Chapter 49

1.2K 91 90
                                    

Abot tenga ang ngiti ni Nikita habang nakaupo siya sa passenger seat sa loob ng sasakyan ni Ginger. Pagkatapos ng test na isinagawa sa kanya sa hospital ay nanumbalik na nga ang pakiramdam o nabuhay nang muli ang kanyang mga ugat sa kanyang kanan na braso.


Bumabalik na ang lahat sa kanya, una ang kanyang mga braso, susunod na ang kanyang pagdidisenyo at maibabalik na niyang muli ang kanyang brand, muli niyang maibabalik ang Bewitched sa dating estado nito. Hindi na siya naghahangad ngayon na maging kilala nang husto ang kanyang brand. Ang unang misyon niya ay ang maisalba niya mula sa pagkakalugmok ang kanyang brand.


"Ma'am, ang ganda po ng ngiti ninyo" ang masayang sabi ni Ginger sa kanya at napasulyap siya kay Ginger na nagmamaneho.


"Oo, Ginger, kasi" huminga siya ng malalim, "parang muli akong hinila paitaas mula sa aking pagkakalugmok" ang nakangiti pero naluluha na sagot niya kay Ginger.


After undergoing a major heartache, nito lamang nakaraan na araw ay mukhang bumabawi ang Diyos sa kanya. Tumigil na ang mga pranks at panggugulo sa kanya, na konektado kay Owen, marahil siguro sa nabuko na niya si Franco, ang sabi niya sa sarili.


Siguro, hindi lang talaga siya swerte sa pag-ibig ang malungkot na sabi ng kanyang isipan. At muling sumagi ang kanyang isipan kay Antonio, siguro, kasama na nito ngayon si Lily, masaya na siguro ang dalawa na iyun na magkasama ang malungkot at masakit na bulong ng kanyang puso.


"Ma'am, may goodnews kayo ngayon, baka naman?" ang hiling ni Ginger sa kanya.


Kunot noo naman na natuon ang kanyang atensyon kay Ginger na sumulyap din sa kanya.


"Gusto mo bang i-treat kita?" ang nangingiting tanong niya rito.


Umiling si Ginger at natawa nang bahagya sa kanyang sinabi, "hindi ma'am, ako magtreat sa inyo" ang sagot ni Ginger sa kanya.


Kumunot naman ng husto ang kanyang noo at may pagtataka na tiningnan niya si Ginger.


"Oh-key" ang natatawang sagot niya, "saan mo naman ako ititreat?" ang tanong niya sa kanyang assistant nang matagal na panahon.


"Sa mall ma'am, gusto kitang ibili ng maternity dress, o kahit anong damit na pangbuntis" ang sagot ni Ginger sa kanya.


"naku Ginger, marami pa akong damit saka pwede naman akong magtahi ng sarili kong damit" ang natatawang sagot niya kay Ginger.


"Oo nga ano? Pero kahit na po ma'am sige na kahit isang damit lang, alam mo naman, feelingera po ako, gusto ko talagang magka-anak ng sarili ko, alam mo yun ma'am yung mafeel na magjuntis, kaso" napabuntong - hininga ito "waley akong matres ma'am, nag balak na rin kami na mag-amon ng jowa ko noon, kaso" sandali itong huminto "iniwan na ako nito" ang malungkot pa na dugtong nito.


Isang malungkot na ngiti rin ang iginawad niya kay Ginger, mukhang pareho lang sila nang tadhana ni Ginger pagdating sa buhay pag-ibig.


Tatanggihan pa ba niya si Ginger? Samantalang ito lamang ang naging matibay sa kanyang tabi? Ang tanong niya sa kanyang sarili.


"Sige na nga, pero, isang damit lang ha?" ang giit niya kay Ginger.


"Oo ma'am, tapos kain tayo" ang sagot ni Ginger sa kanya. Tumangu-tango na lang siya at ngumiti kay Ginger, saka niya Sinapo ng kanyang kaliwa na palad ang kanyang maliit na umbok sa kanyang tiyan.


Hindi pa pala siya nakapagpa- ultrasound, ang sabi ng kanyang isipan, naalala niya ang sinabi ng doctor kanina sa kanya nang sabihin nga nito na bumalik na ang oandamdam ng kanyang kanan na barso at kamay.

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon