"Ma'am halika na po" ang magiliw na pagyakag ni Ginger sa kanya, habang nakaupo siya sa loob ng kanyang opisina.
"Uh, sige itatabi ko lang ito" ang sagot niya at saka niya itinabi ang kanyang sketchpad at lapis. Hindi pa man gumagaling ang kanyang braso ay sinusubukan na niyang gamitin na ipangguhit ang kanyang kaliwa na kamay. Although puro doodles lang at hindi pa masyadong klaro ang lahat ay lumalabas naman ang ideas niya at kapag naipaliwanag na niya ito kay Bessie na matagal na rin na nagtatrabaho sa kanya ay makukuha nito ang gusto niyang lumabas na cut at disenyo.
"Wow ma'am ang ganda naman nito" ang papuri ni Ginger nang makita ang kanyang iginuhit sa kanyang sketchpad. Hindi niya naiwasan ang umirap na may kasamang ngiti sa kanyang assistant na si Ginger, alam niyang binobola na naman siya nito.
"Tumigil ka nga Ginger, paano mo nasabing maganda eh, ni hindi mo nga maintindihan yung drawing" ang natatawang sagot niya kay Ginger, dahil nga sa imposible ang sinasabi nito dahil halos puro kurba at guhit lang ang makikita sa malapad na puting papel.
"Si ma'am talaga kailan ka ba gumawa ng hindi maganda?" ang nakangiting sagot nito sa kanya at kinuha na nito ang kanyang malaking bag na nakapatong sa kanyang lamesa.
"Salamat Ginger" ang malambing na sagot niya rito, "nahihiya na ako sa iyo" ang mahinang sabi pa niya rito habang nakasunod siyang naglalakad sa likuran nito. Pinatay na nila ang lahat ng ilaw sa loob ng shop. Mas maaga na silang nagsasara ngayon, hindi naman na kasi ganun karami ang kliyente nila. At saka si Ginger na rin ang nag magandang loob na ihatid-sundo siya sa kanilang bahay.
"Ikaw naman ma'am, ang tagal na nating magkatrabaho, mahihiya ka pa ba?" ang magiliw na sagot ni Ginger sa kanya habang palabas na sila ng boutique. Inilapat ni Ginger ang kanan na palad nito sa kanyang likod habang inalalayan siya nito na maglakad palabas ng hotel.
"Kahit na, naaabala na kasi kita" ang nahihiya ng sagot niya habang patungo na sila sa sasakyan ni Ginger, at ipinagbukas siya nito ng passenger door.
"Pampalipas oras ko na rin ito ma'am, wala naman na kasi naghihintay sa akin sa bahay, ako na lang mag-isa kaya mas malilibang ako, malungkot ang bahay kapag mag-isa ka lang, ooops sorry po" ang sambit ni Ginger at napangiwi ang labi nito nang dahil sa sinabi. Isang matipid na ngiti naman na may lungkot ang isinagot niya kay Ginger, bago nito isinara ang pinto ng kotse at umikot sa harapan para sumakay naman sa driver's side.
Isang buwan na halos hindi sila nagkikita ni Antonio, may dalawang araw lang ito na bumalik mula sa isang photoshoot sa isang Asian brand mula sa Thailand, at sa dalawang araw naman na inilagi ntio sa Pinas ay halos nasa labas din ito at gabi na sila nagkita, at pareho na silang pagod para pa mag-usap o mag test-drive. Pero, okey lang iyun kay Nikita lalo pa at nakikita niya na nagiging kilala na si Antonio. Nabili na rin nito ang pre-owned na bahay para sa magulang nito at isang motorsiklo para kay Arthur, para magamit sa pagpasok nito sa eskwela.
Ang kasal naman nila ay, mukhang maaantala na muna dahil sa pagiging abala na ni Antonio at hindi na sila makapag-ayos ng mga ka kailanganin nilang mga papeles.
At dahil nga sa hindi pa siya makapagmaneho ay nag magandang loob si Ginger na sunduin at ihatid siya sa bahay.
"Bakit mag-isa ka na lang, nasaan na ang boyfriend mo?" ang tanong ni Nikita nang magsimula ng umandar ang sasakyan nito.
"Naku ma'am matagal na pong wala" ang matipid na sagot ni Ginger sa kanya at sumulyap ito sa kanyang direksyon.
"Ma'am halata na ang tiyan ninyo, kailan ba tayo mamimili ng damit ninyo?" ang excited na tanong ni Ginger sa kanya.
Natawa siya sa excited na reaksyon ni Ginger, inilapat niya ang kanyang kaliwang palad sa maliit na umbok sa kanyang tiyan. Hindi pa siya nakakapag pa-ultrasound, gusto niya sana kapag nakabalik na si Antonio.
"Hindi ko pa alam, kasya pa naman ang mga dress ko saka yung mga gartered wideleg pants ko" ang nakangiting sagot niya.
Ngumuso si Ginger, "gusto ko pa naman na maexperience ang mag shopping ng damit na pang buntis" ang nanghihinayang na sagot ni Ginger sa kanya.
"Ha ha ha, hayaan mo kapag mamimili na ako ikaw ang kasama ko" ang natatawang sagot niya sa assistant niya.
"Promise yan ma'am ha" ang nakangiti at excited na sagot ni Ginger sa kanya at tumangu-tango siya.
Nang papalapit na sila sa kanyang bahay ay halos lumuwa ang mga mata ni Nikita, hindi niya kasi inaasahan na uuwi si Antonio sa gabi na iyun. Nakatayo ito sa labas ng kanilang bahay at nakaupo sa may harapan ng pintuan.
"Andiyan na pala si Antonio ma'am" ang gulat din na sabi ni Ginger sa kanya.
"Oo nga, hindi man lang nagpasabi na uuwi siya" ang nakangiting sagot niya kay Ginger. Labis ang galak na nararamdaman ng kanyang dibdib, labis ang kanyang pananabik nang muli niyang masilayan si Antonio. Para bang gusto na niyang tumalon palabas ng sasakyan at tumakbo papalapit rito.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...