Chapter 35

1.4K 86 90
                                    

Pagbukas ni Nikita ng pinto ng kanyang  opisina ay  bumangga siya sa dibdib ni Antonio na sakto naman na papasok sa loob ng opisina niya.
“Oh, OK ka lang?”  ang alalang tanong ni Antonio sa  kanya at hinawakan siya nito sa magkabila niyang balikat.
“Oh Antonio” ang sambit niya, at pilit niyang ngumiti rito.
“Nagmamadali  ka?” ang tanong nito sa kanya at nagtaas – baba ang mga palad nito sa kanyang mga braso.
“Uhm hindi naman” ang napapikit  niyang sagot kay Antonio, his touch really gave her body that tingling sensation, na gumagapang sa buo niyang katawan. And before they ended up, being inside and running their hands on each others body and they’ll start moaning and groaning, then she has to keep the distance between her and Antonio, for a few minutes.
“Antonio uhm, pwede bang ikaw na muna magbantay dito sa boutique, sa showroom I mean, mag-uusap lang kami ni Ginger” ang pakiusap ni Nikita na pilit na pinipigilan ang sarili na mahulog sa sensasyon na nadarama ng kanyang kamay, na dulot ng mga haplos ni Antonio.
“Oo naman, naipadala ko na pala yung mga orders ma’am, wala pa akong sweldo para ngayong araw” ang sagot nito sa kanya na nagpakunot ng kanyang noo.
“Sahod? Hindi naman arawan ang sweldo mo rito?” ang takang tanong niya kay Antonio, while she looked up to him.
He dipped his head, closer to her and he placed his lips on her left ear, before he whispered.
“Hindi naman pera ang tinutukoy ko” ang bulong nito sabay dila sa kanyang tenga, and she closed her eyes because of the electric sensations that flowed through her body.
“A-Antonio, W-wait, hah, we can do that later OK? Kailangan ko munang kausapin si Ginger” ang halos pabulong niyang sagot.
“OK, magtatrabaho muna ako para  double pay ako” ang muli nitong bulong sa kanyang tenga. He released his hands on her shoulders and she smiled weakly at him. At nang sumulyap siya kay Ginger ay nakita niyang nakatingin ito sa kanila na may pigil na ngiti sa mga labi nito. Mukhang natutuwa ito na makita sila ni Antonio na sweet ng mga sandali na iyun. Hindi na rin naman nila maitatago ni Antonio ang kanilang relasyon.
“Uhm, Ginger?!” ang malakas na pagtawag niya sa atensyon nito at mabilis naman ito na sumagot.
“Yes ma’am?” ang magiliw na sagot nito sa kanya na may malapad na ngiti sa mga labi nito.
“In my office please? Hayaan mo muna na si Antonio ang magbantay dito, may gusto lang akong itanong sa iyo” ang malumanay na sabi niya kay Ginger.
“Yes ma’am! Tonio, my labs ikaw muna rito sa pwesto ko ha? Pwede ba pati sa puso ko na rin?” ang biro pa nito kay Antonio.
Kumunot ang kanyang noo, kahit pa gusto niyang magalit kay Ginger, nang mga sandali na iyun ay na kukuha pa rin nito ang kiliti niya. And that minute she had to remind herself, that she’s going to reprimand Ginger and not to have a lively chat with her.
“Naku Ginger, bakit ngayon ka lang, may laman na ang puso ko” ang totoo, ngunit pabiro na sagot ni Antonio kay Ginger. Mas lalong kumunot ang noo niya sa palitan ng kulitan ng dalawa, na mas ikinainis  niya, hindi sa dalawa kundi sa sarili niya, dahil ang inis niya ng mga sandali na iyun ay unti-unting nalulusaw.
“Ahem” ang malakas na paglilinaw niya ng kanyang lalamunan at pinilit niyang  magmukhang galit at seryoso, tinaasan pa niya ng kilay si Antonio na mas lumapad pa ang ngiti sa kanya, kaya umiling na lang siya at tinalikuran niya ang mga ito. At saka siya pumasok sa loob ng kanyang opisina.
Naupo siya sa kanyang swivel chair na para sa kanya noon ay upuan niya para makapag-isip at makapag-trabaho pero ngayon, sa tuwing makikita niya ang kanyang swivel chair at working table, ay iba na ang pumapasok sa isipan niya, at ganun hindi na rin  niya alam kung makakain pa niya ang motchi ice-cream sa normal na  paraan at ang ibig niyang sabihin ay ang pagkain diretso sa bibig at hindi yung ipinapahid sa kung saan-saang parte ng katawan.
Pumasok na rin si Ginger sa loob ng kanyang opisina, at itinuro niya ang upuan sa harapan ng kanyang working table. Mabilis naman na naupo  si Ginger sa kanan na upuan na nakaharap sa kanya at hindi pa  rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito.
“You want coffee?” ang alok niya kay Ginger na mabilis na tumangu-tango at tumayo ito.
“Ikaw ma’am?” ang tanong nito sa kanya habang palapit ito sa sulok kung saan naroon ang mini ref and coffee maker nila.
“Yes please” ang matipid na sagot niya, kahit pa ayaw na niya uminom ng kape ay gusto niya na may hawakan ang kanyang mga kamay, habang kinakausap niya si Ginger.
Pinagmasdan niya si Ginger, matagal na itong nagtatrabaho sa kanya, halos kasing edad na nito ang kanyang Bewitched na brand  at ang unang boutique niya.
At sa tagal ng mga panahon na nagkasama sila, ay kailanman ay hindi ito gumawa ng ikasasama ng kanyang pangalan at ng kanyang brand. Naalala pa niya na nakasama niya si Ginger sa ups and downs ng Bewitched, noong panahon na halos wala silang benta at kailangan nilang magtipid, ni hindi muna nito  kinuha ang sahod nito ng isang buwan para lang may maipambayad sila sa upa at pambili ng materyales nila. Kaya, parang hirap siya na tanggapin na gagawin iyun ni Ginger, at handa siyang pakinggan ang paliwanag nito sa kanya.
Pinagmasdan niya ito na maingat na naglalakad palapit sa kanya dala ang dalawang mug nila na may lamang kape.
“Ito po maam” ang magiliw na sabi nito sa kanya, naupo ito sa silya na kanina lamang ay inokupahan nito.
“Thank you” ang matipid niyang sagot dito, nagsimula na silang humigop ng kanilang mga kape at sandali pang namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
“Kamusta po pala ma’am ang meeting ninyo kahapon?” ang nakangiti pang tanong nito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya sabay lapag niya sa lamesa ng kanyang mug, pagkatapos niyang uminom ng kape.
“I don’t know Ginger, why don’t you tell me, knowing that you erased the photos na laman ng USB and I think for the second time around” ang sagot niya kay Ginger.
Nanlaki ang mga mata sa kanya ni Ginger, “ma’am ano pong sinasabi ninyo?” ang gulat na tanong nito sa kanya, nanlaki ang mga mata nito na may false eyelashes, at napakurap pa  ito ng ilang beses.
“You know what I’m talking about Ginger, hindi ba nung una ay wala  ring laman na pictures yung files na I pinadala mo sa publishing company? And now napahiya ako sa harapan ni Teri, my God! Of all people kay Teri pa!” ang galit na sambit niya.
“Dahil sa walang laman na mga litrato ang USB, and that for the second time around, dahil naiwan ko ang USB rito, then I saw you, I reviewed the cctv cam  and saw you Teri, may kinausap ka muna sa phone, hindi ko alam kung may kinalaman ang tawag mo sa paglalagay mo ng USB sa laptop mo, at doon mo na ba binura ang files?” ang pagbibintang niya kay  Ginge.
“Ma’am opo, may tumawag po sa akin, si Jessie ang tumawag sa akin, tapos tinanong po niya ako kung ibinilin nyo sa akin ang USB para ako na ang magsend ng files kay Miss Teri, pero sabi ko  po wala kayong iniwan na USB sa aki”-
“Bakit? Ano ang kailangan ni Jessie sa USB?” ang putol na tanong niya  kay Ginger, at mas lalo na siyang nagtaka.
“May kailangan daw po siya na files na nakasave doon, yung backdrop daw po na ginawa niya, two years ago, kailangan daw  po kasi niya para sa backdrop na gagawin niya ngayon, tapos po ma’am nang makita ko nga ang USB sa table ninyo nang pumasok ako sa stockroom, kinuha ko po tapos i- sinend ko po yung files na hinihingi  niya, kung gusto po ninyo ma’am tingnan nyo po ang laptop para po makita ninyo, hindi ko po magagawa na burahin ang mga pictures ma’am wala po akong dahilan para gagawin po iyun sa inyo ma’am maniwala po kayo” ang  giit nito sa kanya.
“Then nagsisinungaling si Franco?” ang hamon niya kay Ginger her eyes were squinting at her,.
“Ma’am hindi ko po alam, hindi ko rin alam ma’am kung anong dahilan ni sir Franco para  gawin iyun, baka naman po nakalimutan lang niya ma’am, bakit naman gagawin ni Sir Franco sa inyo yun?” ang giit ni Ginger sa kanya.
“It’s either you and Franco ang gagawa niyun, dahil kayong dalawa lang ang may access sa USB” ang mariin na sagot niya kay Ginger.
Napayuko si Ginger at nakita niya na nangilid ang mga luha sa mga mata nito.
“Ma’am, handa po akong magbitiw ma’am sa trabaho ko kung wala na po kayong tiwala sa akin, alam  ko po na mahirap na sa inyo ang magtiwala, pero, wala po talaga akong ginawa na masama ma’am, pero  handa ko pong tanggapin ang sisi ma’am, handa ko pong akuin ang lahat” ang naluluha na sagot ni Ginger.
Napabuntong-hininga siya, alam niyang, mahirap na sa kanya ang magtiwala pero si Ginger ang unang nakakuha ng tiwala niya noong panahon na bumabangon siya.
Umiling siya, “no, hindi mo kailangan na umalis, nagtataka lang kasi ako kung bakit nangyayari ito ngayon, and I think na hindi coincidence ang nangyayari” ang giit niya kay Ginger.
“Ma’am dodoblehin ko po ang pag-iingat pangako po, I’ll double check everything ma’am , kung gusto po ninyo, para lang po maibalik ang tiwala ninyo sa akin” ang sagot nito sa kanya.
“Mahal na mahal ko po ang trabaho ko ma’am, hindi po ako gagawa ng ikasisira ninyo at nang Bewitched” ang sagot nito sa kanya.
Tumangu-tango siya at napabuntong-hininga, “Sige, pagbibigyan kita ulit, pero ayaw ko ng maulit ang lahat Ginger, dahil kapag naulit pa ito, kahit pa matagal ka na sa akin, kailangan  mong umalis” ang  mariin na paalala niya kay  Ginger na nagpakawala ng hininga ngg pagkaluwag ng loob nang sabihin niyang binibigyan niya pa ito ng isa at huling pagkakataon.
“Pangako po ma’am” ang mariin na sagot ni Ginger sa kanya.
“Oh siya, ayusin mo iyang mukha mo at mukha baka matanggal ang falsies mo” ang nakangiting sabi niya kay Ginger dahil sa nagsisimula ng matanggal ang false eyelashes nito, dahil sa luha nito.
“Para kang nanggaling sa away” ang biro niya pa rito.
“Oo nga po ma’am, buti pa kayo, sa tuwing lumalabas kayo ng opisina na kasama si Antonio, para kayong galing ng langit” ang nakangiting sagot nito sa kanya at hindi niya mapigilan na mag-init ang kanyang mga pisngi.
“Uhm sige na, baka malito na si Antonio doon sa labas at sa halip na umangat ang sales ay malugi tayo” ang sabi niya kay Ginger.
“Grabe ka ma’am  kay Antonio, ang galing kaya sa math nun, kahapon siya ang nag compute ni hindi gumamit ng calculator” ang sagot  sa kanya ni Ginger.
“Hindi iyun ang ibig kong sabihin, baka dinudumog na iyun at di mapansin na may nakasalisi na”  ang paliwanag niya kay Ginger sabay tayo niya sa kanyang upuan para samahan sa labas si Ginger.
“Ay tama kayo ma’am ang lakas ng hatak ni Antonio sa sales kapag nandito iyan, lalo na yung mga guests ng hotel sumasadya rito para mamili” ang sagot ni Ginger.
“May trabaho na pala si Antonio rito  sa boutique” ang nakangiting sagot niya.
“Opo ma’am, tagahatak ng mamimili” ang nakangiting sagot ni Ginger sa kanya. Binuksan ni Ginger ang pinto at sabay silang lumabas ng kanyang opisina. Pero natigilan siya nang makita niya si Antonio na kausap si Lily, nakatayo si Antonio sa likod ng cashier at si Lily ay nakaharap rito na may malapad na ngiti sa mga labi nito.
“Mukhang may nakasalisi nga” ang sabi ni Nikita na  hindi man lang bumuka ang bibig niya.
Napakagat-labi si Ginger na sumulyap sa kanya at nakita niya ang pag-aalangan sa  mga mat nito.
“Ahem! Nakakaistorbo ba? Kung gusto ninyong mag-usap na dalawa, pwede ninyong gawin sa labas yan, para wala kayong naiistorbo na mga customers ko rito sa loob ng shop” ang inis na sabi niya sa  mga ito.

Maraming naging customer si Antonio nang mga sandali na siya ang nagbantay sa may boutique. Mukhang may importanteng pinag-uusapan sina Nikita at Ginger. Masarap sa pakiramdam niya na nakatutulong siya sa negosyo ni Nikita, parang magkatuwang na talaga sila sa buhay.
Hindi na nabura ang ngiti sa mga labi niya, mamaya ay dadaan naman sila kina nanay para doon maghapunan. Hindi niya inakala na magiging ganito kasaya at kaganda ang buhay niya. Sa isang iglap lang ay umikot ang buhay niya.
Nang biglang bumukas ang pinto ng boutique at napasulyap siya sa pintuan, at nakita niya si Lily  na naglalakad sa kanya papalapit.
“Hi!” ang masayang bati nito sa kanya, at tulad ng dati ay maganda pa rin ito at sa seksing – seksi sa suot nitong sleeveless na shirt at hapit na maong na pantalon.
“Uy, Lily, napadalaw ka” ang bati niya kay Lily tumingin-tingin muna sa loob ng boutique bago ito naglakad papalapit sa kanya.
“Bakit? Hindi naman ako iba rito hindi ba at model din ako ng Bewitched?” ang malambing na tanong nito sa kanya at tinaasan pa siya nito ng kilay.
“Oo nga pala, anong sadya mo dumalaw ka lang ba?” ang tanong niya rito.
“Uhm, medyo, may may ka-meet lang ako kanina, malapit lang dito kaya  napadaan lang ako” ang sagot nito sa kanya at napasulyap ang mga mata nito sa loob ng shop.
“Hinahanap mo ba si Nikita?” ang tanong niya rito at sinundan niya ito ng tingin.
“Uh hindi, ikaw ang sadya ko, bakit ikaw ang nagbabantay  dito? Wala  ba si.. Ginger?” ang tanong nito sa  kanya.
“Uh, nasa loob kasama ni Nikita nag-uusap silang dalawa” ang sagot niya sa tanong nito.
“Talaga? Ikaw? Ang tagal na nating magkatrabaho, hindi mo pa ako niyayaya na magkape man lang” ang sabi ni Lily sa kanya na nakanguso pa ito at may bahid ng pagtatampo ang boses  nito.
Hindi naman minasama ni Antonio ang sinabi ni Lily, tutal katrabaho na rin naman niya ito, at wala naman na masama kung makasama niya ito sa pagkakape. Pero bilang respeto ay kailangan niya muna na magpaalam kay Nikita.
“OK lang Lily, pero, magpapaalam  muna ako kay Nikita”-
“Ahem! Nakakaistorbo ba? Kung gusto ninyong mag-usap na dalawa, pwede ninyong gawin sa labas yan, para wala kayong naiistorbo na mga customers ko rito sa loob ng shop” ang narinig nilang mga salita mula kay Nikita.
At mabilis na nabaling ang kanilang atensyon sa may harapan ng opisina ni Nikita nang marinig nila ni Lily ang boses nito  na halatang nagpipigil ng inis ng mga sandali na iyun.
“Uhm, Nikita, pwede ko na bang hiramin muna si Antonio? Magkakape lang kami, sabi niya kasi na magpapaalam lang muna siya sa iyo bilang boss namin” ang narinig niyang sagot ni Lily.
“Lily hindi ganun”-
“Sige pwede na kayong umalis na  dalawa” ang sagot at walang emosyon na sagot ni Nikita, ni ang mukha nito ay di makitaan ng emosyon kung galit ba ito o hindi.
“Uhm Nikita, kung ayaw mo hindi ako sasama” ang giit niya kay Nikita.
“Lily, ilabas mo na si Antonio magkape na kayo, Ginger? Walang mang-iistorbo sa akin sa loob okey? WALA” ang mariin pa na bilin nito kay Ginger na tumangu-tango nalang bilang sagot.
Mabilis siyang lumabas sa counter at naglakad siya papalapit kay Nikita pero mabilis itong pumasok sa loob ng opisina at malakas na isinara nito ang pinto.
“Nikita” ang malakas na tawag niya sa labas habang kinakatok niya ang pinto ng opisina ni Nikita.
“Halika na Antonio, pumayag na si Nikita” ang pagyaya ni Lily sa kanya at hinawakan pa nito ang kanyang kaliwang braso para marahan siyang hilahin nito.
“Lily”
“Antonio, kung ako sa iyo, huwag mo ng katukin si ma’am Nikita, kapag sinabi niya na walang mang-iistorbo sa kanya, ibig sabihin ay WALANG mang-iistorbo sa kanya” ang giit ni Ginger sa kanya.
“Ito kasing si Lily wrong timing ka talaga” ang inis pa na sabi ni Ginger kay Lily.
Napabuntong-hininga na lamang si Antonio habang nakatingin sa nakapinid na pinto ng opisina ni Nikita.
*****

Sandali lang sila na nawala ni Lily, halos thirty minutes lang sila na nawala sa boutique at nagamit pa iyun sa paglalakad nila ni Lily papunta sa malapit na coffee shop. At halos ilang minuto lang siyang nakaupo sa silya ng shop ay nagyaya na siya na umalis, o iniwan na niya si Lily sa coffee shop at nagmamadali na siyang naglakad pabalik, at Pagbalik nga niya ay kinatok niyang muli ang pinto ng opisina ni Nikita pero  nagulat siya sa sinabi ni Ginger na umalis na ito, pagkaalis nila ni Lily.
Naisip niyang magpunta sa bahay nila at nagbaka – sakali siya na nauna ng  magpunta si Nikita sa kanilang bahay, at para siyang nabunutan ng tinik ng maaabutan niya si Nikita sa kanilang bahay na kausap ang kanyang nanay habang magkatulong ang dalawa sa pagluluto sa kusina.
Halos tumakbo siya papalapit sa mga ito at mula sa likuran ay ikinulong niya si Nikita sa kanyang mga bisig.
“Akala ko iniwan mo na talaga ako” ang sabi niya kay Nikita habang paulit-ulit niyang hinagkan ang pisngi nito.
“Ahem!” ang malakas na paglilinaw ng lalamunan ni Arthur, “dahan-dahan naman at may nasasaktan dito” ang mariin na sabi pa nito.
Bahagyang natawa si Antonio sa sinabi ng kapatid at muli niyang hinalikan ang pisngi at ulo ni Nikita bago niya inalis ang pagkakayakap niya rito.
“Ikaw Antonio ha?” ang mariin na sabi ng kanyang nanay bago ito humarap sa kanya.
“Hmm, iwas-iwasan mo ang mga babaeng may pangalan na Lily” ang paalala ng nanay niya sa kanya na nakataas pa ang mga kilay sa kanya.
“Nanay wala naman po iyun kay Lily, ayaw ko naman po talaga na sumama run” ang sagot niya  sa ina.
“Hay naku, Nikita, masasaktan ka lang kay kuya, nandito naman ako” ang sabat ni Arthur na dinaan man sa biro ay alam niyang totoo ang nadarama ng kapatid kay Nikita.
“Oo nga ano, dapat pala ikaw na lang ang nanligaw sa akin” ang sagot naman ni Nikita, “age doesn’t matter naman” ang dugtong pa nito.
“Hindi pa naman kayo kasal Nikita, may pag-asa pa tayo” ang sagot ni Arthur rito.
“Oo nga Arthur mabuti na lang ay-ay!” ang hiyaw ni Nikita dahil binuhat na niya ito sa kanyang mga bisig.
“Antonio! Ibaba mo ako! Nakakahiya!” ang hiyaw ni Nikita.
“Akin si Nikita, sinigurado ko na iyun at sisiguraduhin ko ulit” ang mariin na sabi niya saka niya binitbit si Nikita papasok sa kanyang kwarto at nilock niya ang pinto.
******

Dumampi sa labi nito ang kristal na baso na naglalaman ng kulay ginto na likido, sinimsim nito ang alak at nilasahan ng dila nito, hanggang sa dumaloy ang init mula sa bibig at dumaloy pababa sa lalamunan at gumuhit ang init na dala ng scotch hanggang sa sikmura.
“It’s about time to avenge your death” ang mga salita ng namutawi sa mga labi nito, saka pinasadahan ng mga daliri nito ang isang imahe na nasa litrato.
“She’s going to pay, I’ll make her suffer, tulad ng ginawa niya sa atin” ang pangako nito na punong-puno ng poot.



Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon