Hindi, hindi ito totoo! ang sigaw ng isipan ni Antonio, tinakasan na niya ito kagabi. Iniwan na niya ang babaeng ito sa shop nito. Minumulto ba siya a nito? Hindi niya ba ito nasagip kagabi at kinikonsensiya siya ng kaluluwa nito at na sundan siya nito? O sayang nakadikit na ang kamala San sa kanyang katawan? Ang tanong niya sa kanyang sarili.
“Anong ginagawa mo rito?” ang gulat at galit na tanong niya sa babaeng pilit niyang iniiwasan at pilit niyang kinalilimutan.
“Anak?” ang sa way sa kanya ng kanyang nanay ng iba ang tono ng pananalita niya,tila ba kasi hindi niya nagustuhan na makita niya ang ababe na nakatayo sa kanilang pintuan, at iyun naman talaga ang totoo, ayaw na niyang makita paang babaeng ito.
“Uh, gusto ko lang na mag pasalamat sa iyo para sa pag tulong mo sa akin kagabi” ang nakangiting sagot nito sa kanya pero batid niya na naiinis ito sa tono ng kanyang pananalita.
“Nakapag pasalamat kana sa akin kagabi at ngayon, okey, natanggap ko na kaya pwede kang umalis” ang mabilis niyang sagot.
“Antonio!” ang malakas na sa way ng kanyang nanay sa kanya at napasulyap siya sa kanyang nanay, at ganun na rin sa kanyang tatay na nakikinig pero halata na hindi rin nito nagustuhan ang kanyang sinabi, dahil sa nakakunot ang noo nito.
At nakita niya na yumuko ang ulo nito, tila ba nasaktan sa kanyang sinabi, o umaarte lang ito, ang pinagmumukhang kawawa ang sarili para makonsensiya siya.
“Gusto ko lang naman kasi na kamustahin ang lagay mo at alam kong nasugatan ang kamay mo, dadalhin sa nakita sa doctor para mabigyan ka ng tamang gamot para sa sugat mo” ang mahinang sagot nito ngunit naririnig nilang lahat.
“Okey lang ako, hindi mo na kailangan na mag-alala sa akin, bibili lang ako ng gamot para sa suagt at kirot, ayos na ako” ang giit niya.
Bwisit! Ang sigaw ng isipan niya. Bakit ba ang lakas ng lagabog ng dibdib niya? Ang tanong ng isipan niya sa kanyang sarili.
“Anak kailangan mo raw na magpa injection, at baka raw maputol ang kamay mo” ang mariin na sabi ng kanyang nanay sa kanya, at nabakas niya ang takot sa boses nito. Itinuon niya ang kanyang mga kulay asul-berde na mga mata sa babaeng akala mo ay inosente, pero tuso rin pala. Mukhang kung anu-ano na ang itinanim nito saisipan ng kanyang ina. Pero bakit? Bakit ganun nalang ito kapursigido na sundan siya? Na hanapin siya? Ganun ba kabusilak ang puso nito na kailangan pa talaga nitong hanapin ang lalaking tumulong dito? Ang mga tanong na gumugulo sa isipan niya.
“Nay, hindi po mapuputol ang kamayko”-
“Pwede” ang mariin na sabat nito at kumunot ang kanyang mga mata na tiningnan ito. Talagang gusto nitong pag-alalahanin ang kanyang mga magulang.
“Pwedeng maputol ang kamay mo kapag na impeksyon iyan Antonio” ang mariin na sabi pa nito at talagang diniinan nito ang pagbanggit sa salitang maputol.
Napakagat labi siya at magsasalita sana siya nang magsalita rina ng kanyang tatay.
“Oo nga Antonio, hindi ba? Ako noong nadisgrasya sa construction ay may itinurok din sila sa akin? Para sa impeksyon?” ang giit ng kanyang tatay sa kanya.
Napabuntong-hininga siya at napakamot sa kanyang noo, “tatay mababaw lang po ang sugat ko sa kamay” ang giit niya sa kanyang tatay na kumunot ang noo.
“It could still be dangerous” ang sabat ng babaeng ito sa kanya at kahit pa hindi magaling na mag ingles ang kanyang mga magulang ay naintindihan ng mga ito ang sinabi ng babaeng nangungulit sa kanya.
“At saka, bakit nagsinungaling ka sa amin? Ang sabi mo aksidente sa opisina ang nangyari, iyun pala ay sinagip mo itong si Nikita sa masasamang loob?” ang nagtatampo na tanong ng kanyang nanay sa kanya dahil sa pagsisinungaling niya.
“Bakit napano ka iha?” ang alala ng tanong ng kanyang tatay.
“Ay naku Nikita, maupo ka muna ineng, pasensiya ka na sa bahay namin at maliit lang” ang sabi ng kanyang nanay na nahihiya sa babaeng humakbang papasok sa loob at naupo sa kanilang kawayan na upuan.
“Naku, hindi niyo po kailangan na humingi ng pasensiya, ako po ang nanggambala sa bahay ninyo ng walang pasabi”-
“Buti alam mo” ang sabat niya.
“Anton” ang mariin na sa way ng kanyang tatay sa kanya na naupo sa isa pang kawayan na upuan na pag-isahan.
Naupo naman a ng kanyang nanay sa isa kabilang dulo ng mahabang upuan na kawayan at bahagyang nakapihit ang katawan nito para humarap kay Nikita, ang narinig niyang pangalan na sinabi ng kanyang nanay.
“Ano nga pala iha ang pangalan mo?” ang tanong ng kanyang tatay.
“Nikita po, kayo po ano pong pangalan ninyo? Mister?” ang magalang na tanong ng babaeng si Nikita sa kanyang tatay na bahagyang natawa.
“Jose, tatay Jose na lang, Nikita?” ang sagot ng kanyang tatay na mukhang nakuha na ng babaeng iyun ang loob ng kanyang mga magulang.
“Opo Nikita po, Nikita Valderama” ang pagpapakilala nito sa kanyang mga magulang.
“Ikinagagalak ko po kayong makilala” ang magiliw na sabi ng babaeng si Nikita at inilahad pa nito ang kamay sa kanyang tatay na hindi nito makita.
“Uh Nikita, hindi na siya nakakakita” ang paliwanag ng kanyang nanay. At nakita niya na bahagyang napabuka ang mga labi ni Nikita at dahan-dahan na ibinalik nito ang nakalahad na kamay sa ibabaw ng mga hita nito. At nagulat siya sa nakita niya sa mga mata ni Nikita, hindi niya nakakita an ng awa ang mga mata nito, hindi katulad ng naging reaksyon ni Claire nang dalhin niya ito sa bahay para ipakilala sa mga magulang niya.
Nakita niya ang pag-aalangan sa mga mata ng nobya, tila ba naiilang ito na may magkaharap na bulag at hindi nito gaano ng kinausap ang kanyang tatay. Ngunit kay Nikita? Tila ba nakita pa niya ang paghanga sa mga mata nito. Humahanga sa kabila ng kapinsanan ng kanyang tatay ay kumikilos ito ng normal na tila ba wala itong diperensiya at magiliw itong nakikiharap sa ibang tao at hindi nagmumukmok na lamang sa isang tabi at natawa sa sarili.
“Oh Nikita, ano bang naitulong sa iyo ng anak namin na si Antonio at talagang hinanap mo pa?” ang tanong ng kanyang tatay kay Nikita.
“Ay muntik na raw marape itong si Nikita, mabuti na lang at dumating itong si Antonio” ang sabat ng nanay niya at isang ngiti na lamang ang isinagot ni Nikita sa kanyang tatay. Na akala mo ba ay nakikita ng kanyang tatay ang ngiti nito sa mga labi.
Nagitla ang kanyang tatay at kumunot ang noo, “ganun ba?” ang alalang tanong nito sa kanya.
“Uhm, opo tatay, mabuti nalang po at dumating si Antonio, dahil ung hindi po dahil sa anak ninyo, baka, patay na po ako o namolestiya na” ang sagot ni Nikita sa kanyang tatay na kinakausap nito na walang pag-aasiwa at nakatingin sa mga mata ng kanyang tatay na tila ba ay nag papalitan sila ng mga paningin.
“eh ang suagt niya saan niya nakuha?” ang tanong ng nanay niya kay Nikita.
“May dala po kasing kutsilyo yung lalaki, dalawa po sila, ang galing nga po ng anak ninyo, natalo yung dalawang lalaki, siya lang mag-isa, kaso nga po, nasugatan yung palad niya ng kutsilyo ng salagin niya yung mga unday ng panaksak nung lalaki” ang pagkukwento ni Nikita sa kanyang mga magulang.
“Antonio, kung iyan ay tama ng kutsilyo, dapat lang na magpadoktor ka” ang giit ng kanyang ama sa kanya.
Napapikit ang mga mata ni Antonio ng mahigpit, ayaw na sana niyang mag-alala pa ng husto ang mga magulang niya sa kanya, pero, heto ngayon ang babaeng ito na si Nikita, at kung bakit ba talagang purisigido ito na makita siya? Ang tanong ng isipan niya.
“Hindi ka ba nilalagnat? It is a sign of infection”-
“Paanong mo ako natunton? Pa ano mo nalaman ang bahay ko?” ang tanong niya at pinutol niya ang sasabihin nito.
“Nagkataon na si nanay Lolita ang napagtanungan ko kaya isinabay ko na siya pabalik galing sa talipapa” ang paliwanag nito sa kanya pero nanatili na nakakunot ang kanyang noo at umiling siya.
“Paano mo nalaman itong lugar namin, na dito ako makikita sa area na ito” ang mariin na tanong niya, dahil sa imposible na nalaman nito ang kanilang lugar dahilan lamang sa pagtatanong.
“Ah, dahil dito” ang sagot ni Nikita sa kanya at itinaas ang envelope na naglalaman ng mga resume niya, dahil sa mga nangyari kagabi, nakalimutan niyang naiwan niya ang envelope na naglalaman ng kanyang resumes. At iwinawasiwas pa ng babaeng ito ang kanyang envelope na nalalaman ng mga itinatago niya sa magulang.
Nakita ni Nikita nanlaki ang mga mata ni Antonio ng itinaas niya ang envelope na naglalamn ng resumes nito. At hindi niya halos namalayan dahil sa ilang hakbang lamang ay nakatayo na ito sa kanyang harapan.
“Akin na yan” ang mabilis na sabi nito sabay hila sa envelope na kanyang hawak, pero, mas mabilis ang kanyang kilos at naiiwas niya ang kanyang kamay, kaya hindi nito nakuha ang envelope. At nakita niya ang pagtikom ng bibig nito na nagtitimpi ng galit sa kanya.
“Mayron siyang papel na hawak anak, may pangalan at address mo, ano ba iyun?” ang sagot ng kanyang nanay, karugtong ang tanong nito.
“Ay ito po? Ito po yung, umph” ang naputol na sagot niya, dahil sa mabilis na naupo si Antonio sa kanyang tabi at inakbayan siya nito habang ang kamay ng nakaakbay na braso nito sa kanya ay nakatakip sa kanyang bibig.
Tiningnan niya si Antonio ng masama at kinunutan niya ito ng noo at magkasalubong ang kanyang kilay na tinitingnan niya ng matalim ang mga mata nito.
“Uh nanay, wala po iyun ah, mga, ah, papel ko po iyun sa opisina naiwan ko kagabi sa shop nila ng makipagpambuno ako sa mga lalaking iyun” ang pagsisinungaling nito.
“Hatsnitru” ang tanging tunog na lumabas sa kanyang bibig, na ang gusto niyang sabihin ay that’s not true, ngunit dahil sa nakatakip ang kakain na palad ni Antonio sa kanyang bibig ay tanging impit na tunog na lamang ang lumabas sa mga labi niya. She furrowed her browsa nd squinted at him, at pinanlakihan lang siya ng mga mata ni Antonio, kaya kitang-kita niya ang mala kulay tubig ng dagat na mga mata nito.
Ah, so ayaw malaman ni Antonio na naghahanap siya ng trabaho, ang sabi ng isipan ni Nikita, hmm, mukhang may alas na siya sa mga sandali na iyun, kung sinuswerte nga naman, ang masayang sabi ng isip niya.
“Uh anak” ang tanging sambit ng nanay ni Antonio habang nakakunot din ang noo nito at nagtataka na tiningnan sila ni Antonio, na nakadikit na ang tagiliran niya dahil sa kinabig siya palapit ng braso nito habang nakatakip ang malaki nitong palad sa bibig niya.
“Ah wala po ito nanay, hindi ba Nikita?” ang mariin na sabi nito sa kanya.
“Uh-uh” ang tanging sagot niya kasabay ng pag-idling ng kanyang ulo na pilit na pinigilan ni Antonio na gumalaw ang ulo niya.
Pero hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa, idinikit ni Antonio ang mga lab nito sa kanyang tenga at bumulong na nagpatayo ng lahat ng balahibo niya sa katawan, at pati na rin yata ang buhok niya sa ulo.
“Maawa ka naman huwag mong sabihin” ang bulong nito sa kanya na nag dulot ng kiliti sa buo niyang kalamnan.
“Um-um” ang sambit niya at sumenyas siya ng isa sa daliri nito. At tumangu-tango naman si Antonio, at inalis nito ang kamay sa kanyang bibig.
“Hindi ako magsasalita sa isang kundisyon” ang bulong niya kay Antonio, at napasulyap silang dalawa sa nanay nito na pinagmamasdan silang dalawa na puno ng pagtatama ang mga mata at ang tatay naman ni Antonio ay kunot din ang noo at mukhang gusto malaman ang nangyayari sa pamamagitan ng pakikinig.
“Sige ano yun?” ang bulong na sagot ni Antonio sa kanya.
“Sumama ka sa akin na magpunta sa clinic para magpacheck-up” ang sagot niya na pabulong pa rin habang ang mga mata nila ay magkapako.
Tumangu-tango ito, “yun lang?” ang tanong nito sa kanya, at umiling siya bilang sagot.
Napabuntong-hininga ito at bumagsak pa ang mga balikat bago nagsalita, “ano pa?”ang tanong nito.
“Magkakape tayo at mag-uusap” ang sagot niya.
“Mag-uusap?”ang tanong ni Antonio at mabilis siyang tumango. Kumunot ang noo nito sa kanya at ngumiti.
“May gusto ka ba sa akin?” ang nakangiting tanong nito sa kanya.
Nanulis ang kanyang nguso at nagsalubong ang mga kilay niya, “yung papel po, hmph”- ang sambit niya sabay takip muli ni Antonio sa kanyang bibig.
“Binibiro ka lang” ang bulong nito, “Sige payag na ako, maliligo lang ako, willing ka ba na maghintay? Mabagal akong kumilos, baka, nagmamadali ka?” ang sagot pa sa kanya ni Antonio, pero nginitian lang niya ito ng matamis.
“I have all the time in he world, Alimbuyugin” ang pang-iinis na sagot niya rito kasunod ng malapad niyang ngiti sa mga labi na nagpatikom ng mga labi ni Antonio na alam niyang nagtitimpi ng galit nito.
Tumayo na si Antonio para magpunta sa isang kwarto na kurtina ang tabi ng nito. Paglabas nito ay may dala na itong tuwalya at pumasok sa isang maliit na cibicle na sa tingin niya ay ang banyo.
“Ineng mag kape muna tayo, pasensiya ka na at iyun lang ang maiaalok ko, gusto mo ba ng tinapay? Bibili ako sa labas”- ang alok ng nanay ni Antonio sa kanya.
“Naku hindi na po” ang mabilis na tanggi niya, gusto niya sana na tanggihan na rin ang kape na inalok nito pero, hindi niya iyun gagawin, lalo pa at iyun na lamang ang maiaalok nito sa kanya, ngunit naging generous pa rin ito sa kanya.
“Yung kape na lang po ang hindi ko tatanggihan” ang nakangiting niyang sabi sa mabait na nanay ni Antonio at saka siya tumayo para lumapit kay nanay Lolita at naupo siya sa may plastic na silya sa may tabi ng lamesa.
“Tatay, kayo po, kape rin?” ang magiliw niyang alok sa tatay ni Antonio na nakaupo sa kawayan na upuan.
“Ay, hindi na Nikita at katatapos lang namin na mag kape ni Antonio, ikaw na lang” ang magiliw na pagtanggi nito sa kanya, at isang ngiti naman ang isinagot niya rito.
“Malapit ka lang ba rito sa lugar namin nakatira? Ay pasensiya ka na ha, kung nagtatanong ako” ang sabi ng nanay ni Antonio sa kanya habang nagtitimpla ng kape.
“Okey lang po, uhm, medyo may kalayuan papo ang bahay ko rito, sa may bandang North Estrella po ako nakatira” ang nakangiting sagot niya kay nanay Lolita, at parang pumalakpak ang tenga niya nang marinig niya ang tunog ng binubuhos na tubig sa may banyo. At agad na pumasok ang isipan niya sa imahe ni Antonio na walang saplot at basang basa ang katawan.
Nilinaw niya ang kanyang lalamunan at umaasa na lumina din ang kanyang isipan.
“Gusto mo ba ng gatas sa kape mo?” ang tanong pa nito sa kanya, at sumagot siya ng opo at salamat. At saka nito inilapag ang mug sa ibabaw ng lamesa sa kanyang harapan.
“Salamat po” ang sagot niya, at saka niya dinampot ang mug at inilapit sa kanyang bibig, Sakto naman na lumabas si Antonio sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya at halos maibigay niya ang mainit na kape dahil bigla niya iyun hinigop pagkalabas ni Antonio at namalas ng kanyang mga mata ang magandang katawan nito.
Ibinalik niya ang mainit na kape sa loob ng mug, at kinagat niya ang kanyang dila para mawala ang pagkakapaso nito. Saka niya hinipan ang kape bago niya iyun muling hinigop at ang mga mata naman niya ay parang may sariling isip.
Natuon iyun sa may kwarto na pinasukan ni Antonio, at dahil sa kurtina lamang ang tabi ng nito at hindi pa umabot sa sahig ang kurtina kaya kita niya ang mga paa ni Antonio, at ang towel na nahulog sa paanan nito, at bigla siyang napalunok.
BINABASA MO ANG
Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed]
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Nikita Valderama wanted to prove that she doesn't need another man in her life to be successful in life. Not until she met her ultimate dream male model..Antonio Alimbuyugin. Completed A...