Hindi na napakali si Nikita sa loob ng kanyang bahay simula nang matanggap niya ang tawag mula kay Teri. Bakit kailangan nilang pag-usapan ang tungkol sa kanilang daddy?
Bigla na naman siyang nakaramdam ng kaba at paninigas ng kanyang puson, mukhang ramdam din ng kanyang mga anak ang excitement na kanyang nadarama ng mga sandali na iyun.
Maya-maya nga ay tumunog ang kanyang telepono at nang makita niya ang pangalan ni Antonio sa screen ay agad niya iyun na sinagot. At nang marinig niya ang maingay na background sa kabilang linya ay nagtaka siya, dahil sabi ni Teri na nasa loob daw ng opisina nito si Antonio.
Pero nang sabihin nito na pauwi na ito ay nawala na rin ang katanungan niya, tinanong pa siya nito kung anong gusto niyang pasalubong at kahit pa nagsasama na sila ay nakaramdam pa rin siya ng kilig.
Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay narinig niya ang katok sa labas ng pinto, at marahil iyun na si Teri.
“Oh, Antonio, I have to hang up now, may kausap ako rito sa bahay, dumating na, ba bye” ang mabilis niyang sabi kay Antonio, gusto niya sanang, makapag-usap sila ni Teri ng maayos.
“sinong bisita mo?” ang takang tanong ni Antonio sa kanya at halata niya ang pagtataka nito, dahil siguro sa bihira silang magpapunta ng bisita sa bahay.
“Si Teri, babye, love you” ang mabilis niyang sagot saka niya pinatay ang kanyang phone at iniwan niya sa loob ng kwarto.
Nagmamadali siyang lumabas ng kanilang silid, at sinilip niya pa sa bintana sa salas kung sino ang kumakatok sa kanilang pintuan. Hindi man makita ng husto ay nakita naman niya ang pamilyar na sasakyan ni Teri. Mabilis siyang lumapit sa pintuan para hilahin ang pinto at buksan iyun, at ang nakangiting mukha ni Teri ang bumati sa kanya.
“Hi!” ang masayang bati sa kanya nito, at kanyang pinagmasdan si Teri, as always she looks so immaculate in her black turtleneck sleeveless top, na tinernuhan nito ng camel colored cigarette pants at nude colored pumps. She wore her hair in a high ponytail, pero napansin niya ang suot nitong black gloves na gawa sa tela.
“Pasok” ang nakangiting bati rin niya kay Teri she pulled open the door para makapasok ito sa loob.
“Ooh, dito pala ang pugad ninyo ni Antonio” ang nakangiting sabi nito sa kanya paghakbang nito papasok sa loob ng kanyang bahay. In her arms were her expensive designer bag at isang paperbag na may pangalan ng isang Asian store.
“Oo, maupo ka” ang alok niya kay Teri at itinuro niya ang sofa, na agad namang nilapitan ni Teri at naupo na ito.
“Oh god, I’m so stressed and tired, nakakapagod talag kapag ikaw lang ang nag-aasikaso sa isang negosyo” ang saad ni Teri na naupo sa sofa.
Napangiti at naupo naman siya sa isang cushioned armchair, “Sanay ka naman na Teri, hindi ba at ikaw na talaga noon pa ang halos na nagmanage ng business ng parents mo? Lalo na noong namatay na ang daddy mo, then” she sighed, “then ang mommy mo naman, siguro na lungkot siyang masyado at nawala na ang pinakamamahal niya” ang malungkot na saad niya kay Teri at napansin niya na may namuong luha sa mga mata nito at kasunod ang pagsulyap nito sa suot niyang bracelet.
“Ano nga pala yung pag-uusapan natin tungkol sa daddy natin?” ang tanong niya kay Ter. Nag tama ang kanilang mga mata at saka nito nilinaw ang lalamunan, bago ito nagsimula ng magsalita.
“I know this will shock you Nikita, dahil kahit ako ay nagulat noon” ang paunang mga salita nito, before Teri look straight in her eyes, behind her eyeglasses.
“Magkapatid tayo” ang sambit nito na ikinabigla niya, nanlaki ang kanyang mga mata at bumilis ang tibok ng kanyang puso.
“Magkapatid? P-paano, we share the same father” ang di makapaniwala na sabi niya habang ang mga namimilog niyang mga mata ay natuon kay Teri na tumikom ang mga labi at tumangu-tango.
“P-paano mo nalaman?” ang usisa niya.
“Kay daddy, bago siya mamatay, iniwan niya sa akin ang mga papel patungkol sa inyo, actually pangalan lang ng mga magulang ninyo ang meron akong idea, kaya huli na rin ng makakuha ako ng koya ng mga birth certificates ninyo, I don’t even know where to start looking for you” ang panimula nito.
“But I guess, talagang pinaglalapit tayo ng tadhana, what are the odds na nagtatrabaho ka pala sa department store ni daddy, and coincidence lang nang malaman ko ang tungkol sa iyo nang may nakapagsabi sa akin na isa sa mga matagal nang nagtatrabaho rito na anak ka ng dating designer ng store, at nang malaman ko kung sino ang mother mo at tiningnan ko ang birth certificate mo ay na-confirm ko na ang lahat” ang paglalahad pa ni Teri.
“K-kaya pala, wala akong father sa birth certificate, isang pamilya doing tao na pala ang ama ko” ang malungkot na sagot niya. Hindi siya makapaniwala na nagkagusto ang mommy niya sa isang may asawa na. Gannpa man, iginagalang niya ang naging pasa ng kanyang mommy, ang puso naman ay hindi nadidiktahan kung sino ang mamahalin nito, ang malungkot na sabi ng kanyang isipan.
“I’m sorry kung ngayon ko lang ito ginawa Nikita, after knowing the truth between us, lalo pa at alam kong may galit ka sa akin nang dahil kay Leo, pero, ngayon na nakita ko na Well established ka nang muli at masaya sa piling ng panibagong mahal mo na si Antonio, ay naisip at nagpasya na ako na ipagtapat na sa iyo ang lahat” ang saad ni Teri sa kanya.
“Aaminin ko, talagang kinuha ko ang loob mo Nikita para maging malapit tayong dalawa, gusto kong makuha ang loob mo bago ko pa ipagtapat ang lahat, at mas lalo ko pang makumpirma na mag kapatid nga tayo ay nang makita ko ang bracelet na, ayon kay mommy ay pinasadya pa iyun ni daddy kaya wala I yung kapareho, pwera na lang kung may pinagawa pa si daddy para ibigay sa iba” ang saad pa ni Teri.
Alam niya na bilang isang anak, ay kahit paano, Teri and her mm felt hurt and betrayed when they knew that her daddy was unfaithful to them. Dahil naramdaman niya kung gaano yun ka sakit.
“I’m sorry Teri, I’m sorry kung, nakapag dulot kami sa sakit at kalungkutan sa inyo ng iyong mommy” ang malungkot na sabi niya.
“Kalimutan na natin iyun, Nikita, dapat nga ay mag celebrate na tayo at nagkatagpo na tayong mag kapatid, at ang iniwan na misyon sa akin ay matatapos ko na” ang nakangiting sabi nito sa kanya.
Hindi makapaniwala si Nikita sa mga nalama niya ng mga sandali na iyun, may kapatid siya at si Teri pa iyun, pinagtagpo talaga sila ng tadhana.
“Oh let’s celebrate, alam ko na, dapat i- celebrate natin ang pagtatagpo natin ang ang pagiging opisyal natin na mag kapatid, here” ang masayang sabi ni Teri, at hindi rin niya napigilan ang ngumiti, nadala rin siya ng kasiyahan na nadama ni Teri.
Pinagmasdan niya ito habang kinukuha mula sa loob ng paper bag ang dalawang bote ng Japanese brand na milk tea.
“Alam ko na hindi ka pwedeng uminom ng alak to celebrate, baka magalit sa akin si Anton” ang sabat pa ni Teri, “ kaya milk tea na lang tayo, here, let me open this for you” ang masayang sabi ni Teri sa kanya, at isang tawa ang lumabas sa kanyang bibig.
Labis ang saya na nadarama niya ng mga sandali na iyun, unti-unti kasing nabubuo ang pamilya na kulang-kulang siya noon.
“Pardon my gloves? Kagagaling ko lang kasi sa spa kaninang umaga, at nagpa - hand treatment ako” ang sabi pa nito sa kanya sabay abot ng boye ng milk tea sa kanya.
“oo nga pala, sabi mo kanina mga pangalan, ibig sabihin may isa pa tayong kapatid?” ang interisadong tanong niya kay Teri, na binubuksan na rin ang sarili nitong milk tea.
“Uh oo, and guess who?” ang tanong pa sa kanya ni Teri na nanlaki pa ang mga mata sa kanya.
“Who?” ang nakangiting tanong niya habang nakatingin siya kay Teri na namilog ang mga mata.
“Owen Cuerdo” ang mariin na sagot nito na sa lahat ng sinabi ni Teri ay iyun ang ikinabigla niya sa lahat.
“Owen? Kapatid natin si Owen?” ang gulat at di-makapaniwala na tanong niya kay Teri na tumangu-tango sa kanya.
“Nahirapan ako na mahanap siya, patay na rin ang mother niya at wala akong makita na kahit anong papel na patungkol sa kanya” ang saad pa ni Teri.
“Marahil kasi ipinaampon si Owen nang maliit pa lang ito” ang sagot niya.
“Really? Sinabi niya sa iyo?” ang tanong ni Teri sa kanya at umiling siya.
“Si Franco” ang sagot niya na nagpakunot ng noo ni Teri.
“Paano nalaman ni Franco?” ang muling tanong nito sa kanya.
“Uhm, kapatid niya si Franco sa ina, napag-usapan lang namin anng umamin siya sa akin na kapatid niya si Owen, kaya, kaya kami nagkaroon ng misunderstanding ni Franco, dahil sa siya ang sa tingin ko na nanabotahe sa Bewitched, dahil gumaganti ito sa akin sa pagkamatay ng kapatid niya na si Owen” ang malungkot na saad niya.
“Talagang tadhana na ang gumawa ng paraan para magkalapit tayong tatlo, dahil naghahanap ako ng mga models nun nang makita ko ang portfolio niya at nagulat at kinilabutan ako, dahil parang nakita ko ang mukha nang daddy noong labataan pa nito” ang saad ni Teri.
“Then, I followed my gut feeling, I booked him, pinakuha ko siya ng nedical exam then palihim kong pinasabay ang DNA testing and wow, positive na kapatid ko siya” ang natatawang saad pa ni Teri.
“Tapos sa iyo naman siya napunta bilang model, hindi ba? The odds na magkakasama na pala tayong tatlong magkakapatid” Teri exclaimed.
Isang matipid at may lungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi, nanghihina yang siya ng mga sandali na iyun, dahil kung hindi namatay si Owen ay magkakasama silang atlo ngayon.
She sighed and she was about to lift the mouth of bottle into her lips when Teri stopped her.
“Oh wait! Let’s make a toast first” ang masayang sabi ni Teri at bahagya siyang natawa at tumango-tango.
“For a new beginning!” ang malakas at masayang sambit ni Teri at itinaas nito ang bote ng milk tea, at iniangat din niya ang hawak niyang bote at malapad ang pagkakangiti ng kanyang mga labi at marahan niyang idinikit ang kanyang bote sa hawak na bote ni Teri. Saka niya iyun inilapit sa kanyang mga labi para inumin.
****
“she’s not answering!” ang malakas na sabi ni atty Lipon na nakaupo sa passenger seat ng sasakyan nito. Puno na ng frustration ang boses nito dahil sa kanina pa nila tinatawagan si Nikita pero nakapatay ang telepono nito.
Si Antonio na ang nagmaneho ng sasakyan nito, at iniwan na lamang niya ang kanyang motorsiklo sa harapan ng coffee shop. Puno ng kaba at takot ang kanyang dibdib at ginagawa niya ang lahat para pakalmahin ang sarili.
“Antonio bakit mo ba nasabi na papatayin siya ni Teri?” ang giit ni atty Lipon sa kanya.
Napapikit siya dahil sa takot na naramdaman niya ng marinig na naman niya ang salita ng papatayin.
“Sana nga mali ako atty, sana malaking pagkakamali lang ang hinala ko” ang kinakabahan na sagot niya.
“Sa papel, may isang papel doon na nakaligtaan ninyong basahin, isang sulat na nakatupi ng husto at nakapaper clip nasa likod ng litrato ni Nikita, kanina ko rin lang napansin ang sulat na iyun ang kunin at tanggalin ko ang litrato ni Nikita sa birtcertificate nito, sulat iyun, basahin ninyo atty, sulat ng mommy ni Teri” ang giit niya kay atty Lipon.
Agad na hinanap ni atty ang sulat na kanyang sinasabi at nang makita nito ang sulat ay binasa ni atty iyun ng malakas.
“Teri, hindi ko na kaya anak, I felt so betrayed by your father, after all this years, may mga bastardong anak pala ang iyong daddy, at hindi ako makapaniwala na nagawa pa nitong ihabilin na ipahanp sa iyo ang mag anak nito. I know you told me everything because you are very hurt by his betrayal to us, pero mas nasaktan ako dahil wala akong nagawa para sa iyo anak ko. I really wanted to be at peace now, I’m sorry if I have to leave you, pero alam kong mas matapang ka sa akin. I’ll be drinking myself till I get so drunk that I won’t be able to wake up, I’ll be drinking my favorite red wine na nasa Crystal decanter na collection ko, when I’m gone, ipasuot mo sa akin ang paborito kong damit na una mong disenyo, yung may pulang ribbon? At ang pinaka-huling ha bilin ko sa iyo and make this your goal my love, promise me na kapag nakita mo na ang mga bastardong iyun ay itama mo ang mga pagkakamali, isipin mo ako anak ko, I love you” –
Hindi makapaniwala si atty Lipon sa kanyang nabasa at nanginig ang mga kamay nito.
“Ang akala ko ay namatay na lang ang asawa ni Nikolei dahil hindi na ito nagising, it was suicide” ang di makapaniwalang saad nito.
“Ang sabi ni Teri itatama niya ang lahat iyun ang goal niya, akala natin na itatama niya ang pagkakamali ng tatay niya, sa paghahanap sa mga ito, pero mali” ang natatakot na sabi ni Antonio ay halos di na niya maibuka ang kanyang mga labi sa susunod niyang sasabihin. Masyado na siyang nilukuban ng takot. Takot na baka mahuli na ang lahat at hindi na nila maaabutan si Nikita na buhay. Lalo pa at nalaman na niyang naroon si Teri sa bahay nito.
“Hindi bilin ng daddy nito ang isinasakatuparan ni Teri, kundi bilin ng kanyang mommy na nagpakamatay” ang kinakabahan niyang saad kay atty Lipon.
“Ibig sabihin totoo ang mga hinala ni imbestigador Melchor na murder ang nangyari kay Owen, pero paano ang kay Lily?” ang takang tanong ni atty Lipon.
“Hindi pa natin alam, basta kung anuman ang mga nangyari ay may kinalaman si Teri, pero, PERO sana naman, SANA naman ay mali ang hinala ko, handa akong humingi ng tawad kay Teri kung napaghinalaan ko siya ng mali, pero, paano kung”- ang takot ni Antonio at hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sa nanikip na ang kanyang lalamunan kasabay nang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
Baka mamatay na siya o baka makapatay siya ng tao kapag may masamang nangyari kay Nikita at sa mga anak nila, ang sabi niya sa sarili.
“Inuulit ni Teri ang mga nangyari sa kanyang mommy, bilang ganti sa mga naging anak ng daddy niya, ang mga bastardo” ang saad ni atty Lipon.
Tumangu-tango siya at saka niya nilunok ang matinding emosyon na namuo sa kanyang lalamunan.
“Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya naitatama ang lahat, iyun ang sabi ni Teri kay Nikita” ang takot niyang sabi kay atty Lipon.
Napailing si atty Lipon, “mali, nagkakamali si Teri” ang mga sambit ni atty Lipon na puno ng hinanakit ang boses nito, at tumangu-tango siya bilang pagsang-ayon.
“Hindi niya dapat ito ginagawa, mga kapatid niya sina Owen at Nikita, mali ang pasakitan at paghigantihan ang mga taong walang kinalaman sa pagkakamali ng mga magulang” ang mariin niyang sagot at puno ng galit ang kanyang boses. Pero napansin niya ang pag-iling ni atty Lipon.
“Oo tama ka Antonio, mali ang maghiganti sa mga taong walang kinalaman at inosente sa mga kamalian ng mga magulang nito” ang mariin na sabi ni atty Lipon.
“Pero, hindi iyun ang ibig kong sabihin” ang malungkot na dugtong pa nito at napasulyap siya kay atty Lipon na nangilid na rin ang luha sa mga mata.
“Ano po ang ibig ninyong sabihin atty?” ang usisa niya.
“Mali ang akala ni Teri, patungkol kay Nikita” ang naluluhang sagot nito sa kanya.
“Ano pong mali?” ang muling takang tanong niya sa matandang abugado na Napuno na ng hinagpis ang mukha nito ng mga sandali na iyun.
“Dahil hindi anak ni Nikolei si Nikita” ang malumanay na sagot ni atty Lipon, na ikinagulat niya at napasulyap siya kay atty Lipon habang nagmamaneho.
“Hindi? Paano ninyo nasabi?” ang tanong niya na may pagtataka.
Muli siyang napasulyap kay atty Lipon na tiningnan siya ng diretso sa kanyang kulay asul-berde na mga mata.
“Dahil anak ko si Nikita” mariin na sagot nito.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...