Chapter 30

1.5K 87 41
                                    

Kung minura siguro siya ni Teri baka nakasagot siya agad with matching sampal sa magkabilang pisngi nito. Pero, natigilan siya at natameme nang marinig niya ang mga lumabas na salita sa bibig nito.
“Collab? As in collaboration? You and me?” she asked surprised and she didn’t care if she sounded stupid on Teri’s ear.
“Yes, collaboration” ang mariin na sagot nito sa kanya.
She scoffed and shook her head, “why the hell will I do that?” ang di-makapaniwala niyang tanong kay Teri.
“Ano ito? Joined forces ng exes?” ang pang-aasar pa niyang tanong, “at saka, lingerie and underwears ang brand ko, while yours were”-
“High-end fashion clothes, that’s right” ang dugtong nito sa kanyang sinabi.
“So? Why are you asking me for a collab?” ang takang tanong niya, “bakit? Hindi na ba mabenta ang mga designs mo? Katulad ng designs ko noon sa company ng daddy mo?” ang pang-iinsulto niya rito.
“It’s my company now” ang mariin na sagot ni Teri sa kanya.
“Yup, its your company, pero hindi ikaw ang nagpasimula nito, mukhang, tadhana mo na talaga ang tumanggap ng hand-me-downs” ang pang-iinsulto niya pa rin kay Teri, na hindi umimik and obviously, she wanted to be calm and cool sa mga pang-iinsulto niya. Mukhang malaki ang pangangailangan nito sa kanya dahil kahit na insultuhin niya ito ay balewala lang para rito o tinitiis lang nito.
“Pakinggan mo muna sana ang offer ko Nikita, we’ll both benefit from it” ang giit ni Teri sa kanya. Kahit pa ayaw niyang pakinggan ito, her interest was piqued by her perseverance.
“Alright” ang matipid niyang sagot saka niya hinigop ang kanyang kape.
“Let’s have a collaboration ng catalogue and fashion show” ang diretsahan na sagot ni Teri sa kanya, “it will features my collection and yours, of course, yung latest na collection mo, at hindi na ang summer collection na nailaunch mo na, walang sapawan na mangyayari, dahil magkaiba ang mga brands natin” ang paliwanag ni Teri sa kanya.
“So? Ano naman ang magiging benefit ko sa collaboration mo? Unti-unti nang nakikilala ang brand ko, why would I need a collaboration?” ang hamon niya kay Teri while she lifted an eyebrow at her.
“Dahil may weakness ka, at ako, na kapag nagsama tayo ay saka lang mapupunan” ang sagot ni Teri sa kanya.
“At ano naman ang weakness ko Teri? Lalaki? Matagal na akong nagbago malamang sa iyo yun” ang sagot niya.
“No, Nikita, resources ang weakness mo and I’m not talking about money, it’s the publicity, mas kailangan mo pa ng exposure, para mas makilala ang brand mo, I have the resources, may mga kilala ako sa media, mga columnists, fashion editors, not only locally but a few in Asia, at isipin mo na lang ang exposure na makukuha mo kapag pumayag ka sa collab, siguradong pag-uusapan ka at tayong dalawa” ang giit ni Teri sa kanya.
What Teri was offering was a piece of decadent chocolate cake, napakasarap nito at talagang nakakangilo sa tamis. Totoo ang sinabi nito na, mahina siya pagdating sa exposure niya at kinakailangan pa niyang gumastos ng malaki para sa campaign.
Si Antonio ang nakikilala at hila-hila na lamang nito ang kanyang brand, na dapat ay baligtad. Dapat ang Bewitched ang magpapakilala kay Antonio.
Kailangan nga niya ng exposures in every platform, para mas lalo pa siyang makilala. Yun ang kahinaan niya na kayang ibigay ni Teri dahil sa status nito. Pero, hindi pa niya alam kung anong hihingin ni Teri, imposible na wala itong gusto na makuha na kapalit sa kanya.
“You keep pointing that to me, na para bang ako lang ang may malaking pangangailangan, obviously mas malaki ang kailangan mo sa akin, dahil nandito ka ngayon, so anong kapalit para sa mga sinasabi mong exposures na kaya mong ibigay sa akin?” ang hamon niya kay Teri habang nakapako ang kanilang mga paningin.
“Your model” ang diretsahan na sagot nito sa kanya at napakapit ng mahigpit ang kanyang mga kamay sa hawak niyang tasa sa ibabaw ng lamesa. Kailangan pa niyang pigilan ang sarili na huwag isaboy ang laman ng tasa niya sa magandang mukha ni Teri.
“Huh, sinasabi ko na nga ba, lalaki pa rin ang habol mo” and she spat on her when she recovered her voice, from being surprised.
“It’s not like Leo, Nikita, hindi ko kailangan si? Antonio Alimbuyugin? Para sa personal kong buhay, I’m through chasing men now, I really need your model, para isuot ang latest collections ko” ang giit ni Teri sa kanya.
“I don’t believe you” ang mariin niyang sagot dito at isang matalim na tingin ang ibinigay niya kay Teri.
“Believe anything you want Nikita, I can’t force you to believe me, and I won’t blame you for that, I know I have wronged you in the past, pero sana, let’s bury the hatchet, its been years ago, huwag natin hayaan na ang iisang lalaki na parehong nanloko sa atin ay ibaon tayo sa nakaraan, let’s help each other, let’s push each other to the top, tulad mo, mas priority ko na ngayon ang business ko. I’ll be chasing my dream to be on the top of the fashion industry, rather than chasing dicks like I used to do” she stated to her.
Ayaw man tanggapin ni Nikita pero malaki ang punto ni Teri, parang katulad lang din nila ni Antonio. She helped him, by him helping her also. At mukhang sa collaboration na ito, ganun din ang gustong mangyari ni Teri. But, she still has this doubts, an old scar na kahit pa matagal na ngang naghilom ang mga sugat sa kanya ay nag-iwan naman ito nang mga peklat sa kanyang pagkatao at sa kanyang puso. And that was the reason why it made her hard to trust anyone, again.
At mukhang nabasa ni Teri ang kanyang pananahimik ng mga sandali na iyun.
“You don’t have to worry Nikita, wala akong karapatan sa model mo, ni hindi ko siya lalagyan ng label bilang mukha ng brand ko, all I’m asking is for him to wear my brand, my collection para sa collaboration natin na catalogue and then para sa fashion show na gagawin natin” ang giit ni Teri sa kanya.
Hindi mabigat ang hinihingi nito, magsusuot lang si Antonio ng mga designs ni Teri, bilang isang pangakaraniwan na model, at hindi bilang exclusive na model ng Psyche, mananatili si Antonio na mukha ng Bewitched.
“Just think of it Nikita, this unexpecting collaboration will rattle the fashion industry here in the Philippines, and soon, the popularity of your brand will expand, not only here in the country, but think about Hong Kong? Singapore? Thailand?” ang pangungumbinsi pa sa kanya ni Teri.
Ang mga lugar na nabanggit ni Teri ay napasok na ng brand nito, samantalang ang sa kanya ay dito pa lang sa metro unti-unti na nakikilala, it would be a big leap for her, for her name, career and brand name, but she has to take the risk, para mangyari iyun, she said to herself. She watched Teri held her coffee cup with her beautiful manicured hands, before she lifted the cup to her red lips and gently sipped her coffee.
“You know, mas malaki pa nga ang talo mo sa paglalagay kay Antonio sa mga TV commercials, yes, kumita ka with a percentage, pero, nakilala ba ang brand mo? No, mas nakilala ang produkto at si Antonio, samantalang ang Bewitched ay biglang nawala sa litrato” Teri pointed that out to her.
“But with our collaboration? You’ll be introducing your brand, a lot more this time, dahil sa mga media and fashion icons and writers, even vloggers na pwede kong imbitahan sa show and they will definitely talk about your brand Nikita, and not the model, well, of course mapag-uusapan nga ang model mo na si Antonio, but, as the face of Bewitched, ikaw pa rin ang nasa limelight, ikaw pa rin ang makikilala” ang giit pa ni Teri sa kanya.
“Why do you keep on suggesting, that everything is for my benefit, parang ikaw wala? And that’s very suspicious” ang diretsahang saad niya rito.
“Kilala na ang brand ko Nikita, not only here but abroad, but, as I’ve told you what I really need right now, is for your model to wear my collection. Yun lang, sa catalogue at sa fashion show, I have to be honest Nikita, malakas ang dating ng male model mo, kaya nga nagustuhan ko siya na isuot ang mga bago kong designs, sa tingin ko, siya lang ang makapagbibigay ng hustisya sa mga gawa ko” ang sagot ni Teri sa kanya.
She didn’t answer and she just looked at Teri across the table, she’s a bit older than her, but still she’s extremely beautiful. And talented too, magaganda rin naman ang mga designs nito. Naalala niya noong nagtatrabaho pa siya sa department store ng daddy nito, si Teri ang kakompitensya niya pagdating sa mga designs ng damit, pero, mas napipili ang mga gawa niya ng father nito at nang creative department. At bilang isang designer you have that feeling, yung hinahanap mo ang model na tanging makapagsusuot ng mga disenyo mo? Kaya nga matagal bago niya nailabas ang collection niya, nang makita na niya si Antonio. At mukhang ganun din ang nangyari kay Teri.
“I’m going to think about it” ang mabilis niyang sagot kay Teri na mukhang nabuhayan ng loob sa kanyang sagot. It only means na nakuha nito ang kanyang interest.
“I’ll wait for your call Nikita, and I hope it will be the soonest? Para pumasok sa parehong schedule natin, at hindi tayo sumabay sa mga launch ng ibang brand, mas maganda yung mauna tayo, at kung mangyayari ito, tayo pa lang ang unang gagawa nito Nikita, well make history in the fashion industry” ang giit ni Teri sa kanya sabay tayo nito mula sa siyang kinauupuan nito.
“Bye Nikita” ang huling sabi ni Teri sa kanya bago pa ito naglakad paalis at naiwan siyang nakaupo na may malaking desisyon na kailangan niyang pag-isipan nang mabuti.
****
“Beep! Beep!” ang tunog ng busina ng kanyang sasakyan, sinilip niya si Antonio mula sa nakabukas na bintana ng kanyang sasakyan.
Halos patakbo na lumapit si Antonio sa kanyang sasakyan, umikot ito sa kabila para buksan ang passenger’s door at mabilis itong sumakay sa loob.
“Nanay! Tay! Mauna na kami!” ang malakas na pamamaalam niya sa mga magulang ni Antonio na abala sa harapan ng bahay nito dahil sa mga bumibili ng lutong ulam.
“Sige mga anak! Ingat kayo!” ang malakas din na sagot ni nanay Lita sa kanya.
“Anak ka na rin ni nanay” ang nakangiting sagot ni Antonio sa kanya, dama niya ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa pag-iinit ng mga ito.
“Bakit kaya?” ang dugtong pa na tanong ni Antonio sa kanya, at nang napasulyap siya rito ay bumati sa kanya ang nakakaloko na ngiti nito sa kanya. Halos maningkit ang mga asul-berde nitong mga mata sa kanya at ang ngiti sa mga labi nito ng hanggang tenga, at kahit pa sinisigaw ng kanyang isipan na huwag siyang mahuhulog dito, ay iba naman ang nadarama ng puso niya.
“Ewan ko sa’yo” ang tanging sagot niya kay Antonio. Pero sa halip na maasar ay lalo pang lumapad ang ngiti sa kanya ni Antonio.
“Saan tayo pupunta ngayon?” ang masayang tanong sa kanya ni Antonio, pero hindi niya muna ito sinagot.
“Nakita mo na yung magazine na ipinadala sa iyo?” ang tanong niya rito, at saka naging malikot ang mga mata niya sa kalsada.
“Oo, bakit ipinadala mo lang sa akin, hindi mo dinala ng personal?” ang tanong ni Antonio sa kanya na may bahid na pagtatampo sa boses nito.
“Hindi ako messenger” ang inis na sagot niya, which she regretted, ang inis niya sa sarili dahil sa pag-aalburuto ng puso niya ay kay Antonio niya inilalabas.
Napabuntong-hininga siya, “I’m sorry” ang mahinang sabi niya rito, saka niya iniliko ang sasakyan sa kaliwa para sa U-turn.
“Okey lang, kahit anong sabihin mo sa akin, kahit na sigawan o pagagalitan mo ako, hindi ko  magagawa na magalit o magtampo sa iyo” ang mahinang sabi ni Antonio sa kanya na nagpalambot na naman ng kanyang puso para rito.
The walls  that she tried to built between them, crumbles everytime his soft warm voice, caresses her heart. At unti-unti na naman siyang bumibigay.
“I’m sorry, naging abala lang talaga ako sa shop may mga designs kasi ako na kailangan kong tapusin” ang malumanay nang sagot dito.
“Kaya pala, baka naman pinapagod mo na ng husto ang sarili mo” ang sagot ni Antonio sa kanya na puno nang pag-aalala. Please don’t care? Please huwag kang maging sweet! Ang sigaw ng  isipan niya, para kay Antonio.
“Saan tayo pupunta ngayon?” ang muling tanong ni Antonio sa kanya.
“Susukatan ka para sa mga damit na isusuot mo” ang matipid na sagot niya.
“Damit? Gumagawa ka na rin ba ng damit ngayon?” ang gulat na tanong ni Antonio sa kanya.
“Hindi sa iba” ang matipid na sagot niya.
“Oo nga pala, magpalinis ka ng ngipin mo bukas or mamaya, samahan na lang kita sa dentist ko” ang sabi niya kay Antonio na kumunot ang noo dahil sa pagtataka.
“Bakit?” ang takang tanong ni Antonio  sa kanya, pumihit pa ang katawan nito sa upuan para humarap sa kanya.
“Gagawa ka ng commercial ng toothpaste” ang sagot niya rito na at nang napasulyap siya kay Antonio ay kita niya ang gulat sa mukha nito.
“Ha, totoo ba?” ang di-makapaniwala na tanong ni Antonio sa kanya.
“Oo, kasama ito sa one year contract mo, una yung shampoo now yung toothpaste, next yung do-spray na nila, three products lang ang pinirmahan natin na contract sa kanila, kapag magdadagdag sila ng product, bago bayad nila sa iyo yun” ang paliwanag niya.
“Grabe na ang laki ng ipinagbago ng buhay ko Nikita, at lahat ay dahil sa iyo” ang sagot nito sa kanya.
Hindi siya sumagot, ni hindi na rin siya sumulyap dito, nanatili ang atensyon niya sa kanyang harapan sa kalsada na kanilang binabagtas.
“Oo nga pala, Nikita, ginawa ko yung sinabi mo, nagtingin na ako ng mga bahay, kaya ko ng bayaran yung downpayment kaso, kaso mabigat pa rin pala ang monthly” ang saad sa kanya ni Antonio.
“Kaya naisip ko na maghahanap na lang ako ng mga pre-owned na mga bahay, sa labas pa rin ng Maynila, mag-iipon muna ako, para ma bayaran ko ng cash, mas mura kasi kapag pre-owned” ang dugtong ni Antonio.
“Gustong mo bang mag loan sa akin ng pera?” ang alok niya rito. Ayaw niya naman kasi sabihin na bibigyan niya ito ng pera, dahil sa alam niya na tatanggihan iyun ni Antonio. May natitira pang pera sa trust fund ng kanyang mama na wala siyang balak na gamitin para sa sarili niya mas gusto pa niyang itulong na lang iyun.
“Ay, hindi na Nikita, makakaipon din ako, malakas naman ang tinda ni nanay sa harap ng bahay na inuupahan namin” ang pagtanggi ni Antonio sa kanya.
“Gusto ko yung pinag-ipunan ko ang ipambibili ko ng bahay namin” ang sagot ni Antonio sa kanya.
“Kung iyan ang gusto mo, hayaan mo baka next year makabili ka na ng sarili mong bahay at lupa” ang sagot niya kay Antonio. At alam niya na hindi na iyun malayong mangyari dahil sa marami nang nakakapansin kay Antonio.
Narating nila ang office ni Teri, ang three story building nito sa metro, dito rin ang ginagawa ang mga designs ng high-end na clothing brand nito na Psyche. Maliban sa Psyche, may isa pang clothing brand si Teri at iyun ay ang clothing brand na nakapangalan din sa department store ng daddy nito na dati niyang pinasukan, ang Posh clothing brand.
Malapad ang mga ngiti ni Teri nang salubungin sila nito at kitang-kita sa mga mata nito ang labis na paghanga kay Antonio.
“Hi!” ang magiliw na bati ni Teri kay Antonio, tumayo ito mula sa upuan at naglakad palapit sa kanila para salubungin sila ni Antonio.
“You must be Antonio?” ang masayang tanong nito kay Antonio na agad naman na inabot ang kamay nito para makipag-handshake.
“Uh opo, Antonio Alimbuyugin” ang magalang na sagot ni Antonio rito.
Bahagyang natawa si Teri, “please huwag mo akong i-po, tumatanda ako” ang natatawang sagot nito.
“Uhm, Nikita? Naexplain mo na ba sa kanya ang lahat?” ang tanong ni Teri sa kanya
“Uh, hindi pa” ang sagot niya kay Teri, and all of a sudden she’s not feeling good, para bang hinalukay ang kanyang sikmura, the moment she saw Teri and Antonio’s hands clasped for a handshake, parang nag flashback ang lahat sa kanya. Noong araw na unang nagkakilala sina Leo at Teri, at ang nasaksihan din niya na handshake ng mga ito.
That handshake, was the start of Leo’s career sa bilang endorser ng brand ng department store ni Teri nang magtake – over na ito sa kumpanya, little did she know, na ang handshake na iyun ang pagtatapos din ng relasyon nila ni Leo. And now, she’s got that feeling again, that feeling of dejavu.






Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon