“Anong ginagawa niya dito?!” ang galit na tanong ni Claire at bigla itong tumayo. Nakadiretso ang mga braso nito sa magkabila nitong gilid at nakakuyom ang mga iyun ang isa ay habang hawak pa ang phone nito, ang mga mata nito na tiningnan si Nikita at kasunod nito ay sa kanya naman natuon ang mga nagtatanong na mga mata nito kay Antonio.
Napatayo rin siya nang biglang tumayo ang kanyang nobya, at galit na tiningnan nito si Nikita na nakatayo katabi ang kanyang kapatid sa may pintuan. Siya man ay natuon ang mga mata kay Nikita na umiwas ng tingin sa kanila. Saka niya napansin ang dala ng kapatid niya na box ng cake at pizza.
“Claire” ang mahinang saway ni Antonio kay Claire, hinawakan niya sa kamay ang nobya at hinila niya ito para muling maupo sa silya.
“Antonio anong ginagawa niya rito? Hindi mo ba natantandaan ang ginawa sa akin ng babaeng yan?!” ang galit na sumbat ni Claire sa kanya at napapikit na lamang siya at napabuntong-hininga.
“Claire hindi ko rin alam” ang sabi niya sa nanggagalaiti na si Claire.
“Uh, ano bang nangyayari?” ang taka ng tanong ni ng kanyang nanay sa kanila.
“Yan po kasing babae na yan? Bastos kasi yan, panay ang habol kay Antonio kahit pa alam na nito na may girlfriend na si Antonio, at nakuha pa akong basain sa mukha ng bwisit na iyan!” ang galit na sigaw na sagot ni Claire.
“Nikita?” ang nagtatakang tanong ni nanay Lita sa kanya at nakaramdam siya ng hiya sa matandang babae.
“Uhm, Claire pasensiya ka na sa nangyari, hindi ko sinasadya yung pagkakaiba sa ko sa mukha mo, aksidente ang nangyari na iyun” ang sinsero na paghingi niya ng paumanhin kay Claire at nanatili silang nakatayo ni Arthur sa may pintuan.
“I’m going” ang sabi ni Claire at akmang aalis na ito, tatayo na sana ito pero mabilis na hinawakan niya ang kanan na pulsuhan ng nobya para pigilan ito.
“Claire pakiusap naman” ang mahinang sabi niya kay Claire at marahan niyang hinila ito paupo.
“Halika Nikita” ang pagyaya ni Arthur kay Nikita. Nakatuon ang mga mata ni Antonio sa dalawa at kumunot ang kanyang noo ng makita niya na inilapat pa ni Arthur ang kaliwang palad nito sa likod ni Nikita habang naglalakad ang mga ito palapit sa lamesa.“Claire, I’m really sorry, let’s, start over?” ang paghingi ni Nikita ng paumanhin. Inilahad pa niya ang kanyang kaliwang kamay para makipag handshake dito. Oo humingi siya ng paumanhin dahil sa nagkamali siya sa pagkabasa ng mukha nito at hindi naman niya dapat idamay si Claire sa inis na nadama niya ng makita niya ang dalawang magkayakap noong araw na iyun. Wala na siyang pakialam sa pribado na buhay ni Antonio, ang importante ay ang makuha niya si Antonio bilang modelo niya.
Matagal pang nakalahad ang kamay niya sa harapan ni Claire and she’s biting the inside of her cheeks, while she tried to contain her temper, at naiinis na siya sa pagpapakita ng pagmamatigas ni Claire. Mukhang ayaw pa yata nito na tanggapin ang dispensa niya, at nagtitimpi na siya na hindi lumapat ang palad niya sa nakaismid na mukha ni Claire.
“Claire” ang narinig niyang sabi ni Antonio sa girlfriend nitong mukhang nakakain ng kamias sa asim ng mukha nito, ang sabi ng isipan niya.
Nanulis muna ang kulay pula na nguso ni Claire, mukhang nagliptint muna ito bago humarap sa mga magulang ng jowa nito, ang sabi ni Nikita sa sarili. Napabuntong-hininga ito at umirap saka nito inabot ang kanyang kamay at ni hindi nga inilapat nito ang buong kamay sa kanyang palad, literal na isinagi lang nito ang dulo ng mga daliri sa daliri niya, tila ba nandidiri ito na maglapat ang kamay nila.
“Arte nito” ang bulong ni Nikita sa kanyang mga labi na hindi man lang bumuka. At ikinubli niya sa kanyang ngiti.
“Nikita upo ka na” ang sabi ni Arthur sa kanya at iniurong nito ang plastic na silya para sa kanya at napasulyap siya kay Antonio na magkasalubong ang mga kilay na pinagmamasdan sila ni Arthur.Pinagmasdan ni Antonio ang bawat galaw ng kanyang kapatid. Hinila nito ang upuan para makaupo si Nikita na nginitian ang kanyang kapatid na si Arthur ng matamis. Alam ba ni Nikita na may gusto ang kapatid niya rito? Ang nagdududa na tanong ni Antonio sa sarili.
“Oh, si Nikita ba ang nag-abala na bumili ng mga iyan?” ang tanong ng nanay niya kay Arthur na parang sinilaban ang pwet at mabilis na kumikilos ito para asikasuhin si Nikita. Nilagyan niya ng plato ang lamesa sa harapan ni Nikita at naupo na rin si Arthur sa tabi nito.
“Uh yung pizza lang po, regalo ko kay Arthur, yung cake po siya ang bumili, niyaya niya po ako rito sa inyo, pinuntahan niya po ako sa shop, para po mag celebrate” ang paliwanag ni Nikita sa kanyang nanay.
“Celebrate? Bakit anong meron?” ang taka naman na tanong ng tatay niya na taimtim na nakikinig.
“Kasi po tatay, dean’s lister po ako ulit” ang masayang balita ni Arthur sa kanila at napuno ng saya ang puso ni Antonio nang marinig niya iyun sa mga labi ng kapatid. Tanging iyun lamang ang mga nagpapasaya sa kanilang pamilya, ang achievements ng kanyang kapatid, gumagaan ang lahat ng paghihirap niya at mas lalo siyang nagpupursige na kumayod.
“Talaga Arthur? Napakagandang balita nga niyan!” ang masayang sabi niya sa kanyang kapatid na nginitian siya ng malapad at mababakas ang labis na saya sa mukha nito.
“Ang galing mo naman anak, talagang proud na proud ako sa iyo” ang naluluha na sabi ng kanyang tatay kay Arthur.
“Napaka swerte nyo po tatay Jose sa anak ninyo na si Arthur, gwapo na matalino pa” ang nakangiting sagot ni Nikita sa kanyang tatay na diretso nitong tiningnan ang ama sa mga mata nito habang nakikipag-usap ito. Napasulyap siya sa kanyang nobya na nakaupo sa kanyang tabi sa kanyang kaliwa. Nanatili lang na walang kubo ito at nakaismid, para bang hindi ito interisado na makinig o makihalo sa pinag-uusapan nila. Batid niya na, may nasasabi si Claire sa kanyang kapatid, lalo pa at gusto nito na hayaan ng magbanat ng buto si Arthur at huwag ng mag-aral para makatulong sa kanya.
“Talaga? Gwapo ako?” ang kinikilig naman na tanong ng kapatid niya kay Nikita.
“Oo naman, matalino pa” ang natatawang sagot ni Nikita. Kumunot muli ang kanyang noo, alam ba ni Nikita na may gusto si Arthur dito? Nakikipaglandian ba si Nikita sa kapatid niyang napakalayo ng agwat ng edad nila? Ang ngitngit ng kalooban ni Antonio habang pinagmamasdan niya si Arthur na ipinaglagay ng pizza ang plato ni Nikita. Isang thank you naman ang lumabas sa mga labi ni Nikita at abot hanggang magkabilang tenga ang ngiti ng kapatid.
Halos nanahimik na lang sila ni Claire at hindi na rin siya masyado na nakakain habang ang mga magulang niya ay masaya na kakwentuhan si Nikita at ang kapatid niya. Okey lang sana ang lahat para sa kanya, natutuwa siya na makita ang kanyang mga magulang na masaya, na may mga malalapad na ngiti sa mga labi ng mga ito. Ang marinig niya ang mga boses nito na puno ng buhay na nagkukwento at ang mga halakhak ng mga ito na musika sa kanyang mga tenga.
Pero nanatili na tahimik ang kanyang mga labi, dahil sa ayaw naman niyang maout of place si Claire na hindi na maipinta ang mukha. Kaya kahit pa gusto niyang sumali sa usapan, ay nanatili na tikom na lamang ang kanyang bibig. Ni hindi na nga niya nakuhang kumain at tuluyan ng nawala ang gana niyang kumain.
At hindi lang iyun, hindi niya alam kung bakit ang naramdaman niya noong magkatabi sina Lino at Nikita ay naramdaman na naman niyang muli at sa kanyang kapatid.
Pinanuod niya kasi kung paano inaasikaso ni Arthur si Nikita, kulang na lang ay subuan niya ito. At ang mga tingin nito kay Nikita na halos matunaw na ang babaeng katabi ng kanyang kapatid. Si Nikita naman ay gumaganti ng malapad at matamis na ngiti kay Arthur, kaya ang kapatid niya ay lalo na yatang kinikilig, ang inis na sabi ni Antonio sa kanyang sarili.
Hindi niya iyun nagugustuhan, ayaw niya na magkalapit ng husto ang kanyang kapatid at si Nikita. Prinoprotektahan niya lang ang kanyang kapatid. Ayaw niyang mahulog ng husto ang damdamin ni Arthur kay Nikita at pagkatapos ay hindi naman kaya ibalik ni Nikita ang pag-ibig ni Arthur.
Natapos na ang hapunan na hindi man lang nagalaw ang binili nilang manok ni Claire, tinulungan ni Arthur si Nikita na maglinis ng lamesa habang ang nanay niya naman ang nagtimpla ng kanilang kape para isabay sa pagkain nila ng cake na bili ng kapatid.
“Uuwi na ako” ang malakas na sabi ni Claire at nakasimangot ito na tumayo at padabog na naglakad patungo sa may pintuan, kaya naman siya ay tumayo na rin at humabol sa kanyang nobya.
Naiwan nila sa lamesa ang mga nagtataka na mukha ng kanyang mga magulang at ganun na rin nina Nikita at Arthur, pero hindi na siya nagsalita at tumakbo na siya palabas para habulin si Claire na pasakay na sa sasakyan nito.
“Claire sandali, ihahatid kita” ang sabi niya kay Claire na pasakay na sa driver’s side. Nakabukas na ang pinto nito at akmang papasok na ng mahabol niya ito.
“Hindi na Antonio, dito ka na lang at makipaghuntahan sa malanding babaeng iyun! Pinapunta mo ako rito tapos, binalewala ako ng pamilya mo?” ang panunumbat ni Claire sa kanya. Na hindi naman niya masagot ito na, ito mismo ang ayaw na makihalubilo sa kanyang pamilya.
“Bakit ba kasi hinayaan mo na mag stay yung Nikita na iyun? Hindi ba dapat, para sa atin ang gabi na ito?” ang panunumbat ni Claire sa kanya, nakakunot na ang noo nito na nakatuon ang mga mata sa kanya.
Napailing at buntong hininga siya, “Claire, hindi ko alam na darating si Nikita, at saka, narinig mo naman ang sinabi niya kanina, pinuntahan siya ni Arthur? Bisita siya ni Arthur, hindi ako” ang paliwanag niya kay Claire at hinawakan pa niya ang braso nito na nakahawak sa pinto ng sasakyan.
“Isa pa yang kapatid mo, mapapel talaga may pa celebration pang nalalaman wala naman pera” ang inis na sagot sa kanya ni Claire.
“Claire naman” ang tanging naisagot niya, hindi niya masagot ang kanyang nobya, dahil ayaw niyang mag-away silang dalawa.
“Kapag nakita ko pa ang pagmumukha ng babaeng iyan, dito o kahit sa carwash at pasunod-sunod sa iyo, magbi break na tayo Anton!” ang galit na banta ni Claire sa kanya, sabay alis nito sa kanyang kamay na nakahawak sa braso nito at mabilis itong sumakay ng sasakyan.
“Claire, ihahatid na kita” ang sabi niya kay Claire mula sa bintana.
“Uuwi ako mag-isa, at alam mo na ang dapat mong gawin Anton” ang banta ni Claire sa kanya at pinaandar na nito ang sasakyan habang nakasunod ang mga mata niya.
Napapikit siya at napahilamos ang kaliwang palad sa kanyang mukha at saka niya ibinuga ang isang hininga habang nakapamewang at natuon ang kanyang mga mata sa kanilang bahay. Nanlaki ang butas ng kanyang ilong at tumikom ang kanyang mga labi at mabibigat ang kanyang mga hakbang pabalik ng kanilang bahay.
Pagpasok niya ay hinihiwa na ng kanyang nanay ang cake at nakangiti ito na nakipagkwentuhan kay Nikita.
“Nikita!” ang malakas at galit na pagtawag niya sa pangalan nito at lumingon ito sa kanya na may ngiti pa rin sa mga labi nito.
“Talaga bang hindi mo ako tatantanan?!” ang galit na tanong niya kay Nikita na kumunot ang noo at napasulyap sa kanyang nanay at tatay ang mga mata nito sa likod ng salamin.
“Ano bang sinasabi mo?” ang takang tanong ni Nikita sa kanya.
“Kuya?”
“Antonio?” ang mga sambit ng kanyang mga magulang at kapatid na nagulat sa kanyang sinabi.
“Hindi ba sinabi ko na sa iyo na hindi ako interisado sa trabaho na inaaalok mo? At hindi ba sinabi ko rin sa iyo na huwag ka ng pupunta rito dahil sa ibinibigay mong gulo sa amin ni Claire?” ang galit na tanong at panunumbat niya.
“Antonio, I was”-
“Oo inimbitahan ka ng kapatid ko! At kinuha mo naman ang oportunidad para mapuntahan mo ako ulit at kulitin mo at pestehin ang buhay ko! Dahil sa iyo, nagkakalabuan na kami ni Claire! Kaya pwede ba! Huwag ka ng bumalik dito! At huwag ka ng magpakita sa akin! Dahil hindi ako interisado sa inaaalok mong trabaho! Kaya tantanan mo na ako!” ang sigaw niya.
“Antonio!” ang pasigaw na saway ng tatay niya sa kanya.
Nakita niya na nanlaki ang mga mata ni Nikita at napayuko ito sandali saka nito tiningnan ang kanyang mga magulang. Tumayo na ito at pilit na ngumiti, sa kanyang mga magulang at Arthur.
“Nikita?”ang sambit ni Arthur na tumayo na rin at nakita niya ang hinanakit sa mga mata ng kapatid.
“Arthur, uhm, late na rin kasi, kailangan ko ng umuwi, pasensiya ka na ha kung di ko matitikman ang cake na binili mo, sa susunod na lang, I’ll treat you, outside na lang siguro” ang malumanay na sabi nito kaya Arthur.
“Uhm, nanay Lita at Tatay Jose marami pong salamat nag-enjoy po talaga ako ngayong gabi salamat po, dadalaw na lang po ako ulit kapag di na ako abala” ang nakangiting sabi ni Nikita sa kanyang mga magulang ngunit sa kabila ng ngiti nito at alam ni Antonio na nagtitimpi ito ng masidhing damdamin.
“Nikita, sandali” ang pakiusap ng kanyang kapatid.
“Arthur, congrats ulit ha, galingan mo pa, napaka swerte ng mga magulang mo sa iyo, natutuwa akong makilala ka at salamat sa pag-imbita mo sa akin” ang sabi nito sa kapatid.
At tumayo naman ito sa kanyang harapan at siya naman ang kinausap nito. At habang nakatayo si Nikita sa kanyang harapan at masilayan niyang muli ang mga pekas nito sa mukha na nagdagdag sa kagandahan nito, at muli na namang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
“Nikita, pasensiya”-
“No it’s okey, totoo naman ang sinabi mo na talagang kinukulit kita para sa trabaho na inaaalok ko sa iyo, and I’m truly sorry kung, nagkaroon kayo ng misunderstanding ng girlfriend mo, hindi ko sinasadya, and, pangako, hindi na kita guguluhin, siguro nga nasobrahan ako ng pangungulit sa iyo, kaya, ito na ang huling pagkakataon na makikita mo ako, and, I’m sorry kung I made Claire uncomfortable, hindi ko na kasalanan kung punong-puno ng kaartehan at insecurity sa katawan ang girlfriend mo, try mo kayang sabunin at sprayan ng tubig sa carwash ng luminis ang ugali” ang huling sinabi ni Nikita sa kanya bago ito mabilis na naglakad patungo sa pinto, hinila iyun pabukas at humakbang ito palabas ng bahay.
“Bakit mo nagawa iyun?!” ang galit na tanong ni Arthur sa kanya at sinalubong niya ang galit sa mga mata ng kapatid.
“Arthur” ang saway naman ng tatay niya sa kapatid.
“Bisita ko siya kuya! Ako ba binastos ko si Claire kapag nandito siya sa bahay? Hindi! Dahil iginagalang kita, kahit pa alam ko na ayaw sa akin ng girlfriend mo, hindi ko siya binastos! Pero ang bisita ko pinagsalitaan mo ng masakit kahit wala naman kasalanan si Nikita” ang sumbat ni Arthur sa kanya.
“Arthur tigilan mo na ang nararamdaman mo kay Nikita” ang giit niya sa kapatid.
“Kahit pa may gusto ako o kaibigan ko lang si Nikita, wala ka pa rin karapatan na bastusin ang kaibigan o minamahal ko na babae” ang sagot ni Arthur sa kanya.
“Matutulog na po ako nanay, tatay” ang mabilis na sabi ni Arthur sa mga magulang niya at mabilis itong naglakad papasok ng kanilang kwarto.
“Anak?” ang tanging tanong ng kanyang nanay sa kanya, ngunit tumungo na lamang siya at naglakad siya patungo sa pinto at hinila niya iyun. Lumabas muna siya para magpahangin sa labas at ng malinawan ang kanyang isip at damdamin, sa mga gumugulo sa kanya ng mga sandali na iyun.
****“Arthur?” ang mahinang pagtawag niya sa pangalan ng kapatid. Nasa loob na sila ng kanilang maliit na silid, patay na rin ang ilaw pero aninag niya na nakahiga ito patagilid sa folding bed at nakatalikod sa kanya.
“Arthur” ang muling pagtawag niya sa pangalan nito ngunit hindi ito sumagot.
“Patawad sa nagawa ko, hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng emosyon ko kanina, pakiusap Arthur, makuha mo sanang patawarin ako” ang mahinang pagka usap niya sa kapatid na nanatili na tahimik at nakatalikod sa kanya.
At napabuntong-hininga na lamang siya at napapikit. At nang maalala niya ang kanyang mga sinabi kanina kay Nikita, ay may gumuhit na kirot sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...