Chapter 18

1.3K 81 310
                                    

Nauna na siyang umalis sa shop at muli niyang iniwan si Ginger para ito na ang magsara ng boutique. Kailangan pa kasi niya munang dumaan ng supermarket para mamili ng stocks niya sa bahay. She seldom eat outside, mas gusto niyang magluto na lang sa bahay dahil mas nakakatipid siya. Ang lulutuin niya na ulam ay halos dalawang araw niyang uulamin. She splurged on coffee, that’s one of a few vices in her life, coffee and motchi ice cream. She loves them at ayaw niyang nauubusan siya ng stock sa kanyang freezer.
At dahil sa may kalayuan ang bahay niya sa kanyang boutique ay sinuong na naman niya ang mabigat na traffic, and she already expected it dahil na rin sa rush hour. Kailangan niya lang na makahabol bago magsara ang supermarket.
Kapag nakalipat na siya sa Southern Italian Hotel, ay thirty minutes drive away na lang siya mula sa kanyang bahay. Actually, sa bahay ng kanyang mama ang kanyang bahay na iyun, na minana din ng mama niya sa kanyang mga mga magulang so technically, bahay iyun ng mga lolo at lola niya, ang sabi ni Nikita sa sarili.
May kalumaan man ay nagawa na niyang paunti-unti na irenovate ang loob ng bahay. Hindi niya kasi kaya gastusan ang total renovation ng bahay kahit pa nangangailangan na rin ito.
At kahit pa puro malulungkot na ala-ala ang mayron sa bahay niyang iyun, tulad ng pag-alis ng kanyang papa na hindi na bumalik, ang kanyang mama na lumaban sa sakit, at ang pagsasama nila ni Leo na nauwi rin lang sa panloloko nito at hiwalayan, ay hindi niya iiwan ang bahay.
Muling sumagi sa isip niya ang mga nangyari kanina. Ang pag-uusap nila ni atty. Lipon. Inisip niya kung sino ba ang pwedeng mag-iwan ng trust fund sa kanyang mama. Isa raw businessman ito na pumanaw na ilang taon na ang nakalipas.
Wala naman siyang maisip na ibang magbibigay ng trust fund sa kanyang mama at sa kanya kundi ang kanyang papa. Wala na siyang matandaan sa kanyang papa, dahil sa nang lumaki siya ay hindi rin naman na binanggit ng kanyang mama ang tungkol dito. At siya naman ay wala ng interest na malaman kung sino ang kanyang papa. Lalo pa nang mapagtanto niya, na hindi nitong pinagamit sa kanya ang apelyido nito. Oo, isa siyang Valderama, at gamit niya ang apelyido ng kanyang mama, kaya wala siyang middle initial sa kanyang birth certificate. At nang magkaisip na siya at napagtanto na niya ito, ay mas lalo na siyang nawalan ng interest sa ama na nang-iwan sa kanila at hindi man lang siya kinilala.
Kung sa kanyang papa man nanggaling ang trust fund ay wala siyang balak na gamitin ito. Hahayaan niyang mabulok ang checkbook at ang pera sa bangko.
At sigurado siya na kahit pa noong panahon na maysakit ang mama niya at lumaban sa cancer ay hindi niya iyun gagamitin. Kahit na nagkanda utang sila at kumayod siya para pantustos sa sarili niyang pag-aaral at pambayad sa kanilang mga utang ay titiisin niya, wag lang niya gamitin ang perang sa tingin niya ay galing sa lalaking iniwan sila at ngayon ay nakonsensiya.

Ilang oras din ang binuno ni Nikita sa traffic at sa haba ng pila sa supermarket ng isang malaking mall na madadaanan niya pauwi sa kanyang bahay. At maya-maya lang ay madaraanan na rin niya ang kahabaan ng mga night club. Isang street ito na halos puro mga clubs at bars. Kahit pa madalas siyang dumaan roon ay ni minsan ay di pa siya nagawi o nakapasok man lamang sa isa sa mga club doon na may mga nagkikislapan na mga ilaw.
Gusto man niyang iwasan na dumaan doon dahil na rin sa dami ng mga taong naglalakad at tumatawid na lang na akala mo ba ay sa mga party o club goers ang kahabaan ng kalsada at walang pakundangan sa pagtawid at pag-atras o abante ng mga sasakyan ng mga ito para makapag park ng mga sasakyan, ay doon pa rin siya dumaraan at iyun lamang kasi ang maikli at mabilis na ruta pauwi sa kaniyang bahay. Kung iikot pa siya ay dagdag na ilang minuto pa iyun sa kanyang travel time and she’s so tired at gusto na niyang makapag-shower at magkape at kumain ng motchi ice cream.
Iniliko niya ang kanyang sasakyan patungo sa Quinto Street at bumungad na nga sa kanyang mga mata ang maliliwanag na mga ilaw at nagkikislapan na mga signs na pang-akit sa mga parokyano na gustong uminom at magpalipas ng oras. Mabuti na lamang at hindi pa Friday or weekend, dahil iyun ang mga araw na kasagsagan at karamihan ng mga tao sa lugar na iyun.
She bit her tounge, as she tried to control her temper, for her to keep calm and cool, because she didn’t want to have a shouting match with an inconsiderate driver, tulad ng nangyari dati.
Hinayaan niyang makaraan muna ang isang sasakyan kahit pa wala itong pakundangan na lumiko sa kanyang harapan para magpark sa isa sa mga club doon. She drove as patiently as she could, hanggang sa natanaw na niya ang dulo ng kalsada palabas sa major road at ilang minuto na lang ay nasa bahay na siya.
Kumunot ang kanyang noo ng may makita siyang kumpol ng mga tao, actually, nasa kabilang side lang ng kalsada ang mga tao at nakatanaw sa kabila na tila ba may pinapanuod. Kumunot ang kanyang noo.
“Ano na naman ba ang ini usyoso ng mga ito?” ang malakas na tanong niya sa sarili, at bumusina pa siya para tumabi ang ilang on lookers na nasa kalsada na. Nang tumabi ang mga ito ay pinagpatuloy niya ang kanyang pagdidrive, at nang lumingon siya sa kabila para tingan kung anong tinitingnan ng mga ito ay may nakita siyang tatlong lalaki. May ginugulpi ang mga ito, obviously, magkasama ang dalawa, dahil sa ang isang lalaki ay panay ang suntok sa kawawang lalaki na nakalupaypay na habang hawak ito sa braso ng isa pang lalaki na nasa likuran nito.
Huh, mga lasing na siguro at nagtitrip na, ang sabi ng isipan niya, pero habang papalapit ay napansin niya na pamilyar ang mukha ng lalaking ginugulpi. Kahit pa duguan na ang mukha nito ay agad na rumehistro sa kanya ang pagkakakilanlan nito. At nanlaki ang kanyang mga mata at nakaramdam siya ng panlalamig.
“Arthur?!” ang malakas na sigaw niya mula sa loob ng kanyang sasakyan. Kailangan niya itong matulungan, ang mabilis na sabi ng kanyang isipan kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso. Mabilis na umapak ang kanyang paa sa break, at nag-isip siya ng pwede niyang gamitin at naalala niya ang kanyang body spray na binili sa drugstore. Agad niyang kinuha ang kanyang bag at dinukot ang spray sa loob, saka siya mabilis na lumabas ng kanyang sasakyan at iniwan niya iyun sa gitna ng kalsada at nakarinig siya ng mga pagbusina pero wala siyang pakialam. Ang nasa isip niya ay ang mailigtas si Arthur.
Muntik pa siyang mabangga ng sasakyan na kasalubong, mabuti na lang at huminto ito, kahit pa sumigaw ang driver na galit na galit sa kanya at minura pa siya. Kung dati iyun na nangyari ay baka nakipag palitan na rin siya ng mga mura at sigaw pero ang atensyon niya ay na kay Arthur na hindi na halos gumagalaw.
“Hey!” ang malakas na sigaw niya at humarap ang lalaking sumusuntok at hinintay talaga niyang humarap ito sa kanya at siya ay makalapit at inisprayan niya ng body spray ang mukha nito at napapikit ito at napahiyaw sa hapdi.
“Ahhh!” ang hiyaw nito at inilapat nito ang mga palad sa mga matang nag-init na parang apoy sa hapdi.
“Ay p*tang!” ang sigaw ng lalaking may hawak kay Arthur na mabilis nitong binitiwan para lapitan ang kasama nitong nakaluhod sa gilid ng kalsada habang sapo ang mga mata nito.
“Sige subukan mo lumapit sa akin, kaya kitang pagbagsakin sa isang suntok lang! Marunong ako ng martial arts” ang pagsisinungaling niya habang nakatututok ang nozzle ng kanyang body spray sa lalaki.
“T*ng na! Jiro! Tulungan mo muna ako! Ang hapdi ng mata ko!” ang sigaw ng lalaki sa kasamahan nito. Mabilis itong lumapit at inalalayan ang kaibigan at naglakad palayo sa kanila. Saka naman niya nilapitan ang wala ng malay na si Arthur na nakahandusay sa pavement.
“Arthur? Arthur? Si Nikita ito!” ang malakas na sabi niya rito habang hinahaplos niya ang noo nito.
“Ughhh, uhh ihhh tta” ang mga ungol na lumabas sa sarado nitong mga labi.
“Tulong! Please! Kailangan ko siyang maisakay sa kotse!” ang sigaw niya at lumabas ang driver ng kasunod niyang sasakyan na naipit sa traffic gawa ng sasakyan niyang nakahinto sa gitna ng kalsada. Patakbo na lumapit ito sa kanila.
“Kilala mo ba siya?” ang tanong ng driver sa kanya habang marahan nitong iniangat si Arthur, habang hawak ito sa braso.
Mabilis siyang tumango, “oo kaibigan ko siya” ang mabilis niyang sagot at inalalayan nila si Arthur na hindi na makatayo.
“Hindi na siya makatayo, buhatin na natin siya ako dito sa itaas ikaw sa mga binti niya” ang sabi ng nagmagandang loob na driver na kanina lang ay minura rin siya. Nang makita sila ng ibang nanunuod kanina, na hirap silang buhatin si Arthur ay lumapit na ang mga ito at tinulungan silang buhatin si Arthur patungo sa kanyang sasakyan. Huli man na ang pagtulong ng mga ito, ay naintindihan naman iyun, ni Nikita, dahil sa ayaw din naman ng mga ito na mapahamak.
Binuksan niya ang pinto ng backseat at kailangan na sumakay muna ng ilan sa umaakay kay Arthur sa loob para maipasok ito at maihiga sa may backseat. At nang maayos ng nakahiga si Arthur ay lumabas na ang mga ito ng kanyang sasakyan at isinara na niya ang pinto.
“Salamat!” ang malakas na sabi niya sa mga tumulong sa kanya.
“Sige bilisan mo miss, delikado lagay niya” ang sagot sa kanya ng driver at mabilis siyang tumango bilang sagot at sumakay na siya ng kanyang sasakyan at mabilis niyang pinaandar ito patungo sa pinakamalapit na hospital.
****

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon