba ang apelyido nila?” ang takang tanong ni Nikita kay atty Lipon.
Umiling si atty Lipon, “Hindi ko rin alam Nikita” ang sagot ni atty Lipon sa kanya.
“At bakit, walang, walang naisampa sa akin na kaso? Dahil ba sa mahina ang kaso laban sa akin?” ang mga tanong niya sa matandang abugado.
Umiling si  atty Lipon, “Hindi ko rin alam, dalawang beses lang kami na nagkita ni Franco, at sa second time niya lang sinabi sa akin kung sino ang taong nag provoke sa kapatid nito, I have to ask him para malaman ko kung sino ang sasampahan namin ng kaso, I still didn’t know  about you then, dahil sa ang hinahanap ko noon ay ang pangalan ng iyong mommy, dahil siya ang beneficiary ng trust fund, tulad nga ng paliwanag ko sa iyo noong una tayong nagkita na huli ko na nalaman ang tungkol sa ito, and dahil sa hindi na siya bumalik ay hindi ko na pinursige ang mag-research tungkol sa  iyo” ang saad ni atty Lipon.
“Actually ngayon ko na lang ulit naalala yung tungkol sa kaso na iyun, nang makita ko si Franco” ang dugong pa nito.
Tumangu-tango siya, at hindi na niya kaya na magsalita, hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin ng mga sandali na iyun.
“Nikita? May problema ba?”  ang usisa ni atty Lipon sa kanya, tila nabanaag nito na labis siyang nabagabag, sa mga rebelasyon nito.
Umiling siya at pilit niyang ngumiti, kahit pa masakit ang kanyang pisngi dahil sa parang pinupunit ang kanyang pisngi at labi.
“W-wala po” ang pagsisinungaling niya, she’ll deal with Franco on her own, she’s going to confront him, but for now, she has to get out of there, dahil para siyang inilagay sa isang kahon at hindi na siya makahinga.
“I-I’m sorry, but, I ah I really need to go” ang nagmamadali niyang sabi kasabay nang pagtayo niya.
“Are you sure Nikita? You looked shaken” ang alalang sabi ni atty Lipon sa kanya, na tumayo na rin.
“I-I’m okey” ang sagot niya at muli niyang pinilit na ngumiti.
“Gusto mo ba na ihatid kita?” ang alok nito sa kanya at mabilis siyang umiling at pilit niya na muling ngumiti para mapanatag ang matandang abugado.
“Kailangan ko po na maglakad atty gusto ko muna na magpahangin at makapag-inat ng mga binti, uh, mauna na po ako at hinihintay na ako ni Antonio, uhm sige po” ang nagmamadali niyang pagpapaalam dito ay hindi na niya hinintay pa ito na sa bayan siya palabas ng coffee shop.
Niyakap ng kanyang mga braso ang kanyang sarili, muli na naman niyang nadama ang paninikip ng kanyang dibdib, she felt the raw pain that pierced to her heart, again she felt betrayed. She tried to swallow back the tight emotions in her throat.
She blinked back the tears that formed in her eyes, she treated Franco as her dear friend, at ni minsan kahit hindi niya naisip na gagawin ni Franco ito sa kanya, kahit pa nagalit siya noon rito noong tanungin niya tungkol sa burado na files.
Bigla niyang naisip si Antonio, hindi dapat malaman ni Antonio ang tungkol dito, hanggat hindi niya nakakausap si Franco, siya muna ang makikipag-usap kay Franco, ang sabi niya sa sarili.
Hindi kasi niya alam ang magiging reaksyon ni Antonio, kilala man na mainitin ang kanyang ulo at maiksi ang kanyang pisi, hindi naman siya bayolente. At naalala niya ang ginawang pananapak ni Antonio kay Neil, baka kasi hindi langsuntok sa mukha ang makuha ni Franco mula kay Antonio kapag nalaman nito na si Franco ang gumugulo sa kanya.
Marami ng taong naglalakad sa sidewalk, she moved her way on the right side sa gilid ng pavement. Sa lalim ng kanyang iniisip ay di niya namalayan na may dalawang lalaki na hinintay siya na dumaan, pagkaraan niya ay hinintay siya nito na makalayo, bago nagsimula ng tumakbo ang mga ito.
At nang malapit na sila kay Nikita, ay kunwaring naghabulan ang mga ito, at sinadyang banggain si Nikita.
She didn’t notice the commotion that was happening behind her, kaya nagulat nalang siya ng maout of balance siya, at dahil sa gilid siya ng pavement, she fell  on her right side, her right foot fell on the gutter, twisting her ankle, her body fell on the ground, and she yelled in pain when her body fell on her twisted right arm.
*****


Hindi na makapaghintay si Antonio na dumating si Nikita, labis ang tuwa na nadarama niya ng mga sandali na iyun. Nang magpunta kasi siya sa bangko ay nakita niya na malaki na ang naiipon niya.
Mga ilang project na lang ay mabibili na niya ang gusto niyang bahay para sa kanyang mga magulang. Gusto na niyang mabilhan ng bahay ang mga magulang niya, kasi nga iyun ang gusto ni Nikita. Ang matupad niya ang mga pangarap niya sa kanyang mga magulang, at iyun ay ang mabilhan ng sariling bahay ang mga ito.
Umaasa kasi siya na, kapag nabilhan na niya ng bahay ang kanyang mga magulang ay, papaya na si Nikita na magpakasal sa kanya. Kaya naman niyang pag-aralin si Arthur kahit kasal na sila ni Nikita, at saka, paano ang anak nila ni Nikita? Dapat apelyido na niya ang gagamitin ng anak nila.
Alam niya na buntis na si Nikita, lagi kasi itong inaantok, at saka laging na lang naglalambing  si Nikita sa  kanyang nanay ng kung anu-ano na pagkain. Binulungan nga siya minsan ng kanyang nanay, noong dumalaw sila sa bahay. Naalala niya na kumakain sila ng nilagang baka, at halos ubusin ni Nikita ang sabaw ng nilaga. Nagkapalitan sila ng tingin ng kanyang nanay at nang nagliligpit na sila ay marahan siya na siniko ng kanyang nanay at binulungan.
“May laman na yan” ang bulong ng kanyang nanay sa kanya.
At kapag naisip niya ang  sinabi ng kanyang nanay, na lagi na lang umaalingawngaw sa  kanyang tenga ay di niya mapigilan ang di ngumiti.
Dumaan din siya ng mall kanina para magtingin ng singing  para kay Nikita, gusto na niyang magpropose rito. Hindi pa man sila maikasal, ay gusto niyang makasigurado na tali na si Nikita sa kanya, para bang assurance sa kanya kapag nakita na niya na may singsing sa daliri nito si Nikita.
May kamahalaan nga ang mga singsing, pero, pag-iipunan niya ang pagbili nito. Kapag may kumuha na naman sa kanya sa commercial o modelling ay ibibili niya muna ng singsing si Nikita.
Tiningnan niya ang yema spread na nakapatong sa working table ni Nikita. Nag-init bigla ang kanyang katawan, para bang ang dugo na dumaloy sa kanyang katawan ay gasolina na pinainit at binuhay ang kanyang ugat sa katawan.
Na-imagine kasi niya si Nikita sa ibabaw ng working table nito, nakahiga at habang pinapahiran niya ng yema spread. Mai-enjoy talaga niya ng husto, ang pagtikim sa nasabing palaman, titikman gamit ang masarap na katawan ni Nikita.
Hindi talaga niya mapigilan ang sarili niya na hindi angkinin ang katawan nito, kahit pa narito sila sa opisina. Halos lahat yata ng sulok sa opisina ni Nikita ay nagamit na nila, pero ang working table nito ang gamit na gamit nila. Literal na naging working table ito ni Nikita at si Nikita ang trinatrabaho niya.
Naglaro  sa kanyang isipan si Nikita habang nakadapa ito sa lamesa ang kalahati ng katawan nito ay nakalapat sa ibabaw ng lamesa, habang nakalapat sa sahig ang mga paa nito. Ibubuka niya ang mga hita nito at mula sa likuran ay kanyang titikman ang basang-basa na pagkababae ni –
Halos mapatalon siya sa kinauupuan niyang sofa sa loob ng opisina ni Nikita nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Isang mahina na ngunit malalim na hininga ang kanyang pinakawalan, bago niya dinukot ang kanyang telepono sa harapan na bulsa ng kanyang maong na pantalon.
Kumunot ang kanyang noo nang makita niya ang ibang numero, pero pamilyar sa kanya, dahil iyun ang numero ni atty Lipon. Magkasama sila ni Nikita hindi ba? Bakit siya tatawagan nito? Siguro para i- check kung nakabalik na si Nikita, ang sabi niya sa sarili.
“Atty?” ang bungad na tanong niya rito nang sagutin na niya ang tawag at hindi niya inaasahan ang sinabi nito sa kabilang linya. Parang hinigop ang lahat ng lakas niya at ang init ng kanyang katawan na kanina lamang ay naramdaman niya ay napalitan ng panlalamig ng kanyang kalamnan. At saka siya lumabas ng opisina at halos takbuhin niya palabas ng hospital.

*****


Pinagmasdan niya si Nikita na nakahiga sa kama, nasa pribado na itong kwarto. Hindi muna pinauwi si Nikita hanggat hindi pa lumalabas ang findings ng mga doktor sa lubha ng pinsala na natamo nito. Si atty Lipon ay sandali na nagpaalam at may kailangan daw ito na puntahan pero tatawag daw ito para kamustahin si Nikita at kapag nasa hospital pa sila ay dadalaw daw ito.
Pinagmasdan niya ang nakapikit na si Nikita, halata pa rin ang bakas ng luha sa mga mata nito, dahil na rin sa matinding sakit na nadarama nito. Kumirot  ang puso niya para kay Nikita, lalo pa at kitang-kita niya ang pamamaga ng braso nito. Nilagyan na ito ng cold compress para umimpis ang pamamaga at pagkirot nito.
Hinaplos niya ang noo patungo sa tuktok ng ulo ni Nikita at paulit-ulit niya iyun na hinagkan.
“Antonio” ang sambit nito ng kanyang pangalan habang humihikbi ito.
“Nandito ako Nikita” ang bulong niya sa labi nito saka niya ito hinagkan, “hinihintay pa nila ang x-ray mo Nikita, para malaman kung may bali ang braso mo” ang mahina na sabi niya rito.
“Pero”- ang sambit ni Nikita pero hindi na nito naituloy ang sasabihin nang may kumatok at bumukas ang pinto at pumasok na ang attending physician.
“Kayo ba ang mister niya?” ang tanong ng doctor sa kanya na may dalang malapad na brown envelope.
“Opo” ang mabilis na sagot niya at tumango ang doktor. Lumapit ito sa may puting board na nakasabit sa pader, at ikinabit nito ang x-ray film ng braso ni Nikita.
“Kailangan natin siyang i- undergo ng minor surgery, sir, kasi as you can see, she has a cracked bones, maybe she fell when her arms were outstretched, para siguro itukod ang braso niya, or she was trying to reach for something to hold on to, at nagtamo rin ng nerve damage ang braso niya, here” ang paliwanag ng doctor sa kanya at ipinakita nito ang ilang litrato.
"Hindi pa natin malalaman ang extent ng nerve damage, maybe kapag naghilom na ang buto at trauma na natamo ng laman" ang paliwanag ng doctor.
"Ano po ang mangyayari kapag, may nerve damage po ang arms ko" ang tanong ni Nikita.
"It would be numb, humahawak ka ng bagay pero hindi mo maramdaman, parang walang force" ang sagot ng doctor kay Nikita.
Napasulyap siya kay Nikita na nakikinig rin at nakita niya ang mga sariwa ng luha na bumuhos mula sa mga mata nito. Niyakap niya ito, pero iniwasan niya ang kanan na braso nito na may pinsala.
“Medyo magiging komplikado lang po ang lahat, dahil sa napag-alaman namin na she’s seven weeks pregnant, and she’s having twins, iyun ang nakita sa ultrasound, dalawa ang embryo na nasa sinapupunan ni Nikita”
“Kambal?” ang di-makapaniwala na sambit ni Antonio.
“Yes, kaya kailangan din ng consultation ng isang OB, she can’t take painkiller medicine that’s for sure, ang pinakasafe lang na  maibibigay namin sa kanya ay Tylenol, but for a short amount of time lang, kaya she’ll endure so much pain mister Valderama?” ang paliwanag at tanong nito sa kanya.
“Alimbuyugin po” ang pagtatama niya sa sinabi ng doktor, tumangu-tango na lang ito sa kanyang sinagot.
“Pumunta lang ako rito para maiready na siya, para maiyaos natin ang nerves otherwise baka maging numb na ang kanyang ugat sa kamay at braso” ang paliwanag pa ng doktor, “maiiwan ko na kayo, I’ll send a nurse kapag ready na ang lahat” ang paalala pa nito bago ito naglakad patungo sa pintuan at lumabas ito ng kwarto.
Nangangamba man ay nakaramdam ng tuwa si Antonio, lalo pa at nakumpirma na buntis na si Nikita.
“Narinig mo iyun Nikita?” ang masaya at excited na sabi ni Antonio kay Nikita tiningnan niya ito sa mga mata at nakita niya ang ngiti sa mga labi ni Nikita kahit pa lumuluha ito.
“Magiging tatay na ako! Ha ha! At kambal!” ang excited na sabi niya, “pero Nikita narinig mo ba ang sinabi ng doktor?” ang tanong niya rito.
Tumangu-tango si Nikita sa kanyang tanong bago ito nagsalita, “oo, Antonio, magiging masakit ito para sa akin, pero, kakayanin ko” ang determinado na sagot ni Nikita sa kanya.
“Nandito lang ako sa tabi mo Nikita, hindi kita pababayaan, kayo ng baby natin, hindi ko kayo pababayaan” ang mariin na pangako ni Antonio. Alam niya na hindi iyun oras na maging masaya dahil sa kalagayan ni Nikita, pero, hindi mapigilan ng kanyang puso ang tumaba nang mga sandali na iyun, at iyun ay dahil sa ipinagbubuntis na ni Nikita ang mga panganay nila.
“Kakayanin natin Nikita, kaya mo bang tiisin ang sakit?” ang tanong ni Antonio kay Nikita.
Tumangu-tango si Nikita, “mas gugustuhin ko pa na maramdaman ang kirot Antonio, kaysa sa wala akong maramdaman” ang sagot ni Nikita sa kanya, na labis na nangangamba sa sinabi ng doctor. Na nadamage ang nerves nito, paano na lang kung wala na itong maramdaman, paano na lamang kung wala ng maramdaman ang kanan na kamay nito, kung ito ang ginagamit ni Nikita sa paglikha ng pangarap nito.


Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon