Chapter 38

1.3K 93 135
                                    

Laking pasalamat ni Nikita at hindi nakaapekto ang nangyari sa club sa kanyang brand at ganun na rin sa brand  ni Teri na sa tingin niya ay nandamay lang sa prank ng taong gustong  guluhin siya , at mukhang sinabi ni Teri na damage control ay naging epektibo. Nakausap na rin niya sina Jessie at Franco at wala raw nakita silang dahilan na involve ang operator na sinadya nito ang video, mukhang wala raw talagang kinalaman ito. Ibig sabihin lang ay kasama nila sa loob ng club ang naglagay ng USB na iyun.
Pero kahit ang mga taga-serve ng foods and drinks, ay walang alam sa tinutukoy na USB at alam naman nila na hopeless ang pagtatanong ng mga ito. Sino ba ang aamin sa isang kasalanan na ginawa?
Mabuti  na lang at nasa tabi niya si Antonio, dahil naging sandigan niya ito. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung wala ito sa kanyang tabi ng mga panahon na iyun.
At dahil na nga sa magandang feedback nong fashion show ay mas dumami ang clients nila, at mas naging kilala si Antonio, alam niya na hindi na niya maiwasan iyun, dahil sa naging mas maganda at mas malawak ang exposure ni Antonio.
Halos araw-araw ay may Appointment ito para sa paggawa ng mga commercials at pictorials sa mga magazine. Teri again asked for Antonio to pose for her department stores ads, and he was paid a big sum of pesos, para sa talent fee nito. Kaya naman ang pinapangarap nito na bahay ay malapit na nitong mabili para sa pamilya ni Antonio.
Ang binili ni Antonio para sa sarili ay isang motorsiklo, matagal na nitong gusto na makabili ng sarili nitong motorsiklo para hindi na ito mahirapan na bumiyahe sa mga pupuntahan nito.
At siya naman ay may mga araw o umaga na nakaka ramdam ng bigat ng pangangatawan. May mga umaga na paggising niya ay antok na antok pa rin siya, kaya may mga araw na late na siyang nakapapasok sa boutique.
Tulad nang umaga na iyun, kanina pa siya gising, nang maramdaman niya na bumangon na si Antonio, at mukhang may lakad na naman ito nung araw na iyun.
Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo, nakapikit ang kanyang mga mata habang nakadapa siya sa kama at nakapailalim ang kanyang mga braso sa ilalim ng unan kung saan naman nakapatong ang kanyang ulo. At isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi  niya nang marinig niya na bumukas na ang pinto ng banyo at naamoy niya ang powdery scent ng sabon nito.
Gustong-gusto niya ang amoy ni Antonio, hinahanap-hanap niya ito, sa sobrang pagkagusto nga niya ng amoy nito ay inilagay niya sa kanyang bag ang isang gamit nitong t-shirt at kapag palagi niyang inaamoy iyun.
Naadik na nga yata siya rito, ang sabi ng isipan niya habang mas lumapad ang mga ngiti niya nang maramdaman niya ito na naupo sa gilid ng kama sa kanyang  tabi.
“Anong nginingitingiti mo?” ang bulong nito sa kanyang  tenga, and she started to squirm when his tongue started, skimming her right earlobe.
“Aahantonio!” ang nakikiliting sambit niya, “nakikiliti ako” ang natatawang sabi niya.
“Hindi yata iyun ang gusto kong marinig, gusto ko nalilibu”-
Bigla siyang dumilat at pumuhit ang katawan niya, mula sa pagkakadapa niya ay nakaharap na siya kay Antonio at inilapat niya ang kanyang kanan na palad para takpan ang bibig nito. Kasabay ng malakas niyang paghalakhak.
“Antonio! Magtigil ka nga! Puyat na puyat na ako, lagi na lang akong inaantok sa boutique, baka mamaya makatulugan ko ang mga tinatahi ko!” ang natatawang pagtutol niya.
“Ay!” ang hiyaw niya ng mabilis na alisin ni Antonio ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig nito. Saka ito umakyat ng kama para tabihan siyang muli.
Ikinulong siya nito sa mga malalaki nitong bisig at niyakap siya ng mahigpit. Saka nito paulit-ulit na hinagkan ang kanyang mga labi.
“I love you – I love you – I love you” ang sambit ni Antonio sa pagitan ng mga halik.
“I love you Antonio Alimbuyugin” ang nakangiting bulong niya sa mga labi nito habang nakapako ang kanilang mga mata.
“Ako na yata ang pinakamaligayang tao sa buong mundo” ang sagot ni Antonio sa kanya.
“Ako rin Antonio, pinadama mo sa akin kung paanong maging masaya muli” ang sinserong sabi niya kay Antonio. Gusto niya, gusto na niyang maging parte na si Antonio ng kanyang buhay, bilang asawa nito, pero, may isang parte ng pagkatao niya na natatakot pa sa kasal.
“Mas magiging masaya na sana ako kung, magiging misis Nikita Alimbuyugin ka na” ang giit nito sa kanya.
Hinaplos ng kanyang kanan na palad ang pisngi nito, at malapad siyang ngumiti, “bigyan mo pa sana ako ng kaunti pang panahon Antonio, kaunti pa” ang pakiusap niya rito.
Tumangu-tango si Antonio at ngumiti ng may kalungkutan, “sana, ang kaunting panahon na iyun ay dumating na Nikita, mahal na mahal kita at a yaw kong mawala ka sa akin” ang sagot ni Antonio sa kanya.
Umiling siya, “Hindi ako mawawala sa iyo Antonio, kasal man tayo o hindi” ang pangako niya rito, at muling naglapat ang kanilang mga labi para sa isang matamis na halik.
“Nikita, sana, nakilala ko man lang ang mommy mo” ang malungkot na sabi ni Antonio sa kanya habang magkayakap sila sa ibabaw ng kama.
“Iyun din ang gusto ko Antonio, nanghihinayang ako at hindi ka niya nakilala, sigurado na matutuwa si mommy para sa atin” ang masayang sagot niya.
“Katulad mo rin ba siya Nikita? Ipinakita mo na ang mga litrato niya sa akin at kamukhang – kamukha mo siya Nikita” ang tanong ni Antonio sa kanya.
Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Nikita, “katulad ko rin siya Antonio, halos pareho ang naging buhay namin” ang masaya ngunit may bahid na lungkot na sagot ni Nikita at pilit niyang itinago ang lungkot sa boses niya.
“Isa rin siyang, fashion designer, at nagtrabaho rin siya sa department store na pag-aari ni Teri, daddy pa ni Teri ang namamahala noon sa kumpanya nang magtrabaho si mommy doon” ang sagot niya.
“Tapos, naging designer ka rin at doon ka rin nagsimula hindi ba?” ang tanong ni Antonio sa kanya, “pareho kayong nagtrabaho sa iisang kumpanya” saad ni Antonio.
“Oo, naging employer ko ang daddy ni Teri, si Mr. Nikolei Buenaventura, nang mamatay siya, si Teri na ang nagtake – over sa kumapanya” ang sagot niya kay Antonio habang hinihimas ng kanyang mga palad ang dibdib nito.
“Ang daddy mo?” ang tanong ni Antonio sa kanya, hinuli nito ang  isa niyang kamay  para ilapit sa mga labi nito at saka nito hinagkan isa-isa ang kanyang  mga daliri.
“Uhm, maliit pa ako nang maghiwalay sila ni mommy” ang malungkot na sagot niya, “wala akong natatandaan sa hitsura niya basta ang natandaan ko lang ay ang huling halik nito sa aking pisngi at ang imahe nito na nakatalikod at naglalakad papalayo” ang malungkot niyang paglalahad kay Antonio.
“Pareho pala sila ng naging kapalaran ni nanay, si nanay naman ay niloko ng lalaking, alam mo na sa hitsura ko, isang sundalong foreigner, at dahil sa kahihiyan ay umalis siya sa kanilang bahay at nangibang bayan at doon niya nakilala ang tatay na tinanggap siya ng buong – buo” ang kwento ni Antonio.
Biglang napaisip si Nikita, mukhang may common denominator silang tatlo ng kanyang mommy at nanay ni Antonio. Pare-pareho silang iniwan ng lalaki.
“Pero, hindi ko gagawin sa iyo yun, Nikita, hinding – hindi ko gagawin ang ginawa ng aking ama, hinding-hindi kita lolokohin” ang pangako ni Antonio sa kanya. At muling naglapat ang kanilang mga labi, puso, at katawan.
******

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon