“What the fuck is that!” ang hiyaw ni Teri, at galit itong naglakad patungo sa likuran na bahagi ng club kung saan naroon ang operator ng video na nag play sa led screen.
Dinig ang mga gulat na salita na namutawi sa mga labi ng mga bisita sa club. Habang patuloy pa rin na naka—flash sa screen ang imahe ni Owen na nakaupo at laylay ang ulo, mapula ang paligid ng bibig.
Agad na niyakap ni Antonio si Nikita na tuluyan nang nanlambot sa kanyang mga bisig. Para itong nalusaw na kandila sa kanyang mga bisig. May ulirat ito, ngunit wala ng lakas ang katawan nito para tumayo.
“Nikita!” ang nag-aalala na sambit ni Ginger rito at mabilis na humakbang palapit si Ginger kay Nikita.
“Paupuin mo muna siya” ang utos ni Franco sa kanya at binuhat niya si Nikita sa kanyang mga braso at binigyan daan naman sila ng mga bisita at binigyan si Nikita ng mauupuan sa isa sa mga sofa sa loob.
“Ginger, bantayan mo muna siya” ang bilin niya kay Ginger na mabilis na tumango at kasama nito si Jessie na may dala na bottled water.
Mabilis naman silang nagpunta ni Franco sa likuran na bahagi ng club kung saan nagpunta rin ang galit na galit na si Teri, at habang papalapit sila ay dinig pa nila ang malakas na boses nito na minumura na ang operator ng video at ang manager ng club.
“Sino ang nag-utos sa iyo na gawin ito? Stupid! You ruined my night! My party! At dapat ito ang launch ng success ng Psyche! Ang panibagong pagsikat nito pero sinira mo! Tonto ka!” ang sigaw ni Teri.
“Teri, calm down” ang sabi ni Franco kay Teri, na kulang na lang yata ay umusok ang ilong nito sa galit.
Teri scoffed, “how can I calm down if this asshole, ruined my campaign! Hindi si Nikita ang nasira lang dito kundi ako rin!” ang sigaw ni Teri kay Franco.
“We saw that, okey? Kailangan lang natin na kausapin siya bago natin siya pagbintangan” ang giit ni Franco.
Napapikit si Teri at isang malalim na hininga ang pinakawalan nito saka ito naghalukipkip ng mga braso nito kasabay ng pagtango.
“Sino ang nag-utos sa iyo na ipalabas ang video na iyun?” ang tanong ni Franco sa lalaking operator na namumutla na.
“Sir, wala po, may naglagay po ng USB stick kanina rito sa ibabaw ng mesa. Tapos nakalagay sa isang plastic ang USB na may label na sweet and sultry campaign. Hindi ko na alam kung sino ang nag-iwan dito sa mesa ko. Basta po napansin ko na lang na nandiyan na iyan sa mesa ko kanina, nakalagay na iyan diyan” ang sagot nito sa kanila.
“Yes po ma’am at sirs, basically kasi, kapag may request ang clients, USB lang po ang ibinibigay sa amin na may labels, tapos ipinapatong na lang namin sa table niya, but this time hindi po ako ang naglagay sa table niya” ang paliwanag ng manager.
“Hindi ba’t delikado ang ginagawa ninyo? Hindi niyo muna tsini – check kung ano ang laman ng USB bago niyo iplay?” ang sabat na tanong ni Antonio.
“He’s right, that was very unprofessional” ang giit ni Teri.
“Sir, we don’t do this often, kadalasan lang namin ito na ginagawa ay kapag may mga private parties dito sa club, pero kapag regular operations ng club, hindi kami tumatanggap ng mga videos for playing” ang paliwanag ng manager sa kanya.
“Wala ba kayong cctv rito?” ang tanong ni Antonio, “para makita natin kung sino ang naglagay?” ang dugtong pa niya.
“Sir ang cctv po namin ay gumagana lang sa tuwing umaga at sarado ang club, hindi po kami kumukuha ng cctv sa operating hours kasi po para sa privacy ng mga kliyente namin” ang paliwanag ng manager.
“So pwede pala na may illegal nang nagaganap sa loob ng club pero hindi niyo alam o wala kayong balak na malaman” ang giit ni Antonio sa manager.
“Kadalasan kasi mga prominenteng pangalan ang nagpupunta sa club na ito Antonio, mga patago na nagpupunta sa club, they could be artists, politicians, and kung sino pa man ang gustong itago ang mga katauhan” ang paliwanag ni Franco sa kanya.
“Pero si Nikita ang naging biktima ng sinasabing privacy na iyan” ang galit na sagot niya kay Franco.
“Someone’s playing a prank at Nikita” ang sagot ni Franco.
“Well hindi lang si Nikita ang napaglaruan dito, ang galing talagang tumayming ng joker na iyun at itinaon pa na launch ng pareho naming brand” ang galit na sagot ni Teri.
“Paano mo nasabing wala kang kinalaman dito?” muling tanong ni Antonio sa lalaki.
“Sir, ito po yung plastic na pinaglagyan, ito po ang USB, bakit naman po ako gagawa ng ganyan na kalokohan kung ako po mismo ang unang suspect, dahil nga sa ako lang ang may control ng lumalabas sa screen, iyan pa nga po yung ibang mga USB na nakaline-up para iplay, puro ad campaign po ang nakalabel, Psyche at Bewitched.
“Yes I recognise my USB” ang sagot ni Franco na tinutukoy ay ang isa sa mga USB na nakalatag sa lamesa.
“Play something else, para makabawi ang party” ang utos ni Teri sa lalaki, “Hindi ka pa lusot dito, tonto ka, magtutuos pa tayo mamaya” ang galit na sabi ni Teri sa lalaki, bago ito tumalikod at naglakad ulit palabas para harapin ang mga bisita at humingi ng paumanhin.
Sumunod na rin sila ni Franco, mas importante si Nikita, nag-alala siya sa naging reaksyon nito. At nang naglalakad na siya palapit kay Nikita ay may humawak sa kanyang braso, para pigilan siya at paglingon niya ay bumungad ang mukha ni Lily. May hawak ito beer at nangingintab na ang mga mapupungay nitong mga mata.
“Sabi ko na sa iyo diba? Totoo yung kwento ko? Yung tungkol sa model” ang sabi ni Lily sa kanya.
“Lily lasing ka na yata, umuwi ka na” ang sagot niya rito at inalis niya ang kamay ni Lily sa kanyang braso.
“Hindi pa ako lasing magpaparty pa ako, ang dami kong nakilala na mga designers dito, this is my opportunity na maibook sa mga fashion show ng high-end na mga damit” ang nakangiting sagot ni Nikita sa kanya.
“Kung iyan ang gusto mo, sige na kailangan ako ni Nikita” ang giit niya rito. At mabilis niya itong tinalikuran para lapitan si Nikita na nagsimula nang lumuha.
“Nikita, uuwi na tayo, halika na” ang malumanay sa sabi ni Antonio kay Nikita na hindi na nagawa pang magsalita kundi ang tumangu-tango na lang.
“Nikita?” ang sambit naman ni Teri, “mabuti pa na magpahinga ka na, don’t worry I’ll take care of everything, walang makakalabas tungkol sa nangyari dito sa loob, kaya, kailangan kong gumawa ng damage control, para hindi masira pareho ang brand natin” ang paliwanag ni Teri kay Nikita.
“S-salamat” ang nanginginig na sagot ni Nikita na kanyang dahan-dahan na itinayo para alalayan ito palabas ng club. Kasunod nila sina Ginger, Jessie at Franco.
“Kami na ang magbabalik ng mga gamit sa shop Nikita, magpahinga ka na muna” ang sabi ni Ginger kay Nikita na wala ng kibo.
“I’m going to look into this Nikita, tutulungan ko si Teri na mag-imbestiga” ang panigurado ni Franco.
“Tulungan na kita Franco” ang sabat ni Jessi, “Sige na Antonio, iuwi mo na si Nikita, oh wait, kaya mo ba mag-drive?” ang tanong ni Jessie sa kanya.
“Oo, may lisensiya ako saka naging truck driver ako noon” ang sagot niya kay Jessie, na tumangu-tango sa sinabi niya.
Kinuha niya ang susi ng sasakyan ni Nikita sa loob ng bag nito at saka niya binuksan ang passenger’s door at inalalayan niya si Nikita papasok sa loob ng sasakyan. Marahan niyang isinara ang pinto at nagpaalam siya sa tatlo na nanatili na nakatayo sa tabi, at siya naman ang sumakay sa driver’s side.
Dahan-dahan niyang pinaandar ang sasakyan, papalayo sa lugar na iyun. Parang dinudurog ang kanyang puso ng mga sandali na iyun, dama niya ang kirot na gumuguhit sa kanyang dibdib. Hinayaan niya ang katahimikan na mmagitan sa kanilang dalawa habang binabagtas nila ang daan pauwi, tila wala sa sarili si Nikita.
Ang kani- kanina lamang na masaya at buhay na buhay na babaeng minamahal niya, at punong-puno ng saya ay naglahong bigla. Nakita niya ang pighati sa mga mata nito.
Pagkarating sa bahay ni Nikita ay tahimik pa rin ito, pero matiyaga niya itong inalalayan papasok ng bahay, patungo sa loob ng kwarto. Inalis niya ang suot nitong damit, hanggang sa tumambad sa kanya ang magandang kahubdan nito, dinala niya si Nikita sa loob ng banyo at pinaliguan niya ang katawan nito nang maligamgam na tubig na mula sa shower. Umaasa siyang matutulungan ng mainit-init na tubig na mahugasan ang sakit na nadarama ng puso ni Nikita. Pagkatapos maligo ay sinipilyuhan pa niya ito at doon na kumilos na mag-isa si Nikita.
“Kaya ko na Antonio” ang mahina na sabi ni Nikita sa kanya.
“Talaga ba?” ang mahina at malambing na tanong niya kay Nikita na nakasuot na ng robe. Pagkatapos niya itong paliguan.
Nikita was touched by Antonio’s actions, hindi niya alam kung anong gagawin niya ng mga sandali na iyun, si Antonio ang naging sandigan niya, at literal iyun. Wala na siyang lakas para kumilos pa, parang hinigop ang lahat ng lakas na mayron siya at naiwan niyang lahat iyun sa club.
Isang matipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya, at tiningnan niya ang mga kulay asul-dagat na mga mata ni Antonio.
“Oo kaya ko na” ang mahinang sagot niya at pilit niyang ngumiti para sa lalaking pinakamamahal niya. Kinabig siya nito para idikit sa malapad nitong dibdib, at saka siya binalot nito sa mahigpit nitong mga bisig. Naramdaman niya ang labi nito na paulit-ulit na dumampi sa ibabaw ng kanyang ulo.
“Hmmm, pero kanina hindi ka tumutol habang pinaliliguan kita, kunwari ka lang na hindi mo kayang maligo na mag-isa ano? Para matsansingan kita” ang biro ni Antonio sa kanya, gamit ang malambing na boses nito.
“Hayaan mo nga muna akong magsipilyo, Antonio” ang saway niya rito at pilit niya na pagaangin ang kanyang boses, sa kabila ng bigat na nadarama ng dibdib niya ng mga sandali na iyun.
“Sige, magsipilyo ka na at ako naman ang maliligo” ang sagot ni Antonio at muli siyang hinagkan nito, ngayon naman ay sa kanyang noo.
Pilit niyang ngumiti at tumangu-tango siya at sinundan ng kanyang mga mata si Antonio na naghubad ng mga suot nito at pumasok na ito sa loob ng shower.
Pagkatapos ay lumabas na siya ng banyo at nanlambot na naupo siya sa gilid ng kama. Alam niya na, Antonio was being discreet to her, kahit pa alam niya na nagtatanong din ang kalooban at kaisipan nito kung sino ang lalaki sa screen ng club at kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya at batid niya na kailangan na rin na malaman ni Antonio na siya ang naging dahilan, nang pagkawala ng isang buhay.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Antonio ng banyo, tanging boxers lang ang suot nito habang kinukuskos ng mga kamay nito ang basang buhok gamit ang hawak na tuwalya.
Isinabit nito ang tuwalya sa backrest ng silya na nakaharap sa vanity table at naupo na rin ito sa kanyang tabi.
Nanatili sila sa ganun na posisyon, magkatabi na nakaupo at kapwa pinakikiramdaman ang saloobin ng isa’t isa.
“Iniisip mo ba kung sino ang lalaki sa screen kanina?” ang tanong niya kay Antonio, diretso niyang tiningnan ang mga mata nito at umiwas ito ng tingin sa kanya. Saka ito tumangu-tango.
Napabuntong-hininga at binasa ng kanyang dila ang kanyang mga labi, bago siya nagsalita, at tumangu-tango siya.
“Siya si Owen, Owen Cuerdo, isa rin siyang model, nakilala ko siya sa isang go see, hindi man siya katulad mo Antonio, na sa una pa lamang ay nagustuhan ko na, si Owen ay, pursigido na maging modelo” ang panimula ni Nikita.
“Iyun ang nagustuhan ko sa kanya, at dahil sa nagsisimula palang na makilala ang brand ko, hindi ko pa kaya na kumuha ng mga kilala na modelo, I invested on him and made him the face of Bewitched men” ang kwento pa niya.
“Siya ang binigyan kong priority, siyempre at siya ang mukha ng brand name ko, pero hindi ko alam na unti-unti na niyang binigyan ng kulay ang mga ginawa ko para sa kanya” sandali siyang tumigil at huminga muna siya ng malalim bago siya nagpatuloy.
“I heard rumors already na ipinagkakalat ni Owen na may relasyon kami, una hindi ko muna iyun pinansin, hinayaan ko ang mga kwento na kumalat. Wala namang dahilan para mag-react ako, hindi ko na iyun pinatulan” ang saad pa niya.
“Hanggang sa parang apoy na pinabayaan ko ang lahat at lumaki na ang apoy. Kung anu-ano na ang mga lumabas na kwento, we’re having sex that we are living together and that we are going to get married soon” she sighed before she resumed talking.
“So I confronted him, wala namang problema kasi sa akin kung mild ang mga kwento, then sinabi niya na wala naman daw siyang ipinagkakalat na mga kwento, pero umamin na din siya ng nararamdaman niya para sa akin, at sinabi ko na wala akong gusto sa kanya at isang model lang ang turing ko rito”
“Pero nagpatuloy ang mga kwento, hanggang si Jessie na ang nagkompronta sa akin kung totoo ang mga kumakalat na kwento na may relasyon kami ni Owen na nagsasama na kami” ang saad ni Nikita.
“Bakit si Jessie ang nagkompronta sa iyo?” ang tanong ni Antonio sa kanya. Kita niya ang interest sa mga mata nito.
“Kaibigan ko si Jessie, silang dalawa ni Ginger ang mga nauna kong makatrabaho sa Bewitched, si Franco ay ilang taon ko pa lang na nakasama, pagkamatay siguro ni Owen” ang sagot niya.
“Jessie just wanted to know if the rumors were true, she’s concerned about me, because of my past uh, relationship” ang matipid niyang explanation, hindi niya kasi alam kung ipagtatapat na niya ang tungkol sa kanila ni Leo, na sa tingin naman niya ay hindi naman importante.
“Anyway, I denied everything dahil hindi naman talaga totoo, and I was so angry that moment may pictorial pa naman kami. Pinatawag ko muna siya sa loob ng isang kwarto at doon ko siya kinompronta, for the second time. Pero sa pagkakataon na iyun, ay hindi na niya itinanggi pa ang mga kwento, inamin niya ang lahat, and I was so mad at him” ang mariin na saad niya at muli niyang nadama ang galit niya ng mga panahon na iyun.
“Then all of a sudden, mabilis niya akong nilapitan at niyakap sa mga bisig nito at pilit niya akong hinalikan, niyakap niya ako ng mahigpit habang paulit-ulit niyang sinasabi na mahal niya ako” ang nanginginig na kwento niya at narinig niya na napamura si Antonio at napasulyap siya rito at nakita niya ang mga nakakuyom nitong mga kamay.
“I fought him of course, at nagawa kong makawala sa kanya, and I spat the words on his face na hindi ko siya mamahalin, na hinding-hindi ko siya mamahalin” ang saad niya.
“Humingi siya ng tawad sa mga nagawa niya sa akin nang sandali na iyun pero sobrang galit ko sa kanya, I have anger issues, hindi ko makontrol ang temper ko noon” ang pag-amin niya.
“At dahil na rin sa sobrang galit ko sa ginawa niya ay nabitawan ko ang mga salita na, kung iinom siya ng lason… baka…mapatawad ko siya.. At…. Baka….. magawa ko… siyang…. mahalin” ang paputol-putol niyang sabi, dahil na rin sa namuo na ang luha at matinding emosyon sa kanyang dibdib.
Mabilis na ikinulong siya ni Antonio sa mga bisig nito, at isinandal niya ang kanyang kaliwang pisngi sa dibdib nito, habang ang mga kamay naman ni Antonio ay nagtaas-baba sa kanyang ulo at likod.
“Kasalanan ko kung bakit siya namatay, kung, hindi ko siya inudyukan na patayin ang sarili nito baka sakali na buhay pa si Owen at baka walang isang ina na labis na nagdurusa ngayon nang dahil sa pagkamatay ng anak nito” ang lumuluha at puno ng hinanakit na saad niya, "ang sulat na nakuha sa tabi nito ay.. isinulat ni Owen ang mga salitang, sana ay makuha mo na akong mahalin, Nikita" ang lumuluhang saad niya.
“Shhh, Nikita” ang saway ni Antonio sa kanya, “huwag mong sabihin iyan hindi mo kasalanan ang lahat, hindi mo sinasadya ang mga nasabi mo, at alam ko na nagsisi ka sa mga nasabi mo” ang giit ni Antonio sa kanya.
“Magsisi man ako ay huli na ang lahat, hindi ko na maibabalik ang buhay ni Owen, at mukhang may gustong maghiganti sa akin sa mga nagawa ko” ang saad niya, "hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makita siya, sa burol niya, dahil pinagbawalan ako na pumunta, at kagabi, kagabi ko lang siya ulit nakita" ang dugtong pa niya.
“Hindi kita pababayaan Nikita, hindi ko hahayaan na may mangyari sa iyo” ang sagot ni Antonio sa kanya at hinayaan niyang dumaloy na muli ang luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...