Chapter 31

1.6K 109 278
                                    

Hindi malaman ni Antonio kung ano ba ang nagawa niyang pagkakamali  kay Nikita nitong mga nakaraan  na araw. Nagsimula na lang ang pagiging mata malay nito sa kanya noong, nagpunta sila sa opisina nang isa ring kilala na designer na si Teri Buenaventura para sa kanyang briefing sa gagawin niyang pictorial at fashion show na ayon sa mga ito ay collaboration nina Nikita at Teri. Dalawang Brand name ang isusuot niya ang kay Nikita at kay Teri.
“Sweet and Sultry” ang theme nang nasabing collaboration ng dalawa. At pagkatapos nga ng meeting at ng  pagsusukat niya para  mapasadyaan siya ng mga damit ay umalis na rin sila ni Nikita at tinanggihan na nito ang alok na brunch ni Teri.
At pagkalabas nga nila ng pintuan ng opisina ng Psyche ay ibang  Nikita na rin ang lumabas. Tahimik na ito at walang imik. At ang usapan nila na magpupunta sila sa dentista na dalawa ay nauwi sa pagpunta niya ng dentista na mag-isa. Hindi naman niya minasama iyun, alam niyang napakaabala ni Nikita lalo pa at may mga bago silang project na mukhang pagtutuunan ng pansin ng husto ni Nikita.
Pero, pagkatapos niyun, ay hindi na nagpakita pa na muli si Nikita sa kanya, ni text o tawag ay di niya nagparamdam sa cellphone niya. Nang kailangan na siyang sukatan para sa isusuot niya ay pinapunta siya nito, sa dati nitong shop na malapit sa dati nilang bahay. At hindi si Nikita ang nagsukat sa kanya kundi ang isa pa nitong mananahi, at ang utos ay si Ginger pa ang nagtext sa kanya.
Nang kailangan niyang magpunta sa commercial ay ang tauhan na ng kumpanya ang nagsundo sa kanya sa labas ng kanilang bahay at nang tawagan niya si Nikita ay hindi ito sumagot at si Ginger ang nagbalik ng tawag sa kanya at sinabi lang nito na abala si Nikita sa mga tinatahi nito.
Naintindihan niya, abala ito, pero nang mag photo shoot na siya para sa brand name ni Teri ay hindi man lang siya nito sinamahan. At si Teri na ang nagpaliwanag sa kanya kung bakit hindi kailangan na nandun si Nikita sa photoshoot ng Psyche, dahil sa magka-ibang models at crew ang kinuha nila ni Nikita. At napagkasunduan nila ni Nikita at Teri, na si Teri muna ang mauuna sa photoshoot  dahil sa labas sa metro ang location ng pictorial.
Labis-labis na ang kanyang pagtataka, dati naman kahit na abala ito kapag may mga lakad ay di siya hinahayaan nito na mag-isa. Saka, hindi ito nagpapautos ng text o tawag sa ibang tao. Ito ang sumasagot sa kanya, kaya labis na ang pagtataka niya. Hindi tuloy niya alam kung ano bang nagawa niya rito at bakit iniiwasan siya nito. Nahalata na ba nito ang tunay niyang nararamdaman? Nalaman na ba ni Nikita na mahal na niya ito, kaya naman iniiwasan na siya nito? Ang mga hinanakit na tanong ng isipan niya.
Masakit sa dibdib niya, ramdam niya ang pagguhit ng kirot sa kanyang puso, para bang binutasan ang kanyang puso. Para bang tinusok ng paulit-ulit ng kutsilyo. Hindi niya alam kung kakayanin pa niyang magtrabaho kung tuluyan na siyang iiwasan nito. Gusto niya itong makausap pero, hindi naman niya ito mapuntahan sa boutique nito at baka maabala niya ito at mas lalo pa itong magalit sa kanya at tuluyan nang hindi magpakita sa kanya.
“Oh anak? Wala ka bang lakad ngayon?” ang tanong ng kanyang nanay sa kanya nang abutan siya nito, sa kanilang kusina at nakaupo habang nagkakape, nang umaga ng iyun. Napakaaga pa nga, at alas-kwatro pa lang ng madaling – araw. Dahil din sa hindi na siya makatulog ng maayos nitong mga nag daan na mga gabi dahil sa ka iisip niya kay Nikita, ay maaga na siyang bumabangon.
“Uhm nanay, wala po yata, hindi pa ako nakatanggap ng tawag mula kay Nikita” ang sagot niya.
“Oo nga pala, ang tagal ko na rin siyang hindi nakita, siguro ay sobrang abala niyun, namiss ko na nga siya eh” ang  sagot ng kanyang nanay.
“Ako rin po nay” ang mahinang sagot niya, at halos tumalon siya sa kanyang upuan nang tumunog ang kanyang telepono. Mabilis siyang tumayo para damputin ang kanyang naka-charge na cellphone na nakapatong sa upuan sa salas. At parang maiihi siya sa galak nang makita niya ang pangalan ni Nikita sa screen.
“Nikita?!” ang masayang sagot niya, halos habol hininga siya ng mga sandali na iyun, at parang kumakalembang ang kanyang tenga sa galak at ang boses ni Nikita ay parang musika sa kanyang tenga.
“Okey ka lang?” ang takang tanong sa kanya ni Nikita sa kabilang linya.
“OO!okey na okey! May lakad ba tayo?” ang excited na tanong niya kay Nikita, at hindi niya napansin na nangingiti na ang kanyang ina, habang pinapanuod siya.
“Sa hotel ang pictorial natin, dumiretso ka na rito, sa el presidente suite, suite Vinizenzo, sa top most floor,  dumiretso ka na dun, ten ang start ng photo shoot”-
“Oo! Oo pupunta ako daanan kita sa boutique mo”-
“Hindi na dumiretso ka na sa itaas, ang mga nakasama mo na models sa pictorial mo dati ng summer collection ang makakasama mo rin ngayon, I’ll better hang-up Antonio magpeprepare pa ako” ang sabi nito sa kanya at pinutol na nito ang linya.
Mukhang hindi pa rin okey sa kanya si Nikita at dama niya sa pananalita nito, pero, kung may pictorial, may pagkakataon na magkita sila ni Nikita, ang umaasa ng sabi niya.
“nanay! Sige po maliligo na po ako!” ang sabi niya sa kanyang nanay at halos tumakbo siya papasok sa kanyang kwarto para maghanda.
Bago mag-ika- sampu ng umaga ay dumating na si Antonio sa hotel, at pagka daan niya ay nakita niyang bukas na hotel. Kahit pa sinabihan siya ni Nikita na dumiretso na sa itaas ay dumaan pa rin siya at bumati sa kanya si Ginger, na mukhang abala na rin.
“Magandang-umaga” ang bati niya kay Ginger.
“Antonio! Bakit nandito ka? Umakyat ka na dun!” ang sabi ni Ginger sa kanya.
“Si Nikita?” ang tanong niya kay Ginger at umaasa siya na nasa loob lang ng opisina nito ang babaeng, nanabik na siyang makita.
“Wala  pa  si  ma’am, nagpunta pa iyun sa shop, sa main, mamaya pa dating ni ma’am, magpunta ka na sa itaas, alam mo naman si ma’am gusto niyun on time ang lahat, baka uminit na naman ang ulo niyun” ang nag-aalala na pakiusap ni Ginger sa kanya.
Dahil sa ayaw naman niyang maging sanhi ng ikaaantala ng pictorial ay agad na siyang lumabas ng boutique at nagpunta na siya sa itaas.
****

Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon