Hindi alam ni Nikita kung anong dahilan kung bakit sa tagal ng pakiramdam niya ng seclusion, yung gusto niya na mapag-isa na lamang at walang makausap. Bigla na lamang siyang pumayag na sumama kay Antonio sa bahay ng mga magulang nito.
Pakiramdam man niya na para pa rin siyang isang robot na kumikilos, may kakaiba sa kanya ng mga sandali na iyun, at iyun ay hindi niya mawari.
Magmula ng maghilom ang kanyang braso ngunit sa kabila niyun ay hindi pa rin nakadarama ito ay tila ba hindi na siya naghilom. She’s undergoing a therapy, but she’s losing hope already, tila ba pag-aaksaya na lang niya ng panahon at pera ang pagpapateraphy niya, dahil sa wala pa rin siyang nadarama. Her arms were still numb at para bang wala siyang kanan na braso. Mas matatanggap pa niya siguro ang maputulan na lamang ng braso, kaysa makita mo na kumpleto ka, pero napakalaki ng pagkukulang na nadarama mo sa iyong sarili, ang hinanakit ni Nikita.
Ang pagdidisenyo at pagtatahi na ang kanyang naging buhay, ang nagpasimula ng kanyang mga pangarap, at nang maabot na niya ito ay bigla namang kinuha ito sa kanya, sa isang iglap lamang.
Tahimik pa rin siya at nanatili na walang kibo kahit pa nasa loob na sila ng sasakyan, at hanggang ng mga sandali na iyun ay hindi niya alam kung bakit siya nakasakay sa passenger seat kasama si Antonio at papunta sa bahay ng mga magulang nito, gayung ang gusto niya lamang na gawin ay maupo o humiga at lumuha.
She still kept quiet though, pakiramdam niya kasi napakalaking effort para sa kanya ang kahit umusal ng isang salita. Kasing bigat ng sama ng loob sa kanyang dibdib ang tila kandado na inilagay sa kanyang mga labi.
Narating na nila ang bahay nina Antonio, at isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa kanila ng mga magulang ni Antonio. Dama niya ang labis na pagmamahal at pag-aalala ng mga ito sa kanya. At ng mga sandali na iyun, ay naalala niya ang kanyang mommy, at hinayaan niyang yakap in siya ng mahigpit ni nanay Lita.
Isang matipid na ngiti naman ang isinagot niya sa mga ito, at hinayaan niya na igiya siya nito sa may upuan sa harapan ng mahabang lamesa.
Nananatili pa rin na tikom ang kanyang mga labi, hanggang sa makita niya si tatay Jose na hindi man makakita ay diretso ito na naglakad patungo sa kanya para siya ay batiin. Mababanaag sa mukha nito ang labis na tuwa nang malaman na narito silang muli sa bahay ng mga ito, na matagal nilang hindi pinuntahan.
“Mabuti at napadalaw kayo Nikita, naku, magtitimpla ako ng kape natin, sandali lang” ang sabi nito sa kana. At nang maalala niya na hindi ito nakakakita, ay agad siyang umiling at nagsalita.
“Tatay, ako na lang po” ang mabilis na sagot niya at pakiramdam niya ay napunit ang kanyang bibig, nang bigla siyang nagsalita.
“Tsk” ang palatak ng dila nito at sabay kampay ng kanan nito na kamay, “sus, ano ka ba anak, kayang-kaya ko ito, hindi dahil sa bulag ako ay hindi ko na kayang gumawa o kumilos dito sa bahay” ang sagot nito sa kanya.
Natigilan si Nikita sa sinabi ni tatay Jose, at pinagmasdan niya ito na kumilos sa loob ng bahay na tila ba wala itong diperensiya sa paningin. Sumulyap naman siya kina Antonio at nanay Lita na nakatayo sa may pintuan at nag-uusap ang dalawa, batid niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito.
Hindi nagtagal ay inilapag na ni tatay Jose ang dalawang mug ng kape sa ibabaw ng lamesa saka ito naupo sa upuan na nasa kanyang harapan.
“Heto, tulad ng gusto mong timpla” ang nakangiting sabi ng tatay ni Antonio sa kanya at marahan nitong itinulak ang mug na may laman na kape papalapit sa kanya.
“Salamat po” ang mahinang sagot niya at kanyang kinuha ang mug ng kape para itaas iyun palapit sa kanyang labi at kanyang dahan-dahan na hinigop ang mainit na makremang likido. At isang matipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya, nang matikman niya ang tamang timpla ng kanyang kape.
Maya-maya ay lumapit sa kanya si Antonio para magpaalam na sa kanya ta paulit-ulit na hinagkan ni Antonio ang kanyang pisngi at ibabaw ng ulo niya. Isang matipid na ngiti na lang ang isinagot niya sa kay Antonio at sinundan niya ito ng tingin habang pa paalis ng bahay.
Nagtagal na namayani ang katahimikan sa kanila ni tatay Jose, maya-maya ay lumabas mula sa kwarto nito si Arthur at mukhang papasok na ito. Fully recovered na rin ito mula sa pinsala na natamo nito. Kung pagmamasdan mo nga ito, ay tila ba hindi ito sumailalim sa matinding pinsala at sa bingit ng kamatayan.
Nagliwanag ang mukha nito nang makita siya at mabilis itong lumapit sa kanilang lamesa, saka ito naupo.
“Nikita, uh, ate Nikita” ang sambit pa nito na tila ba ayaw pa nito sabihin ang salita ng ate, “kamusta ka na? hiwalay na ba kayo ni kuya? Malapit na akong grumaduate” ang sabi nito sa kanya, at hindi niya napigilan ang matawa ng mahina sa sinabi ni Arthur. Hindi talaga niya alam kung totoo na may gusto ito sa kanya, pero ang sabi sa kanya ni Antonio na, minsan siyang minahal nito.
“Kalokohan mo talagang bata ka” ang saway naman ni tatay Jose sa anak nito.
“malay mo naman tatay, nagbabakasakali lang naman” ang sagot naman ni Arthur na sumulyap sa kanyang tatay na nakatingin din rito na tila ba nakikita nito ang anak.
“Hindi maghihiwalay iyang dalawa, at ikakasal na nga sila kaya mag tigil ka, papasok ka na ba? I kukuha na kita ng pagkain mo, saka yung baon mo para sa school” ang sagot ni tatay Jose at nagpaalam ito sandali para kumuha ng pagkain para kay Arthur. Pati ang iababon nito na pagkain ay ito ang naglagay sa baunan, at saka nito inilapag sa ibabaw ng lamesa.
At saka napagtanto ni Nikita ang dahilan kung bakit siya pumayag na dalhin siya rito ni Antonio, ay dahil sa dalawang lalaki na nasa kanyang harapan.
May pagka kapareho silang tatlo. They shared the same condition in life, pare-pareho silang binalda ng panahon. Pero, may pagkakaiba rin sila, dahil ang dalawang lalaki sa kanyang harapan, lalo na si tatay Jose ay hindi nalugmok sa lungkot, hindi nito hinayaan na kainin ng pagkapinsala ng mga paningin nito na maging imbalido ito at walang silbi. Oo, nadapa o nalugmok at literal na sinubok ang mga ito ng panahon, ngunit sa halip na magmukmuok, instead of licking their own wounds and whine, tumayo ang mga ito mula sa pagkakadapa at hindi hinayaan ang mga sarili na manatiling nakalugmok sa hirap at pighati.
And with that realisation, hindi na napigilan ni Nikita na bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. She was ashamed of herself, dahil hinayaan niya ang kanyang sarili na lamunin ng lungkot at kawalang pag-asa, samantalang narito ang mga taong ito na laging nasa kanyang tabi. Sina Ginger, Claudine, at Bessie na nasa kanyang tabi. At si Antonio na laging nasa kanyang tabi na hindi siya sinukuan.
“I’m sorry, I’m sorry” ang paulit-ulit niyang sambit sa mga ito.
******
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...