Chapter 2

2K 92 43
                                    

“Alimbuyugin!” ang malakas na pagtawag sa kanya ng kasamahan niya sa trabaho. Kababa lang niya sa motorsiklo na pinagamit sa kanya ng kanyang boss.
“Bilisan mo! Sunod ka na sa taas” ang malakas pang bilin nito sa kanya at tumangu-tango na lamang siya bilang sagot.
Isa siyang messenger, sa isang law firm, halos limang taon na siyang nagtatrabaho sa maliit na law firm na iyun. Maliit man ang sahod, ang importante, may trabaho siya na pagkukunan niya ng ipapakain sa apat na mga bibig.
Inalis niya ang suot niyang helmet, at isiniwalat nito ang kulay golden brown niyang buhok. Inalis niya ang susi ng motor sa ignition at inalis niya ang pagkakasaklang ng isa niyang hita sa motorsiklo. Tumayo muna siya sa tabi nito para kuhain ang mga papeles sa loob ng top box ng gamit niyang motorsiklo.
Pagkatapos ay naglakad na siya papasok sa glass doors ng building kung saan nasa pangalawang floor ang opisina ng kanyang boss na matandang abugado. Sa halip na gamitin niya ang elevator, ay ginamit niya ang hagdan. Gusto niyang mabatak muna ang mga litid at kalamnan ng kanyang mahahabang hita at binti.
Medyo may kataasan kasi siya, ang taas kasi niya ay six five, ayon sa physical exam niya. Natural din na may kalakihan ang kanyang katawan kahit pa hindi siya mg work-out. Pero, paminsan-minsan kapag may oras ay ginagamit niya ang libre ng pagamit ng gym, para sa mga nagtatrabaho at umuupa sa building na kung saan naroon ang opisina ng kanyang amo na abugado.
Kaya naman, ang natural na muscles ng kanyang katawan ay mas lalo pa niyang na maintain at nahulma. Ipagpasalamat na lang niya siguro ang kanyang pangangatawan sa tatay niyang banyaga, na hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na makilala at wala siyang balak na makilala, dahil sa ginawa nito sa kanyang ina.
Isang baitang estudyante ang kanyang ina noon sa isang lugar sa Zambales kung saan noon ay maraming mga dayuhan, lalo pa at, may base pa noon ng mga banyagang sundalo sa lugar.
Dahil sa bata pa ang ina, at inosente pa sa mga pagpapaikot ng mga lalaki, ay nahulog ang kanyang loob sa isang banyagang manliligaw. Nahulog ng husto ang kanyang ina sa lalaki, at hindi lamang puso ang isinuko ng kanyang ina, kundi na rin ang kainosentihan nito.
At murang edad na deysisiete, at ipiangbuntis siya nito at huminto na rin sa pag-aaral. At ang lalaking nangako ng wagas na pag-ibig ay naglaho na parang bula, nang sabihin ng ina na buntis ito.
At umalis ang kanyang ina sa poder ng mga magulang nito, dahil sa kahihiyan na ibinigay daw ng kanyang nanay sa pamilya nito. Nagpakalayo ang kanyang nanay at dumayo sa karatig probinsiya para maging serbidora at doon niya nakilala ang trabahador na si Jose Alimbuyugin, na minahal ng totoo at walang halong pag-aalangan na inako siya nito bilang anak, kahit pa ayaw ng ina niyang si Lolita na ipaako siya sa mabait na binata.
Ngunit dahil sa pagpupursige nito, at sa nahulog na rin ang damdamin ng kanyang ina, ay pumayag siyang maikasal rito bago pa man siya naipanganak.
At kung bakit, nakuha niya ang hitsura ng kanyang ama na nanloko sa kanyang ina? Ay parang isang sumpa, alam niya na sa tuwing makikita siya ng kanyang ina ay ibinabalik nito ang masakit na panloloko sa kanya nito. Pero, kahit pa nakikita niya minsan ang sakit ay natatabunan iyun ang wagas na pagmamahal ng kanyang ina.
At ganun na rin ng umako niyang ama, kaya naman nang, lumipat sila rito sa Maynila dahil dito nadestino ang kanyang ama, ay dito na sila mamuhay. Ngunit nang mawalan ito ng trabaho, dahil sa naaksidente ito ay, inako na niya ang responsibilidad sa kanyang pamilya. Hindi na siya nag-aral ng ng kolehiyo, at agad na sumabak ang kanyang katawan sa trabaho sa port, isa siyang taga load at unload ng mga shipment. Pero hindi rin siya nagtagal roon dahil sa hindi naman siya naging isang regular na employee. Kaya naghanap pa siya ng pwedeng pasukan. Naging bagger, merchandiser, at janitor nga sa opisina ng matandang abugado bago pa siya naging messenger dito, at dito na siya nagtagal. Kaya naman, pinagbubuti niya ang kanyang trabaho bilang messenger.
Kahit pa alam niya na sa kanyang hitsura? Pwede siyang pumasok sa isang trabaho na malaki ang kita, at hindi niya kailangan na magbanat ng buto.
Narating niya ang ikalawang baitang, at naglakad pa siya sa hallway, doon ay nakasalubong niya ang iba pang mga empleyado mula sa mga iba’t ibang mga opisina sa building na iyun.
Narating niya ang dulong kwarto, kung saan nag-oopisina ang kanyang amo na abugado. Pinihit niya ang knob ng kahoy na pinto at marahan iyun na itinulak para buksan. At naabutan nga niya ang kanyang boss, kasama ng ilan sa kanyang mga katrabaho.
Nakaupo ang mga ito sa may sofa at biglang natuon ang atensyon ng mga ito sa kanya nang siya ay pumasok.
“Oh, Antonio, nandito ka na, maupo ka muna” ang sabi ng matandang abugado sa kanya.
Tumangu-tango siya at naglakad palapit sa sofa at naupo sa tanim ng lalaking kasamahan na tumawag sa kanya kanina sa ibaba.
“So ngayon, kumpleto na tayo” ang panimula nito sa kanila, “natutuwa ako at sa loob ng maikling panahon ay nakilala at naging mga empleyado ko kayo, pero, ang lahat ng bagay ay may hangganan” ang saad nito.
At nang marinig iyun ni Antonio ay bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. Mukhang hindi nila magugustuhan ang ibabalita ng kanyang amo na abugado sa kanila.
“Boss, ano pong, ibig ninyong sabihin?” ang tanong ng isang kasamahan.
“Sir mukhang nakakakaba naman po iyan” dugtong pa ng isa. Habang siya ay nanatili na tikom ang bibig. Hindi na siya makapagsalita sa kaba.
Ngumiti ng malungkot ang matandang abugado na walang ipinakita na kasamaan sa mga empleyado nito. Sa loob ng maikling panahon na nanilbihan siya roon, ay, naging napakabuti nito sa kanila.
“Kailangan ko na kasing, magretiro, ala lost na biglaan ang aking ginawa na aksyon, pero, pupunta na kasi kami ng pamilya ko sa ibang bansa at naaprubahan na ang aming visa” ang paliwanag nito sa kanila.
“Sir?” ang gulat na sambit ng mga kasamahan.
“I know, I know, this is so sudden, ayoko din naman na mabigla kayo, pero, hindi ko pa kasi sigurado noon na maaprubahan ang visa namin sa Switzerland, kaya hindi ko pa binalita sa inyo, pero, dahil nga sa approved ang visa naming pamilya ay kailangan ko ng huminto sa aking propesyon dito, at” napabuntong-hininga ito, “kailangan na nating maghiwa-hiwalay at tuluyan ng isara ang firm” ang malungkot na sabi nito sa kanila.
At parang sinakluban ng langit si Antonio nang makumpirma niya ang kanyang hinala. Talaga bang walang trabaho na magtatagal sa buhay niya? Ang nanghihina na tanong ng kanyang isipan.
“Alam ko, unfair sa inyo ang aking ginawa, pero, may isang linggo pa bago magsara ang firm, bibigyan ko kay ng separation pay, at letter ng magandang performance ninyo para sa susunod ninyong kumpanya na aaplayan” ang sabi nito sa kanila.
“Pero, sir, masaya po kamo rito sa inyo” ang malungkot niyang sabi, umaasa na kahit sa mga simpleng salita niyang iyun ay mapapanatili nila ang kanilang mga trabaho. Pero Alan niyang napaka imposible na mangyari iyun.
Ngumiti ng malungkot ang matandang abugado, “alam ko at naging masaya rin ako na maging katrabaho kayo, ni minsan ay di ko trinato kayo na, empleyado lang, kaya malungkot at masakit din sa akin ang gagawin ko ito pero, kailangan namin na manirahan sa ibang bansa at naroon na rin ang mga anak ko at mga apo, at kailangan ko ng iwan ang pagiging abugado ko at maging isang lolo sa mga maliliit kong apo” ang paliwanag nito sa kanila.
“Alam ko na hindi malaki ang makukuha ninyo na separation pay pero sana ay makatulong sa inyo, I will deposit the amount sa mga atm ninyo at let’s eat out sa this coming Friday, huling dinner natin na magkakasama” ang saad nito sa kanila na may matipid at malungkot na ngiti.
Napansin niya ang mga kasamahan na namuo na ang mga luha sa mga mata ng mga ito. Siya ay nasaktan din, hindi dahil sa nasaktan siya sa ginawa nito, karapatan nito na mag desisyon para sa ikabubuti ng pamilya nito, katulad din nila na, para sa pamilya ang kanilang ginagawa.
Nasaktan lang siya sa tadahana na parang may galit sa kanya, dahil ba ito sa siya ang sumasalo sa kasalanan ng ama kaya pinahihirapan siya ng husto nito? Ang puno na paghihinakit na tanong ng kanyang isipan.
Kaysa sa lumuha ay pinatatag niya ang sarili at kakailanganin pa niya iyun, lalo pa at pinapasan niya sa kanyang likod ang responsebilidad na buhayin ang kanyang pamilya.
Malungkot man ay binati at nagpaalam siya sa kanyang magiging dating amo pagdating ng susunod na linggo. Pilit niyang pinasaya ang sarili habang nagpapaalam siya rito. Iniwan niya ang susi ng motorsiklo sa kanyang boss. At saka siya sumabay sa mga kasamahan na lumabas ng opisina. Ang iba sa mga ito ay tuluyan ng napaluha.
At hindi niya masisisi ang mga ito, mga pamilyado na lahat ng kasamahan niya at siya na lang ang binata, pero, matatawag na pamilyado na rin siya.
Tiningnan niya ang oras sa suot niyang mumurahin na relo na nabili niya sa halagang one hundred fifty pesos sa Divisoria nang minsan na mapunta siya doon. Iyun lamang ang tanging nabili niya sa kanyang sarili, sa kanyang Christmas bonus sa loob ng ilang taon sa pagtatrabaho.
Alas singko pasado na, kailangan pa niya na dumaan sa bahay ng kanyang nobya. Basta sa tuwing matatapos ang kanyang trabaho ay dumidiretso siya sa bahay nito. At mukhang, kailangan talaga niyang magpalipas muna ng oras. Hindi niya kasi magawa na makita ang pag-aalala sa mukha ng mga magulang kapag nalaman ng mga ito na, mawawalan na siya ng trabaho.
Ilang kilometro rin ang nilakad niya, hindi rin naman siya ganun ka pagod dahil sa nakasakay siya sa motorsiklo sa halos buong araw, kaya, nilalakad na lamang niya pauwi. At saka mas makakatipid siya sa pamasahe. Sayang din ang pera na maitatabi niya, lalo pa ngayon at mas kakailanganin niya na magtipid.
Bitbit ang backpack sa kanyang likod at kanyang hoodie sa kanyang braso ay binagtas niya ang mahabang sidewalk na, laman ng kanyang isipan ang mga susunod na kailangan niyang gawin. Alam niya na mahihirapan siya sa makakita ng trabaho, lalo pa at high-school graduate lang siya.
Eh kung mag-apply siya na waiter? Ang biglang pumasok sa kanyang isipan, siguro naman, kahit high-school graduate. Susubukan niya, wala namang masama, lahat ay susubukan na niya ang determinadong sabi ng kanyang isipan.
Lumiko siya sa isang kalsada, at ilang metro pa ang inihakbang ng kanyang mga nakarubber shoes na mga paa, nang matanaw niya ang car wash na pagmamay-ari ng pamilya ng girlfriend niya na si Claire. Halos mag-iisang taon na rin ang kanilang relasyon na nagsimula ng magpalinis siya ng ginagamit niyang motorsiklo.
Natanaw ng kanyang mga mata ang magandang mukha ng nobya na nakatayo sa may labas ng car wash ng mga ito. At nang makita na siya nitong palapit ay mabilis ang mga hakbang nito papalapit sa kanya para siya salubungin.
Agad na humalik ito sa kanyang pisngi at ngumiti ng matamis, saka nito hinawakan ang kanyang kaliwang kamay at marahan siyang hinila papasok sa loob ng gate ng mga ito.
Binuksan nito ang pinto at hinila siya nito papasok sa loob ng bahay. Batid niya na wala pa ang mga magulang nito at ang ama ni Claire ay isang manager sa isang restaurant habang ang mama naman nito ay isang CPA at nagtatrabaho sa isang malaking bangko sa Makati.
Kinuha nito ang dala niyang bag na nakasabit sa kanyang likod at ipinatong sa may cushioned armed chair sa salas. Hinila muli ni Claire ang kanyang braso paupo sa sofa at niyakap siya nito. Dama niya ang paglapat ng malambot na dibdib nito sa kanyang kaliwang braso.
“Kumain ka na ba?” ang malambing na tanong ni Claire sa kanya habang patuloy sa pagdikit ng dibdib nito sa kanyang braso.
“Uhm hindi pa, saka hindi naman ako gutom” ang matamlay na sagot niya.
“Kape gustong-gusto mo?” ang muling alok nito sa kanya ngunit muli na naman siyang umiling.
“Hindi na rin” ang muling pagtanggi niya.
“May problema ka ba? Bakit ang lungkot mo?” ang alalang tanong nito sa kanya, at tumingin siya sa mapupungay nitong mga mata.
Napabuntong-hininga siya, at isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
“Magsasara na kasi ang pinagtatrabahuan ko na, law firm” ang panimula niya, at saka niya ikinuwento ang mga kaganapan kanina. Nakita niya ang lungkot sa mukha ng nobya at ang pag-aalala nito.
“Kaya, hindi ko alam kung, ano pang gagawin ko sa ngayon, pero, panigurado maghahanap ako ng trabaho agad-agad” ang dugtong niya.
Kumunot ang noo ng kanyang nobya, kasunod ang buntong hininga nito.
“Paano ka na niyan?” ang alalang tanong nito sa kanya.
Inakbayan niya si Claire at hinagkan ang ibabaw ng ulo nito.
“Makakahanap naman ako ng paraan” ang mariin na sabi niya.
“Bakit kasi hindi pa magtrabaho ang kapatid mo” ang sabi ni Claire sa kanya at patungkol sa kapatid niyang mas nakababatang lalaki.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya, “gustong kong makapag tapos siya ng pag-aaral, at hindi matulad sa akin” ang giit niya.
Ngumuso si Claire, palatandaan na hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi.
“Hmph, huwag na nga nating pag-usapan iyan!” ang maktol nito.
At isang ngiti na lang ang isinagot niya.
“Hmm, wala pa sina mama at papa, dun muna tayo sa kwarto” ang malanding pagyaya nito sa kanya.
Ilang beses na ba nila itong ginawa? Ang sabi ng isipan ni Antonio. Halos araw-araw nitong nakaraan na buwan, pero nang bigla na lamang na delayed ang menstruation nito ay natakot siya. Oo nga at gagawin niya ang lahat para mabuhay niya ang kanyang magiging asawa at pangangatawanan niya ang pagiging ama. Hindi siya tutulad sa kanyang ama na iniwan na lang ang kanyang nanay.
Pero, hindi pa niya kaya na bumuhay ng isa pang pamilya. Gusto niya na mabigyan ng maalwan na buhay ang mga magulang at kapatid at ganun na rin ang magiging pamilya niya.
Kaya ng mag false alarm si Claire ay hindi na niya muna ito sinisipingan. Ayaw niya na mabuntis ito.
“Uhm, wala ako sa mood Claire” ang malumanay na pagtanggi niya at nakita niya na kumunot ang noo nito. Saka ngumuso.
“Ilang linggo mo na akong tinatanggihan, siguro may ibang babae ka na ano?” ang pag-akusa nito sa kanya.
Ayaw niya na makipag talo kay Claire, batid niya na may pangangailangan din ito, bilang babae at bilang kanyang nobya. Pero, hindi na muna ngayon na wala silang proteksyon na dalawa.
“Wala akong ibang babae Claire, gustong-gusto ko na, puso, katawan, at isipan ko ang involved sa tuwing, magkasama tayo sa kama, pa ano ko maibibigay sa ito yun kung may gumugulo sa isipan ko” ang giit niya.
Kunot pa rin ang noo nito na tumingin sa kanya, “simula nang mag false alarm ako, we’re not having sex anymore” ang maktol nito sa kanya.
“Kung inaalala mo na mabubuntis ako, iinom na ako ng pills bukas na bukas din” ang giit nito sa kanya.
Hindi niya alam kung anong isasagot, napakagat labi na lamang siya, kasunod ng pagtango. At mabilis na nabura ang lungkot sa mukha ni Claire at napalitan ng mga ngiti.
“You’ll stay here for dinner right? Matagal ka ng di nag di dinner with us” ang giit ng kanyang nobya. Gusto sana niyang tumanggi na muli. Alam niya kasi na hindi siya gusto ng mga magulang ni Claire para sa anak nito. Lalo na ang kapatid nitong lalaki, na lantaran ang pagpapakita ng di pagkakagusto sa kanya.
Hindi naman niya masisisi ang mga ito, sino ba namang magulang ang gugustuhin ang isang tulad niya na isang high-school graduate at isang messenger lang. Mas lalo na siguro kung, malaman ng mga ito na, wala na siyang trabaho. Baka pagbawalan pa siyang makita niya si Claire at tuluyan ng putulin ang relasyon nila.
“Please?” ang paglalambing pa nito sa kanya, at dahil nga sa tinanggihan na niya ito ay pagbibigyan naman niya ang hiling nito na sumabay sa hapunan ng pamilya ni Claire kahit pa, hindi niya halos malulunok ang kakainin kahit gaano pa iyun kasarap. Pagbibigyan niya ang hiling ng nobya.
“Sige” ang sagot niya at pilit niyang ngumiti rito.
*****

Pasado alas otso na siya nakaalis sa bahay nina Claire, at tulad nga ng ipinangako niya ay doon siya kumain ng hapunan na naging, ano nga ba ang termino sa ingles? Ang tanong niya sa sarili habang naglalakad na siya pauwi.
Awkward, oo, iyun ang salita, awkward, dahil halos mga kataga lamang ang lumabas sa mga labi ng mga magulang ni Claire.
Pero isang pagpaparinig naman ang kanyang natanggap sa mas batang kapatid na lalaki ni Claire. At kahit pa sinaway ito ng mga magulang ni Claire at si Claire mismo ay, tumarak na sa dibdib niya ang salitang “dugyot na mensahero” na sinabi nito.
Inayos niya ang hood sa kanyang ulo, mabigat na naman ang kanyang dibdib. Bakit ba, tila napaka unfair ng tadhana sa kanya? Sa kanyang pamilya? Ang puno ng hinanakit na tanong ng kanyang si isipan.
Lutang man ang kanyang isipan habang naglalakad ay batid pa rin niya kung saan siya tatawid. Kaya nang binabagtas na niya ang mga nakahigang putting linya, ng tawiran, ay nakita niya ang isang kulay pula na SUV na kahit pa tumatawid siya ay patuloy pa rin ito sa pagsulong at mukhang tutumbukin na siya.
At ilang dipa na lang mula sa kanyang mga hita ang hood nito nang bigla itong nag preno. Para bang gahibla na lang ang layo niya sa kamatayan.
Wala na nga siyang trabaho, papatayin pa siya ng gagong driver ng sasakyan. Lahat ng inis at galit na kanina pa niya tinitiis ay mukhang ilalabas niya ng mga sandali na iyun sa hambog na driver ng sasakyan.
Malakas niyang hinampas ang hood ng sasakyan nito saka siya naglakad patungo sa driver’s side, at saka siya tumayo roon at sakto na ibinaba ng driver ang bintana, at isang mukha ng babae ang bumati sa kanya. At mukhang natulala ito nang makita siya.
“Wala ka bang mga mata?! Muntik mo na ako masagasaan sa pedestrian Lane! Apat naman pala mata mo, bakit di mo ako nakita!” ang galit na sabi niya sa babaeng nakatingin lang sa kanya.
“Maganda ka sana tanga ka lang!” ang huling sabi pa niya rito at saka siya mabilis na naglakad papalayo.
“Hey! Hey wait!” ang narinig pa niyang sigaw nito sa kanya. Huh, bakit ba tinatawag pa siya nito? Ang takang tanong niya sa sarili. Wala naman siyang nasira sa sasakyan nito, para tawagin siya nito. Nagpa tuloy na lang siya sa kanyang paglalakad, at mas binilisan pa niya ang kanyang bawat hakbang. Hanggang sa mamataan niya ang kanilang inuupahan na bahay. At muli, kumirot ang kanyang puso.

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon