"Ano bang pinagsasasabi mo?" ang gulat na tanong ni Antonio sa kanyang kapatid na nakahiga sa folding bed na nasa tabi lang ng kanyang kutson.
"Alam mo naman kuya kung ano, hindi ba naramdaman mo rin naman ito kay Claire bago mo ito niligawan? Yung bumilis ang tibok ng puso mo nang unang namalas ang ganda nito ng iyong mga mata?" ang tila ba makata na pagsasalita ng kanyang kapatid, kaya mas lalo pang kumunot ang noo niya sa kanyang mga narinig sa bibig ng kapatid.
"Naramdaman ko ito kanina kuya nang makita ko si Nikita" ang malumanay na pagsasalita ni Arthur at narinig pa niya ang buntong hininga nito.
"Crush lang iyang nararamdaman mo Arthur, saka, mas matanda sa iyo si Nikita, siguro ay nasa treinta anyos na rin ito, ikaw, bente uno ka pa lang, kaya magtigil ka nga" ang paliwanag at saway niya sa kapatid.
"Pero kuya yung iba nga, halos ilang taon ang agwat ng edad ng babae sa lalaki pero nagkakatuluyan naman" ang giit ni Arthur sa kanya.
"HINDI PWEDE" ang mariin na sabihan niya sa kapatid, hindi bagay sina Arthur at Nikita, hindi lang agwat sa edad ang maayos sa dalawa kundi na rin ang agwat ng buhay nila.
"Bakit hindi? Dahil lang sa edad?" ang di makapaniwala na tanong ni Arthur sa kanya, "hindi na issue ang edad ngayon" ang dugtong pa niya.
Napabuntong-hininga siya, ngayon lang niya narinig na magmatigas ang kapatid, at dahil pa sa isang babae.
"Arthur, hindi lang sa edad, napakalayo ng agwat ninyo sa buhay, mayaman siya at ikaw, estudyante ka pa lang, ni wala ka pang napapatunayan sa buhay mo, habang siya ay, successful na sa buhay" ang paliwanag niya sa kapatid.
Dama niya sa dilim na gumalaw ang kanyang kapatid sa pagkakahiga. Maaring tumagilid ito paharap sa kanya.
"Bakit, kayo ni Claire? Hindi ba at mayaman sila? Bakit mo siya niligawan kung malayo ang agwat ng pamumuhay ninyo? At saka kuya, ilang taon na lang naman ay magtatapos na ako, at pagbubutihan ko sa school at ipapasa ko ang board exam para maging ganap na akong engineer, tapos liligawan ko na siya, oh pwede naman na simulan ko na siyang ligawan para mahulog na ang loob niya sa akin" ang saad ni Arthur sa kanya.
Napapikit ang mga mata ni Antonio ng mahigpit, at napangiwi siya, "Arthur, matanda na ako, nasa tamang edad na, hindi katulad mo na bata pa, pakiusap, unahin mo muna ang pag-aaral mo, bago ang ligaw ligaw na yan" ang mariin na sabi niya kay Arthur at narinig niya ang buntong hininga nito.
"Gawin mo na lamang siyang inspirasyon sa pag-aaral mo, pero tandaan mo, na, kung hindi ka man niya magustuhan, kung may magustuhan man na iba si Nikita, ay huwag kang madidepres Arthur, ikaw lang ang tanging pangarap namin nina nanay at tatay, ikaw, ang makapagtapos ka" ang paliwanag niya sa kapatid at narinig niya ang isang malalim na hininga na ibinuga nito.
"Pangako kuya, magtatapos ako ng pag-aaral" ang pangako nito sa kanya, "uh kuya, yung ipinagpaalam ko po sa iyo?"ang tanong ni Arthur sa kanya.
Napabuntong-hininga siya at nagpalatak siya ng dila, "hindi ko pa napag-isipan Arthur" ang totoong sagot niya, dahil sa hanggang sa mga sandali na iyun. Ang babaeng gumugulo sa isip at puso ng kapatid, ay siya ring gumugulo sa kanyang puso at isipan.
****
"O anak, papasok ka na?" ang tanong sa kanya ng kanyang nanay pagkalabas niya ng kanyang kwarto kinabukasan ng umaga. Dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng kape saka siya naupo sa may silya sa harap ng lamesa na kainan.
"Opo nanay" ang matipid niyang sagot sabay ngiti niya, at napansin niya na wala ang kanyang tatay sa may paborito na pwesto nito sa umaga ang upuan na kawayan.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...